ENTRY#27
I was alone in the bed when I woke up. Hindi agad ako bumangon dahil ang sakit ng balakang ko.
I check my phone for any message, it's mostly from our group chat or pm ni Carmela about memes. Wala naman naghahanap sa akin sa bahay.
Kumaha ako ng t-shirt at shorts ni miggy. Wala na ang mga hinubaran namin sa sahig.
Bumababa na ako after kong mag bihis, hindi naman ako nanlalagkit dahil pinunasan ako ni miggy bago matulog.
"Yes, dad, I know it's a generous offer. I'm just thinking about the conditions."
Naabutan ko si miggy na nagluluto ng almusal habang may kausap sa phone. Ang isang kamay nito ay nagbabaliktad ng hotdog habang ang isa naman ay naka hawak sa phone na nasa tenga.
"Dad, please give me some time to think. It's not just your company at steak now but also my life. I'm limited in my decision about whether to accept the offer. I know it's not that bad--- dad."
Nakatalikod siya sa akin. Kung ano man ang pinag-uusapan nila ng daddy niya alam kong hindi maganda. Hindi niya kasi matigilan sa pagbaliktad ang hotdog parang hindi na nga naluluto. May gigil din ang pagbaliktad niya.
"tito Victor knows exactly what he was doing."
My dad?
"I'll think about it"
Inayos na niya ang pagprito after ng tawag.
"my dad offer you what?"
Muntik na tumalsik ang isang hotdog dahil sa gulat niya.
"kailan ka pa nandjan?"
"just a few minutes ago"
Lumapit siya at hinalikan ang noo ko. I find that gesture really sweet. Pinatay niya ang stove at hinain ang prinito together with fried rice. May egg din sa table. Siya rin ang nagtimpla ng hot choco for me and coffee naman for him.
"Let's eat angel."
"you didn't answer me. My dad offers some help?"
Ngumiti lang ito habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.
"yes he did but I'm still thinking about it"
That's great! He didn't have to get Mira's dad for help my dad is willing now.
"Why not? Accept it."
"don't think too much. I'll think about it"
I hope he accepts the offer, whatever my dad told him. In that case hindi na niya kailangan pa lumapit kay mira. There is no reason for them to see each other as often as they do, unless it's for school.
I'm glad my dad changed his mind about helping Tito Oliver. He's in a tough situation now.
"Hindi mo na ako kailangan ihatid pauwi"
Naka suot na ulit ako ng uniform, nilabhan pala ni miggy ang damit ko.
"Ihahatid nalang kita sa sakayan"
Hindi ko man gusto pero nagulat ako na he doesn't insist like always, a little bit disappointed but it's just right. Hindi ko pa tansya ang mood sa bahay.
"I love you angel" he kissed me goodbye.
"I love you" I answered.
Kumakabog ng malakas ang dibdib ko pagdating sa bahay, para akong may ginawang masama na ayaw mahuli. Well.. meron akong ginawa.
"Bunso! Welcome home!"
Sumalubong agad sa akin si mommy. Humalik siya sa pisngi ko.
"bakit ganoon parang naamoy ko si miggy sa'yo?"
Lumala ang kaba ko pero hindi ako nagpahalata. I used his body washed!
"Anyway, vacation is coming up. I was thinking we could go aboard."
"Ayuko po"
"okay sa malapit nalang tayo. Girl's time or isama mo mga friends mo"
"si daddy?"
Tahimik kasi ang buong bahay. Normally, my mom would be with dad every time of the day.
"mahilig ba sa beach ang mga kaibigan mo? it's actually nice, may girl friends ka na ngayon."
"magbibihis na po ako."
Sabay kaming naglalakad ni mommy papunta sa kwarto ko. It's weird that she's not mentioning daddy.
"bunso, it's Saturday right?"
"yes po"
Nasa tapat na kami ng kwarto ko. Hinarap ko si mommy, tinignan ako nito simula ulo hanggang paa.
"why are you wearing your uniform?"
Napahawak ako sa doorknob ng mahigpit. Piniliit kong hindi mag bago ng expression kahit pa deep inside sobrang kinakabahan ako.
"ahmm.. hindi po a-ako nakapag laundry"
"iyan na nga ba ang sinasabi ko e! you can't take care of yourself!"
"pasok na po ako"
"Angel—"
Mabilis kong sinirado ang pinto. Marami pa siyang sinasabi at isinisigaw sa kabilang bahagi. Matapos ang ilang minuto ay tumahimik na si mommy. Nakahinga ako ng maluwag.
