Chapter 4
It was such a mess. What happened on the thanksgiving reunion was such a mess. Nang umalis ako ay hindi ko na alam kung ano na ba ang nangyari sa loob. Pero pagbalik namin ni Coenraad ay sinalubong kami ng palakpakan at masasayang pagbati.
My mind is in haywire with distress that I don't know how to react properly to the situation. Sinubukan kong balingan ng tingin si Mom. Iniwas niya lang ang tingin sa akin while Dad, he's giving me a smile with assurance again, but I can't feel the sincerity towards it.
What happened when I was gone?
I tried to find my sister in the midst of the crowd, but I couldn't. Umalis na naman siya nang walang paalam. This is really unfair! She's so unconsiderate! Paano niya nagagawa sa 'kin 'to?
If this is really what she wants, then fine. Simula palang nang umalis siya noon ay sira na ang pamilya namin. Paano pa kaya ngayong bumalik siya at umalis ulit? Sirang-sira na at wala nang pag-asa.
This time, I will not wait for her again. Susubukan kong mamuhay sa aninong mayroon ako kahit na alam kong mahirap at masakit. After all, this is for myself too.
Pagkatapos ng gabing iyon ay bumalik na agad kami sa Laguna kinabukasan dahil sa trabaho na naghihintay sa mga magulang ko. Hindi ko na nagawang makapagpaalam pa kay Coenraad. Akala ko nga ay iyon na ang una't huli naming pagkikita, but I'm wrong.
He visited on my thirteenth birthday and gave me a gift.
"It's a canary bird," he said with a glint of excitement in his almond brown eyes.
Masaya ko namang kinuha iyon sa kanya at pinagmasdan ng may ngiti sa mga labi.
"It's a beautiful creature. I like it!"
"Glad to know that."
Naglakad kami papasok sa loob pero ako ay dumiretso sa kuwarto ko para doon ilagay ang regalo niyang ibon sa akin. Hindi ako makapaniwalang pupuntahan niya ako rito at bibigyan ng ganitong regalo.
Dahan-dahan kong nilapag ang kulungan sa lamesa sa terasa ko. Naupo muna ako saglit para masayang pagmasdan ang ibon. The beauty of the bird enchants. It gives me the feeling of affection and attention. Hindi na ako mag-iisa sa kuwarto na ito, thanks to Coenraad.
"Did you know the symbolism of the canary bird?"
I was taken aback by the sudden voice that filled the room. Gulat akong napatingin kay Coenraad saka siya binigyan ng ngiti.
"Sumunod ka pala." Tumayo ako't inayos ang damit na suot ko.
"Light, joy, sweetness and intelligence. It symbolizes you that's why I chose it as a gift for you."
Naglakad siya sa kaaya-ayang paraan palapit sa puwesto ko habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi ko magawang makapagsalita sa sinabi niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at sa ibon na lang ulit itinuon ang atensyon.
Naramdaman ko ang presensiya niya sa tabi ko kaya mas lalo lang akong nailang at kinabahan. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtitig niya sa akin ng may ngiti. I swallowed the bump in my throat and cleared it after to distract him or myself.
"It also symbolizes love and communication just like us. No matter how far you are, I will come for you."
Sinubukan kong tumawa. Nga lang, mas lalong lumabas na nagiging peke lang ako kaya naman ay naramdaman ko ang pag-iinit ng dalawa kong pisngi.
"It's, um... it's, I don't know. It's just there!" I stammered.
Mas lalo ko lang ipinahiya ang sarili ko! Anong ibig kong sabihin doon? Anong it's just there? Ano 'yon? Gosh!
Napapikit na lang ako habang iniiwas pa rin ang mukha ko sa kanya para hindi niya makita ang reaksiyon ko. I'm panicking right now. I don't know how to escape the situation. Oh no, what should I do?
I heard him chuckled. "You're really cute."
What? He says I'm cute! Am I? Really?
Unti-unti akong lumingon sa kanya. Namalayan ko na lang na titig na titig na naman ako sa kanya not until he spoke again.
