Chapter 15

Tahimik na nagmamaneho si Kanoa papunta sa ospital na sinabi sa kaniya ni Sam. Medyo mabilis ang patakbo niya, pero maingat. Wala siyang ideya sa nangyayari ngunit nag-aalala siya kay Ara na nawalan ng malay.

Si Belle ang umaasikaso kay Ara. Nasa passenger's seat ang dalawa katabi ang car seat ni Antoinette. As per Belle, Ara's heartrate was a little faster than normal, but not alarming.

On the other hand, Sam was sitting in the shotgun seat. Kanoa noticed how Ara's older brother's hand fisted as if angry or what.

Kung tutuusin, nagulat siya sa lahat ng nangyayari, pero hindi niya magawang magtanong ulit. Nagtanong na siya ng isang beses, pero hindi sumagot ang magkapatid. Tahimik ang mga ito, pero nakikita ni Kanoa sa rear-view mirror ang tahimik na pag-iyak ni Belle habang hinahaplos ang buhok ni Ara.

Nang makarating sila sa ospital, binuhat ni Sam si Ara papasok sa emergency room at sinabing tatawagan sila kapag maayos na ang lahat. Dumiretso sila sa basement parking ng ospital at nang huminto, nilingon niya si Belle na nilalaro si Antoinette.

"Belle, ano bang nangyayari?" diretsong tanong ni Kanoa.

"I shouldn't be the one to tell you, Kanoa, and I'm sorry," Belle shook her head. "As much as I want to let you know what's happening, I think it's best na hintayin nating magising si Ara. Hindi dapat ganito ang nangyari."

Hindi alam ni Kanoa ang mararamdaman sa sinabi ni Belle dahil maraming tanong at scenario sa isip niya. Base sa galit ng daddy ni Ara, mayroong laman. Base sa sinabi nitong naging dahilan para magmura si Belle at himatayin si Ara, malalim.

"Naguguluhan kasi ako," pag-aamin ni Kanoa. "Bakit nahimatay si Ara?"

Matagal bago sumagot si Belle. Naka-focus ito kay Antoinette, ni hindi siya tinitingnan dahilan para hindi na ulit siya magtanong. Gustuhin man niya, pero mukhang wala siyang mapapala kay Belle.

"Aakyat ba tayo sa taas o ano?"

"We'll just wait for Kuya Sam's call," sagot ni Belle.

Tumango si Kanoa at nagpaalam kay Belle na lalabas muna ng sasakyan. Pilit niya pa ring pinoproseso ang nangyari. Paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang mga sinabi ng daddy ni Ara, ang pagbasak ni Ara . . . lahat.

Isang pangalan din ang bumabagabag sa kaniya.

Antheia.

"Kanoa?" Binuksan ni Belle ang bintana ng sasakyan. "Kuya Samuel called, and Ara's being confined."

"Ano'ng nangyari?" Lalong nagsalubong ang kilay ni Kanoa. "Bakit?"

Belle subtly smiled. "Kuya Sam will explain everything to you later na lang. I'll call my boyfriend lang. Magpapasundo kami ni Antoinette. I'll bring na lang muna so you can stay with Ara."

Sandaling napaisip si Kanoa dahil hindi niya pa rin maintindihan. Nanatiling nakabukas ang bintana ni Belle kaya nakikita niya itong seryosong nakatutok sa phone. Sunod-sunod ang tunog niyon hanggang sa may tumawag. Kausap na nito ang kasintahan at nagpapasundo na.

"Room 713 daw sila," ani Belle nang hindi tumitingin sa kaniya. "Kuya Sam's asking if you can come 'tapos he'll wait with me na lang sa lobby. We'll take care of Antoinette, don't worry. She's used to us."

Ngumiti si Belle, pero kaagad iyong nawala at nag-iwas tingin sa kaniya. Mas lalong lumalala ang mga scenario sa isip niya at kung ano-ano na ang naiisip niyang posibleng nangyayari.

Nang muling mag-message si Sam na pumunta na sila sa lobby, si Kanoa ang nagbuhat kay Antoinette habang bitbit ni Belle ang baby bag nito. Nakayuko si Sam at nakasandal sa poste ng pader nang maabutan nila. Tahimik at napansin ni Kanoa na iba ang pagtingin sa kaniya kumpara sa nakasanayan niyang parang galit.