Naligo ako at pagkatapos ay nagbukas ng laptop. I chatted miggy na nasa bahay na ako. Hindi siya nag seen, naghintay pa ako ng sandali pero walang reply. baka busy.
Gusto kong kausapin si daddy tungkol sa offer niya kay miggy. Ayaw kasi sabihin ni miggy basta ayon sa narinig ko may kundisyon. Gusto ko din magpasalamat na sa wakas ay tumutulong na siya.
Hindi ko pa masabi ang relasyon namin sa ngayon dahil sa opinyon nila sa pamilya ni miggy at isa pang dahilan ay hindi pa komportable sa ideyang iyon si miggy. Ayuko din naman dagdagan ang kailangan niya isipin ngayon kaya ayos lang, hindi naman ako nagmamadali.
binigay ko sa kasambahay ang blouse ko para malabhan, wala akong ibang susuotin sa monday dahil nasa dorm lahat ng pantaas ko pero marami akong slacks na itim dito kaya okay lang ang pambaba.
My weekeend is normal. Doing assignments and reviewing notes. Napabuntong hininga nalang ako. Tama si carmela, ang boring ng buhay ko.
Tahimik ang phone ko buong araw. Walang chat from my friends or from miggy. Nahihiya naman akong mag chat ng mag chat dahil baka busy lang talaga sila at ayuko mangulit dahil bored ako.
Hindi na ako kontento na aral lang ang ginagawa sa libreng oras. one time, nanuod kami ni carmela ng movie. May isang hard drive siya na dedicated sa mga favorite niyang palabas.
Hindi ko alam saan siya nanunuod ng mga drama online, dapat pala hiniram ko ang hard drive niya para may makalkal ako.
Wala naman kasi akong subscription sa kahit ano, dapat ba magsimula na ako?
Tinapos ko nalang ang mga dapat ipasa next week bago nagkalkal sa youtube ng mga pwedeng panuorin.
what's your hobby?
Carmela's question has remained with me. mukha naman masaya ang may ka-adikan. Hindi tulad dati, hindi na ako masyadong kinakabahan sa studies dahil hindi ko na mag-isang inaalam lahat. May kasama na ako mag-aral.
kaya naman nagsimula akong mag scroll ng mga music video sa youtube , gusto ko malaman ano ang uso ngayon.
May napanuod akong isang korean na kanta at nagustuhan ko hindi lang ang melody kundi pati ang dances kaya nag search pa ako ng ibang kanta ng boy group na iyon.
Naaliw ako pero hindi ko masyado matandaan ang mga mukha nila, para sa paningin ko ay magkakamukha lang pero noong nag search ako sa google at nalaman ang mga pangalan ay medyo natatandaan ko na.
Ayuko na mag music gusto ko manuod ng drama. dahil nag search ako sa google ay nalaman kong may mga drama pala ang ibang memeber sa group na iyon. Doon ako nag start mag search ng per episode.
Kumuha ako ng snacks sa ibaba. Sa bed table ko nilagay ang laptop para nakasandal ako sa headboard habang nanunuod.
I check if nag reply na ba si miggy pero hindi parin nag seen. I chatted him na manunuod ako ng k-drama baka gusto niya ako samahan. Sa tree house nalang kami pero walang reply.
nahihirapan ako sundan ang subtitle pero pagdating ng episode 5 ay nakayanan ko na ng walang pause. Naaliw ako sobra!
Buong weekend nanuod lang ako at after ng isang series gusto ko agad may simulan.
"you like exo?"
Nginitian ko si carmela. The usual, kaming dalawa na naman ang nauna sa dorm.
Nasa byahe na ako kanina ng mag inform ang prof namin na hindi siya makakapag klase. Mabuti nalang nag dorm kami kundi maiinis talaga ako.
Hindi ako nahatid ni miggy dahil hindi parin siya nagre-reply sa akin. Sinubukan ko na nga tawagan pero wala sumasagot.
Ang weird pero baka busy talaga. Ayos lang.
"you know them?"
"yeah. sikat sila"
Nag search na ako ulit ng mga drama na idadagdag sa to watch list. Dahil tapos na ang exam week ay medyo magaan na ulit ang sched namin.
"Kumain ka na ng almusal?"
tumango ako. Nakatingin parin sa akin si carmela. Sinirado ko ang laptop at tumayo.
"tara, kain tayo."
