ENTRY#1

Panay ang buntong hininga ko. Kahit malakas na ang tugtug sa earphone ay rinig ko parin ang sigawan ng parents ko. 

Wala akong maintindihan sa sino-solve kong math problems. The truth is I hate math. that's why kanina pa ako naiiyak dahil wala akong maintindihan sa worded problem na sinusubukan kong i-solve but I failed 2 exams already and I can't afford to failed again dahil baka bumaba ang grado ko.

Pinahid ko ang isang takas na luha sa pisngi ko, masyado akong pagod ngayon araw at ang pag-aaway ng magulang ko sa labas ng kwarto ay hindi nakakatulong.

Niligpit ko ang gamit ko at nilagay sa shoulder bag. Kahit nasa second floor ang kwarto ko ay walang pagdadalawang isip akong lumabas mula sa bintana. mahigpit ang kapit ko sa bintana habang pilit inaabot ng paa ko ang tinayong gapangan para sa ampalaya ng lola ko sa side ni mommy.

Makapal ang kahoy noon kaya naman ng makatapak ay bumitaw ako sa bintana sabay talon. Sumagi ang pajama ko sa naka-usling pako ng kahoy kaya nalaslas iyon, buti nalang maliit lang at hindi naka abot sa balat ko ang pako.

Malaki ang lupa namin kaya may lugar sa taniman ni lola, sapat na may parking lot  ng lima naming kotse at space para sa party pero ang pinaka paborito ko ay ang malaking puno  na tinayuan ni lolo ng tree house bago siya mamatay.

tambayan lang talaga ang tree house na iyon pero kapag ganito ang sitwasyon at ang ingay ng bahay dahil sa pag-aaway ng magulang ko ay doon ako naglalagi. wala naman nakakapansin na nawawala ako kaya ayos lang.

dahan-dahan akong umakyat sa naka hang na lader. ni-hindi manlang ako kumain ng hapunan kaya naman ang bilis ko hingalin nasa kalagitnaan palang ako ng pag-akyat.

Binuksan ko ang ilaw at nilapag sa sahig ang mga libro at notebook ko. Kailangan ko mag-aral para makasama ako sa with honors manlang. naiiyak na ako ng malaman delikado akong mag cumlaude.

gusto kong hampasin ang ulo ko. wala talaga akong ma-gets. Naiiyak na ako ng biglang may naglapag ng pagkain sa tagiliran ko.

"paano ka makakapag isip ng maayos kung hindi ka pa kumakain?"

Naiiyak kong tinignan ni miggy na umupo sa tabi ko at kinuha ang libro. 

Miguel Alonso T . De legazpi, ang nag-iisa kong kaibigan simula pagkabata. Sa kanya lang ako may tiwala.

"kumain ka muna" utos niya.

Kinuha ko ang tupperware may laman kanin at chicken curry. Nagsimula na agad akong kumain habang nakatingin sa notes ko.

"dahan-dahan" saway niya ng inubo ako kakasubo, inabot niya ang eco bottle at binuksan iyon. "drink."

"bakit ka nandito? wala ka bang pasok bukas?" 

Normally 6 days in a week siya nasa university at bihira na kami magkita simula ng mag college siya. 

Magkakilala na kami ni miggy 5 years old palang ako. Dalawang taon ang tanda niya sa akin, same kami ng tinahak sa lahat ng bagay. Mas komportable kasi ako kapag kasama siya dahil wala din naman akong masyadong kaibigan pero simula ng grumaduate siya ng senior high school ay mag-isa nalang ako.

Wala ng nagtatanggol sa akin sa school. Noong una ay lagi niya akong sinusundo pero ng nagtagal ay nawala na kasi naging busy na siya talaga.

"wala akong sched bukas"

Napangiti ako. ibig sabihin sasamahan niya ako buong araw bukas.

"inaaway ka parin ba nila nelly?"

umiling ako kahit ang totoo sinusungitan parin ako ni nelly. siya ang pinaka maganda sa school laging sumasali ng pageant pero hindi nananalo kasi bobo. Hindi nga alam noon ano ang 21st century eh.

Nagsimula ang inis niya sa akin dahil napag compare kami ng teacher. Mabuti pa daw ako katamtaman lang, hindi habulin ng lalaki pero gumagana ang utak hindi tulad niya na may bungo lang pero walang laman. Hindi naman sa ganoon salita talaga sinabi pero parang ganoon ang thought.

"konting tiis nalang. graduating ka na tapos susunod ka sa akin sa La salle di'ba?"

tumigil ako sa pagnguya. I promised him na sa La salle dasma din ako mag-aaral para sabay ulit kami tulad ng dati pero sa totoo lang hindi ako sigurado.

"may nag-aya ba sa iyo sa grad ball?" biglang sumeryoso ang boses niya.

kunyare akong nag-isip kahit madali lang naman sagutin dahil wala.

nagsalubong ang kilay niya. "meron?"

"hindi ako pupunta" sagot ko.

"why? minsan lang iyon, sasamahan kita." hinawi niya ang buhok sa pisngi ko. "pwede naman ako sumama basta may ticket di'ba?"

Uminom ako ng tubig. tapos na akong kumain.

"turuan mo na ako"

Buong gabi sinamahan niya ako mag review. Bandang alas kwatro na kami natulog at nag alarm nalang ako ng 7am.

Nagising akong nakaunan sa braso niya. Sa lamig siguro ay hindi ko maiwasan sumiksik. Inalog ko siya para gisingin dahil kailangan ko na bumalik sa kwarto para maka-gayak.

"mag shower lang ako saglit and then ihahatid kita." bilin niya bago tumungo sa gate, lakad takbo ang ginawa niya dahil medyo malayo iyon.

Tahimik ang bahay pagpasok ko. Dumiretso ako sa kusina para tignan kung may almusal na. umupo na ako agad para kumain, di naman kami sabay-sabay kaya mauuna na ako dahil may pasok pa ako.

"good morning sis!" bati sa akin ni kuya.

"morning" nginitian ko siya.

tumabi siya sa akin at nagsandok ng fried rice. Nakayuko lang ako at tahimik.

"Good morning" rinig ko ang boses ni daddy

"morning dad!"

"Good morning po" mahina kong bati.

"how's school hijo?"

nagsimula na silang mag-usap tungkol sa law school ni kuya. kahit ng magpaalam ako na aakyat na ay tumango lang si daddy. 

okay lang sanay na ako.

sanay akong mas interesado sila sa buhay ng kuya ko.

sanay akong a-attend lang si daddy pag may award ako.

sanay akong si mommy lang ang may pake.

kaya kailangan mataas ang grades ko para maranasan ko naman mapuri ni daddy. bago ako umalis ng bahay hinahap ko si mommy pero tulog pa siya. sa guest room na naman siya natulog.

nasa labas na ako ng bahay ng dumating si miggy dala  ang kotse niya. nakangiti akong sumakay.

"exam week ngayon 'no? so maaga uwian mo?"

"hmm... oo"

"may bibilhin lang akong materials sa sm tapos babalikan kita sa school. okay?"

Tumango ako. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi naman ako kukuha ng stem na strand, di kasi ako maka-decide kaya sinundan ko nalang ang strand niya. Architecture kasi ang kinukuha niya sa kolehiyo.

Pero hindi ako sure if gusto ko bang sundan parin siya sa La salle. I am craving for something else, for something new.

Di ko sinasabi sa kanya na nagsasawa na ako sa routine ko at gusto ko ng bagong environment pero hindi ko magawang mag decide dahil baka may mag bago sa sitwasyon ko. komportable ako sa ngayon pero ang boring.

Pinagtitinginan kami sa school pagpasok. Alam kong sa kasama ko sila nakatingin, He's wearing a simple maong pant and a gray v-neck shirt, but it's fitted to his body. yakap na yakap sa biceps niya ang manggas ng shirt. He loves going to the gym that's why nag build up talaga ang muscles niya.

I know wala pa siyang abs pero matigas na ang stomach niya and last time na nakita ko siyang half naked flat humuhugis na iyon.

"this is your room" turo niya sa number na nasa itaas

Nakasilip ang mga kasama ko sa kwarto, specially nelly. Napayuko ako.

"a-ano.. kita kits nalang mamaya" sabi ko para itaboy na siya.

Half of the girls in this room kilala parin siya as the school campion in chess nakaabot siya ng regional.

"dalawang subject lang exam. what time is your next exam?"

Hindi na ako komportable sa tingin ng ibang babae. may ibang nadaan na nasa amin.. mali. nasa kanya ang tignin.

"2pm"

"okay. I'll be back after your exam and we'll have lunch together. okay? good luck angel" nginitian niya ako at hinalikan sa pisngi bago umalis.

napasinghap ang mga ka-klase kong nasa bintana. Para sa akin ay wala lang iyon, normal lang na pagbati o pagba-bye. 

umupo na ako sa naka-asigned na armed chair sa akin.

"well.. well.. Angela Lilliana Laxamana is flirting outside our room!"

Naiirita ang tenga ko sa tinis ng boses ni nelly. Umupo siya sa kanan ko iyong kaibigan naman niyang si jesica sa kabila.

I hate it kapag ginaganito nila ako. Sana binubully nalang nila ako sa pagkuha ng baon ko o bugbugin pero ang gagawin nila magiging sarcastis.

"ang isa sa pinaka masipag nating classmate lumalandi na, hindi tama iyan angela bata ka pa dapat mag-aral ka muna sige ka sayang ang talino mo proud pa naman diyan si ma'am topacio."

tinignan ko lang si nelly.

"oo nga naman angela  perfect mo iyong exam ah? nakaka proud kahit panget ka atleast matalino ka" tumawa si jesica sa sinabi niya kahit ang totoong nakakatawa ay wala silang masasagot sa exam.

di nila alam lalo silang nagmumukhang bobo sa ginagawa nila. Minsan gusto ko sila patulan pero baka ma guidance ako. Ayuko magka record, lagot ako kay daddy.

two and half hours ang exam pero natapos ko iyon sa dalawang oras lang, after ma check na okay na ang sagot ko nagpasa na ako. rinig ko ang bulungan nila nelly kung ano sagot daw ba sa number 14. bobo talaga derivative lang ng tanx respect to x di pa alam. that's basic knowledge, it's sec^2x no need ng calcu kahit kabisaduhin nalang iyon.

Nasa open field ako ng school at nagrereview for afternoon exam, nag text narin ako kay miggy na dito niya ako makikita.

Di naman ako matalino katulad ng ine-expect nila, masipag lang ako mag-aral.

"finished with your exams already?"

Nilingon ko ang lalaking umupo sa damuhan kasama ko, hindi ko siya kilala.

"mine too."

Hindi ko alam bakit niya ako tinatabihan.

"hey! ikaw iyong nanalo sa quiz bee last foundation week di'ba?"

gusto ko na mag-review. Hindi ako sanay na may kumakausap sa akin. Baka wala ako masagot mamaya paghindi ako nag review.

"kalaban mo ako noon. second place" aniya na nakaturo pa sa sarili.

"ahh" bahagya akong ngumiti. I don't want to be rude.

umusog ito , mas malapit sa akin. nagulat ako pero hindi ko pinahalata. kinakabahan ako, may nanti-trip na naman ba sa akin ngayon?

"gusto ko lang sana itanong" yumuko ito at medyo nahihiya. "may date ka na sa grab ball?"

Is he seriously asking me?

"kung wala pa pwedeng ako nalang kasama mo pumunta?"

"h-ha?" sa sobrang hindi ko inaasahan na may mag-aaya sa akin ay hindi ko alam ang iisipin.

"be my da--"

May bumagsak na malaking paper bag ng national book store sa pagitan namin.

"Excuse me, do I know you?" 

pasimple kong sinipa ang sapatos ni miggy. bakit nagtataray?

"kuya miggy aayain ko lang naman si angel--"

"you know me?" 

he's towering us halos mabali ang leeg namin kakahangad kay miggy.

"parehas po tayong nasa chess club"

"di kita kilala" dominante ang boses niya.

Natakot ata iyong lalaki at tumayo nalang, nilingon ako nito ng isa pang beses at parang naghihintay ng sagot ko, ng hindi ako umimik ay lumakad na siya paalis.

"tsk! kung saan-saan ka kasi na upo" inusog nito ang paper bag at tumabi sa akin.

"bakit ka gagalit kuya miggy" I said with my baby talk tone, naiinis siya pag ginagawa ko iyon. "kuya miggy wag ka na magalit  hahahahah!"

" tsk!"

Nilapag niya ang isa pang paper bag. Di ko napansin na may dala rin pala siyang kfc.

"kain! gutom lang iyan"

"yes po kuya miggy! hahahahaha"

kinurot niya ng pisngi ko kaya natigilan ako sa pagtawa.

"masakit!" reklamo ko.

Ngayon siya naman ang natawa.

After mag lunch ay nag-aral lang ako saglit at iniwan siya sa open field pagdating ng quarter to 2 para pumunta sa examination room. 

Hinatid niya sa ako sa bahay after. 

"magiging busy ka na ulit" paalala ko ng nasa tapat na kami.

"text mo lang ako pag may problema o may kailangan ka ha" aniya na parang naglalambing.

"yes kuya miggy! hahaha"

"tigilan mo na nga kaka-kuya mo! sinabi ko na dating wag mo akong tawaging kuya eh!"

Natawa nalang ako. Kumakaway padin ako habang papalayo ang sasakyan niya, ng hindi ko na siya matanaw ay tsaka lang ako pumasok sa bahay. dumiretso ako sa guest room na tinutulugan ni mama.

"mommy I'm home!"

ang malawak na pagkakangiti ko ay nawala dahil naabutan kong umiiyak si mommy sa kama.

"mommy? ano pong nangyari" tumabi ako sa kanya at pinunasan ang luha niya.

"nag dinner ka na ba anak?"

"bakit po kayo naiyak?" ayukong maiba ang topic.

"wala bunso may pinanuod lang akong kdrama na nakakaiyak"

nilingon ko ang laptop at nandoon pa nga nagpe-play ang scarlet heart.

"mi naman! akala ko ano na !"

Kumalma ako at nakahinga ng maluwag. ngumiti lang siya sa akin pero malungkot ang mata ni mommy.

"gusto ko kasi humagulhol kaya nanuod ako. Gusto ko maglabas ng sama ng loob kaya nag kdrama marathon nalang ako. Anak kasi may babae ang daddy mo"

Hindi ako nakagalaw sa gulat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top