Chapter 16
"Hello?" My lips trembled.
Inalis ko ang hood na suot ko at inayos ang basang buhok dahil sa ulan. May nakita akong lumang phone booth kaya humulog ako ng barya para makatawag sa ibang kapamilya ko, hoping that I could also get a help from them. Mas mabuti nang ganito kaysa sa sarili kong cellphone ang gamitin.
"Who's this?" I heard a baritone voice from the other line.
I looked at the small notebook again to see if she's really my Aunt Calli. She's the first person that came into my mind because I remember how my Mom was close to her. Maybe, just maybe, she'll help me without letting my family know.
Hindi ako sanay sa buhay na ganito. Isang linggo palang simula nang umalis ako sa bahay ay hindi ko na nakayanan. All my life, I lived in comfort with the needs and wants that was given to me. Ang bigla na lang iyong bitawan dahil sa padalos-dalos na desisyon ko ay nakakabigla at nakakapangsisi.
"Nandiyan po ba si Tita Calli? Si Aislinn po ito..."
The line went silent for minutes. Akala ko naputol na ang linya o kaya binabaan na ako ng kung sino man ang sumagot.
"Aislinn?"
I sighed as a relief and closed my eyes before talking again. "Uhm, gusto ko po sanang humingi ng tulong sa 'yo..."
"What kind of help? I heard that you ran away from your home."
"Uh, I-"
"Wala akong maitutulong sa 'yo, Aislinn. Pasensiya na. I suggest that you need to go home because your parents are worried sick."
Namuo na naman ang luha sa mga mata ko. Napakagat-labi ako. "Ayoko na muna pong umuwi sa ngayon. I... I can't take it anymore there..."
My tears fell from my eyes as I bowed my head down. Agad ko iyong pinalis at suminghot. Ilang beses akong lumunok para maalis ang nararamdaman kong ito. This is not good. How long am I going to suffer like this?
"Aislinn..." I can feel the pity in her voice. "Hindi naman kailangang umabot sa ganito. Kung ano man ang nakakapagpabigat sa loob mo, I can help you with that. I'll try it. All you need to do is go home. Nasaan ka? Pupuntahan ka agad-"
Wala akong nagawa kundi ang ibaba na lang ang tawag. Napapikit ako habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. I can also feel the emptiness and pain in my stomach. Sa loob ng ilang linggo ay wala akong matinong nakain kahit na maubos ang pera na meron ako ay hindi pa rin sapat. Like what I said, I'm not used to this kind of living. Namuhay ako ng marangya at ni minsan, hindi ko inisip na magiging ganito ang buhay ko. Isa pa, mag-isa lang ako. I don't have someone that I can depend to.
I dialed again. Tinawagan ko naman ngayon si Uncle Jud. Ilang beses nag-ring pero walang sumasagot. Sinubukan ko ulit pero wala talaga.
I sighed when I saw the number of Uncle Caspian.
"You should be careful of them..."
Bigla na lang bumalik sa utak ko ang sinabi ni Mommy. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang mensaheng nakapaloob doon. Based from what I remember, he seem nice and he's my Dad's sibling so why would I be scared of him or even of his girlfriend?
Disappointed from the second call, nabuhayan naman agad ako nang sinagot ni Tito Caspian ang tawag. Kahit na duda at takot ay susunggaban ko na ito.
"Tito..." I stammered.
"Tito? Sino ito?"
"This is Aislinn. Please, help me. Don't tell my parents that I call you."
Napapikit ako at napatampal sa noo dahil sa pagiging desperada ko.
"Oh!" I can tell that he's surprised. "Hi, Aislinn! How are you? Hindi ka pa umuuwi?"
"Hindi pa po."
"Then, that's good- I mean, why? And what kind of help do you need from me?"
"Nagbabaka-sakali lang po ako na matutulungan niyo ako. Kahit po tirahan lang at matinong pagkain ang ibigay niyo, ayos lang po. Basta po huwag niyo lang munang ipaalam sa mga magulang ko. Babayaran ko na lang po kayo... soon. Uuwi naman po ako pero hindi pa po siguro sa ngayon..." I stopped when I realized how hysterical I am. I bit my bottom lip. Kahit sa kuko ay napakagat ako.
