Chapter 19

Ara waited for a reply from Kanoa, but she got nothing. The entire night, she was waiting for it hoping he had a good reason why he didn't attend their daughter's birthday. Kung mayroon man, iintindihin naman niya ngunit itong wala siyang alam, naka-read receipt ang messages niya, hindi niya alam kung ano na ang nangyayari.

It was past midnight when Ara stood up and bit her lower lip. She didn't know what to do. She wanted to know what was happening. She wanted to talk to Kanoa.

. . . but he wasn't answering any of her messages, even her calls!

Maingat na lumabas ng kwarto si Ara para uminom ng tubig nang maabutan si Sayaka at Sam kusina. Parehong tumigil ang dalawa sa pag-uusap at tumingin sa kaniya.

"You're still awake!" Sayaka smiled.

"I can't sleep," Ara responded in a low voice and walked towards the fridge to get some liquids. While drinking, she leaned by the door and stared at nowhere.

Sam noticed. "What's happening, Barbara? Everything okay?"

Ara bit her lower lip and looked down, shaking her head. "No. Something's wrong with Kanoa and I don't know what's happening 'cos he's keeping me in the dark and . . . and . . ."

Sam and Sayaka gazed at each other. Ara sounded lost and couldn't find the right words to say. Her brows furrowed while scraping her lips using her own teeth. Kita niya ang higpit ng hawak ni Ara sa baso at alam ni Sam na hindi niya puwedeng pigilan ang kapatid sa gusto nitong gawin.

"Kung gusto mo siyang puntahan to know, for your peace of mind, go. I'll be with Antoinette." Ibinaba ni Sam ang coffee cup para kay Sayaka. "Belle's here, Sayaka's here, we'll look after her. Go and find out what's happening."

Nagulat si Sayaka sa sinabi ni Sam kaya napatitig siya rito. Tahimik niyang pinagmasdan ang magkapatid na pinag-uusapan ang posibleng pag-alis ni Ara kahit na disoras ng gabi. Knowing Sam, nagulat talaga si Sayaka. He even offered to bring her to Kanoa, but Ara declined.

Ara kissed Antoinette's cheeks before leaving. Kung tutuusin, nag-iisip pa lang siya ng sasabihin sa kuya niya nang magsabi itong puwede siyang umalis kung kailangan at kung gusto niya. It was even more shocking when his brother offered to drive for her.

"Are you gonna be okay? Sure kang kaya mo mag-drive?" tanong ni Sam habang nakasandal sa may pinto ng kwarto niya.

"I am," Ara smiled and walked towards Sam. "Thank you for allowing me."

Mahina itong natawa. "Hindi na kita mapipigilan, alam ko. Ayusin mo na lang 'yan. Just call if you need anything and please, drive safely. Message mo ako 'pag nakarating ka na. Proof of life. Pangit ka pa namang mag-drive."

Sayaka laughed silently. She knew that Sam was just messing up, trying to lighten up the mood.

Habang binabaybay ni Ara ang daan, pinagmamasdan niya ang lugar dahil buhay na buhay pa rin kahit madaling araw na. Puno pa rin ang kalsada ng mga sasakyan, marami pa ring tao ang naglalakad sa sidewalk, bukas pa rin ang ibang establishments tulad ng mga kainan at bars. Nakita rin niya ang mga magkasintahang naglalakad habang magkahawak ang kamay.

And she missed those dates they had in the past.

Natatakot siya sa kung anong puwedeng madatnan, pero bahala na. Simula naman nang makilala niya si Kanoa, palagi na siyang takot. Minsan siyang natakot na mahulog dito, pero hindi niya pinigilan ang sarili niya. Natakot siyang mahalin ito, pero mismong sarili niya, trinaydor niya. Natakot siyang mawala ito sa kaniya, pero pinakawalan niya.

Lahat ng takot, mas nadagdagan nang malaman niyang laro lang siya kay Kanoa. Sumunod pa ang video na kumalat . . . hanggang sa nalaman niyang ipinagbubuntis niya ang mga anak nila. Natakot siya dahil mag-isa siya . . . at isang tanong lang ang nasa isip niya noon . . .

Paano na ako?

It took her an hour and a half to drive before reaching her destination. There was fear, yes . . . but for peace of mind or possible closure or explanation, it would be nothing. Hindi siya sigurado kung nasa condo lang ba si Kanoa o umalis na naman ito kasama ang mga kaibigan. Hindi rin naman sumasagot sa kaniya kaya bahala na.

Sa elevator, hindi siya mapakali habang nakatingin siya sa salamin.

Ara was wearing the simplest dress she could find while wearing her flops. Wala na siyang oras para maghanap ng damit dahil sa pagmamadali. Her hair was unruly, far from what everyone was used to. It was very unlike her, but she didn't care. She had other things to think about.

