ENTRY#28

After the first day, I was angry and upset that he had not even responded, but now I'm worried. Okay naman kami. May internet naman ang bahay nila at sa pagkakatanda ko ay lagi siyang may load pero hindi maka reply?

"May problema ka ba kay kuya Daniel, carmela?" tanong ni regine.

Nasa kusina kaming lahat ngayon, kakauwi lang galing sa school. Nagsasaing si kezia, habang kaming tatlo nasa dining table at hawak ang mga cellphone.

"oo nga bakit parang may galit ka" sabi ni kezia.

Dahil mga pagod kami ngayon ay delata muna ang ulam. Wala sa mood magluto si kezia at ayaw naman namin siya pilitin.

"Basta! Tsaka na pag sure na ako! Baka fake news. Sa akin nalang muna." sabi niya sabay irap.

"gagang ito! sana nagbigay ka nalang ng ibang dahilan. binigyan mo pa kami ng ideya na may chismis paano naming ngayon mababaliwala."

Kung hindi lang kami may reporting bukas ay gugustuhin ko umuwi. Pagka hapon nalang, makikitulog nalang ulit ako kay miggy tapos thursday na balik dito sa dorm.

"Bakit namumula ka?" Hinipo ni regine ang noo ko.

awtomaikong dumapo ang pareho kong palad sa pisngi, tinakpan ko ito. Bigla ko naalala anong nangyari last week ng mag overnight ako kay miggy. I didn't realize it reflect on my face.

Habang namimili sila ng delata ay pumasok muna ako sa kwarto. I dialled his number but it's still out of reach. Why is that?

Niyakap ko ang stuff toy na binigay ni miggy. Dinala ko siya dito sa dorm simula ng maging kami. Pina-dry clean ko pa ito para mabango at masarap yakapin.

May training sila carmela pagtapos ng reporting namin. Palagi parin sumisimangot pag nasasalubong namin si daniel. Masama ang tingin nito sa lalaki sabay tingin sa akin.

Ano kaya ang meron? paano sila mag training mamaya kung ganyan siya tumingin sa senior namin.

"carmela tawid mo nga ako"

Inaayos ko na ang bag ko. Si kezia ang mag uuwi ng dala kong laptop sa dorm.

"bakit? uuwi ka na naman?"

"oo, may nalimutan ako sa bahay"

Nag text ako na magkita kami sa sm, wala siyang reply hanggang makarating ako. Tumambay ako sa food court habang wala pa siyang reply pero dumilim na ay wala padin.

Parang gusto ko umiiyak doon. Kanina pa ako nililingon ng janitor doon at parang gusto na akong tanuning bakit halos limang oras na akong nakaupo dito.

Hindi ko maintindihan bakit hindi ako sinasagot ni miggy. Hindi naman siya ganoon kahit magka away kami. Tinatadtad ko na siya ng message pero kahit isa ay walang sagot.

I blinked fast hindi ko mapigilan ang pagbasa ng mata ko. I think the passing people can see in my face how upset I am. They side-eyed me. I could actually hear one senior high school student saying to her friend that I looked like I was crying, but I couldn't help it.

Dapat naghintay ako na mag confirm siya but I'm worried. mukha akong ewan dito, hindi sigurado kung may hinihintay ba.

I decided na pumunta nalang sa bahay niya. A lot of bad ideas come to mind kung bakit hindi siya maka-reply.

baka nawala ang phone niya. but he still has a laptop to tell me and assure me.

Paano kung may nangyaring masama sa kanya?

What if? nabasa naman niya ang text ko kanina pero na lowbat at kaya hindi pa siya nakakarating dahil on the way here nabundol siya ng sasakyan ang he's in the hospital right now. No one is going to tell me that.

Tahimik ang bahay ni miggy. Tanaw ko na nasa garahe ang kotse niya pero walang ilaw ang loob ng bahay.

I try to call him five more times. No answer.