"Okay, okay. I'll help you. Siguraduhin mo lang na hindi ako madadamay dito."
Napangiti ako ng malawak. "Opo!"
I heard him laugh. "Pero, Aislinn, lahat ng tulong ay may kapalit. You see, we're living in the 21st century already."
Naglaho agad ang ngiti ko. "Ano pong klaseng kapalit ang hihingin niyo?" Nanlumo ako bigla. Akala ko ay okay na.
"Simple lang naman. Give me your 50% inheritance in Sinclair and Coval's legacy. Pero kung mabait ka, you can give me more than that."
Now I now why my Mom warned me about him and his girlfriend. Isa sila sa mga taong pera o kayamanan lang ang gusto at habol. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na pakikipag-plastikan lang ang ipinakita nila noon sa amin.
"Po?" I want a clarification.
"Come on, Aislinn. What will you do with your inheritance? Tumakbo ka at senyales iyan na tinatakasan mo na ang kung ano mang responsibilidad ang nakaatang sa 'yo just like what your sister did."
Napakuyom ako ng kamao. How dare he compare me to my sister? At puwede ba, huwag niyang idadamay dito ang kapatid ko. We made different decisions and I think I can relate on my sister's decisions now that I am in this situation. Paunti-unti ko nang naiintindihan ang lahat.
"Sige po. Basta po ipangako niyo rin po sa akin na tutulungan niyo ako."
"Of course! What are families for? Text me where you are so I can go there as soon as possible."
I waited for him for hours but he didn't came. Little by little, I lost hope. Bumalik na lang ulit ako sa apartment na tinutuluyan ko sa ngayon, nanghihina dahil sa pagod.
Pagkasara palang ng pinto ay agad na akong napaupo sa malamig na sahig. Nagsimula na namang umagos sa pisngi ko ang mga luha na parang sirang gripo. I hugged my both knees and put my forehead on it. Just like every night, I cried until I got tired and numb.
"Pinapasundo ka na po ni Madame," bungad na sabi sa akin ng isang maskuladong lalaki pagkabukas ko ng pinto ng apartment na tinutuluyan ko matapos ang isang buwan na pananatili.
Nagtagal ang titig ko sa kanila. Napansin kong may iba pang lalaki ang nasa likod niya at seryosong nakatingin sa akin. Marahas kong sinara ang pinto pero agad nila iyong naharangan at nabuksan.
They were about to grab me forcefully when I protested. "Sasama po ako! Aayusin ko lang po ang mga gamit ko!" Binitawan nila ako at sumenyas ang lalaking nagsalita kanina sa mga kasamahan niya na sa labas na lang maghintay.
Habang nag-aayos ay palihim akong sumusulyap-sulyap sa puwesto nila. Nag-iisip din ako ng paraan para makatakas sa kanila.
"Tara na po?" I tried to give them a smile but they just ignored it. Nauna ako sa paglalakad samantalang nakasunod lang sila sa akin sa likod.
Pagkalabas palang ay agad akong tumakbo sa taxi na nakatigil sa may gilid ng kalsada.
"Manong, tara na po! Pakibilisan po!"
Napalayo ako sa may bintana nang kumalabog doon ang kamay ng mga lalaking sumundo sa akin. Nang makaalis ang taxi ay nakita kong sumakay sila sa van para sundan ako.
"Manong, bilis po!"
Mabilis kong ibinigay ang bayad sa driver bago bumaba sa isang tunnel. Nagpatuloy ang driver sa pagmamaneho pagkatapos. Nagtago ako sa malaking haligi nang makitang papalapit na 'yong van na sumusunod sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi sila tumigil at nagpatuloy lang sa pagsunod sa taxi na sinakyan ko.
I'm pretty sure that this will continue to happen so I need to prepare myself for the worst.
Hindi pa nag-iisang linggo nang maka-engkuwentro ko ang mga hindi pamilyar na tauhan na iyon nang matunton na naman nila ako. This time, nalaman ko na tauhan sila ni Rad dahil nakita ko ang paglabas niya sa isang sasakyan.
"There you are, Ace!" Sinalubong niya ako ng yakap kaya agad akong nagpumiglas.
"Stop running away, my beloved. You need to get ready for our wedding, instead."
Hindi ko alam kung paano ako nakawala. I just found myself running away from them again. Pero bago ako lumiko sa isang maliit na eskinita ay natamaan ako ng bala sa may tagiliran ko.
"Shit!"
I leaned my back on the wall as I put some pressure on my wound. My face heated up and I can feel my tears threatening to fall any moment now. I hissed when I felt the pain.
"Oh, God..." Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang nakahawak sa sugat at pinipigilang patigilin ang pag-agos ng dugo.
Nanghihina man, nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo nang marinig ko ang boses nilang papalapit na sa akin.
Lumabas ako sa abala at mataong lugar. Their attention was turned to me and I saw the shock etched in their eyes.
"Tulong!" I screamed for help but no one dares to come near me, bagkus ay lumalayo sila sa akin kapag sinusubukan kong humawak sa kanila.
"Please... h-help me..." I begged.
Agad din akong sumuko nang mapansing wala talagang may malakas na loob ang gustong tumulong sa akin. I continue to run without looking back.
Tears started to pool in my eyes, reason for my vision to get blurry. Pabagal nang pabagal na rin ang takbo ko hanggang sa tuluyan na akong matumba. Ang dalawa kong kamay ay agad napunta sa tagiliran ko dahil sa sakit nang tumama ito sa semento. I closed my eyes and tears started to fall.
Matagal akong nanatiling nakahiga sa sahig. Nakatitig sa maaliwalas at maliwanag na kalangitan hanggang sa unti-unti na lang nawawala ang kamalayan ko.
"Francis! Halika! May nakahandusay banda roon!"
"Kasper, wala akong panahon sa mga kalokohan mo. Hinahanap na ni Clifford ang mga paninda."
"Saglit lang naman kasi ito! Hindi ako nakikipaglokohan! May babae talagang nakahandusay!"
"Oy, oo nga! Tara, tingnan natin!"
Hindi pa nagtagal nang tuluyan kong marinig ang mga yapak nila palapit sa akin. Marahan kong binuka ang mga mata ko at nakita ang dalawang lalaki at isang babae.
"H-Help..." Nanghihina kong hinawakan ang paa ng isang lalaki na malapit sa akin. Halatang nagulat siya kaya agad siyang napalayo sa akin.
"Puta ka Kasper! Problema na naman ito!"
"In fairness, ang ganda niya. So, sino sainyo ang tutulong? Basta labas ako rito."
Iyon ang huling narinig ko bago tuluyang mawala ang ulirat ko. Naramdaman ko na binuhat ako ng isang lalaki kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko na manatiling gising.
Napamulat ako ng mga mata at naramdaman ko agad ang pag-ikot ng paningin ko. I tried to get up but I instantly felt the pain in my right flank. Napahawak ako roon. Nahawakan ko ang tela na nakabalot na roon. Namilog ang mga mata ko nang mapansing wala akong suot na damit.
My adrenaline rush made me get up from lying on the hard bed. Mabuti na lang ay suot ko pa rin naman ang bra na parang tube. Pero kahit na! Nakita na ang kaluluwa ko! Humanda sa akin ang may gawa nito!
I saw a folded t-shirt beside my right foot. Kinuha ko iyon at dahan-dahang sinuot para hindi mabigla ang sugat. Good to know that I'm still wearing my pants.
I heard some noises from the outside so I started to walk in a slow manner to see about it. Bawat hakbang ko ay lumalagitnit ang kahoy na sahig na parang anumang oras ay mababali. Ano bang klaseng lugar o bahay ito? Bakit ganito?
Nang makarating sa may pinto ay doon ko nakita ang magulong lugar: mga batang naghahabulan, mga tambay na nag-iinuman, mga Ginang na nag-tsi-tsismisan, mga lalaking nagpupustahan at nag-iinuman!
Oh, God! Where am I?
"Hoy, Kasper! 'Yong utang mo, bayaran mo na! Isang buwan na iyon, ah?"
"Oo! Pinagtatrabahuhan ko naman. Tss. 'Tsaka asa ka naman na makakatakbo ako sa 'yo."
"Siguraduhin mo lang! Aba!"
Nabaling ang tingin ko sa Kasper na tinawag ng Ale. He's walking towards my direction and he's familiar. Lalo kong nakumpirma iyon nang makita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya kasunod ng isang ngisi.
"Kumusta, Binibini? Masakit pa ba?" Tumalon siya nang ilang pulgada na lang ang layo sa akin. Napahawak naman agad ako sa hamba ng pinto dahil sa gulat and he just laughed at me!
"May dala akong pagkain, gusto mo?" Ipinakita niya sa akin ang isang supot. "Tara!" anyaya niya pa nang maglakad papasok. Sinundan ko lang siya ng tingin.
"Pagpasensiyahan mo na ang bahay at lugar, Binibini. Mahirap lang kasi ako pero dapat magpasalamat ka dahil tinulungan pa rin kita," he started to talk again while preparing for the food and plates. "Nasa tamang tao ka na, Binibini, kaya huwag kang mahihiya ah? Just feel at home dahil kalaunan ay magiging bahay mo na rin ito."
Ang tigas naman ng pagkakabigkas niya ng 'feel' but I don't mind. Mukha naman siyang mabait at palabiro. Ang gaan lang din ng pakiramdam ko sa kanya.
"Ganyan ka ba talaga?" Binigyan ko siya ng ngiti nang magsimula akong maglakad palapit sa kanya habang nakahawak pa rin sa tagiliran ko.
"Hindi naman. Sa 'yo lang, Binibini. Kaakit-akit kasi ang iyong ganda at nararamdaman ko rin na pati ang kalooban mo ay may taglay na kabaitan."
I was touched by his words. It feels different to hear someone talk like that in pure Filipino. Ang ganda pala talaga ng wika natin, ano? Parang tula kung pakinggan ang mga sinabi niya kaya hindi ko maiwasang mamangha.
"Are you a poet?" My curiosity began to pile up as I sat on a monoblock chair.
I saw how his brows formed into a straight line.
"Poet? Ano 'yon, Binibini?" takang tanong niya bago ako bigyan ng kubyertos. "Siyempre meron akong puwet!" Bahagya niyang ipinosisyon ang kabuuan ng puwet niya para makita ko ang hubog at laki. Hindi ko tuloy maiwasang mapahalakhak.
"You're funny," iling na sabi ko. "I like your sense of humor."
"Naku, Binibini, I like you, too!" Agad siyang naupo habang tutok ang tingin sa akin.
Hindi na lang ulit ako nagsalita. Tanging ngiti na lang ang iginawad ko sa kanya. Hindi ko alam kung ganyan talaga siya kababaw sa pagbibiro o sadyang mahangin lang talaga siya? Either of the two, I still like his persona.
"Alam mo..." panimula niya ulit nang magsimulang sumubo gamit lamang ang kamay. "Nagtalo pa kami ng pinsan kong si Francis kanina kung kanino ka dapat mapunta. Takot kasi 'yon sa tao lalo na kung hindi pamilyar sa kanya. Dinagdagan pa na sugatan ka kanina kaya natakot kami at hindi mawari kung ano dapat ang gawin. Siyempre, bilang isang maginoo at mabait ay ako na lang ang kumuha sa 'yo."
I was just staring at him the whole time he's talking while his mouth is full. Ngayon lang din ako nakakita na kamay ginawang kubyertos? Is that really possible? Well, yes, 'coz he's doing it right now.
"Agad naman kitang inuwi rito para magamot kaagad. Pero huwag kang mag-alala, ha? Hindi ako ang naghubad at gumamot sa 'yo. Si Katy! Iyong kaibigan namin na gusto mag-beterinaryo. Siya lang kasi rito sa amin ang may ekspiryensa sa paggagamot. Buti na lang ay nandito siya."
Tuloy-tuloy lang siya sa pagsasalita. Hindi tuloy ako makakain dahil sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko at sa pagkain na dinudukot niya sa plato gamit ang malaki niyang kamay. Bigla akong nakaramdam ng pandidiri. Does he always do this? Didn't he know the proper table manners and etiquette?
"Pagpasensiyahan mo na. Iyan lang muna sa ngayon. Gipit kasi, e."
Nabaling ang tingin ko sa– wait, anong tawag sa pagkain na iyan?
"Is this edible and healthy?" Hindi ko maiwasang itanong habang itinuturo ang hindi pamilyar na pagkain.
Isa-isa niyang dinilaan ang mga daliri niya bago ako sagutin. "Naku! Huwag mong sabihing hindi ka pa nakakain niyan?"
Umiling ako.
"Mukhang yayamanin ka, ah? Pero walang kaso iyon. Tawag diyan, betamax, isaw at kwek-kwek. Masarap ang sauce kaya tikman mo na. Espesyal na nga 'yan dito sa amin, e."
Nag-alangan ako kung kakain ba ako. Naramdaman ko naman agad ang pagkalam ng sikmura ko kaya kumuha ako ng isang stick ng isaw na tinuro niya.
"Ano ba 'to?" I tried to take a bite.
"Bituka 'yan ng baboy."
Agad kong nailuwa ang maliit na bahagi ng kinagat ko dahil sa sinabi niya. Binalik ko iyon sa plato saka nagsalin ng tubig para uminom at mawala ang lasa.
Bituka! Kahit kailan ay hindi ako literal na nakakain ng bituka ng kahit na anong hayop. Kadalasan ay inihahalo iyon sa mga putahe, hindi gaya nito.
"Ito?" Turo ko naman sa kulay itim na pa-square ang hugis pagkatapos uminom ng tubig.
"Dugo ng baboy."
Para na yata akong masusuka pero hindi ko na lang iyon pinahalata sa kanya. In my whole life, ngayon lang ako nakakita ng ganitong mga luto. Kahit na nakakatakam ang hitsura niya ay ayoko pa ring subukan ito. Dugo na pinatigas? Oh, my God!
"Eh, ito?" Turo ko sa kulay kahel na pabilog.
"Harina lang 'yan na may lamang itlog sa loob. Huwag ka ngang maarte, Binibini. Hindi naman kita ipapahamak kung alam kong hindi ligtas ang pagkain. Sige na, subukan mo na. Sigurado akong magugustuhan mo ang mga 'yan. Bahala ka."
Ang dami na naman niyang sinabi.
Kinuha ko na lang iyong panghuling tinuro ko kasi mas mukhang disente. Sinawsaw ko iyon sa sauce na sinasabi niya at talaga namang hindi ko maiwasang mamilog ang mga mata ko dahil sa sarap.
"Ang sarap!"
"Sabi ko sa 'yo, e! Sige, ubusin mo na 'yan para mabusog ka. Halatang hindi ka pa kumakain simula umaga. Gabi na, oh."
Napatingin naman agad ako sa labas ng bintana. Ngayon ko lang din napansin na madilim na pala talaga ang paligid. Kanina lang na tirik pa ang araw ay hinahabol pa nila ako tapos napadpad na lang ako rito na ganito na ang paligid.
"Salamat pala sa pagtulong niyo sa 'kin..."
"Anong niyo? Ako lang kaya, 'no!"
Natawa ako. "Okay, okay. Salamat sa 'yo... Kasper? Tama ba?"
Umakto siyang tinamaan ng kung ano sa dibdib kaya natawa na naman ako habang patuloy pa rin sa pagkain.
"Kay sarap naman pakinggan ng pangalan ko mula sa 'yo, Binibini! Ulitin mo nga!"
"Kasper." I did what I was told.
Nakakaaliw siya. Paano kung manatili na lang muna ako rito? Tutal mukhang imposible naman ang lugar na ito na mapuntahan nila. I can also learn how to live here. I can eat their strange food. I can easily deal with his character... I think.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top