Chapter 20
Kanoa's words were like a sharp knife stabbing Ara repeatedly. Instead of saying anything, she stood up and went inside the shower. Nasa gilid lang iyon ng bathtub at mayroon lamang glass barrier. Malamig ang tubig dahil ayaw na niyang timplahin. Nagmadali siyang magbanlaw para makalabas kaagad ng bathroom.
Ara took her clothes and while dressing up in front of the television, she was listening to a song playing. She was watching the video and analyzing what the lyric meant. Kahit man lang sa paraang iyon, mawala ang focus niya sa sinabi ni Kanoa.
The song's title was Mamahalin by Angelo Garcia.
"Di man mahagkan, 'di man nasisilayan, pipiliin ka ng puso ko kailanman," the lyric said.
Nang matapos magbihis, naupo siya sa sofa at tinitigan ang screen. The music video setting was nice, she thought. The lyrics were deep and based on Kanoa's entire playlist, he was listening to OPM recently. Ara herself had no idea about some Tagalog songs.
Unlike earlier, there were no tears and Ara remembered the day she found out she was part of a game. How it was so hard for her to breathe, how she wanted to cry but couldn't, and how she was able to smile despite everything.
Nanatili siyang nakaupo roon nang makita ng peripheral niyang lumabas si Kanoa ng bathroom na malapit sa kusina. Hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatutok sa screen na mayroong bagong kantang nagpe-play.
Kinuha niya ang phone niya at nag-check ng message galing kay Sam. Sinabi nitong gising si Antoinette at nanonood ito sa living area kasama si Sayaka. Nag-send pa ito ng picture na ikinangiti niya. Kahit sandali, maging kalmado ang lahat.
Hindi niya nilingon si Kanoa. Naisip na rin niyang pagkatapos nitong maligo, magpapaalam na siya.
Sandaling ipinalibot ni Ara ang tingin sa living room. Naroon ang mga laruan ni Antoinette, pero sa coffee table, naroon ang ilang bote ng alak. May isang kahon ng sigarilyo, pero hindi naman amoy usok ang unit. Nilingon niya ang balcony at malamang na roon ito naninigarilyo.
Lumabas si Kanoa ng kwarto at nakasuot na ito itim na T-shirt at itim na Jogger pants. Tumayo naman si Ara at kinuha ang phone, susi, at wallet niyang nakalagay sa coffee table.
"I'll get going na," Ara forced a smile. Her face lightens up because of the screen in front of her. "Just in case na you're planning to visit Antoinette, you can sa condo na lang and you won't be able to bring her here muna."
Walang sagot mula kay Kanoa na diretsong nakatingin sa kaniya.
"I can't risk her allergies since you started smoking again. I'll talk to Kuya Sam if you're allowed sa condo or maybe sa café na lang, I don't know. Let's just talk when you're sober," ani Ara at nagsimulang maglakad palabas.
Ramdam niya ang panginginig ng legs niya, pero nilakasan niya ang loob niya para makaalis na. Ngunit bago pa man niya malagpasan si Kanoa, pumalibot ang braso nito sa kaniya. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin at nakitang halos basang-basa pa ang buhok nito.
"I'll get going." It was so hard for Ara to say it, but she had to.
But Kanoa's grip became tighter and their bodies were against each other. Magkatagilid sila, halos nakasubsob na ang mukha ni Ara sa braso ni Kanoa dahilan para muling mag-init ang mga mata niya. Ramdam niya rin ang paghaplos ni Kanoa sa bawyang niyang nahahawakan nito.
"Dito ka muna, please?" Kanoa whispered and kissed the side of her forehead.
"I can't talk to you like this. Let's talk when you're sober. Please?" Ara looked up and faced Kanoa. He was intently staring back at her. "I don't wanna hear more that could hurt me, Kanoa. Everything's just too much and I wouldn't be able to handle it anymore."
Kanoa slightly looked down and pressed his forehead against her. Ara shut her eyes and her lips trembled. She felt weak that she leaned onto Kanoa's arms and he held onto her tightly.
"Sorry," bulong ni Kanoa at niyakap siya nang mahigpit.