The elevator door opened, and she stilled. She was frozen in place until the door almost closed. She immediately went out thinking if she was doing the right thing.

I hope I am.

Three doors from the elevator, it was Kanoa's unit. Ara was in front of the door, fist clenched, and positioning to knock . . . but couldn't. She was there breathing heavily.

"Please, no other woman," she murmured. "Please . . . don't hurt me."

Ara knocked lightly. One . . . two. . . three . . .  nothing.

Again, she tried. Another three knocks, but nothing. Maybe he wasn't home.

"One last," she whispered under her breath and before she could even, the door opened.

The place was dark. Kanoa was in front of her with unruly hair, frowning, topless, and just wearing his black sweatpants. They were a meter away, but she could smell alcohol. His stares were a little darker as if not happy she was there.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Kanoa asked in low voice. It was vibrating. "Madaling araw na, Ara."

Ara gulped and tried to sneak a peek. "A-Are you with someone in there?" she murmured.

"Wala." Niluwagan ni Kanoa ang pinto para ipakita sa kaniyang walang ibang tao. "Bakit ka nandito? Asan si Antoinette?"

"I left him with Kuya Sam and Sayaka," sabi niya habang nakatitig sa mukha nito. "C-Can we talk or you're too drunk to . . . talk?"

Malalim na huminga si Kanoa at mas lalong nagsalubong ang kilay nito bago sinabing pumasok na muna siya loob. Kaagad siyang binalot ng malamig na unit, madilim at tanging ilaw na nanggagaling sa mga katabing gusali ang nagsisilbing liwanag, amoy alak na humahalo sa pamilyar na pabango ni Kanoa. Nakabukas ang speaker at mayroong kantang naka-play.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Ara?" Sumandal si Kanoa sa pinto habang nakatingin sa kaniya.

"You didn't come," humarap siya kay Kanoa. "W-What happened?"

Suminghot si Kanoa at sinuklay nito ang buhok na nakaharang sa mukha gamit ng ang sariling palad. "Busy ako."

Nakagat ni Ara ang ibabang labi dahil sa sagot ni Kanoa. Nasaktan siya. Nasaktan para kay Antoinette, pero gusto niyang itindihin. Pinilit niya ang ngumiti.

"You could've told me," Ara's lips trembled. "Anyway, I was just checking on you. You're not responding to any of my messages kasi and you're ignoring my calls, so I wondered what happened." Her voice quivered. "Glad you're fine. I'll leave na."

Namumuo na ang luha sa magkabilang mga mata ni Ara dahil siguro sa bigat ng pakiramdam niya, pero hindi niya iyon ipinahalata kay Kanoa. Mabagal siyang naglakad papunta sa front door, pero hindi ito umalis. Nanatiling nakasandal si Kanoa na para bang walang naririnig.

"I'll go na," Ara forced a smile, but a lone tear escaped. Her lips trembled. "Please, Kanoa, let me through."

Hindi gumalaw si Kanoa kaya sinubukan niya itong patabihin. Hawak na niya ang doorknob nang hawakan ni Kanoa ang braso niya. Magkaharap sila, ramdam niya ang init na nanggagaling sa ilong ni Kanoa, at naaamoy niya ang alak.

Nagmalabis ang luha ni Ara kahit na katahimikan lang naman ang bumalot sa kanilang dalawa. Ultimo pagtibok ng sarili niyang puso, naririnig niya sa tainga niya. Hindi na niya alam ang gagawin lalo nang pagdikitin ni Kanoa ang noo nilang dalawa.

"What's happening to us?" Ara asked. "It's so cold, Kanoa, and I hate it."

No response and that trigger Ara to stay away from Kanoa. Umatras siya. Sa bawat pag-atras niya, mabagal na lumapit sa kaniya si Kanoa.

"I don't know what's going on. We were okay, right? What happened? We're . . . okay, right?" Ara murmured while walking backward. "Kanoa?"

Naramdaman ni Ara ang dining chair sa likuran niya dahil para muntik siyang bumagsak, pero kaagad na nahawakan ni Kanoa ang baywang niya at isinandal siya sa lamesa. Lumapit ito at idinikit ang katawan sa kaniya.

Kanoa gripped her waist and rested his forehead against hers. Ara couldn't move. The room was chilly, but she felt Kanoa's warm skin.

Hawak ni Kanoa ang magkabilang baywang niya nang muli nitong pagdikitin ang noo nilang dalawa. "Ara," bulong nito at mas lalong nagdikit ang katawan nila.

Ara looked up. The tip of her nose touched his chin. Their lips were less than an inch away and they were breathing the same air. She always hated the smell of alcohol, but not this time. The smell coming from Kanoa made her yearn for him even more.

Humawak siya sa magkabilang braso ni Kanoa na para bang naroon ang lakas na kailangan niya para pigilan kung ano man ang nararamdaman niya.

