ENTRY#23
Nag-away NA NAMAN daw si carmela at ang boyfriend niya. Hindi pa kami nakakaraos sa 1st year hindi ko na mabilang ilang beses sila nag-away.
"Ikaw naman? Bakit ang aga mo sa dorm?"
Naka-upo na ako sa higaan ko. si kezia nasa higaan ni carmela at nagtutupi ng damit. Si carmela nasa lamesa ko at kumakain ng ice cream.
"Ayuko lang ma-traffic"
"Text niyo nga si regine. Babaeng iyon ayaw pa aminin na may jowa kaya laging wala sa dorm. Hindi iyon umuwi ng cavite, may pupuntahan daw kasi siya."
"Bakit si carmela may jowa naman bakit lagi nasa dorm"
Huminto si kezia sa pagtutupi.
"E kasi nga" tinitigan ako ni carmela "iyong utak mo talaga angela sa maling paraan nagana."
Umiling si kezia at natawa.
"Pasalamat ka mahal kita" umakto siyang ipupukpok niya ang kutsarang hawak pero binalik din agad sa ice cream.
Napangiti ako buti nalang maaga din sila umuwi ng dorm.
"Mahal mo ako?" Asar ko.
"Hindi! Nagbago na isip ko"
Sa kusina na kami tumambay dahil nagluluto si kezia ng dinner. Hindi sila maubusan ng kwento, parang ang tagal na panahon kaming hindi nagkita sa dami ng pinag-usapan.
Bandang 10pm dumating si regine. Tama nga si kezia hindi siya umuwi ng cavite. Ang pinakagusto ko talaga ay ang kwentuhan namin apat kapag matutulog na. Nakahiga na sa kanya-kanyang kama pero tuloy parin ang chika.
-
Miggy:
Good morning! good luck with your week babe! ingat ka palagi! kayang-kaya mo ang exams! :*
-
Text ni miggy ang bumungad sa umaga ko. It's examination week. Normal nagpa-panic na ako sa ganitong araw pero mas mas masarap pala mag-aral ng may kasama. Nawawala ang negative energy ko lalo kapag hindi ko naiintindihan ang topic.
Kung dati naiiyak ako dahil walang matanungan kapag may hindi alam ngayon kasabay ng pagre-review ay may tawanan, snacks at kwentuhan. Mas masaya ang group study lalo kung tamang buddies.
"Angela mauna ka maligo."
Nagte-text pa ako kay miggy ng magsalita si kezia. Ako lagi nilang pinapauna maligo.
"ikaw muna carmela"
"ikaw na matagal ka maligo. tsaka gusto ko pagkabihis ko alis na agad" sabi ni carmela.
Kumuha na ako ng towel sa likod bahay dahil pare-pareho sila ng komento sa akin. Tinatanggal ko sa hanger ang tuwal ng may makita ako sa gilid na pagkilos.
Noong una hindi ko pinansin pero parang lumapit ang tao sa akin. May fence naman sa likod kaya kampante akong walang mangyayari pero ng nilingon ko siya.
"kezia!!!!"
Nagsisisigaw ako papasok ng bahay. Gusto kong masuka o hugasan ang mata ko. Hindi ko alam ano ang uunahin.
"oy bakit!"
Naiiyak ako. May lalaki sa likod at dahil sa tirik na sikat ng araw ay kitang-kita ko ang ginagawa niya. Nagtaas baba ang kamay niya doon sa bahagi ng katawan niya na hindi naman dapat ilabas sa labas ng pantalon! lalo nasa labas ng bahay!
"may tao sa likod"
"may tao talaga sa likod may katabi tayong bahay"
Umiyak na talaga ako. Hindi ko inasahan ang nasaksihan. Nagre-rewind sa utak ko ang nakita ko.
Lumabas si kezia pero wala naman daw siyang nakita sa likod bahay. Binigyan ako ni carmela ng water para pakalmahin ako dahil nanginginig din ako.
"ano ba nakita mo"
Hindi ko masabi. Hindi ko alam paano sasabihin.
"hoy angela. Kumalma ka" nag-aalala nadin pati si regine. Nanginginig talaga ako.
"ano nga?" sabi ni kezia.
Nakapalibot sila sa akin ngayon sa sala. Hindi ko magawang lumingon sa bintana namin dahil baka may makita na naman ako.
"Anong nakita mo?" sabi ni carmela sa mas malambing na paraan.
Uminom ako ng tubig.
"t*t*" sa wakas nasabi ko.
Walang nagsalita sa kanilang tatlo. We are all stunned.
"May lalaking nag-aano sa likod." dugtong ko.
Nagpalitan silang tatlo ng tingin.
"hoy... magsalita naman kayo"
"gag*ong iyon ah" si kezia ang unang nagsalita.