Sumubsob ang mukha ni Ara sa dibdib ni Kanoa. Sunod-sunod ang paghagulhol niya at hinayaan ang sariling umiyak. Nasaktan siya at patuloy na nasasaktan dahil sa sitwasyon nila. Ayaw man niyang aminin sa sarili niya, kailangan niya si Kanoa.
Ayaw mang aminin ni Kanoa sa sarili niya, kailangang-kailangan niya si Ara.
Tumingkayad si Ara at ipinalibot ng dalawang braso sa batok ni Kanoa. Hinayaan niya itong sumbsob sa leeg niya habang nakayakap ang dalawang matitipunong braso naman sa katawan niya. Nahihirapan siya sa posisyon nila, pero ayos lang. It had been long since they had hugged like this. It has been long since they were into each other's arms.
Nakita ni Ara ang gulat sa mukha ni Kanoa nang bumitaw siya sa pagkakayakap nito. Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ng tatay ng mga anak niya, tinitigan ito, bago tuluyang humiwalay.
"Aalis ka na?"
Umiling si Ara at hinawakan ang kamay ni Kanoa. Iginiya niya ito papasok sa madilim na kwarto at sinabing maupo sa gilid ng kama. Kaagad naman itong sumunod. Binuksan niya ang ilaw at nagulat sa itsura ng silid.
Nakakalat ang mga damit sa sahig, sa office chair, at sa mismong kama. Mayroong mga nakakalat na iba't-ibang brand ng bote ng alak. Nakabukas ang monitor ng computer ni Kanoa, pero screensaver lang iyon na orasan.
It was past four in the morning.
Sa mismong office table, may mga wrapper ng pagkain, paperbags, at mga lata ng alak.
Pasimple niyang nilingon si Kanoa na nakayuko. Hindi siya nagsalita. Kinuha niya ang towel na nasa gilid ng closet, ganoon din ang suklay bago lumapit kay Kanoa. Maingat niyang tinuyo ang buhok nito. May kahabaan na iyon kumpara noong mga nakaraang buwan. Hindi bagsak, pero hindi rin kulot ang buhok ni Kanoa. Kung tutuusin, para iyong may volume.
Noong sila pa, madalas na conscious ito sa ayos at pakakagupit ng buhok ngunit nang magkita ulit sila, naka-clean cut na lang ito.
Habang abala si Ara sa pagsuklay sa buhok ni Kanoa, muling pumalibot ang braso nito sa kaniya kasabay nang pagsubsob ng mukha sa tiyan niya. Tumigil si Ara sa ginagawa dahil noong ipinagbubuntis niya ang kambal, ito ang madalas niyang naiisip. Kung ano ang pakiramdam na nakayakap sa kaniya si Kanoa at ganito ang posisyon nila.
Madalas niya iyong nababasa sa mga libro at napanonood sa TV, pero hindi nangyari sa kaniya.
"Sleep," Ara murmured and brushed Kanoa's hair using her palm. "Aalis na ako para maka-sleep ka. Medyo malaki na 'yung eyebags mo and hindi na gwapo. You should get some rest."
Tumingala si Kanoa at seryoso itong nakatingin sa kaniya. Tipid na ngumiti si Ara habang hinahaplos ang kanang pisngi nito. Kita niya ang antok, pagkalasing, at pagod na malamang kapag humiga na ito sa kama, makatutulog na ito nang mahimbing.
Ara had the urge to kiss Kanoa's forehead and she did. She leaned and shut her eyes not until Kanoa found her lips and she immediately kissed back.
"Kanoa," Ara murmured in between kisses.
No words, Kanoa stood up without breaking the kiss. Eyes closed, the kiss deepened until Ara felt the cold wall behind her. Kanoa's rough manly hands caressed her arms down to her waist as they shared hot and wet kisses.
Naramdaman ni Ara ang pagkakadiin ng katawan ni Kanoa sa kaniya. Bumaba ang pagkakahalik nito mula sa labi papunta sa leeg niya dahilan para makagat niya ang ibabang labi.
Ara didn't mean to, but she let out a soft moan making Kanoa kissed her aggressively. The way his hands tightly held onto her waist, how hard he pushed her to the while without breaking the kiss, and how he literally moaned inside her mouth, they wanted it.