"Ara."

The tip of Kanoa's nose trailed her cheeks until their lips met. Ara shut her eyes and gave in. Their lips were slowly battling in sync, and she wasn't complaining. Kanoa gripped her waist tightly. Naramdaman niya ang puwersa ng pagkakabuhat nito sa kaniya bago siya iniupo sa lamesang nasa likuran niya.

Ara gasped for air, but Kanoa immediately kissed her again. It was warm and needy, and Ara knew she needed it, too.

Kanoa finally let go of her waist without breaking the kiss. She felt his rough hands touching each side of her legs and encircling them around his waist. Ara let go stared at Kanoa sniffed and squinted.

Muling hinawakan ni Kanoa ang magkabilang baywang niya nang maingat siya nitong buhatin. Awtomatikong pumalibot ang dalawang braso ni Ara sa batok ni Kanoa nang muli nitong hinanap ang labi niya. Humawak ito sa pang-upo niya bilang suporta habang naglalakad papunta sa kung saan.

Nakita ng peripheral ni Ara na nakabukas ang TV at tanging screensaver lang nito ang naroon. Brand ng TV. Naupo si Kanoa sa sofa nang lumiwanag ang buong living room dahil napindot ang remote dahilan para bumukas ang TV.

Bumitaw ito sa pagkakahalik sa kaniya at nilingon ang screen, ganoon din siya.

Nakabukas ang video streaming site at tumutugtog ang isang kanta. Binasa niya ang title.

Damag.

The video was an illustration of two people. She wasn't sure. There was orange, and dark blue, buildings, and lyrics were written on it.

Hindi sigurado si Ara dahil bago pa man niya nakita ang kabuuan ng video, hinawakan ni Kanoa ang magkabilang pisngi niya. Muli nitong hinanap ang labi niya at dahil sa ilaw na nanggagaling sa screen, nakita niya ang mga mata ni Kanoa.

Humiwalay siya mula sa pagkakahalik ni Kanoa. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Kita niya ang pagod, antok, malayo sa mga matang minsan niyang naging paborito.

Ara breathed and cupped Kanoa's face. She kissed his forehead down to his eyes, the tip of his nose, and his lips.

"I love you," she whispered.

Kanoa responded with a kiss and Ara was able to taste the alcohol from his lips and then his tongue when they started kissing deeper. There were tongues, gripping of the waist, and dry humping.

She looked up when Kanoa slowly kissed her jaw down to her neck. She caressed his nape while staring at the ceiling. Her breathing was rugged especially when she felt the familiar sensation she had buried since they broke up.

Ara faced Kanoa and their lips battled again as if hungry for each other. Both didn't mind the busy city below, the peaceful sky with stars, and the music playing.

Their chest were against each other while their lips were locked, not wanting to let go.

Muling napaangat ang katawan ni Ara nang bumaba ang pagkakahalik ni Kanoa sa dibdib niya. She felt him sucked his exposed skin making her whimper. For the first time, she didn't mind if it would leave a mark. Ara was just focused on Kanoa . . . no one else.

"Kanoa?"

Nag-angat ng tingin si Kanoa at hinintay kung mayroon ba siyang sasabihin.

"After me, was there . . . someone?" Ara's chin vibrated. She didn't wanna hear the response but had to. "Did someone touch you like this?"

Pinaglandas ni Ara ang kamay niya sa dibdib ni Kanoa.

Sumandal si Kanoa at umiling. "Wala. Pagkatapos mo, wala nang iba. Mukhang walang magiging iba."

Sunod-sunod ang pagbasak ng luha ni Ara. Wala siyang naging sagot. Patagilid niyang inihiga ang ulo sa dibdib ni Kanoa at naramdaman ang paghaplos nito sa likuran niya tulad noong panahong magkasama pa sila. Kung paanong humahagod ang mainit na palad nito sa likod niya hanggang sa makakatulog na siya.

Ara shut her eyes for a second hoping the night wouldn't end. Gusto niyang sulitin ang gabi dahil hindi niya alam kung mauulit pa ba.

"Maliligo muna ako." Hinalikan ni Kanoa ang tuktok ng ulo niya. "Amoy alak ako, lasing ako, para kahit paano mahimasmasan ako."

Bumangon si Ara at humiwalay kay Kanoa. "You have a tub, right?"

Nagulat siya nang bigla na lang siyang patagilid na binuhat papasok sa bathroom. Iniupo siya nito sa sink at saka binuksan ang tubig ng bathtub na para bang tinitimpla ang tubig. Tahimik na nakatingin si Ara. Madilim ang bathroom at tanging ilaw na nanggagaling sa screen na nasa sumisilip galing sa living area ang nagsilbing liwanag nila.

Narinig niya ang pagbagsak ng ilang bagay habang kumikilos si Kanoa.