"Puwede ka nang magpunta sa room, hintayin mo na lang ako. Samahan ko na muna si Belle hanggang sa masundo sila," sabi ni Sam na kinuha si Antoinette sa kaniya. Ibinigay nito ang phone number. "Kung sakaling gising na si Barbara at wala pa ako, pakitawagan mo 'ko."

Tumango si Kanoa at sumunod sa sinabi ng magkapatid. Kahit nasa tapat na siya ng elevator, nakatingin siya kay Antoinette na inihiga ang ulo sa balikat ni Sam.

Nasa tapat ng kwarto si Kanoa at hindi niya magawang pumasok. Natatakot siya sa madadatnan. Naalala rin niya ang pag-uusap nila ni Ara noong bumisita siya sa ospital dahil may sakit ito ngunit inamin sa kaniyang ipinagbubuntis na pala ang anak nila.

Kanoa had to breathe deeply multiple times before entering the room. It was quiet and Ara was sleeping. Wala namang nakakabit na IV fluid o oxygen at ipinagpapasalamat niya iyon, pero hindi pa rin niya maintindihan kung bakit kailangang i-confine ni Ara.

Lumapit siya at hinaplos ang noo ni Ara. Medyo mainit ito, parang nilalagnat. Hinawakan niya ang kamay, ganoon din. Mainit ang palad.

Hindi naman kalakihan ang kwarto. Sapat na ang kama ni Ara at isang sofa. Mayroon ding lamesa kung saan may nakalagay na prutas. Mayroong sariling comfort room at malaki ang bintana na natatakpan ng makapal na kurtina.

Naupo si Kanoa sa sofa at tinitigan si Ara. Paulit-ulit pa rin niyang naririnig ang pangalang Antheia at mukhang marami silang pag-uusapan ni Ara.

Halos isang oras ang lumipas, nanatiling tulog si Ara. Bumukas ang pinto ng kwarto ni Ara at pumasok si Sam. Hawak nito ang paperbag na ibinaba sa lamesa, pero kinuha ang softdrink na nasa lata at iniabot sa kaniya ang isa.

Sumandal ito sa pader na nasa tabi ng sofang inuupuan niya habang nakatingin kay Ara.

"Ano'ng nangyayari?" Hindi na napigilan ni Kanoa ang magtanong. "Ilang beses akong nagtanong kay Belle, pero paulit-ulit lang din niyang sinasabi sa 'kin na sa 'yo raw ako magtanong. Meron ba akong kailangang malaman?"

"Meron." Tumango si Sam at hindi inalis ang tingin kay Ara. "But I think it's better if everything will come from Barbara. Belle and I . . . hindi namin alam kung paano sasabihin lahat sa 'yo. Kayong dalawa ang dapat na magkausap tungkol dito."

Nanatiling tahimik si Kanoa.

"For now, I'd like to apologize for how . . . our dad . . ." Yumuko si Sam, umiling, at hinilamos nito ang mukha gamit ang palad. "I'm really sorry."

Bumigat ang dibdib ni Kanoa sa paraan nang paghingi ng tawad ng kuya ni Ara sa kaniya. Alam niyang ayaw nito sa kaniya at kung puwede lang ipagtabuyan siya, gagawin na . . . pero kahit paano, may respeto . . . malayo sa nangyari.

"Magiging maayos lang naman si Antoinette kahit wala si Ara?" tanong ni Kanoa.

"Sanay si Antoinette kay Belle, pero mas sanay siya sa 'kin. I am actually hoping na magising na si Ara kasi mahihirapan si Belle na patulugin si Antoinette," sabi ni Sam at mahinang natawa. "Mas alam ko kasi pa'no patulugin 'yon."

Ibinalik ni Kanoa ang tingin kay Ara. "Hahanapin ka ba ni Ara kapag nagising siya? Matagal ba siyang makakatulog? Kasi kung sakali man, wala naman akong gagawin. Kahit na ako na lang rito, walang problema."

"There's a possibility, but I am actually hoping na hindi," umiling si Sam. "And for sure, hahanapin niya ako. Just in case na tumawag si Belle at mahirapan silang patulugin si Antoinette, aalis ako. Puwede kang mag-stay rito?"

Tumango si Kanoa at nag-isip ng puwedeng gawin lalo kung sakaling kailangan nilang mag-overnight.

