Chapter 23
"Paano 'yong shop, 'nak?" tanong ni Mama Encarnacion kay Icarius habang kumakain kami ng pananghalian.
"Papa can manage it even without me," he answered solemnly. Sumubo siya ng pagkain gamit ang kamay niya.
"Nagpaalam ka ba sa kanya?"
I started to eat as well, fighting the uneasiness while giving Icarius a look. Minsan ay napapatingin din siya sa akin kaya umiiwas agad ako. Kunware pinaglalaruan ang pagkain o kaya ay bigla na lang susubo o kaya naman ay iinom ng tubig. Well, this is so awkward. I mean, his presence and stares feels so awkward. Para bang hinuhusgahan niya na naman ako sa isip niya.
"I'm sure he'll understand," he paused to give me a quick look before looking at Mama Encarnacion again. "Mas kailangan ako rito."
Ang huling pahayag niya ay parang may ibang kahulugan pero hindi ko na lang iyon masyadong inisip at binigyang pansin. I'm so focused on being careful on my actions while eating. I wonder if he's the one who assisted me on eating? Oh, thinking about it makes me more awkward. Sinusubuan niya ba ako? Siya rin ba ang nagpapaligo sa akin? Nagbibihis? Naglalaba ng mga damit na sinuot ko? Naghuhugas ng puwet ko tuwing tatae?
Nabilaukan ako bigla at nahirapan akong sumagap ng hangin. Inaabot ko sana 'yong basong gamit ko pero biglang lumabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng mga luha sa mata ko. Someone gave me a glass and I immediately drunk the water in it. Nang matauhan na ay nakita ko kung sino ang nasa tabi ko't humahagod sa likod ko.
It's Icarius.
"Aislinn, anak, ayos ka lang? Naku, dahan-dahan lang kasi sa pag-kain, 'nak," si Mama Encarnacion nang hawakan niya rin ako.
"Uhm, okay na po ako."
Mabilis na naalis ang kamay sa likod ko at nakita ko na ulit sa puwesto niya kanina si Icarius.
"Salamat, Icarius." I tried to be friendly to express my gratitude but he just ignored me. Mabilis siyang natapos sa pag-kain. Nilapag niya sa lababo ang pinagkainan niya pagkatapos ay pumasok sa kuwarto.
Natapos na rin kami sa pag-kain. Hindi na ako hinayaan ni Mama Encarnacion na maghugas dahil sa nangyari. Halatang pati siya ay kinabahan. Ano ba naman kasi 'yong mga pinag-iisip mo, Aislinn? It's so out of the situation. Gusto kong malaman pero ayokong magtanong. Baka mas lalo lang akong makaramdam ng ilang at hiya.
"Maghanda ka na lang, 'nak. Pupunta tayo sa kabilang ilog para maligo. Siguradong magugustuhan mo roon dahil sa malinaw at malinis na tubig."
Sinunod ko naman si Mama Encarnacion. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kuwarto nang bigla na lang itong bumukas at bumungad sa harap ko si Icarius. Ilang minuto kaming natuod sa kinatatayuan namin habang nakatitig sa isa't isa, not knowing what we should do next.
"Uhm, akyat lang ako," I stuttered as I pointed the wooden stairs.
Binigyan niya naman ako ng daan. Maliit na espasyo ng daan kaya dahan-dahan akong pumasok at natigil sa may gilid ng pinto. Isinara niya agad ang pinto. Dumikit ang likod ko sa kahoy na pader sa tabi ng pinto dahil sa kamay niyang nakaharang sa may ulo ko. I'm stuck again. I don't know how to converse with him.
"I, uh..." Bahagya akong yumuko para makalusot sana sa may kamay niya pero nauntog ako sa tiyan niya nang bigla na lang ulit siyang humarang sa harap ko. Napatingin agad ako sa kanya at napalayo ng konti since this place has a tight space. Wala na akong maatrasan. I can almost feel the bed near me.
Icarius leaned his back against the door as he stared on me. Hindi na ako nagsalita ulit at hinayaan na lang na magkatitigan kami na parang doon na lang nag-uusap.
"Get ready." He sighed tiredly before opening the door and going out of the room.
Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa kaba. Napapikit ako at ilang beses napabuntong-hininga. Damn, Icarius. Why are you being like this? Balak mo ba akong patayin ulit?
Umakyat na ako sa kuwarto ko at agad nagpalit ng damit. I wore the one Icarius bought for me. A red highwaisted shorts and white cotton loose shirt. May pang-ilalim naman ako na red spaghetti strap na nakita ko sa maliit na drawer. Okay na siguro 'to.
Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat nang paglingon ko ay tumambad sa akin ang seryosong Icarius.
"Icarius," nautal na naman ako. Bakit ba kasi nandiyan siya?
Suplado niya naman akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago tinalikuran. Napapikit ako't huminga ulit ng malalim. Kalma, Aislinn. It's Icarius, your savior. Hindi mo kailangang magalit sa kanya. Habaan mo pa ang pasensiya mo.
Lumabas ako at nakitang masayang naghahabulan sina Greya at Canus. Pumunta naman ako sa kusina kung nasaan si Mama Encarnacion. She's preparing our food.
"Tulungan na po kita," I offered.
"Salamat, 'nak." She smiled sweetly to me so I gave back the favor.
It didn't took us long enough to finish for the food preparation before going out. Icarius made sure that everything in the house is lock and safe. Naglakad kami ng ilang minuto bago nakarating sa ilog. Tinulungan ako ni Icarius sa pagsakay sa maliit na bangka. Biglang gumalaw ang bangka kaya mahigpit akong napahawak sa braso niya. His muscles tensed. Bigla rin siyang napahawak sa may likod at baywang ko.
We're staring with each other's eyes as we waited for the boat to stay still until he let go of me. I heard the giggles of the two children bago ako naupo sa katabi ni Mama Encarnacion. Siya naman ay nagsimulang mag-sagwan papunta sa kabilang ilog. Malapit lang naman kaya wala pang limang minuto ay nasa kabila na kami.
"Maglalakad pa tayo ng mga trenta minutos para makarating sa sapa. Ayos lang ba iyon sa 'yo, Aislinn?" Binalingan ako ng tingin ni Mama Encarnacion pagkababa ng bangka.
Hindi ko alam ba't bigla akong napatingin kay Icarius. Sinalubong niya naman ako ng seryoso at malamig na tingin kaya mabilis na lang akong umiwas.
"Ayos lang po." I gave her a smile.
We walk for thirty minutes like what Mama Encarnacion said, but it felt like hours for me. Napagod ako at pinagpawisan ng malagkit dahil na rin sa tirik na tirik na sikat ng araw. Minsan napapatigil ako para magpahinga pero agad namang humahabol sa kanila dahil sa mabilis nilang paglakad.
"Nandito na tayo!" Mama Encarnacion announced.
Tumigil ako sa paglalakad at napahawak sa dalawang tuhod ko habang nakayuko. I can feel my body sweating so much. Hinahabol ko rin ang hininga ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Paano ba naman kasi, ang dinaanan namin ay may pababa at pataas na lupa. Minsan ay may tubig galing sa ilog.
May bigla na lang naglahad ng isang bote ng tubig sa akin kaya napaayos ako ng tayo. Icarius appeared before my eyes.
"Salamat."
Tinanggap ko ang bigay niya't agad binuksan. Binilisan ko ang pag-inom dahil nagsimula na naman silang maglakad papunta sa kung saan. I thought we're here already? Saan pa sila pupunta?
"Ate!" Kumaway sa akin si Greya so I just nodded my head while smiling.
"Tara na, 'nak! Maghahanap lang tayo ng magandang puwesto!" si Mama Encarnacion.
Medyo malayo-layo na sila sa akin kaya nagsimula na rin akong maglakad ulit nang makabawi na sa paghinga. Napatingin ako kay Icarius. Patuloy lang siya sa paglakad na walang kahit na anong senyales na lilingon siya sa akin. Bahagya akong napatigil nang muntikan na akong matapilok dahil sa mabatong daan at malakas na agos ng tubig. Dapat pala ay sumabay na lang ulit ako sa kanila.
When I took another step, I fell into the depths of the water. Naramdaman ko ang pagtama ng siko ko sa bato nang sinubukan kong lumangoy paitaas. Doon ko tuluyang nakita na nahulog ako sa malalim na parte ng sapa na napapalibutan ng pabilog na mga bato. Mukhang sinadyang gawin ito.
Sinubukan ko ulit lumangoy pero bigla na lang tumigas ang isang paa ko kasabay ng pagbalik ng ilang alaala sa isip ko. Napapikit ako't napahawak sa ulo nang bigla itong sumakit.
"Ahhh!" I tried so much to yell but only bubbles from the water came out from my mouth.
Oh, my God! My head's about to burst because of the pain. I have nothing else to do but to close my eyes tightly while asking for help somewhere in my mind and still trying to swim.
Icarius... please, save me.
My memories led me to the scenes on the boat. Malinaw kong nakita na nahulog ako sa dagat nang biglang gumalaw ang barko at nagkagulo ang mga tao matapos akong mailapag sa kung saan ng isang lalaki. I feel like I'm drowning once again. Napatigil ako sa ginagawa ko nang mamanhid ang buong katawan ko't unti-unti na akong nawawalan ng kamalayan.
"Aislinn!" The voice was blurry but I know that he came back for me.
Hindi pa nagtatagal ay naramdaman ko na ang kamay niya sa kamay ko. I held onto his hand tightly. Walang kahirap-hirap niya akong nahila pataas at naalis sa malalim na parte ng tubig.
Sinalubong ako ng malulutong na mura ni Icarius at ng mapag-alalang boses ni Mama Encarnacion. Even the kids are scared. Napaubo ako. Ramdam ko ang pag-iinit ng dalawang mata ko. My heart was beating so fast as my head throbbed in pain. Tuluyan na akong naiyak habang napapaubo pa rin.
What should I do? What I just saw earlier in my memories keeps on playing on my mind, redundantly and painfully. Parang nalulunod pa rin ako kaya nahihirapan pa rin ako sa paghinga. The horror that I felt when Rad shot me is coming back. The darkness that I saw and feel when I was drowning is covering my soul once again. The trauma that brought me because of everything that happened is consuming me again. I felt like I was at the dangerous pit of lostness within me.
"Aislinn!"
Wala akong marinig kundi ang maliliit at malalabong boses na galing sa kanila. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naging ganoon. When Icarius suddenly hugged me, my whole world stop. The bad memories and dark emotions started to calm down in me. It's like Icarius' absorbing it all, passing it to himself through the warmth of his body with a drip of coldness from the water.
"You're gonna be okay," he whispered.
I closed my eyes, helping Icarius to ease the thunder, forming a strong yet silent storm, in me. I don't want to experience it again. I don't know if I'm fully aware of what happened to me in the past six months, but I know exactly the feeling of it. Parang pinakita sa akin ang kamatayan habang nabubuhay pa ako.
Nang tuluyan na akong kumalma ay dahan-dahan akong binitawan ni Icarius. He stared through me as he started to wipe the water on my cheeks together with the tears and remove the strands of my hair on my face. Tumayo siya nang makitang maayos na ulit ako.
"Uuwi na tayo," pahayag niya kaya agad akong napatingin sa kanya.
Narinig ko ang hindi pag-sang-ayon ng mga bata. Si Mama Encarnacion ay tahimik lang. We walked for minutes or more like hours to come here and because of what happened to me, he want us to go home already?
"Icarius," namamaos na tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon. "It's okay. I can still manage myself. Nandito na tayo kaya huwag na lang nating sayangin."
"Maghanda na kayo, Ma." Hindi siya nagpatinag.
"Sorry po, Mama Encarnacion, Greya and Canus." I bit my bottom lip.
Lumapit sa akin si Mama Encarnacion para bigyan ako ng haplos sa balikat at likod. "Hindi mo kasalanan, 'nak." She smiled.
"Icarius-"
"Huwag ka nang magpumilit," mariin na sabi niya.
"Pero-"
"Tingnan mo nga ang hitsura mo!"
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang isigaw niya iyon. Mabilis siyang nakalapit sa akin na halatang galit na.
"Jaimar," pagpigil sa kanya ni Mama Encarnacion.
"Damn it!" He was about to grab me but he chose to turned his back on me again.
"Jaimar!" This time, tumaas na rin ang boses ni Mama Encarnacion.
I remained silent. Napayuko ako, feeling so guilty for what happened. Why am I so clumsy? Hindi ko man lang ch-in-eck ang dinadaanan ko.
Dumaan ang kaunting katahimikan sa pagitan naming lahat. Nagulat ako nang bigla na lang akong hagisan ni Icarius ng isang t-shirt.
"Suotin mo 'yan."
"Bakit-"
"Ngayon na."
I sighed and did what I was told. Nalunod naman ang katawan ko dahil sa laki ng t-shirt. Sa kanya ata ito. Well, this is nice. Unti-unti ko ulit kasing nararamdaman ang init para mawala ang lamig dulot ng tubig at nakaraan.
Tumayo na ako. Tumabi sa akin si Icarius sa paglalakad at tahimik na inaalalayan ako sa bawat daan. Wala na naman akong narinig na reklamo sa mga bata pero alam kong dismayado sila dahil sa nangyari. I just ruined their happiness to swim and enjoy the place.
Nakarating agad kami sa tabing-ilog kung nasaan ang bangkang ginamit namin. I don't know why we came back so fast. Bakit kanina na papunta roon sa sapa ay ang tagal naming nakarating tapos ngayon ay parang napakabilis lang ng pagbalik namin? I just shrugged it off. Baka hindi pa ako pamilyar at sanay sa lugar, that's why.
"Next time, wear a bra or go out naked."
My eyes widened when Icarius suddenly whispered to me as he tried to help me get on the boat again. Hindi niya na ako binigyan pa ng kibo o imik hanggang sa makarating kami sa bahay. I tried to talk to him but I couldn't find him anywhere inside the house. Where did he go?
"Naku, 'nak. Magbanlaw ka na't baka malamigan ka pa," si Mama Encarnacion bago niya iabot sa akin ang tuwalya.
"Sige po. Salamat po." Nag-alinlangan pa ako habang pasimpleng sinusuri ang paligid pero naglakad na lang ako papunta sa banyo.
Pagkapasok ko sa banyo ay agad akong naghubad. I didn't wore a bra since we're going to swim naman. Well, that's what I always do when I was still in my life in Calamba. Siguro isa ito sa mga nakasanayan kong hindi na mababago o maaalis.
Ibubuhos ko na sana ang isang tabong may lamang tubig sa katawan ko nang bigla na lang bumukas ang pinto. My eyes widened in shock when I saw who did that.
"Shit, Icarius!" bulalas ko. Agad kong nabitawan ang tabo at napahawak sa mga maselang bahagi ng katawan ko pero hindi pa rin iyon naging sapat!
"I... I'm sorry, I didn't know-"
"Oh, my God! Close the door, Icarius!" Natataranta na ako at hindi na ako makatingin ng maayos sa kanya dahil sa kahihiyan. My naked body was exposed and he's not taking it seriously.
Nakita kong nakabawi na siya mula sa pagkagulat din pero ang gago, nakuha pang pasadahan ng tingin ang buo kong katawan. How dare he! This is rape! This is assault! This is harassment! This is crime! Oh, my God! Why can't he just close the door and leave?!
"Nakita ko na naman 'yan. Huwag ka nang mahiya."
Before he could close the door, I saw how the side of his lips rose into an insulting smirk.
Oh, my God, Icarius Jaimar Escareal! What is the meaning of that smirk?! Did you enjoy what you just saw?! Did you really saw it before?! This is unbelievable!
Bago ako magpatuloy sa ginagawa ko ay siniguro kong naka-lock na nang mabuti ang pinto. My fault. I forgot to lock it. Damn. Is this also considered as clumsiness? As fas as I know and remember, I'm not like this back then.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nang matapos na ako. I surveyed the kitchen and living room if he's there but it's negative. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Baka tuluyan na talaga akong lumubog sa lupa sa kahihiyan sa kanya.
Naglakad ako palabas pero hindi pa nga ako tuluyang nakakarating sa salas ay naramdaman ko na ang presensiya niya. Bumagal ang paglakad ko habang pasimpleng hinahanap ng mga mata ko kung nasaan siya.
"You smell good."
The veins in my neck stiffened the moment I heard his voice in my ear. Lumiko ang mga mata ko't nakita ko siya sa kaliwa ko. Hindi ako nakagalaw at nakapagsalita hanggang sa makaalis na siya. Ilang beses din akong napakurap dahil sa ginawa niya.
"Ate?"
Napahawak ako sa dibdib ko't napapikit nang makarinig na naman ako ng boses. Buti na lang ay kay Greya nanggaling iyon.
Kalaunan ay bumaba ang tingin ko sa kanya. "H-Hi, Greya," I greeted with stutters.
Nilagpasan ko siya at agad akong nagtungo sa kuwarto. Pagkasara ko ng pinto ay doon ko lang tuluyang naramdaman ang lakas ng tibok ng puso ko. Napahawak ulit ako sa dibdib ko para pakiramdaman pa lalo ang nararamdaman ko. Napakagat ako sa labi at nanghihinang napasandal sa pinto.
What kind of sorcery is this? Ano na naman ba ang mangyayari sa akin kapag nalagay na naman ako sa alanganin at mapanganib na sitwasyon? This is just a second day since I got my consciousness and awareness back, but my fate is playing fire with me already.
No. My heart was left in Laguna with Van. Presensiya ko lang ang nandito at hindi ang buong pagkatao't kaluluwa ko. But is it a mistake if I'll choose to play with the fire that fate set in me? Will I find the missing piece in me while staying in this place and continue to involve in Icarius' life?
Nagbibihis pa ako nang marinig ko na may paakyat sa kuwarto ko. Baka si Icarius na naman ito. Hindi ko na siya bibigyan ng second show, 'no. Kaya bago pa man niya ako masilayan ulit ay mabilis na akong nakapagbihis.
Napalingon ako sa gawi niya. Sinalubong niya agad ako ng seryosong tingin. Umiwas naman agad siya nang tuluyan na siyang makaakyat. Tahimik ko naman siyang pinagmasdan habang umuupo sa kama.
"Akin na ang kamay mo."
Tahimik na sinunod ko naman. That's when I knew that he's going to treat the small wound on my elbow. May ilang gasgas din akong nakuha sa paa. Isasali niya pa ba 'yon?
Hindi ako nagsalita. I chose to watch his actions quietly. Mabilis ngunit maingat niyang natapos ang paggamot. Ang gaan lang ng kamay niya kaya kahit na may kaunting kirot akong naramdaman, I just endured it while bitting my bottom lip.
"Next time, always stay by my side, so you'll be safe."
Napaangat siya ng supladong tingin sa akin dahil sa pagiging tahimik ko. After that, he gently touch my leg so I shifted on my position. Marahan niyang dinampian ng cotton na may alcohol ang mga nakuha kong gasgas. I even had a bruise on my feet.
"Hindi," pagbawi niya sa naunang sinabi niya. "Hindi ka na lalabas ng bahay na ito kahit na may kasama ka. This is final."
I tilted my head a bit to process in my head what he just said to me.
"Teka, hindi naman yata tama-"
"You're in our territory so might as well follow the rules that I'm giving you." Sinimulan niya nang ligpitin ang mga ginamit niyang panggamot sa akin.
Napaayos ako ng upo at kumunot ang noo ko. Nang may mapagtanto ay mapakla akong napangisi.
"So, even here, I couldn't attain the freedom that I need. How cruel."
Naramdaman ko ang titig niya kaya nabalik sa kanya ang tingin ko. Mukha siyang natauhan sa sinabi niya, malungkot, naaawa pero galit. Anong gusto niyang sabihin sa tingin na 'yan? Bakit napakakomplikado niyang tao?
"It's not cruelty. It's for your own safety." Agad siyang umalis kaya naiwan akong bigo at dismayado.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top