Chapter 22
Nagising akong wala na si Icarius at ang Ama niya. Ang sabi ni Mama Encarnacion ay nangingisda sila ng madaling araw sa laot at bumababa sa bayan para mag-trabaho tapos uuwi ng hapon o minsan gabi.
"Ano po bang trabaho nila Icarius?" tanong ko pagkalapag ko ng tasa sa lamesa.
We're having a breakfast when Mama Encarnacion tried to have a conversation about their way of living here. Hindi naman daw matatawag na mahirap o mayaman ang mga nakatira rito kahit na pangingisda at pagtitinda ang pangunahing trabaho't pangangailangan nila. It's in between kasi hindi naman daw nauubusan ng pera ang mga tao. In fact, hindi nga raw nawawalan ng mamimili ang tindahan nila.
"May pagawaan sila ng mga makina sa bayan. Minsan sila pa ang dumadayo sa ibang barangay para sa mga pinapaayos sa kanila," sagot naman ni Mama Encarnacion bago tumayo at iligpit ang mga pinagkainan.
"Ako na po." Tumayo ako para matulungan siya.
"Ay hindi na. Ano ka ba. Bisita ka namin dito." Tinalikuran niya ako. Nilapag niya na sa lababo ang mga pinagkainan.
Lumapit ako sa kanya. "Ayos lang po. This is the least that I can do."
Ilang segundo siyang nag-isip habang nakatitig sa akin. In the end, she let me do the dishes. May alam naman na ako sa mga ganitong gawain kahit papaano dahil sa patuloy na pagtakbo ko noon at pakikisalamuha sa ibang tao.
Napagtanto ko na ang ginawa kong pagtakbo ay nakatulong ng malaki sa kaalaman at paraan ng pagkakaintindi ko sa mga bagay-bagay. It can be considered as a bad thing since tinalikuran ko ang pamilya ko at ang kinagisnan kong buhay. It's kind of selfish, discourtesy and futile decision but it leads me to see more amazing things in life that I've been looking and wishing. It made me realize things. It made me independent. It made me more strong and brave even though sometimes, I still couldn't control the emotions of my heart.
You know, you cannot be consider as a weak person when you're dramatically emotional over things that might seem little and unimportant to other people. Everything that I felt are valid as much as I value other people's feelings and emotions. Every person in my life matters that's why I'm making things easier for them.
"Alam mo, 'nak, alagang-alaga ka ni Jaimar sa loob ng anim na buwan. Kapag wala siya ay ibinibilin ka niya sa amin."
Bahagya akong napatigil sa pagsasabon ng plato. Napangiti na lang ako bigla. That's the most sweetest thing that I heard so far. Ang pakiramdam na hindi mo naman sila kaano-ano pero kahit minsan ay hindi sila nawala sa tabi mo 'nong mga panahong nawawala ka.
"Palagi niyang sinasabi na responsibilidad ka niya dahil siya ang nakakita sa 'yo. Sabi niya ay dumaan ka sa matindi at mahirap na sitwasyon kaya huwag daw naming madaliin ang pagpapagaling mo. Ilang beses ka rin niyang pinadoktor sa bayan dahil hindi siya nawalan ng pag-asa sa 'yo. Kinakausap ka rin niya paminsan-minsan."
Icarius said and did that? Oh, my God. Ang ginawa niya sa akin ay hindi kailanman mababayaraan ng kahit na anong salapi. Kung nakita at naramdaman ko lang sana ang mga ginawa niya at nila noon sa akin. This family helped me so much that I don't think I really deserve.
Icarius hoped for my recovery. He believed in me when everyone in my life failed to do it. He stayed even without knowing who am I. If it wasn't for him, I don't think I can still see the way out in the chaos of my life. I think I'll be forever lost in the air.
"Aislinn, anak?"
Napalingon agad ako sa kanan ko nang marinig ang tawag ni Mama Encarnacion. Inalis niya ang sponge sa kamay ko para hawakan ako't paharapin sa kanya. Dahan-dahan niyang pinunasan ang pisngi ko. Doon ko lang napansin na lumuluha na pala ako. Damn. Ang babaw ko talaga kahit kailan, pero ang kababawan kong ito ay siyang patuloy na nagbibigay ng rason para makita ang daan. A road to know that I am living, not just existing.
"We're here to help you as long as you're staying with us. Hindi mo kailangang kimkimin ang lahat. Handa naman ako o kaming makinig sa 'yo." Binigyan niya ako ng ngiti habang patuloy pa ring pinupunusan ang pisngi ko.
I remained silent while watching her. Icarius is so lucky and blessed to have a mother like Mama Encarnacion. Sagana sa pag-aalaga at pagmamahal. Ito lang naman ang hinihingi ko kay Mom pero bakit napakahirap iyon ibigay? Am I not fit to her worthiness because she didn't wish a baby girl after my sister was born?
Napayakap ako kay Mama Encarnacion nang maramdaman ko ang panibagong luha na nagbabadya. Mukhang nagulat siya sa biglaan kong ginawa pero kalaunan ay napayakap na rin siya pabalik sa akin habang marahan na hinahaplos ang likod ko.
Nagtagal ang yakapan namin at agad akong humingi ng paumanhin pagkakalas namin. Agad ko namang pinunasan ang basang pisngi ko pero hindi pa rin matigil ang pagluha ko. I suddenly feel so embarrassed in front of Mama Encarnacion.
"Sorry po. Excuse me."
Lumabas ako ng kusina habang sinusubukan pa ring patigilin ang agos ng luha ko. Ano ba naman 'to. Bakit na naman nangyayari ito sa akin? Wala ba talagang kapaguran ang mga mata ko sa pagluha? Masokista na ba ang puso ko?
Naupo ako sa kahoy na upuan sa loob ng kubo at humarap sa may ilog na tanaw ang kabundukan. Natanaw ko rin ang hanging bridge sa hindi kalayuan, kung saan ako nagkamalay at kung saan ko unang nasilayan ang tagapagligtas ko, si Icarius.
I drew a deep sigh as I closed my eyes. Another tears escaped but I didn't bother to wipe it away. A peaceful place like this is what I needed in case of having an emotional breakdown like this. Mga bulong lang ng hangin at mga huni ng hayop ang maririnig. No one could disturb you. No one could-
I quickly opened my eyes and looked at someone who just cleared his throat.
"Icarius!" bulalas ko saka napatayo at mabilis na napapunas ng luha. Binigyan ko rin siya ng ilang na ngiti para ipakita na ayos lang ako. "Uh, I thought..."
His gaze remained on me, examining every part of my features and trying to figure out something in me. Unti-unting naglaho ang ngiti ko at nanatili na lang din na nakatitig sa kanya. He seems bothered. His eyes tells it all. But for what reason?
Bigla niyang iniwas ang tingin niya sa akin at naglakad palapit sa kulungan ng mga manok.
"I came to bring lunch and feed the chickens," walang emosyong sabi niya bago bigyan ng pagkain ang manok.
I blinked and licked my lips, not knowing what I should tell him next. Umalis na lang kaya ako't bumalik sa loob? Tama. Isa pa, hindi pa naman ako tapos sa paghuhugas. Hirap naman kasing makipag-usap sa lalaking ito. Talagang magiging blangko ang utak mo.
Nagsimula akong maglakad papasok pero natigil dahil sa biglaan niyang pagsalita ulit.
"Saan ka pupunta?"
Hinarap ko siya. "Uh, sa loob?"
Suplado niya naman akong tinignan. "Para?"
"Hindi pa ako tapos maghugas," I explained, nervously.
"Mama took care of it already."
I bit my lower lip. Kitang-kita ko naman ang pagbaling ng tingin niya doon kaya lalo lang akong kinabahan. Masyado pa namang mapanuri ang mga mata niya.
"Nakakahiya," I whispered but he heard it.
"Hindi mo gawain iyon kaya huwag kang mahiya." Tinalikuran niya ako para ayusin 'yong sako kung saan nakalagay ang pagkain ng mga manok. Lumapit siya sa may baldeng may lamang tubig at naghugas ng kamay. Nagpunas siya sa tuwalyang nakasampay sa sampayan bago pinasadahan ng kamay ang magulong buhok.
"Anong puwede kong gawin para makatulong sainyo?" I offered since I don't want to be a burden to them. Since I'm fully aware of my environment and the people around me now, I think I need to do something that can distract myself from the dangers of my heart and mind. Kahit ito na lang din muna ang pamalit sa mga ginawang tulong nila sa akin.
"Wala."
"Ha? Bakit? Marunong naman ako sa gawaing bahay at-"
"Wala kang ibang gagawin kundi ang magpagaling."
"Magaling na ako," pakikipagtalo ko pa kasi iyon naman talaga ang totoo. Mas mababaliw ako lalo kung wala man lang akong gagawin kundi ang tumunganga.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Namilog ang mga mata kong nakatitig sa kailaliman ng mga mata niya. Ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. The space between us are slowly disappearing. Maduduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko habang nakayuko siya para lang maging magkapantay kami.
He clicked his tongue as he stared blankly on me. "Hindi ako naniniwala."
Gusto kong pumikit nang maamoy ko ang bangong hininga niya pero hindi ko ginawa. Ang kapal ko naman yatang tingnan doon tapos kaharap ko lang siya. Baka isipin niya pinagnanasaan ko na agad siya porket nagkamalay na ako.
"Bakit naman?" I stammered as I tried to avoid his stares but I'm always ending back on his eyes.
Tumagal ang paninitig niya sa akin bago tuluyang lumayo. Nakahinga naman ako ng maayos at parang nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan. That was so close. Kailangan talagang ganoon ang ayos para lang sabihin ang apat na malamig na salitang 'I don't think so'? Really? I don't think so, too.
"Huwag kang magtanong." And for countless times again, he turned his back on me.
Aba't ang suplado naman talaga ng lalaking ito. Supladong inglesero. Akala ko ba mabait siya sa akin base sa kuwento ni Mama Encarnacion? Alagang-alaga pa nga raw niya ako, eh. Anong nangyari ngayon? Kailangan bang bumalik ako sa dating lagay ko noon? O dapat ba ay nagpanggap na lang muna ako para sana mas makilala pa ang ugali niya?
Naupo siya sa dati kong inupuan kanina. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya. Kahit ganyan 'yan ay siya pa rin ang nagligtas sa akin kaya hangga't kaya ko ay titiisin ko. Baka may rason siya kaya siya ganyan o baka may pinagdadaanan din siya. Siguro oras ko naman para pakiramdaman at pakinggan siya ngayon.
"Ang ganda ng lugar niyo, 'no?" pagbubukas ko ng mapag-uusapan nang maupo ako sa tabi niya. Sinulyapan ko siya saglit at nahalata kong wala siyang balak magsalita. Napabuntong-hininga ako at sa unahan na lang tumingin.
"Sino si Van?"
Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa biglaan niyang tanong.
"Kilala mo si Van?" gulat na bulalas ko pero hindi siya natinag sa ayos niya habang ako ay uhaw na sa paliwanag o kuwento niya kung bakit niya natanong iyon. Pero aasa pa ba ako?
"Hindi."
"Bakit mo natanong kung sino si Van?" Napaayos ako ng upo para sa kanya na lang humarap at tumitig. Mukhang interesado siya kay Van, ah? Ang dami namang puwedeng itanong pero bakit 'yon pa? Bakit kailangang sa nakaraan ko pa?
"Sinasambit mo noon."
"Ah," Ilang beses akong napakurap habang nakatitig sa kanya. "May iba pa ba akong sinambit bukod roon?"
Kunot-noo siyang napatingin sa akin. "Bakit may iba pa?" He emphasized the word 'pa'.
What? What does he mean by that?
"I mean..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nang mahalata niyang wala na akong idudugtong ay iniwas na niya ulit sa akin ang tingin niya habang hindi pa rin inaalis ang kunot sa noo.
"Rad, Van, Mom, Dad, Ate, and the cycles goes on," he elaborated. "Umiyak ka pa."
Hindi ako nakasagot. Kahit pala sa unconscious mind ko ay naiisip ko pa rin sila. Of course, they're the important people in my life but Rad... I don't know. May malaking bahagi at ginampanan sila sa buhay ko kaya hindi madali na magpatuloy habang may parte pa rin sa akin na nasa kanila.
"Van's my boyfriend or so he was... before."
My last conversation with Van is our first and last worst argument. It was really bad and painful. I even broke up with him but I didn't meant what I said that day. Nadala lang ako. Hindi na ako makapag-isip dahil sa patong-patong na problema kaya ko nasabi iyon. I thought that time that he's just another problem to be taken care of but didn't I know and see that he's the one that I needed the most during that time.
Nagtatalo ang puso't isip ko kaya hindi ko na alam kung alin ang tama sa mga maling ginagawa ko. Masyado akong nabulag. I feel so bad knowing that I shut Van out of my life. He doesn't deserve it. Wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mabuti sa akin. Oh, Van, I'm so sorry. I promise, we'll fix it once I get back. Please hold on to me. Don't give up as much as I'm still not giving up.
"May boyfriend ka," he said, acrimoniously.
"Yes-"
"Hindi 'yon tanong."
What? This is unbelievable! I'm just telling or maybe sharing it since he's the one who asked about it. Ngayon binabara niya ako?
"Nasaan siya nang kailangan mo siya?"
Parang punyal ang tanong na iyon na paulit-ulit sumaksak sa puso ko. This man has the tendency to hurt me in secret with his use of words. Is he aware of that fact?
"Maybe he doesn't know..." I stopped when my lips shivered. "It's my fault."
Maybe he still couldn't find this place. Maybe he's still searching. I know him. He wouldn't give up easily on something important to him because of his strong determination. I know he'll come for me one day and I'll continue to wait for that day to happen.
Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya dahil sa isang ngisi. Is that a mock or disagreement about what I just said?
"Sino naman si Rad?"
Hindi ako nakasagot. Wala akong balak na sumagot. I'm trying to forget everything that happened. I'm trying to forgive Rad even without his presence and a simple sorry. I'm trying so hard to fight it and heal myself from all of the pain pero ang supladong lalaking ito ay hindi talaga marunong makiramdam. Hindi niya na dapat ako tinatanong ng mga ganyang tanong.
"Let's not talk about my past." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at mabilis kong pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko.
Tumayo ako at aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakakibo at imik. I even stiffened because I didn't expect this from him.
"Then, at least tell me your name."
My look was turned to him. Wala pa ring bago sa ekspresyon ng mukha niya. Hindi ba marunong makiayon ang emosyon niya sa mga salitang binibitawan niya? And what did he just said? He just wants to know my name?
Pagod akong bumuntong-hininga. "It's Aislinn."
He stood up while still holding my right hand and keeping his vision on me. Why are you giving me an intense look, Icarius? Why are you making me want to stare back at you? What's the meaning behind those stares?
"Mamasyal tayo mamaya," he paused and I can see the movement of his Adam's apple because of a hard swallow. "Aislinn."
Mabilis siyang nawala sa paningin ko pagkatapos niya iyong sabihin. Napatulala ako sa kinatatayuan niya kanina at ramdam ko pa ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. I can even feel his stares on me as I continue to blink my eyes.
Hearing my name from him is calm and nonthreatening. It's like a soft caress in my lonely heart for a long time of waiting. A soft caress of protection and easement to my lost life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top