Nag-message siya kay Jairold kung puwede bang makisuyo na magpadala ng damit sa ospital. Panay ang tanong nito kung anong nangyari sa kaniya, pero nag-explain siya na si Ara ang nasa ospital at siya lang ang magbabantay.

Tinawagan na rin niya ang mama niya na maghanda ng gamit niya dahil dadaanan iyon ni Jairold. Mabuti na lang din at naka-motor ito kaya hindi mahihirapan. Hindi rin naman rush hour kaya magiging mabilis lang.

Kahit magkasama sila ni Sam sa kwarto, nabalot sila ng katahimikan habang parehong hinihintay na magising si Ara. Ikinagulat pa nila nang bigla na lang itong suminghot at humagulhol habang nakahiga.

Napatayo si Kanoa, ganoon din si Sam na kaagad lumapit kay Ara. Nanatili naman siyang nakatayo sa gilid habang nakatingin sa mukha nito.

"Barbara?" Hinaplos ni Sam ang noo ni Ara. "Hey."

"Kuya," Ara gasped for air and sobbed. "Kuya. . ."

Paulit-ulit, kuya lang ang lumalabas sa bibig ni Ara. Panay ang hagulhol nito habang nananatiling nakahiga. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kumot na para bang nahihirapan.

Tinanong na rin ni Kanoa kung kailangan ba niyang tumawag ng doctor, kung may masakit ba kay Ara, at kung may kailangan ba siyang kunin o gawin.

Iling lang ang naging sagot ni Sam habang sinusubukang patahanin si Ara.

"W-Where's my necklace?" Humikbi si Ara habang pinakikiramdaman ang leeg na parang may hinahanap. "K-Kuya, w-where's my necklace?"

Kaagad kinuha ni Sam mula sa bulsa nito ang kwintas ni Ara at kaagad iyon ibinigay sa kapatid. Bumangon naman si Ara para suotin iyon.

Napansin na rin niyang madalas iyong suot ni Ara, pero hindi niya alam kung bakit parang importante iyon na kaagad itong bumangon para lang isuot ang kwintas bago isinubsob ang mukha sa balikat ni Sam na nakaupo sa gilid ng kama.

Ang buong akala ni Kanoa, titigil na ito sa pag-iyak, pero hindi. Pasigaw ang bawat hagulhol, mahigpit na nakahawak sa T-shirt ni Sam, at walang kahit na anong salita kung hindi paghiyaw.

"Where's Antoinette?" Umalis si Ara sa pagkakayakap kay Sam. "Is she okay?"

"She's with Belle and—"

"She'll cry with Belle," Ara sniffed and chuckled. "She won't be able to sleep with Belle!"

Sam nodded and smiled. Tinanggal niya ang buhok na nakaharang sa mukha ni Ara. "I know," aniya bago nilingon ni Kanoa. "I'm planning to go home since he's here. Okay lang ba sa 'yong uuwi muna ako for Antoinette and I'll be back tomorrow morning?"

Mabagal na lumingon si Ara sa gawi ni Kanoa. Namamaga na ang mga mata nito dahil sa matagal na pag-iyak. Panay rin ang hikbi, pagsinghot, at parang pinipilit na umiwas sa kaniya.

Samantalang hindi alam ni Ara ang isasagot sa sinabi ng kuya niya. Ayaw niyang maiwang mag-isa kasama si Kanoa lalo na at silang dalawa lang pagkatapos ng mga nangyari.

Kaya nag mag-ring ang phone nito at nagpaalam na lalabas muna para sagutin ang tawag, nakakuha si Sam ng pagkakataon para kausapin ang bunsong kapatid.

"He's asking questions, Barbara," Sam said in a low voice. "Wala kaming sinabi ni Belle dahil mas okay na ikaw ang magsabi sa kaniya."

"I don't think I can," Ara sobbed. "I don't know how."

Sam shook his head. "He deserves to know what happened. You need to talk about this, Barbara. May alam na siya, he's asking about her . . . and you need to tell him. Please, don't keep this from him anymore. You want him to be part of Antoinette's life, let him be part of Antheia's, too."

Nang muling mabanggit ng kuya niya ang pangalang iyon, muling bumigat ang dibdib ni Ara at hindi alam kung paano hihinga nang maayos.