"You didn't say goodbye that night."
Napailing-iling ako habang may maliit na kurba ng ngiti sa mga labi ko. "Right, I'm sorry. Nagmamadali kasi si Mommy 'non, eh. I also can't find ways to contact you within the time limit."
"That's okay. I understand. Lucky me, I was able to find your location here in Laguna."
"It's because of your sources, right?" Natatawang saad ko naman.
"Right," simple niyang tugon habang bahagyang nakaangat ang gilid ng labi niya.
Namangha ako nang makita at marinig ko ang pagkanta ng ibon sa loob ng kulungan niya. It promotes positivity and calmness. Napapikit ako at dinama ang naririnig kong kanta habang ginagalaw-galaw ang ulo para isabay sa ritmo ng kanta.
"I'm leaving."
Agad akong napamulat nang marinig ko iyon sa kanya. Pipigilan ko sana siya pero huli na nang lumingon ako ay malapit na siya sa may pinto.
Napakunot-noo na lang ako dahil sa inasal niya. What happened to him? Am I being rude or stupid? Naturn-off ba siya sa akin?
'Yong kaninang saya at galak na naramdaman ko ay napalitan ng simangot at lungkot. Why does it need to be this way? Bakit kay daling bawiin ng kapalaran ang masasayang bagay? Is it wrong to wish that happiness should lasts longer?
Naramdaman ko ulit ang bigat sa pagsara ng pinto. Hindi ko na siya nakita ulit sa paglabas ko. Wala na rin 'yong sinakyan niyang sasakyan kanina. He's gone without me knowing the real reason behind his sudden disappearance.
After my birthday, everything was back to normal. I feel so empty again paving my way. Hinintay ko ang pagtawag ni Coenraad sa telepono pero lumipas pa ang isang taon ay wala siyang naging paramdam sa akin. Nakakahiya mang aminin, kahit ang Ate ay inaasahan kong tumawag man lang, but I received nothing.
On my fourteenth birthday, I didn't give myself any false hopes on seeing Coenraad again or even my sister. They are completely out of my life but the moment I saw him walking towards me, I felt the same sparks that I felt when I first saw him. I know to myself that that sparks is just a symbolism of longingness for someone who save me.
Kinakabahan man ay nagawa ko pa ring ngumiti at batiin siya.
"Hi."
Napakabilis talaga magbago ng pakiramdam ko sa loob lang ng minuto.
"Hi," he greeted back as he handed me his gift.
"I thought..." I couldn't seem to find the next words because of excitement. Nang tumingin ulit ako sa kanya ay ramdam ko ang rason na ipinapahayag niya sa mga tinging ibinibigay niya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita pa.
"I missed you. Did you miss me too?" He started to open a good conversation nang kumukuha na kami ng pagkain sa buffet table. Hindi rin ako nag-protesta nang siya na mismo ang naglagay ng mga pagkain sa plato na hawak ko.
"Yes. Why didn't you call me?" I tried to make it sound like my natural tone, but I can't seem to handle my own emotions again. Hope he didn't notice it.
"Oh, you're waiting for my call."
I suddenly feel so stupid again for asking that. Baka tuloy kung ano na ang iniisip nito sa akin.
"I'm sorry I didn't think about how you would react to some things like this. I just think that it's nice if I should talk to you in person," paliwanag niya habang patuloy pa ring nilalagyan ng pagkain ang plato naming dalawa. "We're both new to this so let's just go with the flow."
Natahimik ako at itinuon ko na lang ang tingin ko sa mga pagkain sa harapan namin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magpapakabobo na naman. Bakit ba hindi ko maabot ang paraan ng pag-iisip niya? Bakit parang ang taas niya masyado?
"Also, I didn't get a chance to visit you after your thirteenth birthday because our family is quite busy and I've been taking my medications."
"Medications? Why? Are you sick?" gulat na tanong ko sa kanya. I didn't know.
"Nah, natural lang iyon sa pamilya namin."
