Chapter 29
Dalawang araw bago ang pista ay halatang abala na agad ang mga tao sa nayon. Kaninang madaling araw ay bumaba ng bayan sina Mama Encarnacion at Papa Narcissus para mamili ng mga paninda at ihahanda sa pista. Nang bumaba ako sa kuwarto ko ay naabutan ko silang nag-aayos na ng mga paninda. Sakop ata ang buong salas kaya medyo nahirapan akong dumaan patungo sa kusina.
"Good morning po," bati ko sa kanila habang abala pa rin sila sa pag-aayos.
Sumulyap ako kay Icarius na nakatingin na pala sa akin. I gave him a smile and he smiled back. Bumaba ang tingin ko sa katawan niyang topless and noticed the sweat dripping, making it sparkling like a sea scintillated on the sunlight. Nang bumalik ang tingin ko sa mukha niya ay nakita ko agad ang multo ng ngisi sa labi niya bago ako talikuran.
I kept myself busy in eating the breakfast but Icarius is distracting me. Well, not literally. My mind and eyes are playing dirty tricks on me. Muntikan pa ngang matapon ang kape na iniinom ko kung hindi ko lang nabalik ang wisyo ko.
Pagkatapos ko ay tumulong na rin ako sa kanila. Ilang beses din akong nagpabalik-balik sa tindahan at salas dahil sa mga paglagay ng paninda sa tindihan. Para na kaming hinahabol ng mga kabayo at natataranta na rin ako dahil sumasabay ang mga sunod-sunod na mamimili.
"Sorry," I said when I bumped to Icarius on the doorway of the store. Saglit kaming nagkatinginan bago nagpatuloy sa kanya-kanyang ginagawa.
I wiped my sweat on the forehead and neck as I stood up. Pumamaywang ako at pinagmasdan ang ilang panindang nasa plastik pa at hindi pa nagagalaw. Hinanap ng mga mata ko si Mama Encarnacion pero si Icarius na naman ang nakita ko. He's leaning his back on the door of the store while staring at me. Nakaramdam agad ako ng ilang kaya inabala ko na lang ulit ang sarili ko.
"You really don't need to help us. Magpahinga ka na lang."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya kaya hinayaan niya na lang ako. We stopped when Mama Encarnacion called us for lunch. Napatingin agad ako sa orasan. It's eleven. Tumayo na ako at dumiretso sa lababo para makapaghugas ng kamay. Ang bilis naman yata ng oras.
"Pagkatapos natin sa tindahan, maglinis naman tayo. Dapat presentable tayo kapag bumisita ang Kapitan," si Mama Encarnacion sa gitna ng pag-kain namin.
Bahagya akong napatigil sa pagsubo. "Bibisita po ang Kapitan? Bakit po?"
"Iniisa-isa niya ang mga kabahayan dito sa nayon para alamin ang paghahanda ng bawat pamilya lalo na 'yong mga kasali sa paligsahan."
"Ano pong paligsahan?" Uminom ako ng tubig habang nakatingin kay Mama Encarnacion.
"Ang kaayusan ng bahay at hardin. May premyo sa kung sino man ang mananalo. Last year ay kami ang nakakuha ng dalawang premyo kaya pagbutihin pa natin ngayon."
"Nakalimutan mo yatang may asawa kang Kagawad. Madali lang manipulahin ang puntos." Napahalakhak si Papa Narcissus.
"Naku, ikaw! Sige gawin mo nang mawalan ka ng trabaho."
"Hindi naman nila malalaman, mahal. 'Tsaka may isa pa naman akong trabaho, 'di ba?"
Napatawa na rin ako nang hampasin ni Mama Encarnacion ang balikat ni Papa Narcissus. Nakita ko rin ang pag-angat ng gilid ng labi ni Icarius habang tahimik na kumakain. I can't help to stare at him again. Hindi ko maipaliwanag kung bakit gustong-gusto ko siyang titigan kahit na araw-araw ko naman siyang nakikita. Parang nasanay na yata ang mga mata ko sa kanya.
I fake a cough and bowed my head down when Icarius caught me. Napainom ako ng tubig at mabilis na napalunok. Bakit ba palagi niya na lang akong nahuhuli? Does that mean that he also want to stare at me?
