Chapter 12

"HINDI AKO MULTO! BUHAY AKO!"


There, I said it.


"S-sorry... maintindihan mo sana. Kinailangan kong magsinungaling sa 'yo, magpanggap na multo, at nakawin ang mga pancit canton mo. Favorite ko kasi iyon..."


Napahawak ako sa laylayan ng aking skirt at nalamukos ko ito. Wala pa rin naman siyang kibo, siguro nagulat siya. Siguro magagalit na siya mayamaya, kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. Magpapaliwanag na agad ako bago pa siya may masabi.


"P-pasensiya na... Puwede kang magalit, pero sana... sana wag sobra! Hindi naman ako masamang tao. Parang awa mo na, wag mo sana akong ipakulong. Kailangan ko lang talagang protektahan ang bahay na ito... dahil iyon ang pangako ko kay Mommy. Hindi ko rin kayang basta umalis dito dahil—" Natigilan ako nang maramdaman ko ang pagsandal ng kanyang ulo sa aking balikat.


Nang lingunin ko siya ay napakalapit ng mukha niya sa akin, dahil ginawa niyang unan ang balikat ko. Tanging ang nakapikit niyang mga mata na may mahahabang pilik-mata ang bumungad sa akin.


"PL, tulog ka na?"


His breathing had already deepened.


"D-did you hear my confession?"


Wala na akong sagot na nakuha mula sa himbing niya.


"Anak ka ng tinapa..." usal ko.


Nanginginig pa rin ang mga palad ko. Ang tanga ko talaga para magtapat ng katotohanan sa isang lasing, ano?


Hinayaan ko muna siya na mapayapang natutulog sa aking balikat. Mabigat ang katawan niya, kabaligtaran ng ulo niya. Para lang siyang bulak na nakasandal sa akin. Pakiramdam ko ng mga oras na ito ay kaming dalawa lang ang tao sa mundo.


Naiinis ako na nakatulog na siya. Marami pa kaming dapat pagkuwentuhan, marami pa kaming dapat pag-usapan. Was it really fate that he still didn't know the truth?



NAGTATAKA NA RIN TALAGA AKO KAY PL. He was smart, studied at an international school, a modern man, and I didn't think he was gullible. But why was he so convinced that I was a ghost?


Hindi kaya nag-a-adik siya? Hindi naman siguro. Baka talagang paniwalain siya?


Ang mabuti pa ay maihiga na siya sa kama niya. Marahan akong kumilos upang kunin ang kanyang braso, alalayan siyang makatayo.


Bahagya naman siya nagkamalay. "Dadalhin na kita sa taas," sabi ko sa kanya.


"Sa langit?"


"Sira ka talaga."


Madali ko lang siyang naitayo dahil hindi naman siya nagpabigat. At kahit sa paglakad namin ay nilalabanan niya ang pwersang magpapahirap sa akin sa paghakbang.


"Kaya mo ba?" Sinilip ko ang mukha niya na sobrang lapit sa akin. Nahugot ko ang aking paghinga nang dumilat siya.


"S-sorry..." sabi niya.


"Sorry saan?"


"Dahil sa akin, nahihirapan ka."


"Hindi naman ako nahihirapan."


Nang makalapit kami sa hagdan ay ginawa niyang kapitan ang pader para makaakyat kami nang walang kahirap-hirap.


"I don't wanna sleep, Solly..."


"Hindi mo na nga maidilat ang mga mata mo."


Pumaling ang ulo niya. "Kapag natulog ako, kailan ulit kita makikita? Matagal na naman... Kailangan ko na naman maglasing..."


Maliit akong napangiti. "Nasa paligid lang naman ako."


Hanggang sa nakarating na kami sa kuwarto niya. Sinipa ko na lang iyong pintuan para maipasok siya. Sa kama ko siya inihiga. Pinuntahan ko na ang mga paa niya para tanggalan siya ng sapatos at medyas.


"Solly..." he said, trying to force his eyes open.


"Ano?"


"I can... change for you..."


Napapailing na lang ako sa sinabi niya, kahit pa para nitong hinagod ang puso ko. Ang sarap pakinggan.


"May gusto ka ba sa akin?" Tinanong ko siya.


Ngumisi siya habang nakapikit. "Bakit, bawal ba?"


"Magmumukha ka lang baliw kapag nagkagusto ka sa multo."


"Di ba sabi mo... totoo ka?"