Tanging pagdaloy ng tubig ang maririnig sa loob ng bathroom. Lumapit sa kaniya si Kanoa at muling pinagdikit ang katawan nila. Hinalikan nito ang pisngi niya pababa sa leeg hanggang sa matunton nito ang balikat niya. Naramdaman niya ang kamay nitong nakahawak sa magkabilang gilid ng dress na suot niya at basta na lang iyon tinanggal.

Ara's heart pounded when Kanoa encircled his arms around her small frame. She didn't move and let him do whatever he wanted.

Humawak si Kanoa sa lababo at ipinatong ang noo sa balikat niya.

Pumikit si Ara at hinaplos ang buhok ni Kanoa. Ramdam niya ang mainit na paghinga nitong tumatama sa balat niya. Tumingala siya at pilit na pinakakalma ang sarili dahil wala pa ring tigil ang pagmamalabis ng luha niya.

Humiwalay si Kanoa sa kaniya at tiningnan ang tub kung sapat na ba ang tubig. Naglagay ito ng bodywash. Halos anino na lang ang nakikita ni Ara dahil nanatiling nakapatay ang ilaw at mas gusto niya iyon. Mas kumportable silang dalawa.

Patalikod na nakahawak ang dalawang kamay ni Ara sa gilid ng sink habang nakababa ang dalawang paa niya at kumukuyakot. Nakayuko niyang pinanonood aninong ginagawa niyon. Narinig niya ang tubig mula sa tub at nakitang naroon na si Kanoa. Base sa anino, nakapatong ang dalawang siko nito sa magkabilang gilid at kumportableng nakatingala.

Ara breathed and thought if she would join or just stay where she was. She shut her eyes, looked down, and exhaled. She removed the only clothing left—her underwear—and carefully walked towards Kanoa.

Kanoa looked at her. She knew it was just her silhouette.

Maingat siyang lumoblob sa tub. Pumuwesto siya sa paanan ni Kanoa, nakaharap dito nang hawakan nito ang kamay niya at pinasandal sa katawan nito. Maligamgam ang tubig, mainit ang katawan ni Kanoa, at nagulat siya nang maingat nitong inipon ang buhok niya at iginilid sa kaliwang balikat niya.

Pumalibot ang dalawang braso ni Kanoa sa katawan niya at isinubsob nito ang mukha sa kanang balikat niya.

"Galing ako kay Antheia," suminghot si Kanoa. "Galing ka pala roon bago ako dumating. Nadatnan ko na kasi 'yung sulat, bulaklak, at maliit na lobong nasa loob. Nauna ka na pala."

Napapikit si Ara at nakagat niya ang ibabang labi.

"Ang tagal ko roon kasi hindi ko magawang iwanan 'yung anak ko." Mas humigpit ang yakap ni Kanoa sa kaniya. "Hindi ko kayang umalis kanina. Hindi ko alam kung paano ako aalis. Halos buong maghapon lang akong nakaupo roon, nakasandal sa upuan, nakatingin sa pangalan niya."

Walang naging sagot si Ara sa mga sinabi ni Kanoa. Nakabukas ang pinto ng bathroom kaya nakikita niya ang pagbabago ng kulay ng ilaw dahil sa screen ng TV.

"Inggit na inggit akong nakilala mo siya," dagdag ni Kanoa. "Naiinggit ako sa 'yo na nakapagluksa ka na, ako nagsisimula pa lang."

Kanoa's deep and husky voice filled the bathroom. Halata rin sa pananalita nitong nakainom nga ito dahil madalas itong hihinto bago itutuloy ang sasabihin. Ramdam niya ang higpit ng yakap sa kaniya ni Kanoa, pinagsaklop pa nito ang kamay nila.

"Hindi ko magawang tingnan si Antoinette."

Nagulat si Ara sa sinabi ni Kanoa dahil ganoon din siya noong mamatay si Antheia.

"Mahal ko si Antoinette, mahal kita . . . pero hindi ko kayo kayang tingnan. Hindi ko kayo kayang harapin," sabi ni Kanoa. "Sa araw-araw, minsan iniisip ko . . . sana hindi ko na kayo nakita. Sana hindi n'yo na ako nakita."

Humarap si Ara kay Kanoa dahil nagulat siya sa sinabi nito. Hinaplos niya ang pisngi nito at dahil kita niya ang aninag ng mukha nito lalo na at nakaharap sa pinto, nasaktan siyang seryoso ito, walang luha . . . kung hindi tingin na walang emosyon.

"Sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko," ani Kanoa na naging dahilan para sumikip ang dibdib ni Ara. "E 'di sana pare-pareho tayong tahimik," natawa ito. "Tangina sana hindi na lang nga ako nag-enroll noon para naiwasan kita."

"K-Kanoa."

"Kung maibabalik ko lang, tangina, Ara . . . sana hindi na lang ikaw."





T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys