Chapter 14

Nilingon ni Ara sina Antoinette at Belle na nagkukulitan sa kama habang nanonood ng cartoons. Hindi naman daw kasi ito busy dahil tapos na ang exams kaya mangungulit naman sa kanilang mag-ina.

"Since you've met your dad, I can now see the resemblance!" Tumingin si Belle kay Ara na sumama ang tingin. "True naman, Barbara. I really thought she looks like us lang, pero I now see Kanoa sa kaniya. Grabe."

Umiling si Ara at humarap ulit sa salamin. Naglagay lang siya ng kaunting blush on, nude lipsticks, at inipitan lang ang buhok. Mahigpit na mahigpit para hindi siya mahirapan kay Antoinette.

"Parang I don't wanna come na," ani Belle at ipinikit ang mga mata. "Can I pass na lang? Kaya n'yo naman na ni Kanoa mag-mall, right? You're both grown up and you both don't need a chaperone naman na."

"But . . ." Humarap si Ara sa kakambal niya. "I still feel uncomfortable kapag us lang."

"Kailangan mo nang masanay," Belle stuck her tongue out. "What if one day, bigla n'yong maisipan na to fix na lang the relationship? Alam mo . . ."

Ara frowned when Belle got up and sat on the side of the bed. "What?" she asked and pouted. "You promised."

"I know I promised and I'm sorry that I have to break it." Tumayo si Belle at pumuwesto sa likuran ni Ara. Hinaplos-haplos ang buhok ng kakambal habang parehong nakatingin sa salamin. "But I think you both needed this time naman. You'll get things for Antoinette, you're both okay naman and talking, and I know there's still awkwardness, but until when?"

Tahimik si Ara na nakatingin kay Belle.

"I don't know your plans. You told me naman na you both admitted na you love each other. I get that it's gonna be hard for you both. The trauma, the past, everything . . . the trust issues, I get it. Pero do you guys have plans ba to be together?" Belle asked.

Ara lightly shook her head because it was true. "I seriously don't know yet. We haven't talked abo-"

"Kasi you're both running away from it! Ayaw n'yong pag-usapan kaya both of you are clueless! To be honest, walang mangyayari if you'll just do that," umiling si Belle. "But then again, you do you. Kayong dalawa lang naman ang makakapag-ayos niyan."

Nanatiling nakatitig si Ara sa sarili niya dahil may katotohanan ang sinabi ni Belle. Tinatakbukan niya ang sitwasyon nila ni Kanoa dahil natatakot siya sa magiging result ng magiging pag-uusap nila.

"I won't change my mind, tho. You should go with Kanoa, kayong tatlo lang. Try it," Belle smiled widely. "This is your first date na kayo lang, right?"

"This isn't a date!" protesta ni Ara. "We're just gonna buy stuff for Antoinette. That's it. Sama ka na kasi!"

Umiling si Belle at kumportableng nahiga sa kama niya. "Hindi ba ikaw naaawa sa 'kin? I just completed my midterms. My head hurts pa 'tapos may research paper pa akong iniisip. Puwede bang this day is my day off naman from life?"

Ara pouted trying to convince her twin to come with her, but Belle repeatedly declined. Wala na rin siyang nagawa kung hindi ang hayaan itong kumportableng mahiga at manood sa kwarto niya.

Napag-usapan nila ni Kanoa noong gabi pa lang na sasakyan na lang nito ang gagamitin nila. Nakabihis naman na sila ni Antoinette at maayos na ang dadalhin niyang baby bag kaya nag-message na siya na ready na sila. Nagulat pa siya nang sabihin ni Kanoa na nasa lobby na ito, pero hindi nagsabi sa kaniya.

Paglabas ng elevator, nakita kaagad niya si Kanoa na nakaupo sa sofa ng lobby. Nakita kaagad siya nito kaya sinalubong siya at kinuha si Antoinette na buhat niya.

"You could've called me!" Ara shook her head.

Kanoa widely smiled making Ara's heart thump. It wasn't expected and she hated the feeling, but she also missed it.

"Ayos nga lang," ani Kanoa habang naglalakad sila papunta sa katapat na parking ng entrance ng condo. "Hindi naman ako gaanong katagal na naghintay."