Natigilan ako sa sinabi niya. "N-narinig mo iyon?"


"I knew it... you're just giving me false hope."


"F-false hope?!"


"Sinasabi mo lang iyon para paasahin ako."


Napahinto ako sa paghuhubad ng medyas niya. Iyon ang nasa isip niya?!


"Please don't say that again... that you're real. Because..." Bahagya siyang natigilan. "Because there's nothing else I want right now more than for you to be real..."


Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.


"I really wish... you were real..." His voice had gone hoarse. "I wish, Solly..."


Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang may gumuhit na sakit sa dibdib ko. Sana nga ay totoo na lang. Kung nagpakatotoo na lang sana ako. Kung sana ay kaya ko.


Pero kung nakilala niya ba ako bilang isang totoong tao at hindi multo, ganito pa rin ba ang kalalabasan? Ganito pa rin ba niya patitibukin ang puso ko? Wala bang magbabago sa sitwasyon namin dalawa?


"S-so please... don't say it again. Ang hirap umasa, Solly—"


Marahan akong nahiga sa tabi niya. Humiga ako sa braso niya at yumakap sa kanyang malapad at matigas na dibdib. Sumiksik ako roon habang nakatagilid paharap sa kanya. I wanted to indulge in this little luxury of feeling warmth of another person... the warmth of this man's body.


I wanted to hear his heartbeat too. To remind myself that he was alive and I was still alive too. That even if only for tonight, I could feel like a normal person in his arms.


Tumagilid naman si PL, at yumakap din sa akin. Napailalim ako sa mabangong leeg niya.


"PL, puwede mo bang sabihin..." mahinang sabi ko. "A-ano naman ang gagawin mo... kung totoo nga akong tao at hindi multo?"


Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Solly, hindi na kita pakakawalan..."




"COGNITIVE BEHAVIORAL THERAPY IS THE BEST TREATMENT FOR AGORAPHOBIA. Aside from our sessions where you'll get to share more about yourself, your likes, dislikes, and experiences, we'll also work on gradually exposing you to situations that may have triggered your anxiety. But of course, we'll do all of that in a safe and controlled environment, so you won't feel overwhelmed."


Ngumiti sa akin si Heint nang makita ang pagkabalisa ko.


"Solly, we'll take it one step at a time."


Kapwa kami nakaupo sa sofa nang mga sandaling ito, dito sa bahay. Pumupunta siya rito tuwing magsasara na ng clinic niya. Kumbaga, ako ang huling pasyente niya na lagpas na sa kanyang working hours. This was already our tenth session.


He was patient with me, always starting the conversation during our early sessions. Eventually, I started opening up little by little. He listened intently to everything I said, even the random, pointless things I sometimes shared.


Now, he was starting to tell me about the steps we'd take to slowly help me out of the box I had trapped myself in, my so-called safe space—this house.


"With some medications like antidepressant drugs, it will help you manage your symptoms better and reduce your anxiety. And I want you to start changing your lifestyle too, like limiting and avoiding caffeine and alcohol, and focusing on light and gentle exercise."


Panay tango naman ako sa lahat ng kanyang sinasabi.


May isinusulat siya sa isang notebook habang nagsasalita at nagbibilin sa akin. "Here." Inabutan niya ako ng maliit na paper bag na may lamang mga gamot sa loob.


Kinabahan ako. "M-magkano ito, Heint?"


He smiled at me again. "It's free. Just like your therapy sessions. Onse already told you, I'm interested in your case."


"Pero sobra naman na yata na pati gamot ay libre," nahihiya kong sabi.


"To make it up to me, just get better. That's enough for me to call this a successful mission."


"I made some lists there," he added, referring to the notebook, "techniques like breathing exercises and relaxation strategies. Remember, once you build confidence, it'll help you manage your anxiety. All right?"


I opened the notebook. His handwriting was so neat and organized. May mga cartoons pa na drawing sa bawat title ng list, to make it more encouraging. Everything inside was about diaphragmatic breathing techniques, focusing on the senses through meditation, and quick body scans to release physical tension. Nakakatuwa naman si Heint. Napayakap tuloy ako sa notebook niya.


"Kailan kaya ako gagaling, Heint?" excited na tanong ko.


"Treatment can vary in duration depending on your individual response to therapy. For some, it takes a few weeks; for others, it might be several months, depending on the severity. Basta, desidido ka lang, gagaling ka, Solly."


