Chapter 25
I was wide awake the whole night. I kept on convincing myself that that kiss was made because we're too emotional. It has no meaning at all. Hindi ko pa nga matapos-tapos ang problema kong patuloy ko pa ring tinatakbuhan ay nakabuo na naman ako ng panibagong poproblemahin.
Ilang beses akong napabuntong-hininga habang paulit-ulit na kinakagat ang ibabang labi. I curled myself on the foam, feeling the tight space of the whole place and the chambers in my heart. It keeps on thudding in pain and fear and it's getting worser because I couldn't get Van out of my mind instead of Icarius.
Ayokong magkasala kay Van. Ayokong ito ang isusukli ko sa kanya pagkatapos niya akong mahalin, alagaan at tulungan. This isn't right. This is considered as cheating. I know I said to Van that I want to broke up with him but doesn't mean that I don't love him. I do. What I said that day was unintentional. Sa tingin ko ay ganoon din ang iniisip niya. So, this is wrong because we still have 'us'.
Mariin akong napapikit nang dumaan ang panandaliang kirot sa ulo ko. Naramdaman ko rin na may umagos na luha sa ilong ko pababa. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit. I thought it was supposed to be a comfort but it just made everything worse. Now, how am I going to face the tomorrow for what we did tonight?
"Magandang umaga, Aislinn, anak," bati ni Mama Encarnacion sa akin paglabas ko ng kuwarto.
Binigyan ko naman siya ng ngiti bilang sagot sa sinabi niya. I wandered the place with my eyes if Icarius is still here but only Mama Encarnacion and me are here. Where are they?
"Ah, siya nga pala. Kumusta ang mga sugat mo? Nagamot ba ng maayos ni Jaimar kagabi?"
My look was immediately turned to Mama Encarnacion.
"Po?" I stammered with eyes wide open.
Bakit nang banggitin ni Mama Encarnacion ang kagabi at pangalan ni Icarius ay tila bigla na lang ulit nagulo ang loob ko? Bakit parang iba yata 'yong dating sa akin ng tanong? Why does that kiss affect me this much? Even the way Icarius stared at me last night.
"'Yong mga sugat mo, 'nak. Kung nagamot ba ng maayos ni Jaimar kagabi? Wala ka namang nararamdaman na kakaiba?"
Oh, Mama Encarnacion, please, stop asking questions like that. It's making me want to lock myself up in the room or just disappear like nothing happened.
"Ah, maliliit lang naman po ang sugat na natamo ko..." Why is my voice shaking? "Wala naman po akong kakaibang nararamdaman."
Meron po! And it's Icarius' fault!
"Mabuti naman kung ganoon. Halika't kumain ka na ng agahan mo."
Habang kumakain ako ay binabato ako ng mga simpleng tanong ni Mama Encarnacion tungkol sa nangyari sa akin. I know this would come so I just answered it with the whole truth from my heart. Hindi naman lahat ng tanong niya ay nasagot ko. Good thing to know that she didn't push through it.
"Mabakal po!" (Translation: "Pabili po!")
Parehas kaming napalingon sa tindahan ni Mama Encarnacion.
"Saglit lang, 'nak, ha?"
"Ah, sige po." Binigyan ko siya ng ngiti.
Tumayo agad siya sa kinauupuan niya para maasikaso ang bumibili. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makarating na siya sa tindahan. Ang tindahan nila ay nasa baba lang ng kuwarto ko. Sakop pa rin siya ng kabahayan kaya mula dito sa kinauupuan ko ay kita kung sino ang mga namimili.
Mabenta ang tindahan nila dahil na rin sa halos kompleto na pangangailangan ng mga tao dito. Napansin ko rin na tila ba hindi nauubusan ng pera ang mga nakatira dito dahil sa palagi nilang pamimili ng kahit ano. I wonder kung mataas ba ang mga sahod nila sa trabaho o may iba pa silang pinagkakaabalahan bukod sa pangingisda at pagtitinda?
"Wala kasi 'yong dalawang bata ngayon kaya walang nagbabantay sa tindahan. Nasa bahay ng pinsan nila," si Mama Encarnacion nang makabalik sa kusina.
"Ah, opo," sagot ko naman saka na nagpatuloy sa pag-kain. I only have three bites because honestly, I have no appetite. I'm not in the mood to eat breakfast because of my loaded thoughts about last night. I can't seem to focus on anything. I'm so distracted because of Icarius.
"Mabakal po!" (Translation: "Pabili po!")
Hindi pa nga segundong nakakaupo si Mama Encarnacion ay may mamimili na naman. Nginitian ko na lang ulit siya bago umalis.
I stood up, holding the plate where I didn't finish my food. Naglakad ako papunta sa likod-bahay at pinakain ko na lang sa aso nilang nakakulong. Nang makabalik sa loob ay inayos ko na ang mga hugasin.
I heard footsteps coming to my way kaya bahagya akong lumingon kay Mama Encarnacion.
"Naku! Ako na riyan, 'nak. Bilin sa 'kin ni Jaimar na huwag ka muna raw pagalawin dito."
Hindi pa ako nakakasagot nang makalapit na siya sa akin at maagaw na sa kamay ko ang sponge at baso. Natigilan naman ako at ilang beses napakurap. Did Icarius said that? But why? What happened to me is not that serious compared to what happened to me in the past years so it's okay.
"Sige na, 'nak. Ako nang bahala rito. Magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Kailangan mo iyon para makabawi."
Napayuko ako. "Sige po. Pasensiya na po," alinlangan kong saad.
Pumasok ako sa banyo para makapaghugas ng kamay. Ayoko pa sanang iwan si Mama Encarnacion pero ayoko na rin namang pagsalitaan niya pa ako. I should respect what she said, tutal hindi naman ako puwedeng magreklamo.
I was about to grab the door knob when someone called out again from the store.
"Halat muna!" sigaw ni Mama Encarnacion mula sa kusina. (Translation: "Sandali lang!")
Tell me, how am I supposed to ignore this? Hindi ko naman puwedeng hayaan lang si Mama Encarnacion sa lahat ng gawain dito. I should at least help her.
Pumasok ako sa tindahan at tinanong ang Ginang kung ano ang bibilhin niya. Medyo natagalan ako sa paghahanap ng kailangan niya since ngayon lang ako nakapasok sa tindahan at nasilayan ang mga binebenta. It has plenty of stuffs that we need for a living. I don't know where to find the alum.
Minutes later, Mama Encarnacion barged in. She gave me a look before asking the consumer again. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumayo sa may gilid habang pinagmamasdan si Mama Encarnacion. The alum was at the bottom of the big cabinet attached on the wooden wall.
"Iyo an su dinara igdi ni Jaimar?" (Translation: "Iyan ba 'yong dinala rito ni Jaimar?")
Napatingin ako sa Ginang at nakita kong nakatingin na rin pala siya sa akin. She smiled at me and so am I to her. Nakita ko naman ang pagbaling ng tingin ni Mama Encarnacion sa puwesto ko.
"Iyo," tipid na sagot ni Mama Encarnacion. (Translation: "Oo,")
"Totoo palan talaga an pig-urulayan. Pagkagayon niyang baye. Ang kinis at puti pa kan kulay. Sain baya an nahanap ni Jaimar? Garo pati mayaman." bulong ng Ginang kay Mama Encarnacion but enough for me to heard it. Nailang tuloy ako at parang insulto 'yong naging dating sa akin kahit na konti lang ang naintindihan ko. (Translation: "Totoo nga talaga ang usap-usapan. Napakaganda niyang babae. Ang kinis at puti pa ng kulay. Saan ba siya nahanap ni Jaimar? Mukha pa namang mayaman,")
"Naku! Ikaw talaga, Helia. Pumunta ka ba rito para lang interbyuhin ako? Oh, siya sige na. Alis na," pagtaboy sa kanya ni Mama Encarnacion.
"Ini man daw! Para naghahapot! 'Tsaka haloy na an saindo, hade? Hadaw ta dae pa naghahali? Mayo na an pamilya? Base sa sinabi ni Jaimar, may sakit daw siya. Eh, ano man helang kaan ta nakaabot igdi?" (Translation: "Ito naman! Nagtatanong lang! 'Tsaka matagal na 'yan sainyo, 'di ba? Bakit hindi pa umaalis? Wala na bang pamilya? Base sa sinabi ni Jaimar, may sakit daw siya. Eh, ano naman ang sakit niyan at nakarating dito?")
What? Anong klaseng sakit naman ang meron ako na sinabi sa kanila ni Icarius? Is it bad? Pinapalabas ng Ginang na isa akong pulubi na dapat kaawaan when I'm not. At kasalanan na naman ito ni Icarius.
"Helia naman. Dae ka na nasupog sa tawo." (Translation: "Helia naman. Hindi ka na nahiya sa tao.")
"Naku! Curious lang naman kasi kami sa katauhan niya. Alam mo na."
"Hadaw ano baya an, Helia?" usisa naman ng mga bagong dating na mamimili. (Translation: "Bakit ano ba 'yan, Helia?")
Okay. Mukhang kailangan ko na munang umalis dito. Sigurado akong hindi lang basta-basta ang mga tanong nila bilang sagot sa kakuryosohan nila sa akin.
"Ah, wala. Nagtatanong lang naman ako kay Encarnacion tungkol sa katauhan ni Ganda." She pointed out on me so the other consumers gave me a thorough look. Hindi ko na tuloy magawang makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Ay oo nga, Encarnacion. Isay baya an? Pabisto mo man daw samo para makaulay mi man minsan," ang isa pang Ginang. (Translation: "Ay oo nga, Encarnacion. Sino ba 'yan? Pakilala mo naman sa amin para naman makausap din namin minsan,")
"Kamo talaga. Bakong sinabi ko na saindo kun isay siya? 'Tsaka dae pa siya rahay. She needs privacy and rest so let her." (Translation: "Kayo talaga. Hindi ba't sinabi ko na sainyo kung sino siya? 'Tsaka hindi pa siya magaling. She needs privacy and rest so let her.")
"Ay sus! Ineng kailangan mo raw ng privacy? Dito kasi sa lugar namin ay kilala na namin ang bawat isa kaya kung sino ang baguhan, inuusisa namin. Walang privacy-privacy dito. Naiintindihan mo naman siguro, hindi ba?"
"Reeta naman!"
Kahit anong gawin ni Mama Encarnacion ay hindi niya mapigilan ang mga Ginang sa pag-usisa sa akin so might as well introduce myself to them. Just a bit of information about me will do, I guess.
Mukha ring ang tapang at taray ng bagong dating na Ginang kaya hindi ko na dapat ito patagalin. Walang kahirap-hirap niya akong kinausap habang tinitignan. She also pinpoint what they are trying to say and I understand it. I've been here for more than six months. May karapatan naman talaga silang malaman kung sino ako.
I sighed before walking near them. Masaya kong nilahad ang kamay ko sa kanila na nahalata kong ikinagulat nila.
"Ako po si Aislinn. Galing po akong Laguna. May aksidente lang pong nangyari sa akin kaya po ako napadpad dito," I introduced myself politely and friendly.
Isa-isa naman nilang tinanggap ang kamay ko kaya mas lalo lang akong natutuwa. Hindi naman siguro sila mga tsismosa- I mean, something like that. You know what I mean because of their questions and the way they talk. But now, I think they're just really curious about me.
"Laguna! Ang layo, Ganda! Paano?" gulantang na sabi ni Ginang Helia.
"Oo nga! Ano bang aksidente 'yan at dito ka napadpad sa Bicol? Hindi naman sangkot dito ang gobyerno at pulis, ano Ineng?" si Ginang Reeta naman suot ang mapanuring tingin sa akin. Ang isa pa nilang kasama ay may binulong sa kanya.
Bahagya naman akong natawa. "Hindi po. Hindi po ako masamang tao kaya huwag po kayong mag-alala. May personal and family problem lang po ako."
Nakita ko namang medyo nakahinga na sila ng maluwag. I thought my simple explanation was enough but they still asked me questions about it which I refused to answer.
"Tama na 'yan. Ano ba kayo. Bibili ba kayo o sasagap lang ng tsismis? Hala, sige! Magsialis na nga lang kayo kung wala naman kayong bibilhin," singit ni Mama Encarnacion sa usapan.
I gave her a look and smiled at her. She just saved me. She gave me a sign to get inside so I did what I was told. Narinig ko naman ang patuloy na pag-ingay ng mga mamimili sa labas dahil sa reklamo nila habang bumibili.
Pagkatapos ng senaryong 'yon ay kinausap ako ni Mama Encarnacion.
"Tama nga talaga si Jaimar, 'nak. Huwag ka munang magpakita sa mga tao para makaiwas sa mga tanong nila. Mas mabuti pang manatili ka muna sa kuwarto mo para makapagpahinga ka."
I smiled weakly. "Ayos lang po. I just really want to help po."
Hinawakan niya ang kamay ko. "No need, anak. Kaya namin. Kaya ko. Bisita ka namin kaya responsibilidad namin ang kaligtasan mo."
"Okay na po ako. Ayoko naman pong maging pabigat sainyo. Six months had passed without me doing anything to return the help you gave to me."
"Hindi ka pabigat, 'nak. Huwag mong isipin 'yan. We treated you as a family. Walang nagbago roon kaya hindi mo kami kailangang suklian."
"Then, consider my help as a normal family member do. Hindi naman po puwedeng kakain, maliligo at magkukulong lang ako sa kuwarto. That's not what a normal family member do or even a normal person do."
Napatitig sa akin si Mama Encarnacion, tila pinag-iisipan ang mga sinabi ko. Hindi nagtagal ay napabuntong-hininga siya at napahaplos sa mga kamay ko.
"Pero, anak, para naman kasi ito sa 'yo. We're aware of the fact that you're not used to this kind of living. Alam kong mahirap-"
"Ma, hindi po. Promise po. I can do better. Kinasanayan ko na rin po ang ganitong pamumuhay."
"Sigurado ka, 'nak?"
"Opo. Hindi naman po ako nagrereklamo."
"Baka magalit sa akin si Jaimar, 'nak," she said, worriedly.
Ako naman ang pumatong sa kamay niya para mahaplos ito. "Kakausapin ko po siya mamaya."
Bigla akong kinabahan sa sinabi ko. Did I just let it slipped on my mouth? Ano ba kasi ang mga pinagsasabi ni Icarius kay Mama Encarnacion? Bakit niya ginagawa sa 'kin 'to? Mas lalo lang tuloy akong nahihirapan.
"Mabakal po-" (Translation: "Pabili po-")
"Oo, ito na!"
Napatawa kami ni Mama Encarnacion dahil kanina pa ang bata sa tindahan.
"Sige na, 'nak. Hindi na kita pipigilan."
Buong araw ay nasa tindahan lang ako habang si Mama Encarnacion ay gumagawa ng mga iba pang gawain. Nagtatanong lang ako tungkol sa mga presyo at kung saan nakalagay ang mga bagay o pagkain na hindi ko mahanap. Habang papalubog ang araw ay mabilis na naman ang naging galaw ko kahit na nalilito pa rin ako. Some tried to talk to me but I chose to ignored them. Pinokus ko lang ang sarili ko sa pagbabantay ng tindahan.
I almost couldn't breath when I saw Icarius. Ilang minuto kaming nagkatitigan bago siya pumasok sa loob ng bahay. Inasikaso ko muna ang bumibili bago pumunta sa salas para sana salubungin din siya pero mukhang nagtatalo na agad sila ni Mama Encarnacion.
"Ma, hadaw?" (Translation: "Ma, bakit?")
"Dae ko na mapugulan. Kagustuhan niya iyon, Jaimar. Pabayae na." (Translation: "Hindi ko na mapigilan. Kagustuhan niya iyon, Jaimar. Hayaan mo na.")
"Ma, naman. Aram mo na man sana an mga tawo igdi." (Translation: "Ma, naman. Alam mo naman ang mga tao rito.")
"Aram ko. May nakaulay na siya kaso bago. Sinimbag niya man-" (Translation: "Alam ko. May nakausap na siya kanina. Sinagot niya naman-")
"Ano?"
Nabaling sa akin ang tingin ni Mama Encarnacion. Nilukob agad ako ng kaba at ilang lalo na nang bigla ring tumingin si Icarius sa akin.
"Jaimar, 'nak. Hayaan mo na. Matanong lang naman ang mga tao rito pero mababait naman sila."
"Ma, you know that's not only the reason."
"Alam ko, anak. Pero sigurado naman akong hindi nila ipapahamak si Aislinn."
I don't understand. Bakit nila pinagtatalunan ang pagbabantay ko sa tindahan? Why are they making it a big deal like I'm just a fragile little thing? Hindi puwedeng ma-exposed sa iba o ayaw man lang makahawak ng kahit na anong bagay o gawain.
Dumaan ang panandaliang katahimikan hanggang sa maagaw ang atensyon namin ng mamimili.
"Ano po-"
"Ano 'yon?"
Naunahan ako ni Icarius sa pagtanong. Hindi ko namalayan na nakapasok agad siya sa tindahan. Binigay niya naman agad sa mamimili ang kailangan nito pagkatapos ay suplado akong tinignan mula ulo hanggang paa.
"Did you do this all day?" he asked, raspingly.
"Yes," matapang na sagot ko naman.
"Nakuha mo agad kung paano?"
"Hindi naman ganoon k-kahirap..."
"Talaga?" He smirked to mock me more.
I swallowed hard. I can feel so much heat and tension here, causing my body to sweat more. Dagdagan pa iyon ng paglapit niya pa sa akin at ng mga makahulugan niyang titig.
"Na-enjoy mo naman?"
"H-huh?"
Napaatras ako nang umabante pa siya. Ang mga mata ko ay kung saan-saan na napupunta. Ang mga kamay ko ay naghahanap ng makakapitan bilang suporta sa nanginginig kong mga binti. Ang puso kong palakas nang palakas ang kabog dahil sa sitwasyon. Ang isip kong bigla na lang bumabalik sa nangyari kagabi na hindi naman dapat.
He clicked his tongue as he closed his eyes tightly. "Ang sabi ko, na-enjoy mo naman?" When he opened his eyes, it met mine.
"Uhm, oo naman. May ilan akong nalaman tungkol sa pagpapatakbo ng tindahan. Uh, I also met some people. Bumilis ang pagtakbo ng utak ko since this is about mathematics too. I even-"
"I didn't ask you to elaborate the things that made you feel the enjoyment you're feeling right now."
I bit my bottom lip and tried to avoid his stares once again.
"I'm just... explaining." Nanliit ang boses ko.
"Bakit ka nagpapaliwanag?"
"Because I feel like I need to everytime you asks me questions."
"So, you feel obliged?"
"Kind of," kinakabahan na sagot ko.
"Bakit?"
Naglakas-loob akong titigan siya pabalik. Ang dugyot ko na yatang tingnan ngayon lalo pa't pawis ako. I don't really care. Pero ang lalaking ito ay parang palagi akong minamaliit. Ano bang problema niya sa akin? Bakit ang init ng ulo niya sa akin? May mali ba sa mga ginagawa ko?
"Because of your stares."
Mangha siyang napangisi but I couldn't even feel the humor in it. Napalayo siya sa akin. Pinasadahan niya ng isang kamay ang buhok niya bago pumamaywang. Binalik niya naman agad ang tingin niya sa akin kalaunan. But this time, it's cold and serious.
"You're intimidated because of my stares? Ang babaw mo naman. Did you even think that we have a relationship?"
I felt a little sting in my heart. His mouth is like a gun firing hurtful words like bullets without even realizing it. He's such a two-face acrimonious man.
"What do you mean?" I stuttered. "Of course, we have. Mama Encarnacion said that we're family."
"Bullshit."
Mas lalong tumindi ang kaba ko, but I still have the guts to talk back to him.
"Y-You took care of me in the past six months. You protected me just like what you're doing right now. Did you really think of me as a stranger who.. who stayed in this house because you saved me? Wala man lang bang nabuong relasyon kahit na kaibigan... man lang?"
Hindi siya nakasagot. He just stared blankly at me but I know that he's trying to figure out something again. Hindi ko lang alam kung sa akin o sa dahilan ng hindi pagkakaintindihan namin ngayon.
"So, don't bullshit me, Icarius. You're the bullshit." Kumabog ang dibdib ko. "Why are you treating me like this? Ganito mo ba ako trinato sa loob ng anim na buwan kaya ba natagalan ako sa paggaling? Hindi naman, 'di ba? Kaya ang tanong ko sa 'yo, Icarius, ay kung bakit? Bakit ka nagkakaganito?"
He doesn't seem affected by my words. Wow. This is unfair. Bakit ako ay nasasaktan sa mga sinasabi niya samantalang siya ay hindi? Oh, right. I easily get affected because I'm such a weak person unlike him who has an ice appearance and metal heart.
Balak niya na sanang umalis pero agad ko siyang hinawakan sa kamay at pinaharap sa akin kahit na hindi sapat ang puwersa ko.
"Bakit ka ba kasi nagagalit?" kunot-noong tanong ko, sinusubukang pigilan ang pagtindi pa ng inis ko.
Nakatagilid siya sa akin, not wanting to face me again. I licked my lips and tilt my head a bit to see more of him. Nang lumipas pa ang ilang segundo na hindi siya nagsasalita ay ako na lang ang pumunta sa harap niya. Saglit siyang napatitig sa akin bago umiwas.
"Icarius-" Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang bigla niya na lang akong nilagpasan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top