Naglakad kami patungo sa lamesa at upuan na hindi pa okupado habang patuloy pa ring nag-uusap.
"Natural? What do you mean?"
Oh, I'm so curious. Anong meron sa pamilya nila? Dapat ba akong kabahan o mabahala? No, I knew from the moment I met him that I could trust him. He's a good person and he deserves the trust he needed.
"You asks too much." Ginulo niya ang buhok ko.
Sinundan ko siya ng tingin. Pinagmasdan ko ng mabuti ang bawat galaw sa pagkuha ng inumin namin. Nakita ko kung paano siya nakipag-usap sa katulong namin na siyang dapat naghahatid ng mga inumin sa bisita. I also saw how the whole place shined because of his smile.
He's like an angel, giving light and serene in glory to everyone in this room. I bet no one, even me, can resist his strong charismatic aura. Napanguso na lang ako nang wala sa oras dahil sa kanya.
Nang makabalik siya ay sinubukan ko ulit magtanong at kulitin siya pero ayaw niya na talagang magsalita pa tungkol doon. So, I gave up tutal sino ba naman ako para makialam pa sa buhay niya, 'di ba? Malalaman ko rin naman iyan soon. I know Coenraad will talk about it again when he's ready.
Mabilis na lumipas ang oras at sa pagsapit ng gabi ay nagpaalam na siya na aalis na. Nang tuluyang makalayo ang sasakyan nila ay bumalik na ako sa loob. Hinanap ko agad ang regalong galing sa kanya. Dinala ko iyon sa kuwarto ko at doon binuksan.
It's a three container vacuum-insulated stainless steel lunchbox. Not a normal and an ordinary lunchbox, huh? Oh, I will use this from now on! Thank you, Coenraad! Pero bakit naman lunchbox?
Hindi ko maiwasang hintayin siya sa mismong kaarawan ko knowing that he came unexpectedly last year. Baka ngayong ikalabinlima kong kaarawan ay darating ulit siya kahit na hindi na ganoon kabongga ang handaan since my parents are too busy as always and have no time to prepare for it. It's okay to me as long as he will come. Siya lang naman ang inaasahan ko.
Magiliw ko siyang hinintay sa labas ng bahay namin kahit na walang kasiguraduhan na darating talaga siya. Pero hindi nga ako nabigo.
Pumarada sa may gate ang van na palagi niyang sinasakyan sa tuwing pumupunta siya rito. Ramdam ko na naman tuloy ang lawak ng ngiti ko. He came out of the van with his gift to me.
It's like the same birthday to me. We talked, laughed and teased each other. We also made nicknames and it's kind of cute. Akala ko hindi na matatapos ang araw pero gaya ng dati, sa pagsapit ng gabi ay umuwi na siya.
Walang humpay akong kumaway-kaway sa kanya habang papalayo ang sasakyan niya sa amin. At nang tuluyang mawala sa paningin ko ay napabuntong-hininga na lang ako saka na pumasok sa loob.
Sa pagpasok ko sa kuwarto ko ay nakita ko ang regalong bigay niya na kami mismo ang nagbukas. This time, he gave me a music box with my name in cursive embedded on it. Pinatunog ko iyon habang masayang pinagmamasdan hanggang sa makatulog ako.
Sa ikalabing-anim ko naman ay binigyan niya ako ng isang bracelet. A chopard happy hearts eighteen karat rose gold, diamond and red stone bracelet.
"Let me."
Isinuot niya sa payat kong palapulsohan ang pulseras. Naramdaman ko kung paano magdampi ang balat niya sa balat ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti na naman habang nakatitig sa kanya.
I think I'm really lucky to have him in my life. May suwerte pa rin pala talagang dumarating sa buhay natin kahit na gaano kapangit at kagaspang ang sitwasyon na kinasasadlakan natin.
"There! It suits you well."
"Thank you," I uttered my gratitude to him as I caressed the bracelet on my wrist. Ang ganda.