Sumilay agad ang ngiti sa labi niya. Hindi kasi makakain mag-isa ang babaeng ito. Naiilang daw siya sa tingin ng tao kapag nasa public place siya at mag-isa. Para daw kasing awang-awa ang mga ito na mag-isa siyang kumakain.
Sa bahay din kasi nila ay sabay-sabay sila kumakain isang pamilya, kahit daw si ate minda na kasambahay ay kasabay din. Hindi daw masaya kumain mag-isa.
"Marunong na ako magluto ng pancit canton" proud niyang sabi.
"ayuko noon. Mag 7/11 nalang tayo."
Palaging kami ang mag kasama. Si regine wala daw talaga balak pumasok sa 1st period mabuti nalang nawalan ng klase. Si kezia late daw nagising kaya papunta palang ngayon ng taguig.
May sariling desisyon ang dalawang iyon kaya madalas kami ni carmela magkasama dahil pareho kaming nagpaa-anod lang. Okay lang naman daw kasi kay carmela kung saan komportable si kezia.
Kumuha ako ng giniling meal at sandwich. Hindi ako nakakaramdam ng gutom pero pag si carmela ang kasama nakaka enjoy talaga kumain. rice meal din ang kinuha niya at walang kasawaang rootbeer. Hindi ko gusto ang lasa noon pero favorite iyon ni carmela.
Nakapila na kami sa cashier ng may kumalabit sa akin.
"hi girls!"
Nilingon ko si carmela dahil baka asarin na naman niya ako pero hindi ganoon ang tingin niya sa halip nakasimangot siya.
"Alam mo kuya ang lakas ng radar mo"
"bakit iyan ang kakainin niyo? wala pa si kezia sa dorm?"
Kinuha ni daniel ang hawak namin at siya na ang nag bayad. Wala naman angal si carmela pero natakot ako bigla dahil nakasimangot talaga siya.
Pinainit namin iyong kanin with giniling. Okay naman ang lasa, pantawid gutom sabi nga ni carmela.
"Dito niyo kakainin?"
Magkatabi kami ni carmela sa harap ko naman umupo si daniel.
Nilabas ni carmela ang wallet niya at humugot ng dalawang one hundred bill.
"ito kuya daniel, bayad sa pagkain namin."
"no need."
"kunin mo na, hindi tama na lagi kami nagpapalibre hindi pa naman petsa de piligro"
Tinignan ako ni daniel na parang nanghihingi siya ng tulong awatin si carmela. Pero tama ang kaibigan ko, lagi nalang kaming nililibre nakakahiya na.
"bayaran ko nalang iyon akin mamaya" sabi ko kay carmela.
Nilapag niya sa harap ni daniel ang pera at nagsimula ng kumain.
"bakit ang taray mo today?" sabi ni daniel.
Bahagya lang ngumiti si carmela at pinagpatuloy ang pagkain. Bubuksan ko na sana ang pagkain ko pero kinuha ni daniel, nang hihilahin na niya ang plastic na cover kinuha naman ni carmela at siya na ang nagbukas.
"okay ka lang?" bulong ko.
Ngumiti siya ng malaki at sinubuan ako. "kain ng kain" aniya.
Nakita kong naiilang na si daniel sa inaasal ni carmela. Natahimik ito at pinagmamasdan nalang kami sa pagkain.
inalok ko siya pero ngumiti lang at sumulyap kay carmela.
Bumalik na kami sa dorm after kumain. Dinampot ko agad ang phone ko na nasa higaan. Iniwan ko kanina dahil lowbat, may malapit na outlet sa higaan ni carmela at doon ko nalang na charge.
-
from miggy:
I'm sorry Angel.
-
Nagtipa agad ako ng reply.
To miggy:
bakit? anong nangyari?
Five minutes ago ang text niya. I try calling him pero cannot be reached. Napakamot ako sa ulo. Bakit siya nagso-sorry?
Ang random naman ng sorry, dahil ba hindi siya nagreply agad sa mga chats ko? nag-update lang naman ako like normal.
Kumain lang ako saglit. Ano kayang nangyari?
"Angela tara na, ayos na ba bag mo?"
Naka bag na si carmela. Kailangan na namin pumasok para sa second subject. I try calling him again , one last try bago pumasok sa school pero wala parin sumasagot.
Ewan ko ba biglang nabalot ng kaba ang puso ko sa sorry niya. Sana pala hindi nalang ako kumain kung ganto mababasa ko pagtapos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top