Naningkit ang mga mata ni Ara dahil sa huling sinabi ni Kanoa. Parang hindi siya naniwala lalo nang umiwas ito ng tingin sa kaniya at hinalikan na lang si Antoinette.

"Akala ko kasama natin si Belle?"

"She's tired," Ara rolled her eyes.

Huminto sila sa isang itim na SUV at mukhang bago pa iyon. Muli niyang nilingon si Kanoa na dumiretso sa kanang bahagi ng passenger's side. Sa kaliwa naman si Ara at pagbukas niya, mayroong car seat kung saan inaayos ni Kanoa ang anak nila.

"New car?" Ara asked. "Sorry for asking."

"Magtanong ka lang," sagot ni Kanoa nang hindi tumitingin kay Ara. "Oo, kaka-release lang din last week. Mas gusto ko na 'to, mas safe kesa roon sa sasakyan kong isa 'pag kasama ko si Antoinette."

Sumakay si Ara at nakatingin pa rin sa mag-ama. Hindi pa tapos si Kanoa sa pag-ayos ng seatbelt ng anak nila. Nilalaro naman nito ang laruang nakapalibot sa arm rest ng car seat. Mayroon ding monitor sa harapan tulad ng sa kanya at organizer para pa sa ibang gamit ni Antoinette.

"Ayan," ngumiti si Kanoa at hinalikan ang pisngi ni Antoinette bago sinara ang pinto.

Ara looked down and a subtle smile escaped her lips. She didn't mean to, but she couldn't help it and just let herself feel it.

"Saan tayo?" tanong ni Kanoa habang nakatingin kay Ara sa rearview mirror. "Gusto mo bang sa malapit na mall na lang para kung sakali man makauwi rin tayo kaagad lalo wala si Belle?"

"Sure. That sounds better," Ara gave Kanoa a subtle smile.

Muli niyang nilingon si Antoinette na nalilibang sa mga laruang nakapalibot dito. Tahimik sila ni Kanoa at para mabawasan ang awkwardness, inilabas na lang ni Ara ang phone niya para sumagot sa mga inquiry.

It took them ten minutes to arrive at the nearest mall.

"Bili tayo ng stroller ni Antoinette," sabi ni Kanoa habang naglalakad sila papunta sa department store. "Ilalagay ko lang sa sasakyan ko. Inuna ko lang muna kasi 'yung car seat kasi gagamitin. Naisip ko naman na kung sakali man, dito na lang bibili ng stroller."

Tumango si Ara at nakasunod lang sa mag-ama niya.

Kanoa was wearing simple dark blue jeans paired with a white polo shirt. He was also wearing a black Converse and Ara thought his outfit choices never changed. No wonder Kanoa also got Antoinette her own little Converse.

Hinayaan ni Ara si Kanoa na mamili ng stroller para sa anak nila. Nakasunod lang siya, pero may hawak na cart baka sakaling makakita ng puwedeng bilhin.

Nakiusap din kasi si Kanoa na samahan niya para bumili ng mga gamit ni Antoinette na iiwanan lang sa condo nito para hindi na palaging maraming bitbit. Damit, baby bottles, bottle warmer, at kung ano-ano pa ang nasa listahan nito.

Isa iyon sa hindi inasahan ni Ara. Sa totoo lang din naman, lahat ng nangyayari sa kasalukuyan ay malayo sa inasahan niya. Lahat pala ng takot niya noon tungkol kay Kanoa kapag nakilala na nito ang anak nila, malayo.

No . . . it was actually the total opposite of what she imagined.

Naupo si Ara sa waiting area habang pinanonood si Kanoa at Antoinette. Nakapili na kasi ito ng stroller at halos kapareho lang naman nang binili niya noong baby pa ang anak nila. It was perfect especially if Antoinette decided to just sleep. Puwede nilang ihiga.

Marami rin itong compartments para sa mga laruan ng anak nila, sa baby bag, at kung ano-ano pa.

Lumuhod si Kanoa at lumebel kay Antoinette. Nakangiti ang mag-ama, humahagikgik pa nga habang inaayos nito ang straps ng stroller. Isinakay na at gagamitin na raw nila habang naglalakad-lakad sa mall.