"Iiwanan ko kayong dalawa ngayon. Antoinette needs me. It's almost six in the evening and anytime soon, uuwi na siya. I need to go home. May gusto ka bang kainin? Bibilhan ko muna kayo bago ako umalis."

Hindi sumagot si Ara na nakatingin lang sa bintana kung saan kita ang papalubog na araw. Nagbabago na rin ang kulay ng kalangitan at padilim na. Medyo umaambon pa rin.

"Kung hindi ka pa ready na sabihin sa kaniya, at least let him know that you're not ready to talk about it," dagdag ng kuya niya. "He deserves it, too."

Ara looked down and caressed the pendant of her necklace. Nakita niya ang sarili niyang mga luha na bumagsak sa kumot niya. Bumukas ang pinto, nagtama ang mga mata nila ni Kanoa. Hawak nito ang backpack pati na ang paperbag ng isang restaurant.

"Nagpabili na lang ako sa kaibigan ko ng pagkain." Itinaas ni Kanoa ang paperbag. "Gusto mo na bang kumain?"

Hindi sumagot si Ara.

Tumayo si Sam. "Aalis na muna ako, Kanoa. Sigurado ka bang okay ka lang dito? Iiwanan ko na muna kayong dalawa. I'll take good care of Antoinette and I'll give updates. She's a heavy sleeper so there won't be a problem."

Ara didn't say a word and just nodded. Sam kissed the top of her head and whispered I love you before saying goodbye to Kanoa.

"Gusto mo nang kumain?" Muling tanong ni Kanoa.

Tumango si Ara kaya inayos na nito ang pagkain sa moveable table bago dinala sa kaniya. Inilagay nito ang bed table. Ramen ang pagkain at mayroong iba't ibang side dishes na nakaayos. Binuksan din ni Kanoa ang TV dahil daw nakakabingi ang katahimikan bago naupo sa sofa at kumain tulad niya.

Ara couldn't eat. She couldn't even swallow her own saliva and she kept on sniffing thinking about what was next.

"Ara, kumain ka na muna," ani Kanoa at tumayo. Binuksan nito ang bottled water at ibinaba sa bed table niya. "Kung ano man 'yung gusto mong sabihin o kailangan kong malaman, mamaya na. Kumain ka na muna. Hindi ko na rin alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, pero please . . . kumain ka na muna."

Nanginig ang baba ni Ara sa sinabi ni Kanoa. Hindi rin niya mapigilan ang panginginig ng kamay niya habang kumakain. Paminsan-minsan siyang humihikbi at hindi niya magawang tingnan si Kanoa na nanonood ng TV. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang kalmado ito o matatakot dahil sa pagiging kalmado nito.

Nagpatuloy sila sa pagkain. Pinilit ni Ara na lunukin lahat kahit nahihirapan siya. Madalas pa siyang nasasamid dahil hindi niya kaya.

"Kung may masakit sa 'yo, sabihan mo 'ko para makatawag ako ng doctor," ani Kanoa habang nililigpit ang pinagkainan ni Ara. "Gusto mo ba ng ice cream? Bibili ako sa cafeteria."

Tango lang ang naging sagot ni Ara. Lumabas si Kanoa nang walang sinabi at iniwan siyang mag-isa dahilan para muli siyang humagulhol.

Ramdam na niya ang pamamaga ng mga mata niya at hindi siya nagkamali nang makita ang sarili sa reflection ng bintana ng kwarto dahil madilim na. Tumayo siya at humarap sa city lights. Tinawagan niya si Belle para kamustahin si Antoinette at nag-send ito ng video kung saan nakaupo itong nanonood ng cartoon katabi ang boyfriend ng kakambal niya.

Ara automatically smiled while staring at her daughter. "Kiss her for me," she said.

Pagbaba ng tawag, nanatili siya kung saan siya nakatayo nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nakita niya sa reflection ng salamin ang paglapit ni Kanoa at tumabi ito sa kaniya. Binuksan ang Pinipig na binili bago iniabot sa kaniya.

"You can ask anything," ani Ara kahit na may kaba sa dibdib niya. "I'll answer everything."

"Bakit ka naka-confine?" tanong ni Kanoa. "Nangyayari ba talaga 'to?"