"I love you," Kanoa whispered against her lips before pulling away.
His hands were pressed against the wall, looking down, and Ara was in between staring at Kanoa who was trying to restrain himself.
"Kanoa?" Inangat ni Ara ang mukha ni Kanoa at hinaplos ang magkabilang pisngi nito. "It's okay."
Ara smiled when Kanoa said her name. She initiated the kiss and Kanoa lost it. He pushed her again, kissed her hungrily, and held her hand.
Kanoa was on top of Ara, in between her, but they were still clothed. Their lips never left each other and his left hand was inside her dress, caressing her stomach using his thumb while they share soft and slow kisses.
Ara was ready if something could happen, but to her shock, Kanoa got up and supported his weight using both his hands. He was still in between her and she could feel his crotch against her. She knew that Kanoa wanted it and she did, too.
"Hindi tayo ready para dito," ani Kanoa na ikinagulat niya.
Matagal nakatitig si Kanoa sa kaniya na ganoon pa rin ang position nila. Ngumiti si Ara at niyakap si Kanoa. Bumagsak ang katawan nito sa kaniya na agad naman nitong ipinalibot ang braso sa katawan niya. Nabibigatan siya, pero gusto niya kung paanong ang init ng katawan nila ay lumalaban sa lamig ng kwarto ni Kanoa.
Patagilid na inihiga ni Kanoa ang ulo sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya na para bang pinakikinggan ang bawat pagtibok nito.
Ara kissed the top of Kanoa's head and breathed. She kept on caressing his back using her palms and would sometimes brush his hair using her fingertips. It was Kanoa's favorite position when there were still together.
Nagulat siya nang tumayo si Kanoa. Sinundan niya kung saan ito pupunta nang may kunin sa closet. Blanket and he covered her with it before lying beside her.
Patagilid na nakatingin si Ara kay Kanoa na matagal nakatitig sa kaniya. Ara kissed Kanoa's lips one last time before lying sideways. Magkatalikuran sila at mayroong sapat na space sa gitna nila nang hilahin siya ni Kanoa. Walang kahirap-hirap para sumandal sa dibdib nito. Naramdaman niya ang pahaplos sa tiyan niya ganoon din ang paghalik nito sa likurang bahagi ng ulo niya.
"Mahal kita, Ara," bulong ni Kanoa. "At paulit-ulit kong iniiisip na sana, hindi na ako dumating sa buhay mo. Alam kong pinagsisisihan mo ring nagkakilala tayo. Hindi ko pinagsisihang nakilala kita."
Hindi sumagot si Ara. Nakabukas ang pinto ng kwarto ni Kanoa kaya muli, ilaw galing sa screen ng TV ang liwanag na mayroon sila.
Napakababa ng boses ni Kanoa at halos pabulong ang pagkakasabi nito. Naramdaman pa ni Ara ang vibration ng boses nito sa bawat salitang binibitiwan. Halatang inaantok na, halatang nakainom, at hindi sigurado si Ara kung siya lang ba ang nag-iisip, pero ramdam niya ang bawat salita.
"Hindi ko pinagsisisihang nakilala kita, pero pinagsisisihan kong nakilala mo ako. Kung hindi ako pumasok sa buhay mo, hindi mo mararamdaman 'to. Iba ka noon, Ara. Ang saya-saya mo. Palagi kang nakangiti noon. Natatawa ako sa 'yo kasi kahit simpleng bagay, okay lang sa 'yo. Mamahalin ang suot mo, pero tangina . . . bigyan ka lang ng santan okay ka na."
Nanginig ang baba ni Ara, pero pinilit niya ang sariling huwag mag-react. Nararamdaman niya ang paghaplos ni Kanoa sa tiyan niya gamit ang hinlalaki nito.
"Gusto kong bumalik sa umpisa, Ara. Dalawa, eh. Gusto kong bumalik sa umpisa para hindi na tayo nagkaroon ng koneksyon, pero ayoko non. Gusto ko 'yung tayo, eh. Isa pa, gusto kong bumalik sa umpisa para itama. Iyong totoo na. Walang laro, walang kagaguhan."