"Ako na po niyan, Ma." Mabilis akong pumalit sa puwesto ni Mama Encarnacion sa paghuhugas.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masanay ang sarili ko sa tawag ko sa kanya. May parte sa akin na humahaplos sa sugatan at malungkot kong puso kapag ganoon. Pero minsan ay hindi ko maiwasang maalala ang Mom ko. I miss her so much. Iba pa rin talaga ang lungkot na nabibigay sa 'yo kapag magulang mo na ang nami-miss mo kahit na may hindi pagkakaintindihan sa pagitan niyo. Of course, hindi ko sila magawang matiis.
Napaubo ako nang pumasok sa ilong ko ang alikabok. Nagpupunas naman ako ngayon ng mga bintana't istante. Akala ko ay tutulungan nila ako pero nagkaroon kami ng iba-ibang gawain. Si Mama Encarnacion ay pumunta muna sa taas ng bundok para ma-check 'yong hardin. Si Papa Narcissus at Icarius ay nasa likod-bahay. Ang dalawang bata naman ang bantay sa tindahan.
"Kuya, dae mi po maabot an de lata!" Narinig kong sigaw ni Greya sa tindahan. (Translation: "Kuya, hindi po namin maabot ang de lata!")
Mukhang may problema kaya napatingin agad ako sa pintuan sa likod pero mukhang hindi narinig nila Icarius. Pagkababa ko sa tinatayuan kong upuan ay sakto naman ang paglabas ni Canus.
"Sorry, Ate. Magpapatulong lang po sana kami," nahihiyang sabi ni Canus.
I smiled without showing my teeth. "Siyempre naman. Sandali lang." Nilapag ko sa upuan ang basahan na ginagamit ko bago sumunod sa kanya.
Medyo nahirapan din ako sa pag-abot sa de lata. Tumingkayad pa ako at ramdam ko ang pagtaas ng laylayan ng damit ko, exposing the curve on my side. Nakarinig agad ako ng sipol mula sa mga mamimili. Dapat pala ay dinala ko na rin 'yong upuan.
"Heto." Inabot ko kay Canus ang de lata. Aalis na sana ako nang makarinig na naman ako ng sipol. I just ignored them and continue what I'm doing in the living room.
Dumating ang hapon. Rinig na rinig namin ang ingay na nangyayari sa labas kaya agad na lumabas si Mama Encarnacion sa tindahan.
"Andiyan na ang Kapitan. Maghanda na kayo."
Hindi pa nga nagtatagal nang makapagpahinga ako ay dumating na agad. Hindi rin ako nakapag-ayos man lang. Ang dugyot ko nang tingnan. Gosh. Hindi ako presentableng tingnan. Nakakahiya.
"Uh, sa kuwarto lang po muna ako," paalam ko.
"Ano ka ba, 'nak! Dapat ay kilalanin mo rin ang Kapitan. Mabilis lang naman ito, sige na."
"Pero, Ma-"
Wala na akong nagawa nang i-angkla ni Mama Encarnacion ang kamay niya sa braso ko. Agad kaming naglakad para salubungin sa may pinto ang Kapitan. Napatingin ako kay Icarius, signaling him to help me.
"Ma, hayaan-"
"Kapitan Veralde! Magandang hapon!" bati ni Mama Encarnacion pagkapasok ng Kapitan.
They exchanged hands and pleasantries while I'm being silent on Mama Encarnacion's side. Hawak pa rin niya ako kaya hindi ko pa magawang makaalis. Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko. Umasim ang mukha ko. Halatang-halata ang pawis ko. Nakikita ko rin sa isip ko ang ayos ng buhok ko kaya pasimple ko rin itong inayos gamit ang isa kong kamay na hindi hawak ni Mama Encarnacion. I stopped when I noticed Icarius' look on my peripheral vision.
"Garo aram ko na kun isay ang manggagana ngunyan na taon." Tumawa ang Kapitan. Hindi pa nagtatagal nang bigla na lang siyang naglahad ng kamay sa harap ko na siyang ikinagulat ko. (Translation: "Mukhang alam ko na kung sino ang mananalo sa taong ito.")
"Kapitan Luis Veralde."
Umangat ang tingin ko sa Kapitan nang magpakilala siya. I tried to fight the uneasiness that's rising inside me as I gave Mama Encarnacion, Papa Narcissus and Icarius a look before accepting his gesture. Nahalata ko agad sa timpla ng mukha ni Icarius na ayaw niya sa nangyayari.
"A-Aislinn po," kabadong sabi ko, pinipilit ang sarili na ngumiti.
