ENTRY#10

buong gabi nag practice kami mag solve at nagkabisado ng formula halos 3 hours lang ang tinulog namin.

Hindi ko mapigil ang paglalaro sa ballpen ko sa kaba ng binibigay na ni maam ang test. Kanina lang ang tapang ko ngayon heto at tinablan ng makita ang two pages exam.

tinitigan ko itong mabuti at biglang akong natawa.

"May problema ba miss laxamana?"

Umayos ako ng upo. "Wala po maam"

Unang beses sa buhay ko na gusto ko mag mura. Lahat ng klase namin kay ma'am puro computation ang tinuro niya tapos magpapa exam siya ng identification?

Pasimple kong nilingon si carmela na panay ang buntong hininga, si kezia naman mukhang nagbabasa ng test paper pero alam kong puro mura na ang nasa isip niya, si regine ang pinaka kalmado , hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya pero alam kong wala din siyang masagot.

Hours of reviewing tapos iba pala lalabas sa exam.

Mula sa questionnaire, pinakiramdaman ko kung ano ba sa mga technical terms na ito ang pwedeng isagot. Labag sa loob kong inabot kay ma'am ang exam at lumabas ng room. Ako ang pinaka huling lumabas.

Walang nagsasalita sa kanilang tatlo paglapit ko. Kinuha ko ang notebook para tignan kung ano ba iyong mga pinasagutan ni ma'am pero inawat ako ni carmela.

"wag na gurl masasaktan ka lalo" aniya na puno ng simpatya.

"pares tayo! tangina sayang puyat doon ah" sabi ni kezia.

The usual may ka-text na naman si regine. Gusto ko siyang tanungin kung sino ang lagi niyang ka text pero hindi pa kami ganoon ka close.

"Excuse me"

Tumigil kaming apat sa paglalakad dahil sa tawag ng isang lalaki. Classmate din ata namin dahil same kami ng room na nilabasan.

"hello guys" may kinuha itong papel sa bag niya "Carmela baka gusto mo mag audition, pinabibigay ng kuya ko"

inabot niya kay carmela ang flayers para sa audition ng dancer sa department. Ngumiti naman ang babae at tumango.

"Erick nga pala, alam ko ilang buwan na tayo magkakasama pero baka hindi niyo pa alam name ko hehehe" pakilala niya.

"kakain kayo sama ako" si poseidon na bigla nalang sumulpot sa gilid ni carmela.

Sasabihin ko pa sanang nagulat ako pero naunahan ako ni kezia.

"kabuti ka ba?" Naglipat ang tingin ni kezia kay carmela at poseidon.

"bakit?" tanong nito.

"Hindi iyon pick up line, ungas! tinatanong ko kasi hindi naman kita nakita sa hallway and then boom! nandjan ka na"

Nagtawanan kami pero si kezia seryoso padin. Napailing nalang siya.

Naglakad na kami palabas ng building. Si erick kasama din namin magkakasabay silang maglakad nila poseidon at carmela. Pinag-uusapan nila iyong audition sa sayaw. Si regine nasa tabi namin ni kezia.

"Ano meron?" nakahalukipkip si kezia, diretso ang tingin niya sa tatlong taong naglalakad sa harap namin.

"Pinag-uusapan nila iyong tungkol sa sayaw?" sagot ko di niya ata nasundan ang nangyari kanina.

"hindi iyon"

"first week pa ganyan si poseidon kung iyong ang tinatanong mo" sagot ni regine na sa phone parin nakatingin.

Sino kaya talagang ka text niya?

"alam ba niyang may boyfriend si carmela?"

Finally tinago na ni regine ang phone niya at tumingin sa amin. "oo naman, tingin mo hindi mag kukwento si carmela"

"ayaw mo talaga sa boyfriend ni carmela ano?" hindi ko mapigilan magtanong lagi kasi siyang napapataas ng kilay kapag iyon ang topic.

"Wala naman sa akin ang decision sa bagay na iyan basta alam ni carmela ang opinyon ko."

Palabas na kami ng university. Hindi ko sure kung mag papares ba talaga kami basata nasunod lang kami doon sa tatlo.

"Ang ayuko lang, nag-iibang tao siya para sa kanila"

"ay pangit iyon" sabi ni regine.

paanong ibang tao? nag ma-magic ba si carmela? matagal kong inisip pero hindi ko magets.

"paanong ibang tao?" nagtanong na ako dahil hindi ko masagot sa sarili ko.

"mostly sa barkada niyang iyon , naging kaibigan niya dahil sa boyfriend niya at ayuko iyong iniiba niya ang ugali niya just to fit in"

Pinadaan ko sa scanner ang bag ko. Ganoon kasi dito parang sa LRT may scanner at ita-tap mo ang QR code na nasa id mo para makapasok at makalabas.

Nilingon kami ni carmela "anong pinaguusapan niyo?"

"bina-back stab ka namin. talikod ka lang nagchi-chismisan pa kami" sigaw ni kezia pabalik.

Tumawa lang si carmela at nagtuloy na silang maglakad.

"pangit ng ganoon, tinuturing mo silang kaibigan pero hindi ka totoo" sabi ni regine.

"that's not how friendship works or any kind of relationship."

Nag sink in sa akin ang sinabi nila kaya hindi ako nakapagsalita. I always dream of that kind of friendship iyong hindi ka matatakot sabihin kung ano ang nasa isip mo.

Dumating kami sa maliit na pwesto sa bandang likod ng school, dito masarap mag pares. Simula ng nakasama ko sila puro kain ang ginawa namin.

Pag pasa sa exam, kain.

Pag bagsak sa exam, kain.

pag nagcancel ng klase, kain.

pag bored, kain.

pag stress, kain.

binigyan nila ng ibang level na meaning iyong 'wag kang papagutuom'

Okay lang masarap naman sila kasama kumain. Puro tawanan, ngayon ko lang naranasan maiiyak sa kakatawa buong buhay ko, noong nanlalait sila ng kung ano-ano hindi ko man masabayan ay tawa ako ng tawa.

Sa may labas kami umupo, wala kasing pwesto sa loob at medyo mainit dahil electricfan lang ang gamit doon. Inabutan ako ni regine ng kubyertos. Nginitian ko siya at nagpasalamat, medyo nahihiya parin ako sa kanya pero hindi na katulad ng dati.

"fried rice o plain?" tanong ni kezia sa akin.

"plain"

"ako, fried rice." sagot ni carmela.

"same, fried rice." sagot ni regine.

"fried rice din" sagot noong dalawang lalaki.

"ano? ako o-order lahat? tumayo kayong dalawa diyan" turo niya sa dalawang lalaki.

Sakto kaming anim sa mahabang mesa. Katabi ko si erick sa kanan nasa kaliwa ko naman si kezia. Nag picture muna kami bago kumain at dahil ako ang pinaka natutuwa dahil may mga kaibigan na ako ngayon ko nae-enjoy ang social media.

Nag myday ako ng picture namin anim. Ngayon ko na apreciate ng sobra ang internet meron na kasi akong mafe-flex. Kahit wala akong masyadong friend sa account ko ay ayos lang, masaya ko parin ipapakita sila.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng tumunog ang phone ko.

si miggy...

"wait lang ahh"

Tumayo ako at lumayo sa kanila para marinig ko ang kausap ko. Malalakas kasi ang boses nila.

"hello" masigla kong bati.

[who's that]

"who's who?"

[iyong katabi mong lalaki]

"si erick?"

[didn't i warned you about boys]

"he's a classmate and we're just eating isa pa hindi naman ako ang pakay niya si carmela"

nakwento ko na sa kanya ang mga kasama ko sa dorm. May alinlangan siya pero sabi ko mababait naman sila.

[i don't like his face mukhang hindi gagawa ng mabuti]

"judgemental ka"

"oy" nilingon ko si erick "malamig na iyong pares mo tawag ka na nila"

[angel talk to me] nanlamig ang balikat ko sa kaseryosohan ng boses ni miggy

"sige wait lang babalik na ako"

tumango sa akin si erick at bumalik na sa mga kasama namin. Nasulyapan ko si regine na nakatingin sa akin, nginitian ko lang siya.

[tell that guy hindi ka pa pwede ligawan]

"ang o.a mo magkatabi lang eh. babye na, lalamig pagkain ko hindi na masarap."

Dinig ko ang pagbuntong hininga niya.

[fine, update me angel. bye , good night]

Bumalik ako sa table naming na may iba ng nakaupo sa pwesto ko. Nakikipagtawanan siya sa mga kasama ko. Ang isang braso niya ay nakaakbay kay erick.

Nakatayo lang ako sa likod niya dahil ayaw ko istorbohin ang usapan nila.

"ikaw talaga carmela ang inaabangan ko sa audition!" sabi ng lalaki.

"oy kuya diyan siya" sabi ni erick sabay tapik sa likod ng lalaki.

Lumingon siya sa akin at agad na ngumiti. Natulala ako, pantay ang mapuputi niyang ngipin at halos mapagkakamalan mong naka lipstick dahil sa pula ng labi. Para siyang bampira sa puti. Magkasing puti lang naman sila ni erick pero iba ang awra niya.

"sorry, sorry." Tumayo siya at sinenyas sa akin na umupo na ako.

"angela si kuya Daniel" sabi ni erick

Hindi Nawala ang tingin ko sa lalaki, kung hindi hinila ni kezia ng kamay ko palapit sa upuan ay baka hindi pa ako kumilos.

Iba ang dating ng ngiti niya sa akin. Ng umupo ako ay nasa tabi ko siya nakatayo mas malapit na siya ngayon at amoy na amoy ko ang pabango niya. Lalaking lalaki ang amoy.

Nakatingala lang ako sa kanya habang nagsasalita siya at tuloy ang pakikipag kwentuhan sa mga kasama ko, ng minsan bumaba ang mata niya sa akin ay hindi ako nag-iwas ng tingin. Nginitian niya ako ulit, saglit na sa akin siya nakatitig na parang ako ang kausap kahit ang sinasabi niya ay criteria sa magiging audition nila.

"aray!" hiyaw ko.

Nawala ang tingin ko sa kuya ni erick at nanlalaki ang mata bumaling kay kezia.

"may lamok" sabi niya sabay turo sa braso ko.

Si regine yumuko at mahinang tumatawa, si carmela nakangiwi sa akin. Bigla ako nakaramdam ng hiya mukhang kanina pa sila nakatingin sa akin.

"so ganoon nalang ha! Nice meeting you guys."

Napadiretso ang likod ko ng tinapik niya ang balikat ko habang nagpapaalam.

"gwapo ng kuya ko 'no? nanalong mr. campus niyan last year!" sabi ni erick at kinuha nag phone niya. "tignan niyo"

Pinakita niya ang mga pictures sa last year pageant. Mayroon naka formal, sports wear, creative wear at swim wear.

Napatitig ako sa screen ng nag scroll pa si erick at naka underwear lang ang kuya niya sa swim wear, may muscle si miggy at mas toned ang katawan niya kesa sa kuya ni erick pero hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng pagiinit ng umukha ng tumitig ako.

"hay! Ang laki" sabi ni carmela

"h-ha?" mas uminit ang mukha ko.

Natawa si kezia "ay putek!"

Si regine naman nakangisi "grabi naman iyan! Hotdog pa ba ng pinas iyan?"

"gago kayo" natatawang sabi ni erick at tinago na ang phone.

Nagtatawanan sila pero ako pulang-pula. Tinuloy-tuloy ko ang paginom ng softdrinks, Hindi mawala sa utak ko ang imahe ng kuya ni erick nan aka swim wear at bakat ang...

Sabay-sabay akong tinignan noong tatlo at nagtawanan. Inom lang ako ng inom ewan ko ba bakit parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko.

Ayuko silang tigna kaya bumaling ako sa side nila erick at Poseidon. Si Poseidon kumakain lang pero si erick nakangisi din sa akin at tinataas baba ang dalawang kilay.

"gusto mo tikman?"

"h-ha? a-ang alin?"

"iyong inihaw na hotdog doon sa kanto"

Kumunot ang noo ko habang kinakagat ang dulo ng straw.

"busog na ako"

"ayaw mong... kumain ng hotdog ngayon?" nag-iba ang tono niya medyo mabagal.

Nag-isip muna ako bago sumagot. "Hindi ko feel mag hotdog tsaka busog na ako sa pares"

Lumaylay ang balikat niya at napailing. "di na gets"

"erick hindi pa tayo ganoon ka close. Umayos ka." Nagbabanta ang tono ni kezia.

"ay sorry, sorry."

Tinignan ko siya, bakit niya tinatarayan si erick? O sadyang ganoon lang siya makipag-usap? May pagpa pranka siya pero iba ang tono niya mataray talaga.

Pagtapos naming kumain ay umuwi na kami sa dorm at saktong pagpasok namin bumuhos ang malakas na ulan.

Wala naman balita na may bagyo pero magha-hating gabi ng mag announce na walang pasok kinabukasan.  Last day dapat ng klase bukas at dahil cancel pwede na kaming umuwi.

"regine sasabay ka ba sa amin bukas?" sabi ni kezia na nag ready na ng gamit pag-uwi.

"hindi may pupuntahan pa ako"

Taga cavite rin si regine pero never pa siyang sumabay sa amin palaging may pupuntahan.

"psst" tawag ko kay carmela.

Parehong nasa ibaba kami naka pwesto ni carmela sa double deck. Lumapit ako sa kanya. Tinanggal niya ang earphone dahil nanunuod siya ng anime.

"hindi ka ba curious kung saan pumupunta si regine?"

"curious"

"tanong kaya natin?"

Pinitik niya ang noo ko. "curios pero kung ayaw niya sabihin sa atin irespeto natin iyon"

Bumalik siya sa pagkakasandal at tumuloy sa panunuod.

Hihiga nalang sana ako ng tumunog ang phone ko. Unknown number ang natawag.Lumabas ako ng kwarto para sagutin iyon.

"hello. Sino 'to?"

[hi baby girl!]

"tita michaella!"

[hindi mo manlang ako kinakamusta! Ngayon ko lang nalaman na hindi pala kayo same university ni miggy]

"ahhh.. mas gusto ko kasi tita dito?"

[anyway! Wala kayong pasok bukas sabi sa balita. Dinner tayo?]

"po? Nasa ibang bansa po kayo paano iyon?"

[nasa pinas na ako hija! Hindi pa ba sinasabi ni miggy? Dumating ako kahapon. Iniwan ko muna saglit ang tito mo, mainit ang ulo ko sa kanya]

sinilip ko ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas

"Malakas po ang ulan baka po bumagyo?"

[Wala naman sinabi tsaka normal naman sa pinas naulan kapag nasa kalati na ng taon, papasundo kita bukas?"

Namiss ko din si tita kaya gusto ko din.

"sige po uuwi naman ako bukas"

[that's nice! see you tomorrow darling, I miss you]

Na-excite ako dahil matagal ko ng hindi nakikita si tita michaella, pinagtataka ko lang bakit hindi nababangit sa akin ni miggy, samantalang kakatawag niya lang kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top