ENTRY#16

Tumuloy kami ni regine sa 7/11. Sinabihan ko si miggy na doon nalang kami mag-usap at dalhin na niya ang kotse niya.

"ano.. regine" kinalabit ko siya habang namimili siya ng inumin. "pwede bang.. wag ka maingay sa kanila?"

hindi niya ako tinignan "na ano?" kumuha siya ng c2

"si miggy kasi... ano ko siya... childhood friend?"

Lumipat siya sa mga sandwiches " bakit ka nahihiya?"

Hindi naman ako nahihiya, hindi ko rin alam bakit ayuko ipakilala si miggy. Ang alam ko lang nage-enjoy ako sa set up ko na ganoon.

"it's fine. You don't have to tell your friends everything. I don't tell you everything, and that is completely fine."

napayuko ako. Natanaw ko na nagpark na sa labas ang sasakyan ni miggy. Hindi ko alam paano siya haharapan. Nakita kong lumabas siya ng kotse pero tumayo lang din doon at hindi pumasok.

"hindi ba kapag friends dapat kilala niyo ang isa't isa?"

Nilingon ni regine ang tinitignan ko. Hindi ko maipaliwanag pero ang lungkot lang na wala pala akong alam masyado sa mga nangyayari sa buhay ni miggy. Oo kilala ko siya at kabisado pero sa ibang bagay? Wala din naman siyang kinu-kwento sa akin.

"Kasi sila ang makukuhaan mo ng advice sa kung ano dapat ang gagawin mo, di'ba?"

Kahit hindi ko rinig ay alam kong lalim ang buntong hininga ni miggy ng magsalubong ang mata namin. Maitim ang gilid ng mga mata niya at animo sobrang lungkot.

Bumalik na naman sa isip ko ang usapan nila ni mira. Kung ganoon pala ang tingin niya, bakit pa siya nandito.

"For me. A good friend is someone who is always present but does not interfere with your personal space. We must, in some way, deal with our problem on our own. Your friends don't tell you what to do, they can only encourage you to be brave."

Nalipat ang tingin ko kay regine. nakaramdam ako ng bigat sa bawat salita niya. nanliit na naman ako. Napaghahalataang wala akong alam sa ganitong bagay.

"lahat naman tayo may masakit na back story tungkol sa mga kaibigan. minsan maiisip natin na nakakapagod magtiwala sa ibang tao pero sa isang banda hindi natin mapigilan maghangad ng genuine na friendship. yung tipong masasandalan mo kahit anong mangyari."

Lumakad siya papunta sa counter, sumunod lang ako sa likod niya at hinayaan siyang magbayad. tuloy lang siya sa pagsasalita.

"Hindi ibig sabihin na magkasama tayo sa iisang bahay may tiwala na agad ako sa iyo at alam kong ganoon ka din naman sa akin."

"a-ayaw mo ba sa akin?"

'Hindi naman sa walang tiwala' gusto ko sanang sabihin pero nahihiya ako. Hindi ko lang talaga malaman paano pakikisamahan si regine minsan dahil unlike sa iba naman kasama sa bahay na vocal, siya tahimik. May times lang na nakikisali siya sa usapan.

"hindi sa ayaw ko sa iyo pero hindi pa tayo ganoon ka-close."

nakahinga ako ng maluwag, akala ko ayaw niya sa akin. Mahihirapan kami tumira sa iisang bahay kapag ganoon. pero tatanungin ko din siya kung may mali ba sa akin.

"pero iyong dalawang iyon.." tumuro siya sa likod ko na parang nandoon ang tinutukoy niya "nakita mo naman paano sila trumato ng kaibigan. Walang masama na sabihin mo sa kanila ang lahat pero wala din masama kung hindi, may tiwala sila sa iyo kaya magtiwala ka din sa kanila na wala silang panghuhusga"

Nalito ako. hindi ko maintindihan bakit niya nasabi iyon. mukhang naramdaman niya rin iyon, mahina niyang hinampas sa ulo ko ang malalig na inumin.

"nahihiya kang magkwento kasi iniisip mo na mahuhusgahan ka. akala mo hindi ko napapansin"

Nabigla ako at natahimik. bakit ganoon minsan lang siya magsalita pero parang ang dami niyang napapansin na hindi ko akalain, kahit ako sarili ko hindi ko iyon naisip.

"bakit parang mas kilala niyo pa ako kesa sa akin"

"mas marami lang akong experience sa ganitong bagay. doon ako uupo" tinuro niya ang isang pwesto sa gilid. "maya na tayo bumili ng pares, magtatagal ka ba?"

umiling ako.

Lumabas na kami ng 7/11. Nakatingin lang sa akin si miggy the whole time. walang salita niyang binuksan ang pasenger seat. Hindi na ako nagsuot ng seatbelt dahil hindi naman kami aalis sa parking lot. Binuhay niya ang makina para magka aircon.

Nilapag ko ang food box sa hita ko. Kay regine lang ako nakatingin na kumakain na dahil naiilang ako.

"sabi ni josh pumunta ka daw sa bahay kahapon?"

"paano mo nasigurong ako?"

"bakit hindi mo ako tinawag?" may lambing na ngayon ang boses niya.

"baka maistobo ko kayo ni mira"

Ramdam ko ang pagkabigla niya sa gilid ko at hindi ko man siya tignan alam kong bigla siyang kinabahan.

"sinabi ba nila?"

na magkasama pala kayo sa kwarto?

"hindi"

Alam kong gets na niya ang ibig kong sabihin. parang gusto ko ng bumaba. Naduduwag ako sa magiging usapan namin.

"angel"

"Don't call me that!"

parehong nanlaki ang mata namin sa pagsigaw ko. Naiinis ako na tatawagin niya akong ganoon e may iba naman siyang kasamang babae!

"h-hey... may problema ba tayo?"

Is it ok to act irrationally right now? I've never been in this awkward position before. We never really had a fight except for food and time whenever we met, but now... there is another person involved.

pinahinahon ko ang sarili. pumikit ako saglit para kalmahin ang nasa karera ko atang puso. pinipigilan ko mag-isip ng sobra dahil naiinis talaga ako at parang gusto ko lang sigawan siya.

"I get it. I'm a burden to you since I don't really good at making friends and I'm sorry.." 

before I even knew it, naiyak na ako. My voice broke, and it feels good and bad at the same time that I'm opening up.

"..and if you really don't want that then you don't have to pretend. Nakaya ko nga mag-isa ng grumaduate ka na sa school you think hindi ko kaya ngayon?"

"angel you're being unreasonable"

"unreasonable? you stupid shit of human being!" hinampas ko siya sa balita pero ako ang nasasaktan. Matigas

Hinuli niya ang dalawang kamay ko at hinawakan iyon gamit lang ang isa niyang kamay. Ang isa ay humaplos sa pisngi ko at pinunasan ang walang humpay na luha.

"malinaw sa akin ang narinig ko! iIf you're going to talk sh*t about me to your girlfriend--"

"I didn't know you were there."

"e ano ngayon kung hindi mo alam?" tinitigan ko siya ng masama.

humahapdi ang mata ko kakatingin sa kanya ng masama pero tumawa siya, nagsimula sa pagngiti at mahina hanggang sa natawa na talaga siya.

"you changed, tumatapang ka na"

kumalma ako at parang natauhan.

"is that a bad thing?"

to change?

Umiling siya. I don't know why, but I can see amazement and pride in his eyes. hindi niya parin binibitiwan ang kamay ko, in fact hinili niya iyon ng konti para mas mapalapit ako sa kanya. Tinatag ko ang masama kong tingin, pero habang tumatagal ay natutunaw ang inis ko. Ewan ko bakit ang lambing niya ata tumingin ngayon.

" first of all, lasing ako noon."

"that doesn't give you any permission to insult me at ichismis ako sa girlfriend mo!"

"Second, Mira is not my girlfriend. I just see you in her. You're both inocent in some way."

"are you comparing us?"

"And, while being drunk does not give you the right to insult someone, it does give you the courage to say something. "

"like insulting someone?"

"pero kung nanatili ka alam mong hindi lang iyong mga iyon ang nasabi ko that night"

Hindi ako nagsalita. I didn't stay because I heard enough. 

"pero alam kong mahiyain siya at mabait kaya nga ayukong malapit siya sa iba kasi baka masaktan lang siya. Or maybe I'm just being selfish because I want the real her to be seen by only me. Maybe I'm the problem because I shelter her too much. I just want to protect her, and now I feel like she's protecting herself from me."

parang pinigaan ng sibuyas ang mata ko sa hapdi. Hinayaan ko nalang tumulo ang luha ko, naiinis padin ako kay miggy pero hindi ko naman siya kayang tiisin.

"I'm sorry angel. I'm... jealous"

"w-what? bakit?"

"Before, you only had me, and I'll admit something: I feel like you're going to break if I'm not around anymore, but now you're hours away from me. hindi na tayo laging magkasama and you have a new set of friends, and by the way I see it, you like them, and I'm scared that maybe one day you'll forget about me."

"i'm sorry angel"

Niyakap niya ako medyo nahihirapan nga lang ako dahil may nakapatong sa hita kong pagkain. 

"i'm sorry please bati na tayo" pagmamakaawa niya.

Pauliti-ulit siya at kung hindi pa ako tumango ay baka nagpatuloy lang siya sa pagsasabing 'sorry'

Umatras na ako dahil nakakangalay ang pwesto namin. Tinanaw ko si regine, nag cellphone na siya at wala ng kinakain.

"ano iyang nasa hita mo?"

Inangat ko ang plastic. Hindi pa ako gutom kaya parang wala din akong ganang kainin.

"kakainin mo ba iyan?"

pagod si miggy at puyat, mukha din hindi pa siya kumakain and asking me if I'm going to eat the food is so unusual baka gutom na talaga siya. kawawa naman.

"kung gusto mo, kainin mo na."

Kinuha niya sa kandungan ko ang pagkain. binuksan niya agad iyon at kinalkal ang laman.

"sino nagbigay?"

"a friend"

"may papel"

"baka scrath paper lang"

tinignan ko ulit si regine. naguilty ako na hinihintay niya ako pero hindi naman siya mukhang board parang mas nage-enjoy pa nga siya habang naka-upo doon at nag cellphone.

"may pangalan mo"

dumungaw ako para alamin ang sinasabi niya. pero inilag niya habang may binabasa bago pinilas.

"hoy!"

"joke lang. scratch paper nga" aniya sabay haggis sa labas.

Tumikhim siya at sinimulan kainin ang chowking. kukuha sana ako kahit isang shanghai pero sinubo na niya. ayaw niya ako bigyan. mukhang gutom na gutom talaga. kawawa naman.

"dahan-dahan" paalala ko.

mabilis niyang naubos at tinapon sa labas ang basura. Bumaba nadin ako, sinilip ko iyong pirapiraso na papel sa gilid pero sinipa sipa niya at lumipad sa mas malayo. Punong-puno pa ng kanin ang bibig niya.

"gusto mo bilhan kita ng inumin?"

"wag na, okay na... wag ka tanggap ng tanggap ng pagkain sa kung sino-sino"

"kilala ko naman iyon nagbigay. ayaw kasi ni erick kaya binigay nalang niya sa akin"

"erick?"

"oo, nakwento ko na siya. May kuya si erick si kuya dan-- si daniel"

sabi nga pala niya wag ko na siya i-kuya.

"kahit na! wag kang tanggap ng tanggap mamaya may gayuma eh!"

I pout. reklamo ng reklamo natawid naman ang gutom niya. naubos pa nga niya eh.

"bakit mo kinain?"

"para hindi ka mauto"

"paano kung may gayuma nga? edi ikaw na inlove sa nagbigay"

Natigilan siya at biglang nasuka.

"hoy! miggy ayos ka lang ba? umuwi ka na kaya? masama ba pakiramdam mo?"

Hindi naman niya sinuka ang kinain niya pero naduduwal padin siya. Bumili na ako agad ng tubig para sa kanya.

"akala ko sa mga bagong kaibigan mo ako dapat mag selos" mayabang siyang ngumiti. "ayos lang. ako nga na ilang taon na hindi mo magets, siya pa kaya."

"hmm?" inosente ko siyang tinignan, wala akong magets sa sinabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top