Inalis ni Mama Encarnacion ang pagkakahawak niya sa akin para maayos kong matanggap ang kamay ng Kapitan. Balak kong bilisan lang ang pakikipagkamay sa kanya pero nang aalisin ko na sana ay bigla niya na lang hinigpitan. Pinisil niya iyon bago binigyan ng halik ang likod ng palad ko. My eyes widened. Ngayon palang ay hindi ko na nagugustuhan ang galaw ng Kapitan na ito.
"Pleasure to meet you, Aislinn. Dayo ka ba rito o kapamilya mo ang mga Escareal?" Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. Mabilis ko naman iyong itinago sa likod ko.
Magsasalita na sana ako nang sumapaw bigla si Icarius.
"Pinsan ko siya, Kapitan."
My eyes are immediately turned to him. He's serious and cold like what he always wore when we're still adjusting to each other. Ngayon ko lang ulit nakita ang tingin at ekspresyon na iyan.
"Cousin." Napatango-tango ang Kapitan bago ulit tumingin sa akin. "Kaya pala'y taglay din ang ganda at kinis ng mga Fabrega."
Fabrega is Mama Encarnacion's surname when she was still unmarried. That's what she told me.
"Mukhang maalam po kayo sa mga babae?"
I almost slap myself too hard when it slipped on my tongue. Damn! What is wrong with you, Aislinn? Pinalagpas mo na lang sana. But, no. I had enough for all the bullshits in my life. Ayoko nang madagdagan na naman iyon dahil iyon din ang nagiging rason kung bakit ako umabot dito.
Natigil sa pagtawa ang Kapitan. The tension started to rise as we stared to each other. Ramdam ko na natamaan ko ata ang 'ego' ng Kapitan kaya medyo sumama ang timplada ng mukha niya kumpara kanina.
"Siguro kailangan na naming tumulak. Mukhang hindi kami kayang i-welcome ng pamangkin niyo, Encarnacion at Narcissus."
"Naku, huwag mo pong seryosohin iyon, Kapitan. Ganyan lang po talaga siya. Pasensiya na po."
Nabaling ang tingin ko kay Mama Encarnacion. No, Ma. I'm like this because of his dirty acts. Sa pagpisil palang sa kamay ko ay ramdam ko na. Dagdagan pa ng mga makahulugang tingin niya sa akin. May moralidad ba ang Kapitan na ito? O sadyang 'friendly' lang talaga ang pakikitungo niya? I doubt that. Sigurado akong isa rin siya sa mga pinandidirihan kong tao.
"Hindi. Hindi naman." Napatawa ang Kapitan. "Marami pa ang pupuntahan ko kaya mauna na kami."
Nagsimula na siyang maglakad palabas kasunod ng mga bantay niya. Nang tuluyan silang mawala ay napabuntong-hininga na lang ako at napasapo sa sentido ko. Biglang umikot ang paningin ko. When I looked at Icarius, he gave me a cold look before turning his back on me.
"Naku, Aislinn! Hindi mo na dapat sinabi iyon!" si Mama Encarnacion nang makabalik na siya sa loob.
"Sorry po," nautal ako.
"Pero hindi mo kailangang humingi ng paumanhin dahil totoo naman ang sinabi mo. Ang akin lang ay binigyan mo na muna siya ng magandang impresyon. Kapitan pa rin iyon ng nayon at ayaw naman naming pag-initan niya kami."
"Opo. Dala lang po siguro ng pagod. Pasensiya na po." I smiled weakly.
"Oh siya, sige na. Magpahinga ka na muna." Binigyan niya ng haplos ang balikat ko bago ako iwanan.
I sighed once again. Sa pagtagilid ko ay nasilayan ko si Icarius sa likod-bahay. Saglit ko siyang tinitigan bago pumasok sa kuwarto.
Pinagsisihan ko na agad ang ginawa kong pagsagot sa Kapitan kanina. Baka madamay ang pamilyang ito lalo na't pinakilala akong pinsan ni Icarius. Ayoko namang pati rito ay makikigulo ako. Damn. Mukhang kailangan ko pang tatagan ang sarili ko lalo na sa paghingi ko ng tawad sa Kapitan sa sunod na pagkikita namin.
