Chapter 21
"We saw you floating in the sea. I saved you. I brought you here. I took care of you. That's it. No more questions."
Napakurap-kurap ako. Nagsisimula pa nga lang akong magtanong tapos tinapos niya naman agad. He just elaborated the summary of what happened to me. What's with this man?
Hinayaan ko na lang siya. Nagpalinga-linga na lang ako sa dinadaanan namin, mapaharapan man o mapalikuran. Para na ngang mababali ang leeg ko. Probinsiyang-probinsiya ang dating ng buong lugar. May ilang tao rin ang napapatingin sa akin kaya nginingitian ko sila bilang pagbati at ganoon din sila sa akin.
"Stop doing that." May halong pagkairita na sabi niya.
Ang suplado niya talaga.
"Ang alin?" inosenteng tanong ko naman.
"That!" He looked at me from head to feet.
"Sorry. Naninibago lang ako. Isang daan o kalsada lang talaga ang meron ang lugar niyo? Tapos ang mga bahay ay nasa gilid lang? Wala bang mga sasakyan dito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang sumusulyap-sulyap sa mukha niya dahil naglalakad pa rin kami. Ang layo naman ata ng bahay nila.
"Oo."
Naghintay ako ng kasunod pero hindi na siya nagsalita ulit. Grabe. Ganyan ba talaga siya? Wala man lang akong makuhang eksplanasyon sa kanya. He's so straightforward. Kahit man lang pahapyaw na pagpapaliwanag ay ibigay na niya sa akin. Binibitin niya naman ako. Sana kuwinento niya na lang sa akin lahat na gusto kong malaman para hindi na ako tanong nang tanong tapos hindi na rin siya sagot nang sagot dahil mukhang naiirita na siya. Pero baka ang kuwento niya ay maging kagaya lang kanina.
Tumahimik na muna ako, nag-iisip ng mga puwede pang itanong sa kanya. Paano ba 'yong tanong na may mga mahahabang sagot? Ewan.
"Malayo pa ba?" tanong ko matapos ang ilang minutong katahimikan.
Wala akong nakuhang sagot. Sabi na kasing huwag ka nang magtanong ng kahit na ano, Aislinn. 'Yan lang ang napapala mo, eh.
Lumiko siya bigla kaya napatigil ako dahil sa gulat. Sinundan ko naman siya ng tingin. Kalaunan ay nabaling sa tindahan ang tingin ko at sa buong hitsura ng kabahayan. Is this it?
I just shrugged it off and followed him inside. Agad nabaling sa akin ang atensyon ng mga taong nasa loob kaya ilang akong napatigil sa kinatatayuan ko. Hinanap agad ng mga mata ko si Icarius and saw that he's drinking a water while looking at me.
"Puon ngunyan, dae na siya maluwas sa harong na ini, Ma," seryosong sabi niya pagkalapag niya ng baso sa lamesa. (Translation: "Mula ngayon, hindi na siya lalabas ng bahay na 'to, Ma,")
"Hadaw man? Balak nga namin siyang ipasyal bukas-" (Translation: "Bakit naman? Balak nga namin siyang ipasyal bukas-")
"Ma, sabi ko dae na siya puwede magluwas." He stormed out. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang galon na hindi ko alam kung ano ang laman. (Translation: "Ma, sabi ko hindi na siya puwedeng lumabas.")
"Aalis muna ako. 'Yong bilin ko, Ma." He quickly gave me a look bago ako lagpasan.
"Ingat, 'nak! Huwag na kayong masyadong magpagabi!"
Now that he's gone, I tried to fight a swell of uneasiness. I learned to mask my emotion before my eyes once again, schooled myself to produce a practiced smile for Icarius' mother and siblings, I think.
It was an awkward moment. Dagdagan pa ng pagbalik din ng ngiti nila sa akin.
"Gutom ka ba, 'nak? Ano gusto mo? Halika, ipagluluto kita." She reached out her arms for me as a sign to go near her.
"Hindi-" I was about to refuse when my stomach growled and my throat ran dry. Guess, I really need to eat, then. "Sige po."
Masaya akong nilapitan ng dalawang bata, isang lalaki at isang babae. The boy looks older than the girl. Naalala ko ang tawag sa kanya kanina ni Icarius, 'Bunso', so I think, she's the youngest one among Icarius and this boy. The boy look like a little version of Icarius. Magkamukhang-magkamukha sila.
"Halika po, Ate," said the little girl with a cute smile.
Sabay nila akong hinawakan sa magkabilang kamay at iginiya sa hapag. The boy even pulled a chair for me and I find it sweet.
"Thank you." I gave them a warm smile.
Pagkatapos nila akong ngitian ay tumakbo na ulit sila pabalik sa salas para manood ng palabas sa telebisyon. Hindi ko namalayan na nagtagal na pala sa kanila ang tingin ko habang suot pa rin ang ngiti.
"Cassivellaunus at Marquesa Greya ang pangalan nila." Nabaling ang tingin ko sa Ina ni Icarius na naglapag ng pagkain sa harap ko. "Bunso si Greya at pangalawa naman si Canus. At ang panghuli, si Icarius Jaimar. Siya ang pinakamatanda sa kanila."
"Ang gaganda naman po ng mga pangalan nila," puri ko bago hawakan ang kubyertos.
Naupo naman sa tabi ko ang ina ni Icarius habang may malawak na ngiti. Nabaling ang tingin ko sa kamay niyang humawak sa likod ng palad ko.
"Tawagin mo akong Mama Encarnacion at Papa Narcissus naman sa asawa ko o kaya naman Mama at Papa na lang. Bakit ba kasi ang hahaba ng mga pangalan namin? Hay naku."
Natawa kami pareho. Binitawan ko ang hawak kong kutsara para mahawakan din ang kamay niya. Bahagya ko pa iyong hinaplos.
"Mama..."
It felt so heartwarming yet painful. I can't vividly remember what it was like to call my own mother a 'Mom' and now, here's Mama Encarnacion, trying to be a good mother to me when my mother couldn't.
"Salamat po," I added.
"So, should I call you my own too? Or do you prefer calling you on your real name?" Naghiwalay na ang mga kamay namin kaya tinginan na lang ang iginagawad namin sa isa't isa.
"Okay lang po sa akin ang kahit ano." I hold the spoon once again. "Aislinn po ang pangalan ko."
"Aislinn?"
"Just Aislinn po."
Now, the uneasiness and awkwardness came back. Baka kapag sinabi ko ang apelyido ko ay makilala nila ako. I'm not trying to keep it to them. Siguro hindi pa muna sa ngayon. I'll find time for it. Nakaya naman nilang kupkupin ako sa loob ng anim na buwan na hindi inaalam ang pangalan ko. I'm sure they won't mind if I don't tell them my surname.
"Aislinn. It's a simple yet pretty name. Bagay sa 'yo, anak."
The night became warm and touching because of them. Malayo sa kinagisnan kong gabi na palaging puyat dahil sa mga gawain o kaya naman maaga matulog dahil walang magawa, walang makausap at walang mapaglambingan. Napapangiti at tawa na lang ako habang pinagmamasdan sila.
Bumalik sa isipan ko ang mga nagdaang taong pagtakbo ko. Every night was filled with agony and cries. It was hard. It was tormenting. It was sad. But I managed to get through it. I managed to swim. I managed to stand once again. Hope that this one will lead me to see the end of the chaos I brought. Sana pagkatapos nito ay bumalik na sa dati ang lahat. Ayos lang kung mahirap at malungkot, basta wala nang gulo. I just want a peaceful life with my loved ones.
"Bakit ka umiiyak, Ate?"
Napatingin ako kay Greya na nasa harapan ko na pala ngayon. Napatingin din ako kay Canus at Mama Encarnacion.
"Naku, hindi. Napuling yata ako." Ilang akong napatawa bago pinunasan ang pisngi kong nabasa ng luha. "Pasensiya na po. Sorry po," paghingi ko ng paumanhin sa kanila.
Nakita ko ang pagtayo ni Mama Encarnacion. "Pagod lang ang Ate niyo. Kailangan niya na sigurong magpahinga. Linisin niyo na rin ang mga lakat niyo."
Lumapit siya sa akin at inalalayan niya akong makatayo.
"Ayos lang po ako. Salamat po." Pero hindi niya pa rin binitawan ang kamay at braso ko.
Sumunod na lang ako sa kanya. Pumasok kami sa isang kuwarto. It's a narrow room. Maliit lang ang space na tinatayuan namin. Aparador at kama lang ang laman ng kuwarto. Sa katabi ng aparador ay mga iba pang gamit na naka-box.
"May nilaan na kaming kuwarto para sa 'yo. Sa taas ng tindahan sana kaya lang ay-"
"Ayos na po 'yon sa akin."
Itinuro niya sa akin ang hagdan na kahoy sa may gilid papunta sa taas. I bid her a good night bago umakyat. Tatayo na sana ako nang makaakyat na pero nauntog ako sa kahoy. Napahawak ako sa ulo ko at napatingin sa taas. Ang lapit lang pala ng bubong, so I don't have a choice but to crawl.
Nakarating ako sa kutson na nakalaan sa akin. Naupo ako at pinasadahan ng tingin ang paligid.
It's not bad. In fact, it's cute and has a minimalist design and style. I like it. Malinis, maayos at tahimik. May maliit na drawer sa malapit sa may kahoy na pader at nakaharap sa kutson. Sa kanang bahagi naman ay may maliit na lamesa, mga libro sa maliit na bookshelf at iba-ibang displays. Everything seems so little and fragile but it gives out a strong cozy vibe even though it's a tight space.
My look was turned to a small open window. Nasa may ulohan ng kutson iyon. Lumapit ako roon pagkatapos ay dumapa para masilayan ang labas. Sinalubong naman agad ako ng malamig na hangin.
Biglang umingay ang labas nang dumating si Icarius kasama ang isang lalaki. Is he his father? I bet yes. They have a resemblance. Natigil sila nang may biglang humarang kay Icarius.
"Pabisto mo man daw kami sa bisita mo, Jaimar. Mukhang natauhan na." (Translation: "Pakilala mo naman kami sa bisita mo, Jaimar. Mukhang natauhan na.")
Icarius didn't even bother to respond to the man. Tinignan niya lang ito bago nilagpasan. Tinapik naman ng Ama ni Icarius sa balikat ang lalaki bago rin ito lagpasan.
"Pambihira naman!" Narinig kong reklamo ng lalaki bago naglakad palayo kasama ang ilan pang mga kalalakihan.
I can't understand their language. Umayos ako ng higa at malalim na napabuntong-hininga. Napapikit ako. To be honest, I miss my family and Van. Kahit kailan ay hindi nawala o nabawasan ang pagmamahal ko sa kanila lalo na sa mga magulang ko. Kumusta na kaya sila? Ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Are they still looking for me? What about my sister? Is she informed about my disappearance? Oh, I really miss them so much. Gusto ko na silang mayakap at maramdaman ulit.
Naramdaman kong may lumandas na naman na luha sa pisngi ko. Napamulat ako at agad iyong pinunasan.
"Gising ka pa?"
My heart pounded in shock when I heard his voice. Agad akong napabangon na agad kong pinagsisihan dahil sa pangalawang pagkakataon ay nauntog na naman ako. I immediately closed my eyes when I felt the sudden jolt of pain. Nabalik ako sa pagkakahiga at napahaplos sa noo ko. Mukhang kailangan ko talagang mag-ingat at limitahan ang bawat galaw ko rito.
"Palit tayo ng kuwarto," pahayag niya.
"Uh, hindi na. Ayos na ako rito."
Buti na lang ay hindi ko siya kaharap ngayon pero agad akong napamulat nang mapagtanto ang posisyon ko. Mabilis akong umikot sa kutson para maharap siya sabay bigay ng ilang na ngiti.
"Baba ka muna saglit."
Buti na lang ay hindi siya tuluyang umakyat. Nasa may hagdan lang siya.
"Bakit?"
He sighed before leaving me. Pati ba naman sa pagbuntong-hininga ay ang suplado niyang tingnan? Problema 'non? Nagtatanong lang naman kung bakit. Hmp. Ang hirap naman bumuo ng mapag-uusapan sa kanya.
Bumaba na ako. Naabutan ko silang kumakain ng ice cream. Hindi na ako nag-abalang lumapit sa kanila. Tumayo lang ako sa may pinto.
"Ate, tara po. Pasalubong ni Papa at Kuya," masayang anyaya sa akin ni Greya habang pinapakita ang baso niyang may lamang ice cream. She's really a bubbly and cute girl. Malayong-malayo kay Icarius.
"Ah, hindi na. Patulog na kasi sana ako. Salamat, Greya," pagtanggi ko.
I looked at Icarius, only to see that he's looking intently at me. Nagulat ako nang bigla na lang siyang may hinagis na malaking supot sa akin. Nasalo ko naman iyon. Sandali ko iyong binalingan ng tingin bago nagtanong.
"Ano 'to?"
Did I sounded rude again? Dapat ba ay gumamit din ako ng 'po' at 'opo' kay Icarius since he's five years older than me? Pero baka naman isipin niya na pinapamukha ko na siyang matanda. My goodness. I really don't know.
"Buksan mo." He turned his back to me again. Lumapit siya sa may lamesa at kumuha ng isang baso na may lamang ice cream. Mabilis naman siyang hinampas sa balikat ni Mama Encarnacion.
"Ganoon ba ang tamang pagbigay sa babae? Hindi ka naman ganyan noong hindi pa siya nagsasalita, ah?"
He ignored Mama Encarnacion. Sumubo siya ng isang kutsara ng ice cream habang nakatitig sa akin bago lumabas sa likod ng bahay.
I'm curious about what happened when I lost my awareness in six months. Kahit ni isang salita ba ay wala talagang lumabas sa bibig ko? Tulala lang ba ako sa hangin habang nakabantay at nakaalalay sila sa akin? Mukhang ang dami ko pala talagang ipagpasamalat sa kanila, but I know it will never be enough.
"Pagpasensiyahan mo na si Jaimar, 'nak," si Mama Encarnacion.
"Ayos lang po." I smiled. Sanayan na lang siguro 'yong ugali ni Icarius.
"Buksan mo na. Mga damit 'yan na nabili raw nila sa tiangge sa bayan."
I did what I was told. I opened the plastic bag and saw the clothes. May t-shirts, sweater, pajamas at shorts. Napangiti naman ako. Inayos ko ulit iyon bago binalik ang tingin kay Mama Encarnacion.
"Pakisabi na lang po sa kanya salamat." Napayakap pa ako sa supot.
"Naku. Pera ko ang ginamit riyan, anak, kaya sa akin ka dapat magpasalamat." Ang ama iyon ni Icarius. Bigla na naman tuloy akong nailang at nahiya.
"Salamat po. Salamat po talaga sainyo. Paano ko po ba kayo masusuklian?"
Napahalakhak ang ama ni Icarius. "Biro lang, anak! Kay Jaimar talaga galing 'yan. Saka hindi mo kami kailangang suklian. Kusa ka naming tinulungan."
Ang saya lang sa pakiramdam na may mga tao pa palang kagaya nila. Nasanay kasi ako na puro lang gulo ang nakikita sa mundo pero sa gitna ng gulong 'yon, ramdam ko pa rin ang kabutihan sa puso ng mga tao. Naaapektuhan lang dahil sa kapaligiran at emosyon. But this family... I see nothing but the golden heart and healthy mindset of them. Ramdam na ramdam ko ang pagiging totoo nila sa akin kahit na ang suplado 'nong isa.
"Akyat na po ulit ako. Salamat po," paalam ko sa kanila.
Napatingin ako saglit sa pintong nilabasan ni Icarius. Wala pa ring senyales na papasok na siya. Guess, he chose to stayed outside. Hindi ko na tuloy siya napasalamatan. Hindi na bale. Marami pa namang umagang darating.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top