Nagreport kami sa barangay ng nangyari. Ang sabi ng tao sa barangay marami na daw nagreport ng ganoon pero hindi daw nila maturo dahil mas nauna pang tumakbo kesa makilala kung sino ang gumagawa.
Kahit daw iyong dating nag dorm sa bahay namin nagre-report.
"gusto mo lumipat tayo ng dorm?" sabi ni carmela habang umiinom ng strawberry-banana shake.
Kakatapos lang ng 1st period namin at di ko sure kung may nasagot ba akong maayos sa exam. Lumilitaw sa isip ko ang na experience ko.
mamaya pang 10am ang next exam namin kaya nakatambay kami sa gazebo.
"Hi guys!"
Pinilit kong ngitian si daniel pero wala akong energy.
"anong nangyari bakit para kayong nalugi? mahirap ba ang exam?"
Si erick ang nagkwento kay daniel ng nangyari. Seryoso ang mukha nito hanggang sa matapos ang kwento ni erick. Mukha na siyang mangangagat.
"nag report na ba kayo?"
"tapos na kuya" sabi ni regine. "Naghahanap kami ng panibagong dorm, may alam ka ba?"
"bakit ayaw niyo dito sa loob mag dorm?" sa akin nakatingin si daniel.
"Noong una talaga ayaw namin pero ngayon we are considering. the problem is hindi na pwede dahil puno na." sabi ni carmela.
"May bahay akong alam mas mahal nga lang pero safe kayo doon kasi sa loob ng subdivision. Medyo malayo nga, sasakay pa ng jeep unlike sa dorm niyo ngayon na walking distance sa school" Hindi niya inaalis ang mata niya sa akin.
"pwede naman namin hintayin na magkabakante dito sa loob pero dapat apat kami. package kami." sabi ni kezia.
"gusto mo bang tignan angela? sasamahan ko kayo. medyo pricy iyong bahay pero sure ako na safe and malapit sa amin ni erick mababantayan namin kayo"
Kumamot ng matindi sa ulo si erick akala mo may kuto.
Dahil hindi inaalis ni daniel ang tingin sa akin, nakatingin na tuloy silang lahat sa akin. May halong malisya ang tingin sa akin ng tatlo, bigla akong nailang.
Lumapit ng pwesto si daniel. kanina nasa tabi siya ni regine ngayon nasa likod na siya ng inuupuan ko.
"kumain ka na ba?"
"Hindi naman ako gutom"
Sumilip ako sa phone ko just incase may reply na si miggy. Siya talaga ang hinihintay ko na magpakalma sa akin.
Dumating ang examination time namin. After nito ay bukas na ulit kaya kahit pano ay makaka review pa kami. Maliban kay carmela dahil may training siya sa sayaw. Ayaw daw sila pagpahingahin dahil may nalalapit silang laban.
Nauna akong matapos kaya lumabas na ako at tumambay sa may hagdan. Inaayos ko pa ang strap ng bag ko ng may kumalabit sa akin.
"angela!"
"wala ka bang exam?"
Malawak ang pagkakangiti sa akin ni daniel. Malaki ang bag niyang dala kahit exam week. Siguro dahil may training nga sila.
"Samahan mo ako mag lunch"
"ahh.."
Tinulungan niya ako ayusin ang strap ng bago ko sa balikat. Natigilan ako. Para siyang si miggy kumilos.
"hinihintay ko kasi sila"
"ay ganoon?" sumimangot siya. "wala kasi akong kasabay e. Madami naman sila mamaya pwede bang sabayan mo na ako?"
Nakonsensya naman ako. Nagpapacute ata ang mata o natural nang cute? yumuko siya at talagang nalulungkot. Sumulyap ulit ako sa room namin.
Naawa naman ako kay daniel.
"sige tara"
"Libre ko"
Hindi naman iyon ang intensyo ko na magpalibre pero pinilit niya na umupo nalang ako at i-save siya ng upuan habang bumibili ng pagkain.
Marami ng tao sa canteen. Nagtext nalang ako sa group chat namin habang hinihintay si daniel.
'bilisan niyo madami ng tao sa canteen baka wala na kayo maupuan'
'ha? nasa canteen ka?' - kezia
'oo, inaya na ako mag lunch ni daniel. kawawa naman walang kasabay'
'okay sige enjoy' carmela
'tapos na ba kayo lahat? bilisan niyo dito baka mawalan kayo ng uupuan'
'hindi naman kami djan kakain'- carmela
'ha?'
'wala na subject mamaya sa dorm na kami kakain. galingan mo diyan ayieeee' - carmela
oo nga pala!
"Manunuod ka ba ng practice namin mamaya?"
Adobo ang ulam ni daniel ang akin naman ay chicken curry. Sa kanan ko siya umupo nasa kaliwa ko naman ang bag niya kaya wala akong katabi kundi siya lang.