Every year, hindi niya ako nabibigo sa bawat regalong bigay niya. I also used them in a good way with care. Ayos lang naman sa akin kahit wala siyang regalo as long as his presence is here. That's already enough for me.
So, I couldn't help myself to feel so ashamed. He's always here during my birthdays with those precious and expensive gifts of him. Pero ako, hindi ko man lang magawang mapuntahan siya o kaya naman ay mabigyan ng kahit simpleng regalo. Binabati ko naman siya through calls and texts but I know, it will never be enough.
"Tumatanda ka na. May crush ka na ba?"
My face heated up. I have a crush in our school. I met him not too long ago. May naging pagtitipon ang lahat ng estudyante sa open field at doon ko siya nakita. I was staring at him in starstruck awe for minutes until he saw me. I looked away but it was too late. Nilapitan niya ako saka kinausap. Hiyang-hiya ako 'nong mga oras na iyon dahil wala ako sa tamang wisyo para kausapin siya but I guess, it turned out so well.
"Wala, ano ka ba!" I stuttered as I answered back. Naging peke rin ang pagtawa ko na siyang agad niya namang pinagdudahan.
"I don't think you're telling the truth. Come on, tell me. I won't judge."
Wala man lang akong mabakas na kaseryosohan sa mukha niya ngayon. He's just so cool about it and as if it's not that big deal to have a crush on someone since we're on the age na naman.
"Uhm," I tried to open up but I don't know how. "Wala talaga. I will tell you soon if I find the right guy," nahihiyang sabi ko na puno ng kasinungalingan. Plus, there's also another reason why I couldn't tell it to him right away.
"The right guy is always with you."
"So, what are you trying to imply, Rad the great? Let me bet! You'll tell that it's you."
"Yes, I am."
We both laughed at that, but I know to myself that it was an awkward laugh.
"You're the right guy for the right girl, Rad," I said between my laughs just to tell him indirectly what I am feeling towards him.
"And you're the right girl," he fired back that made me stop from laughing.
Tinignan ko siya ng may pagtataka at pagkamangha pero tanging ngiti lang ang ibinigay niya sa akin, no sign of taking back what he just said.
"You're joking!" pangungumbinsi ko sa kanya pero umiling-iling lang siya bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. What? Don't tell me it's true? Oh, please! I think I'm doomed.
When I turned seventeen, as I got home from school, I saw a painting hung on the wall in my room. Titig na titig ako sa larawang nakaguhit kahit na mukhang nakakatakot ito at kakaiba. I still find it sweet and full of romance since it's from Rad. I also saw a lovely bouquet of flowers with a letter. Agad ko naman iyong kinuha at inamoy ang bulaklak. I couldn't help but to smile.
Rad has been always sweet and a gentleman. He never failed to make me smile even with just simple things. He's so good at it but why does my heart doesn't beat for him in a romantic way? Kahit na anong gawin niya ay wala akong ibang maramdaman kundi mababaw lang. I treat him as a good friend and trusted family member. That's just it. A platonic relationship. Nothing more, nothing less because my stupid heart is beating for someone else and it annoys me.
Akala ko 'nong una ay malalim pero habang tumatagal ay nare-realize ko na hindi talaga. Kung puwede lang turuan ang puso ay matagal ko nang ginawa pero hindi, eh. Maybe Rad is not really for me.
Hindi ako manhid. Alam ko kung ano ang ipinapahiwatig ni Rad sa mga ginagawa niya sa akin simula pa noon. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. It will surely break his heart and I don't want that to happen since he also has a special place in my heart.
Kinuha ko ang sulat at tinitigan bago tuluyang basahin.
Due to the burning coal of your demeanor, I'd open my door and window with high hopes of love and flowers in with you. Happy Birthday, my beloved Ace! Love you with all my heart.
Coenraad
Even his penmanship is as good as his character. Damn! This guy is just so flawless. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na karapat-dapat akong bigyan ng kahit na anong materyal at hindi materyal na bagay. So, tell me, how can I turn down such a man when all he did was to make my heart happy and content?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top