ENTRY#29
Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko. Hinatid ako ni mira kagabi kahit ayaw ko, ayaw ko din kasi makitulog sa kanila.
Mas gusto ko sana magpalipas ng oras sa kung saan pero ayaw niya ako iwanan dahil maya-maya parin akong umiiyak.
Naawa naman ako na napupuyat siya dahil sa akin kaya pumayag akong ihatid niya ako sa bahay dahil seryoso siyang sasamahan niya ako magdamag, if hindi rin naman ako sa bahay namin o sa kanila uuwi.
Bumangon ako at hinila ang bag ko na katabi ko lang simula ng dumating ako. Hindi ako nagbihis o naghilamos man lang.
Bumaba na ako. 8am in the morning, kahit umalis pa ako ngayon ay hindi na ako aabot sa klase.
"Angela your home?" si mommy ang una kong naabutan sa kusina at nag ready ng almusal.
"si daddy?" medyo paos ako kakaiyak kaya garalgal ang boses ko.
"what happened bunso? Bakit ganyan ang itsura mo?"
"nasaan po si daddy?"
Naghila ako ng isang upuan at doon nilagay ang bag ko. Lumakad ako papunta sa office ni dad. Sumunod sa akin si mommy at panay ang tanong ano ang nangyari pero wala akong imik.
Para akong zombie na diretso lang ang lakad at walang maramdaman. Tangin ang nasa isip ko lang ay kausapin si daddy. Alam ko sabog ang itsura ko, but who cares?
Hindi na ako kumatok, basta nalang akong pumasok sa loob.
Agad na naghila si daddy ng t-shirt niya pasuot sa katawan. Malakas na singhap ang narinig ko kay mommy sa likod ko.
Hindi na ako nagulat o baka wala lang talaga akong paki sa naabutan ko.
Nasa ibabaw ng lamesa si Ms. Rose at walang pang itaas si dad. Natulala sa akin ang babae, si daddy naman ay nataranta.
I feel numb. I don't care about their drama anymore. I've been doing this for so long, since I was a child. matanggal ko ng tanggap na hindi titino si dad pero si mom, never.
"Hayop ka!"
Mabilis na lumapit si mommy kay ms. rose at hinila ang buhok nito. Umawat agad si daddy kaya tatlo na silang naghihilahan.
I don't care. I can't even tell what I feel right now. Something inside me just snapped at their drama.
"dad I have a question"
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko habang naghihilahan sila.
"dad"
Tawag ko ulit sa kanya dahil umaawat parin si daddy.
"Anong condition mo kay miggy?" My voice broke, and I started crying again.
Doon sila tumigil tatlo. My mom automatically let go and came to me. She wipes my tears, but they continue to fall like a raging river.
Dali-daling nagbihis ang secretary ni daddy at lumabas, hahabol sana si mommy pero lumingon siya sa akin.
Hindi ako gumagalaw. Panay lang ang agos ng luha ko at hindi inaalis kay daddy ang paningin.
"What happened? Tita Michaella said you're helping them in what condition? Do you have a condition?"
Marahan kong hinawi si mommy at lumakad sa harap ni daddy. Inayos ko ang pantaas niya medyo gusot at hindi naibaba ng maayos.
"Just tell me," I told him in a calm voice.
"I did help them"
Parang walang nangyari. Parang wala akong naabutan. Ganoon parin si daddy. His voice still proud and with confident na parang nakikipag-usap siya sa client.
"ayukong pinag chismisan ang pamilya natin"
"ano naman ang ginawa ko!"
With my loud voice, he gasps. He had never heard me yell before. His expression suddenly turned hostile, as if he had been let down by me once more.
"kailan ka ba tatantanan ng chismis angela! Una sa school niyo! Live in na kayo sa kwento ng iba! Tapos Nakita ka ni mark na lumabas sa bahay ni miggy ng pagka aga-aga! Hindi ako pinanganak kahapon para hindi maintindihan anong nangyayari sa inyong dalawa!"
Hinila ako ni mommy ay niyakap mula sa likod dahil humagulhol ako. Sobrang naninikip ang puso ko, para akong namatayan.
"WHO THE FUCK IS MARK!?"
"angela bibig mo!" saway ni mommy.
"Pinapatunayan mo sa lahat ang chismis sa inyo noong senior high ka palang! Alam mo ba ang sinasabi nila!? Na malandi ka! Na malandi ang anak ko!"
"victor ano ba"
I don't know what to do! Gusto kong sumagot but I can't stand his look. That look whenever he's disappointed in me.
"Simple lang naman ang hihilingin ko sa iyo, wag kang gumawa ng gulo at ayukong pinag-uusapan ang pamilya ko. Nahahatak ang pangalan naming lahat. Isipin mo ang kuya mo! nagmamakahirap siya sa law school para gumawa ng pangalan. why can't you be more like your brother!"
Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili.
I can never compete. My father never looked at my effort. Since elementary honor student always may awards pero mas natatandaan niya kapag may mali akong nagagawa.
Never hinahanap sa bahay. Yup that's me.
Never nag matter ang opinion. Palaging may mal isa akin. Palaging may kulang. Palaging may hindi tama.
"I told miggy I will give them the money they need to settle their trouble basta lalayas siya at lalayo sa iyo. And look where he is!? Far away! Ang dali kausap dahil nakuha na ang gusto." he said like I'm stupid child that can't comprehend.
Walang emosyon ang mukha ko. Wala na rin ang mga luha ko.
It's like my brain turned off itself, if that's even possible.
"Rumor means trouble, and you are always in trouble! Sa malayo ka nga nag-aral pero grabi ang dinudulot mo dito."
"okay" I said plain and cold.
Hindi naman ako mananalo sa usap. Never naman ako napakinggan ano pa ang sense para lumaban kapag ganito ang magulang?
Lumabas nalang ako at kinuha ang bag ko. Naramdaman ko ang pagsunod ni mommy pero hindi ko siya nilingon.
"angela! Bunso!"
Naglalakad na ako palabas ng gate. I don't care kung malayo pa ang kailangan kong baybayin para makalabas ng subdivision.
"ipapahatid na kita sa driver"
Akala ko walang salita ang makakapagpahinto sa akin pero nagpantig ang tenga ko sa isang iyon
I slowly turned around.
"Your husband took home his mistress, and you just saw us fighting; you didn't even stand up for me."
I have an inner battle not to do this, but I'm hurt, I'm sad, I'm confused, I'm mad, and I'm really exhausted.
"And the only message you want to tell me, the reason why you followed me outside is because; ipapahatid mo nalang ako sa driver?"
Tinanggal niya ang mga hibla ng buhok na nakadikit sa pisngi ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Your father did you a favor! Nakita din kayo ng tita ange mo sa mall! alam mo ba pinag chismisan na kayo ng mga amiga ko! Hindi na kayo mga bata! May malisya na kayo tignan ng ibang tao! Bakit kayo magka holding hands!"
I step backward but her hold on to me is firm. I thought my fight with dad hurt me, but this is another level of disappointment.
"Nagmamakahirap ang kuya mo sa law school para maging proud ang dadd mo! Tapos ikaw lumalandi ka na daw sabi nila, pero pinagtatanggol kita kasi alam kong sasabihin mo sa akin kung may karelasyon ka na!"
Napapadyak ako sa inis.
"Mommy, nagmamakahirap din naman ako ah! Ang tagal-tagal ko nang pinaghihirapan maging proud si daddy pero hindi naman kahit kailan sapat iyon eh. Alam ko never magiging sapat iyon pero hindi naman ibig sabihin na nagpapabaya ako."
Niyakap niya ako at hinagod nag likod. I really don't like it kapag hinahagod nag likod ko. Hindi naman nakakakalma!
"Don't be selfish Angela."
I closed my eyes for a minute and when I opened it again it's clear on my mind what should I do, and what should I say.
"I am selfish? Ako?"
Umalis ako sa yakap niya. Iba daw ang yakap ng ina, baka sa nanay lang ng iba, iyong nanay ko kasi iba.
"Mas maigi na kung mawala muna si miggy dito atleast hindi kayo pag chismisan ng mga kaibigan namin ng daddy mo. Magkaibigan parin naman kay---"
"Hindi na kasi kami magkaibigan lang!"
Natigilan si mommy. Nalilito itong tumingin sa akin.
"Mommy... Mahal ko si miggy. Tama ang sinabi nila sayo. May relasyon kami pero hindi ko masabi kasi iba naghahanap ako ng pagkakataon. Gusto ni daddy na lumayo ako sa kanya.. paano ko sasabihin kay daddy na may relasyon kami?"
Sinamantala ko ang confusion ni mommy para humakbang ng tatlong beses palayo sa kanya.
Inabot niya ako pero humakbang ulit ako ng tatlo para mas makalayo.
Her confused look now changes into hurt.
"Wala kang karapan na sabihin selfish ako. Nanahimik ako kahit simula pagkabata ang akward para sa akin lumakad sa sarili kong bahay. Kahit pagkuha ng tubig sa kusina kinakabahan ako knowing na nandjan si daddy."
She's about to cry. I want to stop spilling my words because I know that in a way I'm hurting her, but what about me? Palagi ko nalang iniisip na baka masaktan sila, paano naman ako?
"Tahimik akong umiiyak kahit ilang beses mabaliwala ang effort ko. Kahit never niyong na celebrate ang tagumpay ko palaging kay kuya, hindi niyo nga maalala ang birthday ko na parang hindi niyo ako anak."
Palagi ko nalang iniisip na baka masaktan sila, paano naman ako?
"Ako ang selfish mom? Ilang beses kang niloko ni daddy at sino ang kakampi mo. Ilang beses kang binaliwala ng asawa mo kagaya ko pero sino ang kakampi mo? ako! Buti ka pa nga kakampi mo ako! Pero ako? Wala akong kakampi!"
Mabuti nalang hindi dikit-dikit ang bahay dito at Malaki ang lupa naming dahil baka mapagalitan na naman ako na may chismis na naman tungkol sa akin mula sa kung sinong pangalan na hindi ko naman kilala.
I don't know the friends they are talking about. I'm always in my room or in my tree house."Ano bang sinasabi mo angela! Hindi totoo iyan!" my mom shouted.
Nilingon kami ng isang guard kaya lumapit sa akin si mommy at binabaan ang boses.
"pumasok muna tayo sa loob bunso. Ano ba ang nangyayari sa iyo? Hindi ka naman dating ganyan ah"
Nanghihina akong umiling. Nagmamakawa ang mga mata niya sa akin.
"Kahit minsan ba tinannong mo ako kung ano ang gusto ko? hindi tungkol sa pagkain ! hindi tungkol sa bag! Natanong mo ba ako sa opinion ko? sa desisyon ko? may Karapatan ba ako sabihin ang mga iyon."
I chuckled out of nowhere. It's funny right? Feeling homeless on your own so-called home.
"Isang beses lang ako nag desisyon para sa sarili ko at iyon ang pinaka maganda kong nagawa. Ang mag dorm sa malayo, malayo sa bahay na ito."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top