'carmela 'di ba may sayaw ka mamaya?' chat ko
'oo, babalik nalang ako sa school. papalit ako damit pang training'
"nuod ka mamaya"
Tinitignan kami ng ilang babae sa kalapit na table. Doon ko lang narealized na mga classmate pala ni daniel ang halos nasa canteen ngayon.
"Mag review pa ako e"
"ahh ganoon ba? sayang. Nandoon naman si carmela ayaw mo ba siya samahan?"
Kumain nalang muna ako. Need ko magreview pero nahihirapan ako humindi.
"oy daniel! ikaw ah!"
May mga lalaki na dumaan sa likod namin at tinapik ang balikat ni daniel. Tinawanan niya lang ito. Naiilang ako sa atensyon na nakukuha namin ngayon. Marami kasing kakilala si daniel at medyo sikat din siya dahil sa pagsasayaw.
Ganto din naman dati sa school noong kasama ko pa si miggy. Iba din tumingin lalo na ang mga babae.
Tahimik nalang akong kumain. May mga dumadaan na binabati si miggy. Mukhang hindi naman niya kailangan ng kasama, kahit mag-isa lang ata siya dito ay may makakasabay siya kumain.
after namin kumain nagpaalam na agad ako na uuwi.
"uwi na ako sa dorm Daniel"
"sige ihahatid na kita."
"hala wag na. Malapit lang naman"
"baka kung mapano ka. Hindi ako matatahimik pag hindi kita nahatid."
Pumayag nalang ako. Malapit na kami sa gate ng school ay nasalubong ko silang tatlo na papasok.
"saan kayo?" tanong ko.
"kami sa library, si carmela sa sayaw niya" sagot ni regine.
"ihahatid ko kayo sa library"
Nagulat si carmela kay kuya daniel. "1pm sabi ni coach 'di ba?"
"Sige na daniel. Kasama ko naman sila kezia tsaka nasa loob naman ako ng university"
Nagbye na sila sa amin. Si carmela nginingitian ako at panay ang lingon sa akin sabay kindat.
"Bakit sabay kayo kumain?"
"wala daw kasi siyang kasabay" sagot ko kay regine.
"bakit ihahatid ka palabas?"
"para daw safe ako. baka maulit yung kaninang umaga" sagot ko kay kezia.
"ahhh.." sabay nilang sabi. "o tara review."
Electrical circuit ang exam namin bukas kaya naman madugo talaga ang review. Computation ang mas pinapractice namin pero kahit ang mga terminology at technicalities ay tinatandaan narin.
Palagi kasing unexpected ang tanong sa exam. Nagreview naman kami pero iba ang lumabas, hindi ang ni-review namin.
Kaya dapat alamin mo lahat. Di naman kasi lahat tinuturo, ganoon daw talaga sa college. They expecting you to research kahit walang sinabi ang prof.
One hour na kaming nagrereview ng tumunog ang phone ko. Nagpanic ako agad dahil naglingunan sa akin lahat ng tao sa library.
Biglang namatay ang tawag bago ko pa masagot. si miggy.
"labas lang ako saglit"
Tinawagan ko agad si miggy. sumagot agad siya after ng dalawang ring.
"miggy bakit?" masaya kong bati. Wala kasi siyang paramdam buong araw.
[hala sorry angel napindot ko]
Kinabahan ako. Boses ni mira ang nasa kabilang linya.
"napindot?" inosente kong tanong.
[hiniram ko kasi phone ni miggy. Nagre-report siya ngayon. nalaglag ko kasi, hindi ko sinasadya ma-long press ang number 1. Ikaw pala nasa speed dial niya. pasensya na]
Nahahawakan niya ang phone ni miggy? pinapayagan ni miggy? paano yung mga personal na bagay nakikita din ni mira?
"sige ayos lang, pasabi naman kay miggy text ako mamaya"
[sige sabihin ko sorry ulit, bye!]
Nablangko ang utak ko. Nainis ako bigla, wala na ako sa mood mag review.
"nuod tayo kina carmela. nasa court sila 'di ba?"
Akala ko makikipagtalo pa sila sa akin pero tumayo sila agad at nagligpit ng gamit na kinagulat ko.
"tara tinatamad ako eh" inayos ni kezia ang upuan niya.
"tara, tara! sakit na ng pwet ko dito" sabi ni regine matapos humikab.
"bakit kayo nag-aya mag review kung ayaw niyo pala?"
"kasi magrereview ka"-kezia
"kasi 'di ba lagi ka nagrereview"-regine
Sabay nilang sagot.
kumaway agad sa amin ni daniel pagdating namin sa cover court. Nilingon kami ni carmela at kumaway din.
Huminga ako ng malalim. Mas masarap ang ihip ng hangin dito. Kahit papano naaliw ako nawala sa isip ko si mira at si miggy. ganoon pala sila ka close para makalkal niya ang phone ng boyfriend ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top