Nagkatinginan kami ni Onse, dahil may deadline ako. Kailangan ko nang gumaling para tuluyang makaalis sa bahay na ito, katulad ng usapan namin.


"Wag kang mag-alala, Solly," sabi ni Heint. "Gagaling ka. I'm gonna do my best to help you."


Because of what he said, I felt a strong sense of hope. Hope that I could change my life, and finally live like a normal person.


Nakangiti pa ako nang mapatingin ako sa harapan ng pantalon ni Heint, teka, bakit may tent doon?


Nang mapansin niya naman ang tingin ko ay agad siyang kumuha ng throwpillow at itinakip doon. "Ah, ano kasi, nauhaw ako kanina, nakiinom ako ng tubig," alanganin ang ngiti na sabi niya sa akin.


Napangiwi ako. Hindi ko pa nga pala napapalitan iyong mga bottled water ni PL na may viagra!



MALIWANAG ANG BILOG NA BILOG NA BUWAN SA LABAS.


I stood by the glass walls of the house, gazing out at the dark sky. The night was so peaceful. I stepped away from the glass and quietly made my way to the terrace. There, I saw a man sitting on a lazy chair despite the lights being off.


Half of the terrace was covered, so I could still manage to step outside. I walked over to him. He sat silently, calmly sipping wine from a glass.


Sabi sa akin ni Onse, sinundo niya ang lalaki sa bar kaya sigurado siyang lasing ito. He placed some sort of pills on his tongue and washed it down with another sip of wine. 


Was he sick? Was he on medication? It looked like the same pills I often found in his pockets whenever I cleaned him up after he got drunk.


Nang makita niya ako ay parang normal lang, wala siyang reaksyon, walang emosyon. Tinagayan niya pa nga ako dahil may isa pang wine glass na naroon sa coffee table. Naupo ako sa kabilang side. "Problema mo?"


"Inom tayo," yaya niya sa akin. Halata ang pilit na ngiti sa kanyang mga labi.


I wasn't allowed to drink alcohol. Heint had told me that clearly. "Kapag uminom ako, tatagos lang iyang alak sa katawan ko. Di ba nga, kaluluwa na lang ako?"


"E bakit iyong pancit canton?"


Napanguso ako. "Ah, ibang usapan iyon."


Wala pa rin siyang emosyon na kinuha ang wine glass niya. "Birthday ko ngayon."


Nagulat ako sa sinabi niya. "Really?"


"There's a big party for me, but I bailed out," he said with a bitter smile.


"Okay, may problema nga." Kinuha ko ang tagay niya sa akin para inumin ito. Hindi ko talaga gusto ang lasa ng wine, pero pinilit kong inumin ito.


"My friends were there. My relatives. My family. My sister, her husband, and their kid. They were all happy."


"Pero?"


"I don't know. While I was watching them, I just froze. Maybe I'm going through a midlife crisis."


Napanguso na naman ako. "You're still too young for that."


He only responded with a sigh. He poured me another glass of wine, and I drank it right away.


"There's a lot on my mind, Solly. I don't know. Sometimes, I don't even recognize myself anymore. What do I really want? What's really wrong with me? I sound so shallow, don't I?"


"You're not shallow. You're just struggling to explain what you're going through. Pero sigurado namang mabigat iyan. At naiintindihan kita. Lahat naman tayo may pinagdaraanan. Lahat ng tao sa mundo ay may problema. Iba-ibang level lang."


Nasabi niya na sa akin noon ang kanyang problema sa buhay. Ang dami nang babae na dumaan sa kanya, bukas siya para sa lahat. Kumbaga, basta pumila lang, lahat makakaisa sa kanya. Tunog asshole. But you know what? There was a deeper reason behind why PL was like that.


He was simply an idealist. He was a hopeless boy struggling with attachment anxiety. He just wanted to find the right person for him. The truth was, he didn't want to waste his time or his feelings.


Ayaw niyang sayangin pati ang damdamin niya. Kaya gusto niya na sana, makita niya na iyong hinahanap niya. Iyong mamahalin siya hindi lang dahil mayaman siya, dahil sikat siya, o magaling siya sa kama.


PL may have looked like a big, grown man, but deep down, he was still a child. A child who longed for a home. Someone he could call his own. That was the real him. Because he knew he couldn't live with his mom and dad forever. He was old enough to be on his own, and that thought made him sad.