Ara forced a smile. "Sometimes, when needed. But the last time I was confined was a year ago. Hindi na siya naulit until today. Maybe Kuya Sam wanted to make sure I'll be okay. The last time kasi I was asleep for three days."

Nilingon ni Kanoa si Ara. Kumikislap ang mga mata nito dahil sa ilaw na nasa harapan nila.

"Kahit anong tanong ko ba, sasagutin mo?"

Tumingin sa kaniya si Ara at mabagal na tumango.

Yumuko si Kanoa at inisip ang paulit-ulit na bumabagabag sa kaniya sa maghapon. Natatakot sa posibleng sagot, pero kailangan niyang malaman.

"S-Sino si Antheia?" mahinang sabi ni Kanoa bago patagilid na nilingon si Ara.

Nakita niya ang muling pamumuo ng luha sa mga mata ni Ara, ang panginginig ng baba nito, at ang malalim na paghinga. Sinalubong nito ang tingin niya bago bumagsak ang luha sa magkabilang mga mata.

"Our daughter," Ara's lips trembled. "A-Antoinette's twin sister."

Malakas na ang naging pakiramdam ni Kanoa umpisa pa lang, pero ayaw niyang isipin iyon. It was the worse case scenario for him . . . lalo nang maalala ang sinabi ng daddy ni Ara na namatay si Antheia.

"They were twins. Antoinette Drae and Antheia Rae," mabigat ang bawat paghinga ni Ara at nanatili lang si Kanoa sa gilid, naghihintay ng sasabihin pa.

When Kanoa didn't say a word, Ara faced him and saw his brows furrowed while he was staring at nowhere. She saw how his jaw tightened, but immediately trembled. Again, no words . . . just deafening silence.

"Kanoa," Ara got his attention.

"Ituloy mo," Kanoa responded in a low voice. "Ano'ng nangyari?"

Ara gulped and breathed. "The pregnancy was hard. I was always sick. I became busy during finals, I wasn't sleeping well because it was uncomfortable, I was always hungry, and I was always in bed sleeping. After graduation, I almost . . . lost them."

Kanoa was silent and would sometimes look at Ara, but mostly in front of the window.

"At seven months, I was on bed rest kasi early labor. I lived with Kuya Sam, and he took care of me. I made it to nine months, we made," Ara sniffed but tried to smile. "I gave birth via cesarean and they told me that one baby was smaller than the other," she breathed heavily trying to remember everything. "There were two babies, but I can only hear one until I saw them reviving her."

Ara saw Kanoa gulped. His Adam's apple moved; his lips trembled. . . again.

"Until finally, she cried," Ara's voice cracked. "We all cried," she chuckled, "they told me that they're gonna observe her. I nodded and fell asleep. After recovering, they explained what happened. Antoinette was normal, every test came out normal. But . . . Antheia," she paused.

Kanoa gazed at her and waited.

"Antheia was born with congenital heart disease," Ara inhaled. Her lips formed an "O" trying to gasp for more air. "She's weak and needed assistance. We . . . brought her to Singapore for further testing. I tried, Kanoa."

Nanatiling tahimik si Kanoa na ikinabahala ni Ara. Naupo ito sa sofa, ipinatong ang dalawang siko sa magkabilang binti, pinagsaklop ang sariling mga kamay, at yumuko.

"I tried, but two months later . . ." Ara sobbed and sat beside Kanoa. There was a safe space between them. She started scraping the back of her hand while reliving the moment she lost her daughter. "I tried, Kanoa, I tried," she looked up, "but I failed."

Nilingon ni Kanoa si Ara. Nakasandal ito sa headrest ng sofa at nakatingala habang nagmamalabis ang luha sa gilid ng mga mata. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito na sinusugatan ang paligid ng kuko. Nakita rin niya ang pagkakabaon ng kuko sa balat, sa may pulsuhan na hindi niya napansing ginagawa nito habang nagkukuwento.

"I'm sorry," Ara shut her eyes and wept. "I'm sorry."

Walang maramdaman si Kanoa. Sumandal siya sa sofa tulad ni Ara. Mabigat, pero hindi siya makaiyak. Hindi niya magawang umiyak . . . hindi niya alam kung paano iiyak.

Pinagsaklop niya ang kamay nila ni Ara.

"Hindi ko alam kung paano ako magluluksa," bulong ni Kanoa. "Tindi naman ng balik mo, Ara."



T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys