Chapter 20
I saw someone running into the woodland. Confusedly and curiously, I decided to follow her after giving my boyfriend a look who's still busy on his phone call. There's a strong urge in me that I should follow that woman or else something badly will happen.
Binilisan ko ang paglalakad habang nakapaa lamang sa buhanginan kahit na hirap ako. Hindi ko inalis ang paningin ko sa dinaanan ng babae dahil baka tuluyan ko na siyang hindi maabutan. Natigil lang ako sa paglalakad nang may maapakan akong matulis na bato kung saan naramdaman ko agad ang pagbaon nito sa balat ko. I couldn't help but to curse when I felt the pang of pain in it. Napatingin ako roon at nakita ang unti-unting pagdaloy ng dugo mula sa hindi kalakihang sugat.
Habang isinusuot ang sandals ay napapasulyap ako sa paligid para alamin kung may bakas pa ba ng babae. I tried to walk again in a slow manner but I hissed because of the pain. Kalaunan ay naging normal na rin naman ulit ang paglalakad ko at tiniis na lang muna ang sakit habang nagpapalinga-linga sa paligid.
Napatigil ako sa paglalakad at nanliit ang mga mata ko nang may maaninag ako sa hindi kalayuan na nakahandusay sa lupa. Unti-unti akong lumapit kahit na may kaba at takot sa puso ko. Nang tumambad sa akin ang duguan at walang malay niyang katawan ay bigla na lang akong nanlamig at natuod.
Taranta akong napalingon nang marinig ko ang pangalan ko. Nakita kong naglalakad palapit sa akin si Van. Magsasalita na sana ako pero bigla na lang siyang napatigil habang nanlalaki ang mga mata. I tried to explain but when I looked back to the woman, she's gone.
My mouth was left half open, trying to figure out what just happened. Binalik ko ang tingin kay Van. I saw the unexplainable look in his eyes that bore into mine. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang dugo sa may tiyan ko. I slowly touched it with my shaking hands to stop the bleeding but it was useless. When I looked at him again, he's gone and the whole place started to fade. Bigla akong napunta sa tabing-dagat.
"Come on!"
Napunta ang atensyon ko sa kumpol ng mga tao na pinapalibutan ang isang bagay o tao. I couldn't make out what it was so I decided to walk slowly near them. I stopped when I saw a lifeless woman, trying to revive her back by pumping on her chest and doing the CPR.
The man moved the woman's head and removed the strands of hair covering her face. I felt detached when I saw my own features, pale and smudged by the blood and sand.
Naglakad ako papunta sa may paanan ng katawan ko para mas makita ko ang kabuuang hitsura ko. It felt so strange and weird knowing that I'm standing right here and at the same time, lying dead.
I was able to observe the details of my features and body: gaping mouth, teeth showing between slack lips, wet pointed eyelashes and hair, limply neck and hands, and bloody slender body. I had a bruise on my cheek and a wound at the side of my lips, on my shoulder and leg. I looked like a peaceful mess after the strong blow of chaos.
I continue to watched the man hunkered over my body and saw the movement of his lips as he do the CPR again. Huminga siya ng malalim bago niya padaanan ng kamay ang basa niyang buhok. I had to squint to see his side features clearly but everything's blurry. Bigla na lang ulit nagbago ang paligid.
"Aislinn!"
Mabilis akong napalingon sa tumawag sa akin. I saw Van running towards me with a gun on his hand. He tried to reach for me with his free hand but stopped because of a gunshot.
I was calm. That's the only emotion that I felt even though the whole place was in a total chaos and Van got shot in front of me. But I couldn't help to feel guilty knowing that I'm the reason for all of this.
"I love you." He fell and Rad appeared before my eyes, but my focus was on his back. There's someone pointing a gun on his head and I couldn't see him clearly.
I heard another whisper of 'I love you' that's slowly disappearing before a man suddenly appeared in front of me, staring straight at me as I stared empty back at him. I blinked and that's when I knew that the fleeting moments that I saw brung me back to the reality that I was trying to escape.
"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na sa bahay lang siya?" malamig na sabi ng lalaki bago bigyan ng tingin ang kasama ko. I blinked several times, tulala pa rin sa kaharap ko.
"Sorry po, Kuya. Gusto ko lang siyang ipasyal. Baka sakaling bumalik na siya sa normal." Mahahalata sa boses na bata ang nasa tabi ko't nakahawak sa kamay ko.
Napabuntong-hininga, napapikit ng mga mata at napapamaywang ang lalaki. "Bunso, puwede mo siyang kausapin lang sa bahay. Hindi rito. Mapanganib sa lagay niya."
"Pero, Kuya-"
He clicked his tongue before licking his lips. "Bumalik na tayo." Seryoso at malamig pa rin ang boses maging ang titig niya.
Tinalikuran niya kami. Naramdaman ko naman ang pagsunod sana ng bata kaya lang ay napatigil dahil sa hindi ko paggalaw mula sa kinatatayuan ko. Bumaba ang tingin ko sa bata at nakita ang nalilito at inosenteng ekspresyon.
"Ate?" she called. "Tara na po?" Hinila niya ulit ako nang magsimula ulit siyang maglakad pero hindi pa rin ako gumalaw.
I swallowed the bile in my throat. "Where..." I can feel the dryness of my lips. "Where am I?" It's almost a whisper but enough to be heard.
Nanlaki bigla ang mga mata ng bata bago ako binitawan at tumakbo papunta sa direksiyon ng Kuya niya. The kid said something to him while pointing at my direction that made him shocked too. Naglakad ulit sila pabalik sa akin.
Hindi inalis ng lalaki ang titig niya sa akin habang may malalaking hakbang palapit sa akin. Tumigil siya nang ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. He drew a deep breath before touching my both shoulders.
"Magsalita ka."
I parted my lips but I wasn't able to talk. Mabilis namang nalipat doon ang tingin niya pero binalik niya naman agad sa mga mata ko. I continue to blink while staring at him. Thick black eyebrows, long eyelashes, dark and serious phoenix eyes, pointed nose, sexy cupid-bow reddish lips and perfectly strong jawline. My heart suddenly strikes forcefully. How can a man own such a breathtakingly gorgeous visage along with his medium layered hairstyle?
"Narinig mo ako." His lips turned into a grim line.
"Where am I?"
I suddenly felt so thirsty after talking a few words again. Naramdaman ko rin ang biglaang pagod ng buo kong katawan. This is a sign of awareness of my condition and the reality.
Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko. "Iwan mo muna kami, Bunso."
Wala akong narinig sa bata hanggang sa kaming dalawa na lang ang natira. Sinundan ko ng tingin ang lalaki nang magsimula siyang maglakad palapit sa railings. That's when I knew that we're in the hanging bridge.
"Cam. Sur," maiksing sagot niya sa tanong ko habang nakatingin sa malayo.
Nasa Bicol ako? How...
Napakurap ako at sinubukang alalahanin ang mga pangyayari bago ako napunta rito. My head hurts when I pushed myself to remember every details that happened in the boat. Napahawak ako sa buhok ko, napapikit at napaawang ng labi.
I tilted my head a bit when I saw a blur vision in my head. A blur vision of a man carrying me on his arms. Sinubukan kong silipin ang hitsura niya nang hawakan ko siya sa pisngi pero bigo ako.
"You'll be safe," said the man before putting me gently and slowly on something hard. After that, I see nothing but the darkness.
Who is that man? I want to thank him for what he did to me but how?
As I opened my eyes, he's in front of me again, watching me closely. Nakakagulat naman pala ang isang 'to. Nakakatakot pa dahil sa ekspresyon niya. Question is, siya ba 'yon?
"Huwag mong pilitin ang sarili mo. Time heals." Seryoso lang siya. Ni hindi ko man lang mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Baka hinuhusgahan na ako nito.
Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. He's wearing a white long sleeves, folded 'til to his elbows, brown pants, folded again 'til to his knee, and a dirty pair of slippers. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya.
"How long am I staying here?" I swallowed hard. Parang ang hirap makabuo ng mga salita ngayon para maisatinig ko.
"Six months."
What? That... long? Hindi ba ako hinanap ng pamilya ko? Ni Van? O kaya ni Rad? Paanong hindi kung noon ay mabilis lang nila akong nahahanap? This is Cam. Sur. A Bicol Region. There's a place here that my family owns. Imposibleng hindi nila ako nakita rito.
"Wala bang... pumunta para kunin ako?"
I wanna know if they really search for me. I wanna know if they still care for me. Oh, right. I almost forgot that they're the reason why I'm here and now, I'm asking for them to get me? This is crazy. But... it's been six months. It's half a year.
"Wala."
"Anong ginawa ko rito sa loob ng anim na buwan?"
Baliw na siguro ako. Sarili kong buhay ay hindi ko matandaan kung ano ang ginawa ko sa loob ng anim na buwan. Namatay ba ako? Am I being reincarnated as the same Aislinn Sinclair? Based from what I know, once you got reincarnated, all of your memories from the past will be gone for a new life ahead of you.
Is... that it?
"Nagpapagaling."
"May nagawa ba akong mali? Bakit hindi ko maalala ang tungkol sa pagpapagaling ko? May nangyari pa ba sa akin bukod sa nangyari sa barko?" I'm in hysterics. I have a lot of questions on my mind right now and I want him to answer that one by one. Kahit na hindi mahaba, basta nasagutan niya ng tama at tuwid.
He licked his lips. "Wala kang nagawang mali. Nandito ka lang kasama kami."
Namilog ang mga mata ko nang magsimulang bumalik ang mga alaala ko simula nang magising ako rito. Maybe I'm wrong about the 'reincarnation' thingy. I'm just overreacting again. Baka epekto lang ito ng mga nangyari sa akin sa barko.
Biglang kumulog kaya parehas kaming napatingin sa ibang direksiyon ng kalangitan at paligid. I was amazed by what I saw. This place is surrounded with mountains. Napayuko ako at sinundan ng tingin ang katubigan. Napalapit ako sa may railings at humawak doon habang nakangiti. It's a river.
"Bumalik na tayo," aniya pero hindi ko siya pinansin.
Napatingin ako sa kanang bahagi ko at nakita ang mga bahay na gawa lang sa kahoy. Some of the roofs are made of thatch. Halos kaunti lang ang pagitan ng mga bahay. Marami ring puno ang makikita sa paligid.
I closed my eyes to breath the fresh air. The whole place is surrounded with green and bright colors. Everything is like a unique and rare picturesque sceneries. Dagdagan pa ng masyadong tahimik na kapaligiran. Wala rin akong malanghap na kahit na anong pollution.
"Hindi ito ang tamang oras para riyan. Umuwi na tayo."
Home. Ano nga ba ang depinisyon ng salitang 'home' sa akin? I don't really know after I ran away from the so-called real home. All these years, I feel like my home is me.
"May gagawin pa ako."
Napamulat ako. He sounded like a killjoy, doesn't he? Ngayon nga lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko- calm, detached and carefree, tapos sisirain niya lang? But having this kind of feeling, I feel like it's better to stay longer than go back to the things that's already broken. I feel like I'm letting everything go and choosing to be who I am and what I wanted today. I feel like this place is meant for me. Sa dinami-rami ng nangyari sa buhay ko, I think I need to take a break. Kailangan ko muna yatang bitawan ang nakaraan para mahawakan ang kasalukuyan at mahanda ang sarili ko para sa hinaharap.
Hinarap ko siya suot ang isang matamlay na ngiti. "Tara na."
Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago tinalikuran. Tahimik naman akong sumunod sa likod niya. He has a broad and muscular body, halatang mabigat ang trabaho at maraming ginagawa. Bahagyang tumagilid ang ulo ko para makita ang kamay niya. His veins are also visible. I must say, he is a matured man based from his actions and physical features. I wonder how old is he?
"Can I ask you about your age?"
My eyes widened. Oh, my God! You're stupid, Aislinn! You even sounded so rude! Oh, you're such a fool! Why would you ask such a ridiculous question like that in this situation of yours?
Agad siyang napatigil sa paglalakad kaya napatigil din ako. Hinarap niya akong nakakunot ang noo.
"Of all the questions running through your head, you're asking me about my age and not about what happened to you since you got here?"
That was... a long statement- no, it's a question. Tanong mula sa bigo, galit at suplado na taong kaharap ko.
"Uh..." I couldn't find the right words to explain myself. Bakit ba kasi lumabas pa iyon sa bibig ko? Dapat ay sa utak ko lang iyon. Nakakainis naman. Mukha na akong kahiya-hiya sa paningin niya.
"Gusto k-ko lang makilala ang nagligtas sa akin." I almost hit myself because of the stutters and dumb answer.
"Ah, sa tingin mo ako ang nagligtas sa 'yo?"
Napahiya na naman ako. "Did you... or did you not?"
"A thirty-year-old Icarius Jaimar Escareal saved you."
My brows creased, confused by what he just said. "Who's he? Is he your brother? Cousin? Friend?"
"It's me." May mabilis na dumaang ngisi sa gilid ng labi niya bago niya ulit ako talikuran at magpatuloy sa paglalakad.
Unti-unti namang gumuhit sa mga labi ko ang malawak na ngiti na parang bata. Hinabol ko siya para sumabay sa paglalakad niya. Pasimple pa akong sumusulyap-sulyap sa kanya pero seryoso lang siyang nakatingin sa harapan. Hmp. Suplado.
"So, Icarius..." I started a topic again. "Can you tell me everything that happened after you saved me?"
I don't want to dwell in it. It's also wrong to easily trust a person because of the experiences I had, but knowing that I've been here for six months without my proper self, I doubt that the people here can also do the things that I'm afraid of. Napansin ko naman na hindi lahat ng tao ay masama katulad na lang ng lalaking ito na nagligtas sa akin.
Bakit at paano niya ako niligtas? Bakit mas pinili niyang pumasok sa buhay ko? Hindi ba ako naging pabigat o abala sa buhay niya at sa pamilya niya? Paanong ganito na lang niya ako tulungan kahit na hindi niya ako kilala sa loob ng anim na buwan? Napakaraming tanong na gusto kong malaman ang sagot. Makukuha ko lang ang mga 'yon kapag mas pinili kong manatili rito.
Ayoko nang ikulong ang sarili ko sa mga nangyari dahil ako lang naman ang nahihirapan. It's better to start anew and put the smiles back on my face again. Tama na ang pagsasayang ng oras at panahon. It's not healthy anymore. Wala namang mawawala kung iyon ang mas piliin kong gawin ngayon, hindi ba? Thinking about the months that I've wasted, I can't help but to feel ashamed knowing that there are strangers behind my convalescing from what happened.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top