Hindi ko kasi makontrol ang sarili ko sa harap ng ganoon na tao. It causes trauma and phobia to me so I need to stood up for myself since no one else could do that for me. That's the least that I can do, I guess. Hangga't maaari ay ayaw kong pangunahan ako ng takot sa mga senaryong ganoon dahil mas nagiging mahina ako. So, I used my rage to protect myself. Kaya lang, dapat ko ring matutunan na hindi iyon gamitin basta-basta.
Pagkatapos kong maligo ay nanatili muna ako sa kuwarto habang nakatanaw sa maliit na bintana, yakap-yakap ang mga binti. Nasaksihan ko na naman ang unti-unting pagkagat ng dilim. Ngayon ko lang ata napagtanto ang malalim na kahulugan niya. I think I can relate.
"Kakain na."
My heart almost jumped outside of the cage because of Icarius' voice. Jusko naman. Ang hilig niya talagang manggulat o manggulo. Napapikit ako ng mariin bago siya hinarap.
"Susunod ako," tugon ko naman.
Sinubukan ko siyang bigyan ng ngiti pero walang nagbago sa mukha niya. Malamig pa rin. Kahapon lang ay hindi naman siya ganyan nang yayain niya akong kumain. Inaatake na naman ng mixed personalities niya. Hmp.
He stared at me for a few seconds before leaving my room. Ano na naman ba ang gusto mong iparating, Icarius? Bakit ka na naman nagkakaganyan? Dahil ba sa Kapitan na iyon? Well, what we're feeling is mutual. Ayaw ko rin sa kanya kaya huwag mo sa akin ibaling 'yan.
"Titaaa!"
Nagulat ako nang may bigla na lang sumulpot na babae at agad yumakap kay Mama Encarnacion. Confused, I sat on my usual seat while eyeing the pretty woman.
"Oh, hi, Tito." Si Papa Narcissus naman ngayon ang binigyan niya ng beso.
"Kailan ka pa nakabalik, 'nak?"
'Nak? Here I thought I'm special to them being called 'anak'. Mukhang ganito pala talaga sila makitungo sa ibang tao. I mean, that's okay. It's an act of kindness and it's normal to their family. I'm not complaining. I just thought na ako lang ang tinatawag nila ng ganoon. Hindi pala.
"Last week lang po, Tito. Balak ko po sanang bumisita agad but Mom didn't let me. So, I just did it today since fiesta. Plano ko pong dito matulog ngayong gabi hanggang sa pista."
W-What? Dito siya matutulog hanggang pista? She'll stay here for two nights and three days?
"Naku, walang problema sa amin, 'nak," masayang sabi naman ni Mama Encarnacion.
The woman smiled back to Mama Encarnacion. "Thank you, Tita."
"Icarius... kumusta?" Kay Icarius naman siya bumaling ngayon.
I looked at Icarius when the woman walked near him. Sinundan ko ng tingin ang labi niyang humalik sa pisngi ni Icarius at ang mga kamay niyang humawak sa balikat ni Icarius. Umiwas lang ako nang makita ang titig ni Icarius sa akin.
"Ate Karianna!" Nagulat ako na pati si Greya ay tumakbo palapit sa babae para yumakap. "Na-miss po kita!"
"Aww, I missed you, too, Greya." She bent her knees a little to reach for Greya's hair to caress it. Greya giggled. "Lalo na ang Kuya mo." Ngumiti siya nang harapin niya ulit si Icarius.
"Can we talk, Icarius?"
Matangkad, morena at balingkinitan ang katawan. She has an edgy look on her make-up and high ponytail. Pero halata naman sa ngiti niya na mabait siya. Kaya lang, mukhang maarte base sa paraan ng pananalita. Parang hindi siya sanay sa lenggwahe rito. Just like me, she seem out of place here. Mukha ring mayaman dahil sa suot. Who is she, anyway?
Sumulyap sa akin si Icarius kaya napaiwas agad ako ng tingin sa kanila.
"Ma, Pa, labas lang po muna kami," paalam ni Icarius. Nakita ko pa ang paghawak niya sa may siko ng babae para igiya sa labas.
Like a crazy girlfriend, I followed them until they gone on the frame.
"Sino po siya?" Hindi ko na naiwasang magtanong.
Umupo sa kani-kanilang puwesto si Mama Encarnacion, Papa Narcissus at ang dalawang bata.
"Sa pagkakaalam ko, girlfriend ni Jaimar. Madalas iyon dito pero nang umalis para mag-aral sa abroad ay hindi na sila nagkausap pa. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa dalawang 'yan, naku."
Girlfriend. So, he really has a girlfriend. Of course, Aislinn! Anong akala mo wala? Base sa halik ay nahalata ko na may karanasan na nga siya. Oh, my God! The kiss! Don't tell me walang ibang kahulugan iyon? Did he just steal it for his own pleasure?
Napatingin ulit ako sa labas. Thinking about it, the familiar pain came back. O baka naman hindi lang talaga ako sanay na makitang may babae si Icarius? I don't know. Wala na iyon sa akin. I'm not expecting for anything, anyway. I also have a boyfriend in Laguna. And-
God! Why are you even overthinking things, Aislinn?
"Mabait po si Ate Karianna. Palagi niya po akong pinapasalubungan noon. Nakikipaglaro rin po siya sa akin noon." Tuwang-tuwa si Greya habang nagkukuwento.
"Eh, ang arte kaya niya, Bunso. Ayaw man lang tumulong ng kahit ano sa atin. Ang paraan pa ng paghawak niya ng mga bagay dito ay parang pinandidirihan niya. 'Yong mga tingin niya ay parang minamaliit tayo. Pansin ko nga na parang nahihirapan si Kuya sa kanya. Ewan ko kung bakit nagustuhan siya ni Kuya in the first place," si Canus naman na parang may sama ng loob kay Karianna na iyon.
"Batang 'to. Huwag mong pagsalitaan ang Ate Karianna mo ng ganyan. Baka marinig ka niya," sita sa kanya ni Mama Encarnacion.
"Totoo naman kasi, Ma. Ayoko sa kanya. May pa-english-english pa, slang naman."
Mukhang nakahanap na agad ako ng kakampi. Hindi ko na rin siya gusto ngayon, Canus. Akala ko pa naman kanina ay magkakasundo kami pero it's the opposite pala. Ni hindi man lang nga ako napansin. Nakalimutan din ata akong ipakilala nila Mama Encarnacion lalo na ni Icarius. I know he'd say I'm his cousin so no worries. I just need to act accordingly. But why does it pains me to know that I'm just his cousin while I'm still here? Umalis na lang kaya ako?
Ilang papuri pa ang natanggap ko kay Greya tungkol sa Karianna na iyon na agad namang sinasalungat ni Canus. Si Mama Encarnacion ang nagpapatigil sa kanila at si Papa Narcissus naman ay napapailing na lang habang natatawa. And me? Well, just listening to them silently while waiting for Icarius to come back. Ba't ang tagal naman yata nilang mag-usap? Miss na miss ba ang bawat isa?
"Ma, Pa, ihahatid ko lang si Karianna."
Nabuhayan ako nang pumasok na sila. Pero mas lalo yatang natuwa ang diwa ko nang makumpirma na hindi siya matutulog dito. Buti na lang.
Tumayo agad si Mama Encarnacion at naglakad palapit sa kanila.
"Hindi ka na rito matutulog, 'nak?"
Mama Encarnacion naman!
Karianna smiled. If I know pilit 'yan. "Hindi na po muna, Tita. Icarius is against it. Ayoko naman pong maging simula na naman ito ng away namin."
"Karianna," Icarius called her. It seemed like a warning call to me, though. Bakit? Anong meron?
Now, I'm getting curious about their talk and what kind of relationship they had.
"Alright. Tita, Tito, Greya and Canus, I need to go."
"Kumain ka muna-"
"No, Tita. I'm good. I'll just come back tomorrow."
Ba't ka pa babalik bukas?
Uminom ako ng tubig. Inayos ko rin ang pinagkainan ko bago tumayo. Sinadya kong patunugin ang upuan para mabaling sa akin ang atensyon nila lalo na ni Icarius. Hindi man lang ba talaga nila ako ipapakilala?
"Alis na po kami," si Icarius.
Nang malapag ko na sa lababo ang pinagkainan ko ay tumingin ulit ako sa kanila. I sighed. Anong inaarte-arte ko? Ano naman kung hindi ako pinakilala? Sino ba naman ako? At ano namang pakialam ko sa Karianna na 'yon? Anong pakialam ko sa kanila? Expected ko na naman na may girlfriend si Icarius pero iba pa rin pala talaga 'yong impact kapag nalaman mo na 'yong totoo. Harap-harapan pa.
Again, who cares? It's as if I like Icarius to act this way. Ang immature lang, Aislinn. You have a man in your life and that's Van. Razvan Cronin. So, stop thinking things that will cause chaos in your life again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top