Nagpasalamat si Kanoa sa mga tumulong sa kaniya para mapili ang stroller ni Antoinette. Siya ang nagtutulak at nang lingunin niya ang upuan kung nasaan si Ara, wala ito. Umikot silang mag-ama sa area at inisa-isa ang aisle nang makita nila ito sa bilihan ng mga dress na pangbata.

"Oh, you're done na?" Nilingon sila ni Ara. "Aww, that looks good!"

Lumuhod si Ara at kinausap ang anak nilang hawak ang bagong stuffed toy na nadaanan lang naman nila, pero tinuro ng anak niya.

Tumingala si Ara kay Kanoa. "I already got everything on your list, and we can pay na if you want. I added some clothes na lang for her, mostly pangbahay lang naman. I will sort her clothes na lang then give some to you."

"Puwede na 'yan. Kung kulang naman, sasabihin ko sa 'yo o kaya bibili na lang ako. Nagpa-personalize na rin ako ng drawers niya. Nilagay ko lahat ng naiwang damit niya roon. Send ko sa 'yo 'yung picture 'pag na-deliver na."

Ara nodded and stood up. Nauna na rin itong naglakad papunta sa cashier at habang nakasunod silang mag-ama, naisip niya na sana, maulit na magkasama silang tatlo.

Noong naging sila, hindi sila nagkaroon ng pagkakataong maglakad sa mall tulad lang ng ginagawa nila ngayon. Mas madalas sila sa kotse, sa school, o kaya sa condo ni Kanoa. Hindi nila nasubukang manood ng sine. Kumakain naman sila sa labas, pero hindi sa mall. Madalas sila sa mga restaurant, café, pero hindi ganito.

"Let's go?" Ara smiled widely at them and giggled. "This is a lot!"

Kanoa couldn't say a word while staring at Ara who was smiling from ear to ear, giggling, and looking comfortable. It was the first time in weeks . . . no months . . . since they met again.

"Kanoa?" Ara's soft, feminine voice filled his ear. "Everything okay? Are you hungry ba?"

Mabagal na tumango si Kanoa dahil iyon ang totoo. Sinilip niya rin si Antoinette para umiwas sa tingin ni Ara sa kaniya.

"Do you wanna grab some lunch before mo kami ihatid sa condo? I got another payment kasi yesterday for a project and I'm craving steak," Ara scrunched her nose. "My treat."

Kanoa automatically nodded and followed Ara. Ito na rin ang pinagtulak niya ng stroller ni Antoinette dahil medyo marami ang paperbag na bitbit nito. Dumaan na rin muna sila sa ladies section dahil gusto raw nitong bumili ng bagong sapatos.

Habang naghihintay, nakatingin siya kay Ara na nagsusukat habang kausap ang saleslady na panay naman ang bigay ng sapatos. Panay ang sabi na bagay kay Ara, sakto sa paa ni Ara, ang cute ng paa ni Ara . . . pero totoo rin naman.

Yumuko si Kanoa at natawa bago niya muling ibinalik ang tingin kay Ara. Mukhang mabubudol ito ng limang sapatos. Iba't-ibang style at magaganda naman ang kulay. Maganda naman talaga ang fit sa paa ni Ara.

Unang beses na makita niyang bumibili si Ara at sa paraan ng pakikipag-usap nito sa mga saleslady, alam niyang sanay ito sa shopping. Aware naman siya noon pa dahil nag-uusap sila kapag kasama nito si Belle at ang bestfriend nito.

"I'm sorry," Ara looked at him, frowning. "Last na. I like the color kasi, but I am asking for a different style. If ever na you're annoyed na, just walk around muna with Antoinette."

"Okay lang," umiling si Kanoa at ngumiti. "Inaantok na rin siya, eh. Timplahan ko na kaya ng milk?"

Tumango si Ara at bago pa man ito makapagsalita, bumalik ang saleslady na mayroong hawak na tatlong iba't-ibang design ng sapatos, pero kulay dark blue.

Kanoa focused on Antoinette who looked sleepy. Nagtimpla na siya ng gatas nito na kaagad namang kinuha sa kaniya.