"Kanoa, we cannot bring back the past," suminghot si Ara. "We can't live in the past."
Nagulat siya nang maramdaman ang sunod-sunod na paghikbi ni Kanoa mula sa likuran. Haharap sana siya, pero si Kanoa na mismo ang pumigil sa kaniya.
"Pero tanginang nakaraan, hirap na hirap sa ako sa kasalukuyan. Gusto kitang kasama, Ara. Gusto ko pati sa hinaharap, pero paano? Halos wala akong mukhang maiharap sa 'yo. Sa dami ng napagdaanan mo. Ang sakit ngayon, eh. Parang pinipiraso 'yung puso ko. Tuwing umaga, kapag gigising ako, nakatingin na lang ako sa kadiliman, iniisip ko . . . ano'ng karapatan kong masaktan?"
"Kanoa," humikbi si Ara. "You're entitled to get hurt."
Naramdaman niya ang pag-iling ni Kanoa kasunod nang pagsubsob nito sa ulonan niya. "Alam mo 'yung nararamdaman kong sakit ngayon? Para akong dinadaganan. Para akong binubugbog nang paulit-ulit. Hindi ako makaiyak. Totoo pala 'yon, 'no? Na kapag sobrang sakit, halos hindi ka makaiyak? Akala ko noon, hindi 'yon totoo . . . hanggang sa maramdaman ko."
"Ang sakit, eh," mahinang natawa si Kanoa. "Pero naisip ko . . . sa 'yo? Doble? Triple? Ilang beses ng nararamdaman ko ngayon ang naramdaman mo simula nang pumasok ako sa buhay mo?"
"We shouldn't compare the pain because it's different," sagot ni Ara. "My pain is different from yours."
Walang sagot mula kay Kanoa. Naramdaman lang ni Ara na mas humigpit pa ang pagkakayakap nito sa kaniya. Nasa ilalim sila ng kumot, dama ang init ng isa't-isa. Magkadikit ang paa nila habang iniisip niya kugn ano ang kahihinatnan nilang dalawa sa mga susunod pa.
"Naalala ko 'yung listahan mo. Goals," biglang sabi ni Kanoa. "Tingin mo kung sa ibang pagkakataon, natupad mo lahat 'yon?"
"Possible," Ara said truthfully. "I always thought that I never regret meeting you. You taught me things. A lot of things, but after meeting you . . . a lot changed. My goals changed . . . my future changed."
Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos iyong sabihin ni Ara. Ramdam niya ang init ng paghinga ni Kanoa sa balikat niya, ang higpit ng yakap sa kaniya, at ang init ng katawan nito. Nanatili siyang nakatalikod kay Kanoa at nakatingin sa pinto.
The subtle brightness was enough.
Ang pagpunta niya kay Kanoa ay walang kasiguraduhan. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan, pero nabuksan ang mga mata niya sa posibleng maging kasalukuyan.
"Ara?"
Muling bumulong si Kanoa. Akala niya, tulog na ito. Hindi siya sumagot at nagkunwaring natutulog. Ipinikit niya ang mga mata niya nang maramdaman ang paghiwalay ni Kanoa sa kaniya maging ang pag-alis nito sa kama. Nanatili siyang nakapikit. Naririnig niya ang bawat yabag hanggang sa muli niyang maramdaman ang paglubog ng kama. Inilalim din nito ang braso sa leeg niya, maingat siyang pinaharap, at bago siya niyakap nang mahigpit.
Unti-unting idinilat ni Ara ang mga mata niya. Nakadikit ang tungki ng ilong niya sa leeg ni Kanoa. Maingat nitong sinusuklay ang buhok niya at inayos ang kumot na bumalot sa kanilang dalawa.
"Mahal kita." Nakadikit ang labi ni Kanoa sa noo niya. "Mahal na mahal kita, Barbara."
Sa unang pagkakataon, narinig niyang sabihin nito ang buong pangalan niya. Iyon ang unang beses dahilan para magmalabis ang luha niya. Suminghot siya . . . bago nag-angat ng tingin .
"Tulog ka muna." Pumikit si Kanoa. "Breakfast tayo mamaya?"
Ngumiti si Ara at tumango. "Sleep well, Kanoa."
Ara didn't move and waited for Kanoa to sleep. Naramdaman niyang kumalma ang paghinga nito, hindi na mahigpit ang paghawak sa kaniya, at bumagsak na ang kamay sa katawan na. Hinayaan niya muna ito. Hindi siya gumalaw at kahit na madilim, nakatingin siya sa mukha nito.
She kissed the side of his lips and felt his day-old whiskers.
Nakita ni Ara mula sa bintana ng kwarto ni Kanoa na nagbabago na ang kulay ng kalangitan. Hindi siya nagkamali nang makitang past five na ng umaga. At dahil mahimbing na mahimbing na ang tulog nito, maingat siyang umalis sa pagkakahiga. Kinuha niya ang unan para kahit paano ay may mayakap ito na kaagad rin namang dumapa.
Matagal siyang nakaupo sa gilid ng kama, nakatingin sa kadiliman. Yakap niya ang sarili habang mahinang umiiyak dahil mabigat.
"Breakfast," Ara murmured and smiled. "Thank you for asking me na mag-breakfast with you. I'm not sure if you'll remember that later, but that's cute."
Inayos niya ang kumot nito bago hinalikan sa gilid ng noo. "I love you."
-
Pagdilat ng mga mata ni Kanoa, gumuhit kaagad ang sakit ng ulo niya. Kaagad siyang humarap kung saan nakahiga si Ara, pero wala na siyang katabi. Mula sa bintana, nakita niyang sumisilip ang liwanag. Madilim ang kwarto niya, pero nakatatakas na liwanag mula sa labas.
Bumangon siya at kaagad na tumingin sa screensaver ng computer niya. It was already five in the afternoon.
Nagulat siya dahil hindi niya inasahang ganoon na siya katagal natutulog. Maingat siyang bumangon at iningatang walang maapakang kalat dahil minsan na siyang nagkasugat nang maapakan ang bote ng alak na nasa sahig, pero nagtatakha siya na kahit isa, wala.
Binuksan niya ang ilaw. Ikinagulat niyang maayos ang buong kwarto. Walang nakakalat na damit, walang basura tulad ng mga pinagkainan, bote at lata ng alak, pati ang mga bag niyang nasa lapag ay wala na.
Nilingon niya ang working table niya. Nakaayos ang mga camera, hard drives, maging ang mga basura doon ay wala na.
Nagmadali siyang lumabas ng kwarto para makausap si Ara, pero walang tao. Nakapatay ang TV, wala na rin ang mga kalat, at mayroong kaldero sa lamesa. Naroon din ang coffee cup at instant coffee sachet sa gilid. Mayroong advil at bote ng tubig. Nilapitan niya iyon at nakita ang note.
'I'm declining the breakfast, but I cooked something. Don't forget to eat. You'll suffer a hangover later so I made you a soup. I don't know if you'll like it. I'm not a good cook yet, but I'm trying to learn. Anyway, take care, Kanoa.'
Nagmadali siyang kunin ang phone niya para tawagan si Ara. Dalawang ring, sumagot kaagad ito.
"Hello? Good afternoon," Ara said in her usual happy voice.
"Bakit hindi mo ako ginising? Ano'ng oras ka umalis? Sorry, humibing 'yung tulog ko," Kanoa pinched the bridge of his nose.
"It's okay. I left around seven in the morning," Ara chuckled. "By the way, you can visit Antoinette anytime you want naman daw sa condo ni Kuya Sam. We already talked. I won't be there, but I hired a sitter and they'll be at home lang."
"S-Sitter?" nagulat si Kanoa. "Bakit? Asan ka?"
"I have a shoot and I planned to stay there for a week. Kuya Sam will be in contact. Nag-eat ka? Was the soup okay?"
"Bakit hindi mo sinabing aalis ka?"
Ara chuckled. "I told you last time, but you didn't respond. Anyway, I'll get going muna, ha? I'll have to fix my luggage pa. Just in case, call ka lang."
"Okay. Ingat ka. Mahal kita."
"Thank you." Ara dropped the call.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top