Ang hirap lang sa sitwasyon niya, kasi kahit napakaraming babae na ang labas-masok sa buhay niya, hindi pa siya sinusuwerte kahit kailan. Napu-frustrate na siya. Siguro iyon ang disadvantage kapag mayaman kang tao at kilala, mahirap makatagpo ng totoo.


He started questioning himself—why couldn't he be like his friends, who already had families of their own? Why couldn't he be like his sister, who had already found her person? Why were his parents still happily married, while he remained alone? Those were the questions that weighed heavily on him.


Napayuko siya. "Solly, I was so focused on thinking about myself that I ended up neglecting our family business."


"Ano bang nangyari?" Ang business nila ay ang Sandoval's, isang fashion company. Isang sikat na luxury brand.


"Our biggest endorser got caught up in a scandal. Of course, it affected our brand. And it was my fault. It was my call. I fought for that artist, someone who's now being dragged into multiple controversies."


Nagsalin muli ako ng wine at ininom ito.


"I was a celebrity. I stepped out of the limelight after the disbandment of Black Omega Society, the band I was a part of, but now, my name is being dragged into the spotlight again. I just wanted peace in my life, but here I am, being disturbed all over again."


Nakikinig lang naman ako habang nagsasalita siya.


"Iyong celebrity na kinuha ko sa brand ay maraming eskandalo, pero ipinaglaban ko. You know why? Dahil sa konsensiya ko. She was one of my many exes. She was angry at me because our relationship started quickly and ended just as fast."


"Uhuh," react ko naman sabay simsim ulit sa wine.


"Solly, hindi man halata, pero bawat relasyon na pinapasukan ko ay desidido ako at seryoso. But I always let go as soon as I realized it wasn't going anywhere. I didn't want to waste time on something without a future. Despite having many exes, none of them ever cursed me. Even if we were only together briefly, I never cheated on them and I made sure that I treated them right. Suportado ko ang mga luho nila habang kami pa."


Tumango-tango ulit ako habang sumisimsim pa rin ng bagong salin na naman na wine. Sarap pala nito pag tumatagal na.


"Even during breakups, I was generous to all of them. I made sure they were well-compensated. Sometimes, even before a woman officially became my girlfriend, she'd already tell me what she wanted as a farewell gift. Like a brand-new car, a condo, luxury bags, or an overseas trip. That's why I stayed on good terms with all of them."


Kaya naman pala siya pinipilahan. Anyway, inom ulit ako nitong wine. Sarap, e.


Tuloy naman si PL, "But this one ex... she hates me. She said she thought that I was going to marry her, even though I never made any promises like that. We broke up because I caught her cheating on me, but she was the one who ended up angry."


Ay, gaga ba iyon?!


"She said that she only cheated on me because she didn't feel that I was serious about her. She only did it to make me jealous. I started thinking maybe it was my fault too. So I asked her how I could make it up to her.


Her request? Make her the main endorser of the company. And I did. But this is what happened, her scandal dragged me down with her. At damay pati ang brand."


Nangalumbaba ako sa coffee table habang nakatingin sa kanya. Bakit parang dalawa na siya sa paningin ko.


"You know what's making me feel even worse right now? The company is in trouble, and it's my fault. But my dad is not blaming me. He just said, 'It's okay. Shit happens.' Bakit ganoon? Bakit hindi niya ako sinisisi? Mas gusto ko pa na magalit sa akin si Dad. Mas gusto ko pa sana na ganoon, kasi may kasalanan ako."


Bumigat na ang paghinga niya kaya inabot ko ang palad niya.


"Anong silbi ko, Solly? Ako iyong anak na lalaki, pero ako pa iyong ganito. Ako pa iyong mahina. Ako pa iyong tanga. Bakit ako ganito? At bakit wala lang kina Daddy at Mommy? Why are they so easy on me? Is it because deep down, they really think I'm weak?"


Pinisil ko ang palad niya. "Hindi, PL."


"E ano? Bakit sila ganoon? Bakit hindi ako binulyawan ni Dad? Deserve ko iyon because I messed up!"


Napatayo na siya sa kinauupuan niya.


"Even when I was a kid, I would mess up on purpose. I'd intentionally lower my grades or get into fights at school. But they never got mad at me. They just talked to me. They never blamed me. They were always so gentle with me, like I was some idiot who had no backbone!"


Tumayo na ako para lapitan siya. Niyakap ko siya.


Magaan na gumanti siya ng yakap sa akin at sumubsob sa aking leeg. "Am I an idiot, Solly? Did you ever think of me that way too?"