"Wait lang natin si mommy mo," ani Kanoa habang inaayos ang unan sa stroller. "Mukhang mabubudol talaga siya. Anim na sapatos na 'yung nakikita kong sinusukat niya."

Inalis ni Kanoa ang buhok na nakaharang sa may mata ni Antoinette at maingat na sinuklay ang buhok ng anak niya. Paminsan-minsan niyang tinitignan si Ara na naghahanap pa ng ibang kulay ng sapatos . . . mukhang sinusulit ang budget na binanggit sa kaniya kanina.

Tinapik niya ang anak niya nang tumagilid na ito habang dumedede at nakakatulog na. Kinuha niya ang maliit na blanket sa baby bag at saka kinumutan ang anak niya. Inalis muna niya ang suot nitong sapatos at iniwan ang medyas na puti.

"Finally, done." Naupo si Ara sa tabi niya na ikinagulat niya. "Aww, she's sleeping na pala. I'm sorry kasi matagal, but all good na. I asked na lang din si Ate to pay everything kasi ang layo kaya ng cashier," sabi nito na tumitingin sa kung saan.

Umayos si Kanoa ng upo at nilingon si Ara.

"Are you hungry na?" Tumingin ito sa kaniya. "After this, we can eat na while Antoinette's sleeping so we can eat in peace," mahina itong natawa.

Hindi sumagot si Kanoa at nanatiling nakatingin kay Ara.

"Why are you . . . looking at me like that?" nagsalubong ang kilay ni Ara. "Wait, I'm shy. Something's wrong?"

"Wala. Ang cute mo pala mag-shopping," ngumiti si Kanoa at umiling. "Ang dami mong choices. Ang dami mong sinusukat. Ang tiyaga mo pala."

Ara faced softened and started telling him about all the shopping exeperiences she had. Kanoa was just there, listening, and would sometimes laugh. Hindi siya nagbubukas ng ibang topic at hinahayaan itong magkuwento tungkol sa ibang bansa, kung saan maganda mag-shopping.

Pati ang mga brands na hindi pa niya narinig noon, nalaman niya sa isang upuan kay Ara. Mga French brand ng bags, pabango, at kung ano-ano pa.

Habang naghihintay sila sa saleslady, naghanap sila ni Ara ng puwedeng kainan. Mabuti na lang at nakakita sila ng steakhouse hindi kalayuan sa lugar. Hindi sa mall, pero medyo malapit sa kung nasaan sila.

Dumating ang saleslady at inabot ang apat na malalaking paperbag. Hindi alam ni Kanoa kung ilang pares ng sapatos ang binili ni Ara. Ngumiti lang si Kanoa ngunit sinamaan siya ng tingin ni Ara.

"Bakit?" natatawang tanong ni Kanoa. "Natawa lang ako na binili mo pala lahat."

"I have a lot of lakad the next few days, so I need new shoes!" dipensa ni Ara.

"Wala naman akong ibang sinasabi, ha?" Kinagat ni Kanoa ang ibabang labi. "Ikaw na magtulak ng stroller, ako na magbibitbit ng mga paperbags." In-emphasize niya ang letter S sa bags dahil sobrang dami naman talaga.

Naunang naglakad si Ara at nasa likod si Kanoa, pero nagulat siya nang bumagal ang lakad nito at sumabay sa kaniya. Tahimik si Kanoa na nakikinig pa sa mga kwento ni Ara sa tuwing lumalabas ito kasama si Belle. Tinuro pa sa kaniya kung saan masarap bumili ng frozen yogurt na hindi naman niya kinakain, ng cinammon rolls na nababahuan siya minsan, pati na ang mga milk tea na lasang damo naman.

Tango lang isinasagot niya at hinahayaan itong magsalita. Ito na rin kasi ang pinakamatagal na pag-uusap nila nang hindi ito mukhang naiilang at hindi lumalayo sa kaniya.





Ara was thankful that Antoinette was sleeping when they arrived at the restaurant. Medyo nahihirapan kasi talaga siya sa tuwing kumakain sila sa labas dahil may kalikutan na ito at gustong lakad nang lakad.

Katapat niya si Kanoa sa lamesa at nasa side nito ang stroller ng anak nila.

For some reason, Ara felt comfortable, and she didn't know what was up with her.