Umupo ako sa gutter sa tapat ng bahay niya. I check the time and it's 8pm. if he's outside with friends he will be home late. I'll just wait here.

Mixed emotion na ako ngayon. I dabbed away the lone tear from my cheek. How could he ignore me? I'm both furious and concerned at the same time. I am at a loss as to why he would do this. We were definitely good when I left!

I keep checking the time, and five minutes feel like an hour. Ilang sasakyan na ang dumaan, nakakarami narin ang lamok sa pagkagat ng braso ko. panay ang lingon ko kung may miggy bang darating pero wala.

1 hour has passed, then 2 hours, and so on.

Ngalay na ako at gutom pero ayaw ko umalis dito. Nag-angat ako ng tingan ng may sasakyan pumarada sa harap ng bahay. Nabuhayan ako ng pag-asa habang hinihintay kung sino ang bababa.

"Angela?"

Nanlambot ako ng makita si mira. Lumapit ito sa akin at lumebel sa pagkaka-upo ko.

"bakit ka nandito?" tanong ko.

"Ibabalik ko lang 'tong notes and triangles ni miggy, kanina pa ako nag text sa kanya pero walang reply e, kaya nagkusa na akong pumunta. Normally naman late siya natutulog kaya alam ko gising pa dapat siya... " nilingon niya ang bahay "pero mukhang walang tao"

Hindi ako makahinga habang tinitignan ang walang ilaw na bahay. Para akong nalulunod sa sarili kong hininga, kasing lungkot ng dilim ng gabi ang nararamdaman ko ngayon.

Nasan ka?

umupo si mira sa tabi ko. "nag-away ba kayo? Hindi kasi siya pumasok simula pa noong monday"

Nanghihina akong umiling. Niyakap ko ang aking tuhod at doon yumuko. Unti-unti bumigay ang kanina ko pang pinipigilang luha. Yumugyog ang balikat ko nagsisimula palang akong umiyak.

Pilit kong sinasabi sa sarili ko na wag akong mag panic, na maliit na bagay lang ito at hindi dapat iyakan pero kumikirot ang puso ko at sobrang bigat pala sa pakiramdam.

Iniisip ko noon, ang babaw ni carmela kapag hindi siya nire-replayan ng boyfriend niya at nagagalit agad siya. Pero ngayon na nasa sitwasyon ako, nakakainis pala at sa sobrang inis ay wala nalang akong magawa kundi ang umiyak.

Ang hirap pala na naghihintay sa reply ng taong mahal mo pakiramdam mo nalimutan ka ng buong mundo kapag hindi siya nagparamdam sa iyo.

Hindi ko ma-gets, bakit? nasaan siya? anong nangyayari?

"Angela! hey! what's happening to you?"

hinahagod niya ang likod ko pero imbis na gumaan ang paghinga ay lalo akong umiyak. Pakiramdam ko namamanhid ang buo kong katawan dahil sa hirap na paghinga.

miggy anong nangyayari?

"ma'am excuse me po, pero may tumawag pong home owner. bawal po kayo magtambay dito"

Inahon ko ang ulo ko, wala akong pakialam sa mga buhok na dumikit sa pisngi at noo ko dahil sa pag-iyak. Nakita kong nabahala si kuyang guard sa ayos ko pero inulit niya ang sinabi niya at pinapaalis na ako sa tapat ng bahay ni miggy.

Muli kong sinulyapan ang bahay. Kung hindi lang ako galing dito last week ay iisipin kong matagal ng walang tao doon. Ganoon ang nararamdaman ko habang tinititigan ito.

"It's late angela, bumalik nalang tayo bukas baka nandjan na si miggy"

Hinila ako ni mira pero hindi ako tumayo. Ayukong umalis, dito lang ako. Tinignan ko si kuyang guard ng may pagmamakaawa. Tangin tunog lang ng pag-iyak ang kaya ko at hindi ako maka buo ng salita.

"Ma'am kailangan niyo na pong umalis." ulit ni kuyang guard.

"opo kuya, aalis na kami." Kahit naguguluhan si mira sa nangyayari sa akin ay pinapakita niyang kalmada siya. "Angel, c'mon."

"Aalis na din kami kuya promise!" sabi ulit ni mira kay kuyang guard.

pero hindi umalis si kuyang guard nakatayo lang siya doon. He's making sure na aalis na kami dito.

"halika ka na" hinila ulit ako ni mira pero tinabig ko ang kamay niya.

Umiling ako "dito langt ako" sabi ko sa bawat paghikbi. Ayaw ko, paano kung umuwi siya? Dito muna ako hindi pa naman tapos ang gabi.

Hindi ko talaga maintindihan. Kung hindi rin alam ni mira kung nasaan siya, sino ang nakakaalam? saan ko siya hahanapin?

Baka napagtripan siya o kaya sumali sa gang, baka na hazing! kailangan ko na ba mag report ng missing person?

" Let's get in the car, please."

Naiinip na ata si kuyang guard. Naka pamewang na ito at may disgusto sa mukha.

Dinampot ni mira ang bag ko at hinila akong muli, this time nagpahila na ako. Sumakay kami sa kotse niya at umalis sa subdivision nila miggy.

Dahil gabi na ay konti nalang ang mga dumadaan na sasakyan. Pumarada si mira sa 7/11, pumasok siya sa loob , may dala siyang tubig pag labas niya at inabot agad sa akin.

"what's happening angela?" bumuntong hininga si mira.

"I don't know! okay naman kami last week pero hindi na siya nagre-reply sa akin tapos ang huling text niya sorry lang! Anong gagawin ko sa sorry? Hindi ko nga alam bakit siya nagso-sorry!" I rap.

An idea comes to my mind. If I can't contact him maybe tita michaella. Even if nasa ibang bansa siya ay alam niya lagi ang nangyayari sa anak. May constance communication sila ni miggy.

After the 3rd ring, she answered. I cleared my throat. Medyo nanginginig pa ako.

"hi tita"

Uminom ako ng tubig dahil tuyonh-tuyo ang lalamunan ko. Hindi ko tuloy mapigilang pumiyok sana hindi napansin ni tita.

[angela! hi honey, napatawag ka? mahal ang international calls hija] sinundan niya ng pagtawa.

"I'm just gonna ask tita, do you know where miggy is? may usapan kasi kami"

Rinig ko ang pagsinghap niya. Natahimik bigla ang kabilang linya. Tinatambol sa kaba ang puso ko dahil parang may mali kay tita.

[really? magkikita ba kayo dapat? are you sure?]

"yes tita"

[Hindi ba niya nasabi sa iyo na pupunta siya dito sa U.S?]

Nanlamig ang balikat ko.

"p-po?"

[yeah.. he is actually on his way at this moment ang alam ko by this time nasa plane na siya] halata na naguguluhan din siya sa usapan.

"po?" halos bulong ko, ubos na ang aking enerhiya kakaisip palang bakit hindi siya nagre-reply.

[h-hindi mo ba alam honey?]

Hindi ako nakapagsalita. tila tumakas ang aking tinig sa gulat. Nararamdaman ko ang masaganang pag-agos ng aking luha. But I didn't make a sound, tita is worried right now Ayuko dagdagan.

"pwede niyo po bang sabihin sa kanya na i-message ako?"

[are you okay? nag-away ba kayo ni miggy? Bakit hindi mo alam na aalis siya sa pilipinas?]

"pagbalik nalang po niya kami mag-uusap"

[honey] may pag-aalinlangan sa boses niya.

Sumandal ako sa upuan. I know mira is watching me while I'm crying silently.

[Miggy will stay here in the meantime because your dad will lend us the money to settle the case and your Tito Victor needs Miggy here for some help. Nag-away ba kayo? Bakit hindi kayo nag-usap bago siya umalis?]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top