"Wag mo ngang isipin iyan." Tinapik ko siya nang mahina sa balikat.


"I'm useless..."


"Kung useless ka, ano pa kaya ako? Biruin mo, tambay lang ako rito sa bahay mo. Kumakain ako ng mga stocks mo. Nakikigamit ako ng kuryente at WiFi mo—" Napahinto ako.


He let out a quiet laugh at what I said. "You're really something, Solly."


Kumalas ako sa yakap niya. "Pero iyon naman talaga ang totoo," sabi ko sa mahinang tinig.


Teka, parang medyo nahilo ako. Saan ako kumuha ng lakas para magsabi ng ganito? Siguro dahil epekto ng kaunting alak na nainom. Hays, ang bilis kong tinamaan.


Hinaplos ni PL ang ulo ko. "You're such a strange ghost."


Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.


Hinawakan niya ako sa aking magkabilang balikat at tinitigan ako sa aking mukha. "How come I can touch you like this?" Masisinag ang amazement sa kanyang magagandang mga mata.


Napatitig siya sa aking mukha. "Hey, Solly, are you drunk? Namumula ka."


"May nalalasing bang multo—" Bigla akong nahilo kaya pansamantalang nawala ako sa balanse.


Mabuti't nahawakan niya ako. "Okay ka lang?"


Nasapo ko ang aking ulo. "Nahilo lang ako nang kaunti."


"Let me take you." Nagulat na lang ako nang kargahin niya ako, inilagay niya ang katawan ko sa kanyang mga braso na para bang isa lang akong magaan na bagay. Napayapos tuloy ako sa kanyang leeg habang buhat-buhat niya ako. Hindi lang ako parang idinuduyan, para rin akong lumulutang.


PL brought me upstairs to the bedroom and gently laid me on the bed.


"O-okay lang ako," paungol na sabi ko.


I tried to sit up, but he stopped me. "Just lie down."


Naramdaman ko rin ang pag-ikot ng paningin ko nang magtangka akong tumayo. Ano bang klaseng wine iyong ininom ko?


Dinagdagan niya ang unan ko para mataas ang aking ulo. "Let me take care of you, all right? It's my turn now to take care of you."


"Baliw ka na talaga kung aalagan mo ang isang multo."


"There's nothing more important to me right now than you." Tumabi siya sa akin at iniunan ang aking ulo sa kanyang braso. Pagkuwan ay isiniksik niya ako sa kanyang matigas na dibdib matapos niya akong yakapin.


The warmth of his embrace calmed me. He smelled so good. It made me feel like I could stay in his arms forever. Sana ay ganito lang kapag matutulog ako, siguradong magiging mahimbing ang tulog ko.


"Solly?" halos pabulong na lang ang kanyang tinig.


"Hmm?"


"What's your birthday wish for me?"


"Wish ko sa 'yo... mabuhay ka pa nang matagal..."


"Iyon lang?"


Kahit nakasiksik ako sa kanya ay nagawa ko pa siyang tingalain. "E kasi para kang laging magpapakamatay. Ang sarap kayang mabuhay."


Nagpakawala siya nang mabigat na paghinga. "You're right. Masarap mabuhay." Bigla siyang lumipat ng puwesto, umibabaw siya sa akin.


Gulat akong napadilat. "A-anong ginagawa mo?" Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko!


Mapupungay ang mga mata niya na nakatunghay sa akin. "Solly, magagalit ka ba kung sasabihin kong gusto kong samantalahin ang pagkakataon... na nahahawakan kita?"


Hindi ako makagalaw habang nasa ibabaw ko siya, dahil ang bigat niya!


Hinawi niya ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko. "Ang hirap paniwalaan... na para kang totoo sa panaginip ko..."


Sabi na nga ba, akala niya ay panaginip nga ito. "C-chill ka lang... Baka puwedeng umalis ka muna diyan—" Hindi ko na natapos ang sinasabi, dahil nailapat niya na ang kanyang malalambot na mga labi sa mga labi ko!


And with the warmth of his kiss, I found myself responding to him, letting my lips move in sync with his. I closed my eyes as we shared that sweet, lingering kiss.


Napayapos na ako sa leeg niya, habang hinahayaan ang mga palad niya na maglakbay sa katawan ko. I let myself be completely consumed by the overwhelming, unfamiliar sensation that felt better than anything I'd ever known...


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top