They ordered steak because she was craving it. Nagulat si Ara nang hiwain ni Kanoa ang mga ito nang mas maliliit pa dahil noong panahong magkasama sila, madalas din naman sila sa mga steakhouses at naiinis siya na malalaki ang cuts.

Ara didn't bother pointing it out and just enjoyed her food. Mayroon din silang kinuhang steamed veggies, mashed potatoes, and salad.

Kanoa asked if she wanted to get some wine, but she declined.

Habang kumakain sila, pinag-uusapan nila ang tungkol sa trabaho ni Kanoa. Naalala kasi niya ang mga footage nito noon na napapanood niya. Sa tuwing nag-e-edit ito noon, nasa tabi lang siya habang nagtatanong tungkol sa color grading o kung ano pa.

"Napanood mo ba 'yung music video ng Fireplay na kasama si Harley?" tanong ni Kanoa. "Kakalabas lang niya noong isang linggo."

Tumigil sa pagnguya si Ara at umiling. "N-Not yet."

"Iyon ang second to the last project na tinanggap ko. Noong nagkita tayo noon sa café, meeting ko sa kanila. Kaya direk ang tawag sa 'kin ni Harley," sabi ni Kanoa. "Kaya nagulat din ako noong nalaman kong kaibigan niya ang kuya mo."

Inilabas ni Ara ang iPad niya para hanapin ang nasabing music video. Nagulat siya dahil hindi niya inasahang sexy iyon. Maraming kissing scene, may parteng medyo nude ang datingan ni Harley, at maganda ang kanta.

Naririnig niya ang Fireplay, but it was the first time she heard their song. Mas napapakinggan niya kasi Sangria at Mojave dahil na rin kina Sayaka.

"She's so gorg," Ara breathed. "Grabe the almost nude scene."

"Nag-nude painting din talaga 'yan si Harley," sagot ni Kanoa.

Nagsalubong ang kilay ni Ara at ibinaba ang phone. "Can I ask you something?"

Tumango si Kanoa at uminom ng tubig. Mukhang seryoso ang tanong.

"Is something going on between you and Harley or . . . did you . . . you-"

"Hindi 'no. Boyfriend niya si Zero, 'yang kasama niya sa music video. At saka hindi kami talo. Naging magkaibigan lang kami ni Harley, nagkatrabaho, pero walang kahit na ano," sagot ni Kanoa. "Bakit?"

Ara looked down. "She's hot and pretty and . . . I was jealous when you were laughing with her."

Nagulat si Kanoa sa sinabi ni Ara dahil diretsahan, walang preno. Itinuon din nito ang tingin sa pinggan na mayroong steak na tinutusok-tusok ng hawak na tinidor.

"Magkaibigan lang kami ni Harley," diin ni Kanoa.

Tumango si Ara at bumalik sa pagkain.

Nagising na rin si Antoinette na kaagad kinandong ni Kanoa. Tinuro nito ang mashed potato kaya pinakain niya ang anak. Ginawa niyang busy ang sarili niya dahil paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang sinabi ni Ara. Gusto niyang ngumiti, pero ayaw niyang mailang na naman si Ara sa kaniya.

"Oh my gosh."

Tumingin si Kanoa kay Ara na nakatakip ng palad ang bibig habang nakatingin sa phone. Salubong ang kilay nito at mukhang nagulat.

"Kuya Sam messaged asking if . . ." Ara paused. "Our parents are asking us to go to Kuya Sam's cafe. Belle's already on the way and that's thirty minutes ago pa. I only read the message now."

"Sige, ihahatid ko na lang kayo ni Antoinette," sagot ni Kanoa.

Tumango si Ara at nag-bill out. Nag-insist si Kanoa na magbabayad ng mga kinain nila, but Ara said no. It was really her treat.

Sa sasakyan, panay ang tingin ni Kanoa kay Ara sa rearview mirror. Panay rin ang tunog ng phone nito. Minsan itong titingin kay Antoinette, minsan sa kaniya kaya kaagad siyang umiiwas para hindi siya mahuli.

Ara looked uncomfortable this time that Kanoa could even hear her fidgeting. Nararamdaman din niyang medyo gumagalaw ang sandalan ng driver's seat. Naririnig niya rin ang malalim na paghinga nito.

The café was an hour away from their location and it was raining heavily.

Hindi rin iyon tumigil hanggang sa makarating sila sa café na itinuro ni Ara kay Kanoa. Iba iyon sa unang pinuntahan nila dahil mas maliit itong isa. Akmang bababa si Kanoa nang pigilan siya ni Ara.

"D-Do you wanna meet my parents?" tanong ni Ara sa mababang boses. "We're already here and . . . and since you're already part of Antoinette's life since you knew about her, I think it's best that my parents will know you."

"Sigurado ka ba?"

"To be honest, no . . ." Umiling si Ara. "But . . . I don't know? For Antoinette?"

Hindi sumagot si Kanoa.

"There would be a possibility that they'll hate you after everything. If you don't wanna meet my parents, it's okay," Ara smiled warmly. "It was just a sugg-"

"Okay lang sa 'kin." Kinuha ni Kanoa ang payong sa gilid ng upuan niya. "Alam ko rin naman ang kasalann ko, kung magagalit sila, reasonable. Sige lang. Nandito na rin naman tayo, magpapakilala na lang din ako nang maayos."

Before Ara could react, Kanoa went outside the car. The rain wasn't as heavy anymore. The door beside Antoinette opened and Kanoa did his best to make sure not a single drop of rain would touch their daughter.

Malalim na huminga si Ara bago lumabas ng sasakyan ni Kanoa. Bumukas ang pinto ng café at sinalubong sila ni Sam. Seryoso ang mukha nito, tahimik, at inabutan siya ng tissue dahil medyo nabasa ang kamay niya.

Walang ibang tao sa café kung hindi si Sam, Belle, at ang mga magulang nilang nakaupo sa sofa. Mayroong mga pagkain sa coffee table ngunit kaagad na ibinaba ng daddy nila ang coffee cup na hawak nito bago tumayo.

"Dad, Mom . . ." Ara gazed at Kanoa who was standing beside her. Buhat pa rin nito si Antoinette. "He's Kanoa . . . Antoinette's biological dad."

Sam was standing beside Ara and Belle was on one of the vacant seats looking at them.

"What the heck is he doing here?" Their dad asked in a low voice.

"He's Antoinette's dad and I want you to meet him," Ara responded.

"For what?" Her dad sounded frustrated. "Barbara, hindi ka pa rin ba natuto sa mga kata-"

"Dad!" It was Sam.

Malalim na huminga ang daddy nila. "So you're together again?"

"No, we're not. But he's part of Antoi-"

"He wasn't there during your pregnancy. He wasn't there when you were having difficulties and now, he's here when it's convenient?"

Ara shook her head. "Dad, he didn't know."

"What's the reason why you didn't let him know? There must've been a reason!" Tumaas ang boses ng daddy nila. "Barbara, please . . . paalisin mo siya."

"Ara, sige na . . ." Ibinibigay ni Kanoa si Antoinette kay Ara dahil aalis na lang siya lalo na at umiinit ang sitwasyon. "Aalis na lang muna ako. Sige na."

Umiling si Ara. "No . . ."

"Wala siya noong nagbuntis ka. Wala siya noong nanganak ka . . ." Huminto ang daddy nila. "Tapos ganito kadali? You're letting him even carry Antoinette?" pasigaw na ang pagkakasabi nito na ikinagulat nilang lahat.

Muling lumapit si Kanoa kay Ara para ibinigay si Antoinette. "Sig-"

"Wala siya noong namatay si Antheia 'tapo-"

"Dad!" Sam and Belle shouted in sync.

Kanoa was staring at Ara when he saw how she stilled, and a lone tear rolled down her eyes. The way her chin vibrates . . . and how Ara's hand started shaking.

"Dad, what the fuck!" Belle shouted as she walked towards Ara.

Nanatiling nakatitig si Kanoa kay Ara nang bigla na lang itong nabuwal ngunit kaagad na nasalo ni Sam na nasa gilid nito.

"Belle, ano'ng nangyayari?" tanong ni Kanoa. "S-Sino si Antheia?"

Nakita ni Kanoa ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Belle. "We'll explain later."





T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys