Chapter 12
"Mom, Dad," bati ko nang makarating na ako sa bahay. I also gave them a peck on their cheeks.
"Where were you?" si Mom.
Napaayos ako ng tayo habang ibinibigay ang mga gamit ko sa katulong na sumalubong sa akin. Nailang ako bigla kaya hindi ko sila magawang tingnan ng maayos.
"I-I was in school," I stuttered because that was a lie!
Damn!
"Don't lie to my face, Aislinn. You caught in a camera running away from your school and ditching your class."
Hindi ako nakapagsalita.
"With Razvan Cronin," dugtong niya pa.
"I-" I tried to explain myself but she just cut me off.
"Save it for later. Get ready for your party."
She turned her back on me. Si Dad naman ang sinubukan kong kausapin.
"Dad-"
"Later, sweetheart." He just gave me a smile before kissing my forehead and turning his back on me too.
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Napahawak din ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko napansing sobra pala akong kinabahan. Buti na lang ay pinalagpas na muna nila iyon kahit papaano. I'm also pretty sure that they still don't know my relationship to Van.
Umakyat na ako sa kuwarto ko. Nagulat ako nang sa pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang abalang mga tao sa loob at ang isang magandang gown.
"Finally! You need to take a bath, darling, so that we can start fixing and dressing you up!" tarantang ani ng isang bakla na sobrang kapal ng make up. He or she's also wearing a tight dress. Uh, hindi ko alam kung ano ba dapat ang itawag ko sa kanya- he or she?
"Hurry, darling!" Napapalakpak siya saka na ulit lumayo sa akin para ayusin ang mga make up na gagamitin niya sa akin. Nang-sermon din siya sa mga kasamahan niya.
Tahimik na lang akong naglakad papunta sa banyo habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanila. There were eight people in my room right now including the two maids. Parang ang OA naman yata. Napabuntong-hininga na lang ako at napailing. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
After I finished bathing, sinimulan na nila akong ayusan. Narinig ko pa ang reklamo ng nakausap kong bakla kanina dahil sa tagal daw ng pagligo ko. Nahiya tuloy ako kaya humingi na lang ako ng pasensiya sa kanila.
It took them a very long time to fix me up. Kidding. Umabot lang naman ng almost one hour. Hindi pa ako naka-gown niyan. Nangalay ang buong katawan ko na nakaupo lang at ang mukha kong sumusunod lang sa mga sinasabi nila para maayos ang kalabasan ng make up.
Now, it's time to wear my romantic lace sweetheart bodice corset rose gown. Puwede iyong gawing tube top lang paired with pants kapag inalis ang skirt part ng gown. The theme of the party is black and white at tanging ako lang ang dapat mangibabaw sa lahat dahil sa suot kong pulang gown. Wala akong naging suhestiyon sa lahat. It's all my Mom's ideas. Well, I can say that Mom has a really great taste in everything.
Narinig ko ang iba't-ibang mga puri nila sa akin nang makita na nila ang kabuuang ako. Even I can't help to feel so amaze and even praise myself on my mind. Parang ibang tao ako.
"Hello?" I said as I picked up my ringing phone on the dressing table. Inilagay ko talaga iyon sa madali kong makita dahil hinihintay ko ang text o tawag ni Van.
"My baby," Van's voice was so sweet to the point that I needed to bite my lower lip to prevent myself from smiling. "Happy birthday."
"Thank you."
"What are you doing now?"
Napatingin ako sa paligid kung saan abala pa rin ang mga tao sa pag-aayos sa akin at sa gown na suot ko. Mayamaya lang ay siguradong lalabas na ako. I wonder kung nandito na siya kaya tinawagan niya na ako.
"Uh, inaayusan pa ako pero malapit na namang matapos."
"Okay. I'm sure you'll look great later."
"How 'bout you? Nasa baba ka na?" I tried to sound not excited but I just couldn't contain it.
"That's the reason why I called you," biglang naglaho ang galak ko. "I'm gonna be late for your party, baby. Something came up."
"Oh," I said in a small voice, a little bit sad and disappointed.
"I'm sorry, baby. Promise mabilis lang ito."
"It's okay. Uh, sige na. Just take care, alright?" nanlulumong sabi ko na lang. Ayoko naman siyang kulitin pa.
"I will. I love you." He immediately cut the call.
Napabuntong-hininga na lang ako kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ko. Ano kayang nangyari?
"Naku, darling! What's with the face? You need to smile! Don't ruin the mood, darling! My goodness! Ang pretty pretty mo pa naman!" reklamo ng bakla habang inaayos ng kaunti ang buhok ko kaya napangiti na lang ako.
After a few minutes, it's finally done. Tuluyan na akong nakaramdam ng ginhawa nang mawala na ang mga kamay at mukha na nag-aayos sa akin sa paningin ko. Pero medyo nahihirapan pa rin akong huminga ng literal. Masyadong masikip sa akin ang tube top lalo na sa may baywang ko. Mukhang nasobrahan naman yata si Mommy sa pagpapa-sexy sa akin.
The door opened, revealing my gorgeous parents. Mom was wearing a peplum off-shoulder mermaid gown while Dad was wearing an all white suit: white tuxedo jacket, satin vest, white pleated shirt and white dress pants, except from his black bow tie. He's also wearing a red rose boutonniere. Wow! They look so perfect.
"You're so beautiful, sweetheart. Is that really you?" si Dad bago ako lapitan.
Natawa ako. "Dad naman!"
"By the way, happy birthday to you sweetheart. I love you."
He's really sweet and he never fails on that. He's too showy for his affection to me and I really like it. Baka isang araw ikagulat ko na lang bigla na hindi na siya ganoon.
"Thanks, Dad. I love you, too." I held his hand and gave him a happy and thankful smile. But our attention was later turned to Mom.
"Not bad. It's my taste after all," si Mom habang sinusuri ako mula ulo hanggang sa laylayan ng gown ko na parang hinahanapan pa ng mali.
I just smiled at her.
"Happy birthday, my daughter," Mom added, giving me a rare smile. Lumapit siya sa akin para bigyan ako ng mabilis na yakap at halik sa pisngi. Medyo nagulat ako kasi never ko itong inexpect.
"Thanks, Mom," medyo nautal pa ako kaya ilang ang naging ngiti ko sa kanya.
"Guess, you're ready. Let's go?"
Lumabas na kami sa kuwarto at naglakad sa mahabang hallway bago makarating sa hagdan. Parang gumaan ang loob ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaligayahan. Nakapulupot ang dalawa kong kamay kay Dad na nasa kanan ko at kay Mom na nasa kaliwa ko.
I roamed around after the introduction to socialize with the guests. It's also my way to find Van but I couldn't see him anywhere. Mukhang matatagalan talaga siya. Even Rad's still not around.
The masters of ceremony called me again to formally start the program. After the eighteen gifts and candles that touched my heart, it's time for eighteen roses. Hindi ko namalayan na panghuling sayaw ko na pala pero hindi ko pa rin makita si Van sa paligid. Wala rin akong Rad na nakasayaw.
I suddenly feel uneasy especially that I've been standing in the middle for minutes now. Sinubukan ko ring iikot ang paningin ko sa paligid pero masyadong nakakasilaw ang mga ilaw.
I felt my heart beats in an unwanted way when the song started to play again. Who will be my last dance?
Natigilan ako nang unti-unti kong maaninag ang papalapit na pigura ni Van sa akin mula sa isang nakakasilaw na ilaw. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko at parang bumagal ang takbo ng senaryo sa paligid ko.
My breathing hitched and I could feel my legs trembling in fear but the moment he held my waist to pull me closer to him, I suddenly feel at ease knowing that I'm being in the hands of my man again. My smile started to form bigger and wider while staring in his eyes and slowly swaying our body to the rhythm of the song.
He leaned closer to me for a whisper. "You're ravishing."
Swear, I could feel the heat in my cheeks. My neck also stiffened by his hands on my waist, tightening it to lock me up. I shivered and gasped a little when his fingers accidentally touched the skin of my back. The side of his lips rose because of my reaction. Damn! Siguradong nakakahiya ang hitsura ko ngayon.
"You're being too obvious as always, baby."
Tinitigan ko siya ng masama bago napanguso. Sobra akong nagulat nang bigla niya akong halikan sa labi.
"I told you. My adrenaline rush can't be help everytime you does that."
Palihim ko siyang kinurot sa may leeg niya. He grimaced because of that.
"Hindi ka naman ganyan dati, ah?" mariin na bulong ko. "Sa harap pa talaga nila? Sigurado akong nakita iyon ng mga magulang ko, Cronin!"
He let out a low chuckle and just shrugged his shoulders. "Who cares!"
Napangiti na lang ako. He's right. Who cares, anyway. Besides, I'm really planning to end his courtship and become my officially boyfriend tonight. I think that will be the best gift for my birthday.
"You know, we can continue being this way. You're eighteen now."
I just got goosebumps when he brushed his lips on my ear after saying it. Lalo ko na lang siyang yinakap. I leaned my head on his chest and closed my eyes. Parang ayoko na yatang matapos ang pagkakataong ito.
"Gago ka talaga kahit kailan."
Ganoon lang ang naging ayos namin hanggang sa matapos ang kanta. Oo, tinapos namin ang buong isang kanta.
"I love you," I whispered.
"W-What?"
Inalis ko ang ulo ko sa dibdib niya para matignan siya sa mukha. Nakakunot ang noo niya habang may maliit na ngisi sa gilid ng labi.
"I said, I love you," ulit ko saka napangiti.
"Does this mean..." he stuttered again. I just nodded my head.
"Fuck!" malutong na sambit niya na siyang ikinagulat ko. Pero mas nagulat ako nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi bago ako siilin ng halik. Hindi agad ako nakasabay sa agos pero habang tumatagal ay nakukuha ko na naman iyon. Natauhan at kumalma na rin ang loob ko.
The kiss lasted for minutes until we couldn't breath anymore. Napakalas kami. Parehas na lang kaming natawa nang ipagdikit namin ang mga noo namin sa isa't isa, hinahabol ang hininga. I also heard the clapping hands of the people. Saglit akong nakaramdam ng hiya pero nangingibabaw talaga ang kasiyahan sa akin. Wala na akong mahihiling pa. Kung puwede lang talaga na hindi na ito matapos.
"Thank you," he whispered as he caressed my cheeks and kissed my forehead.
Napapikit ako pero nang pagmulat ko ay nakita ko si Rad hindi kalayuan sa may likuran ni Van. My smile faded and my heart started to pound in panic.
Kumalas ako kay Van at unti-unting lumayo sa kanya nang maglakad si Rad palapit sa amin. Nadako naman ang tingin ni Van sa direksiyon ng tinitignan ko. For a brief moment, I saw the expression of Van turned to intense anger. Nakaramdam naman ako ng kaba at takot dahil roon. Even Rad's face is cold and emotionless.
Rad has been staring on me while he's walking toward us but the moment he stopped in front of us, his full attention was turned to Van. Nakarinig ako ng mahinang mga bulungan sa paligid pero ipinagsawalang-bahala ko iyon dahil nakatutok ako sa dalawang lalaking nasa harap ko ngayon.
After the long silence between them, Rad started to talk that confuses me.
"I thought my warning was clear."
"I thought I told you my explicit reason," si Van naman.
What's happening? What are they talking about?
Parang nangungusap ang mga mata nila sa isa't isa. Parang naghihilahan sila pababa nang hindi ko nalalaman at namamalayan.
Van laughed but I couldn't sense the humor in it. "Sinagot na ako ni Aislinn."
I suddenly want to slap Van's face. He's being boastful again. Kailangan ba talaga iyon? Rad's not even asking about it. Teka nga, ano ba talaga ang meron sa kanila? Parang simula nang makita nila ang isa't isa ay may namuo na agad na bad blood sa pagitan nila.
Hindi pa nagtagal ay si Rad naman ang sarkastikong napangisi.
"Aislinn is betrothed to me, Razvan."
Namilog ang mga mata ko. My heart skipped a beat that made me stop from breathing for a minute. Para akong binuhusan ng napakalamig na yelo. When I looked at Van, halatang nagulat din siya sa hindi inasahang sasabihin ni Rad.
"What did you just say?" My voice is in quavery while looking shockingly and dishearteningly to Rad.
Hindi agad nakasagot si Rad kaya unti-unti akong nainis. Linapitan ko pa siya saka bahagyang itinulak.
"Rad! What did you say?" ulit ko. Hindi siya natinag. Nakapokus pa rin ang tingin kay Van, announcing that they are not yet done on talking and that I should shut my mouth up. Well, I won't! For countless times, I'm the one involved in this matter again, so answer my question! Damn it! I want a clarification!
"She's betrothed to no one. She's mine." Hinawakan ni Van ang kamay ko kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. Dahan-dahan niya akong iginiya sa tabi niya. Hindi naman ako nag-protesta.
Nakita ko na bumaba ang tingin ni Rad sa kamay namin ni Van pero kalaunan ay sa akin na ulit siya tumingin. Malalim at puno ng hiwaga ang mga mata niya. Napaiwas ako nang hindi ko makayanan. I saw my parents walking toward us. Oh, damn! It reminded me of the situation that we're currently in tonight. Siguradong kami ngayon ang ginagawang hapunan ng mga bisita.
"Stop this childish and immature acts!" agad na sabi ni Mom nang makarating na siya sa amin, halatang galit na galit dahil sa riin ng bawat salita.
"Aislinn, I'm so disappointed in you." Hearing that from my Dad breaks my heart. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko.
Hindi ko magawang makapagsalita, letting them dominates me again. Gosh, I'm such a weak person.
"Get out of here now!" Hindi ko alam kung para kanino ang salita ni Mom pero agad rin naman nasundan iyon. "Coenraad, get Aislinn out of here. And you, Razvan, I'm so disappointed. I don't want to see you anymore even though we're close to your parents. Layuan mo ang anak ko."
What?!
I was about to protest when Rad grabbed my right wrist. Hinigpitan ko na lang ang kanan kong kamay na nakahawak kay Van. Napatingin silang lahat doon. I even gave Van a begging look to not let go of me no matter what. It's my last hope.
"What are you doing, Aislinn?!"
Dad's furious.
Napailing-iling ako. "Dad, don't do this. Please."
"Razvan, let go of her hand or else I will not hesitate to forget you as my godchild!" Si Van naman ngayon ang tinignan ni Dad nang ayaw kong pumayag sa gusto nila. He even used a threat to Van!
We waited for Van's response. Akala ko hindi magpapatinag si Van nang pisilin niya ang kamay ko para higpitan pa lalo ang hawak pero nagulat at nataranta ako nang unti-unti niya iyong binitawan. I held back but he used his force to let me go without looking at me and still looking seriously at my Dad.
"Van!" I called to warn him but it was useless. He still manage to let go of my hand.
Nag-init ang gilid ng mga mata ko at muntikan pa akong sumabog pero pinigilan ko ang sarili ko. I swallowed hard. My breath's coming in short pants because of my mix emotions that exploded inside me. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Van, hoping that he'd take back what he just did but he didn't. Nagpatianod na lang ako kay Rad paalis sa lugar.
Nakita ko na may sinabi pa sa kanya si Mom at Dad pero hindi ko na iyon marinig dahil medyo malayo na kami sa kanila. Kalaunan ay iniwan na rin siya ng mga magulang ko sa gitna. He looked at my direction, smiling as he mouthed 'don't worry'. It meant a lot to me, reason for my tears to fell when I blinked my eyes.
Tulala ako nang makapasok kami sa isang limousine. Hindi ko magawang makaimik buong biyahe. I also imagined that Van's with me instead of Rad but I just couldn't stop myself from shedding tears and thinking of that scene.
"You're always crying." I heard from Rad. He even wiped my tears on my cheeks using the back of his forefinger. Hinayaan ko lang siya na gawin iyon sa akin.
Tumigil ang sasakyan at narinig ko ang paglabas niya. Nanatili akong nakaupo sa loob, walang balak na lumabas o sumunod sa kanya. Bumukas ang pinto sa may gilid ko at nakita ko ang kamay niyang nakalahad sa akin. I ignored it and remained silent.
He heaved a sigh. "Come on, Ace."
The audacity! How dare he calls me Ace?! Ayoko na iyong marinig sa kanya! It feels like a nightmare!
"Mag-usap tayo ng maayos."
Napabuntong-hininga ako. Kinalma ko ang loob ko. Pinalis ko ang ilang luha na patuloy pa rin sa pag-agos. Lalabas na sana ako ng sasakyan nang mapansing masyadong nagiging sagabal ang suot kong gown.
Hindi man ako nagsalita ay alam na ni Rad ang gusto kong gawin kaya sinara niya muna ulit ang pinto. Lumabas ako na nakasuot na lang ng red pants and red tube top. Muntik na akong matumba nang makatapak ako sa buhanginan pero agad akong nahawakan ni Rad. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa dalampasigan kami. Oh, great! Tamang-tama lang ito sa suot kong high heels.
"What are we doing here?" I asked plainly as I started to walk.
"You'll see."
He closed the door of the limousine. Inunahan niya na ako sa paglalakad palapit sa daungan ng mga bangka. Nahirapan pa naman ako sa paglalakad dahil palaging pumapailalim sa buhanginan ang takong na suot ko. I even sprained my ankle. Napatili ako nang bumagsak ako sa buhanginan and groaned when I felt the piercing pain in my ankle.
Damn! Bakit ba kasi rito niya pa ako dinala?!
Agad niya naman akong nilapitan. He examined my ankle thoroughly. Tahimik at dahan-dahan niyang inalis ang high heels sa paa ko. He gently touch my sprained ankle to massage it. I winced because of the pain.
"It's bad. You'll get bruise with this. Let's go to the hospital."
"Hindi. Ayos lang ako," mabilis na tanggi ko. Besides, I really want to talk to him calmly. Gusto kong ipaintindi sa kanya ang nararamdaman ko at gusto kong maintindihan ko rin siya, pero hindi ko maipapangako na hindi ko papairalin ang galit ko sa kanya.
"No, you need to get treated-"
"I said I'm okay. Let's just talk," pagmamatigas ko.
Narinig ko naman ang bigong paghinga niya ng malalim. "You sure?"
"Yes." I gave him a serious look.
Tinulungan niya akong makatayo. Agad naman akong bumitaw sa kanya. Sinubukan kong maglakad pero muntik na akong matumba. Nahawakan niya naman agad ako sa likod at siko ko.
"You can't-"
"Kaya ko!"
I tried to walk again but I just really can't. Wala pa akong naging tugon nang bigla niya na lang akong buhatin na parang isang bagong kasal. My whole body tensed. Napahawak na lang ako sa leeg niya.
He stopped from walking, looking at the yacht. Wait, don't tell me...
"This is my gift for you, Ace."
I stared at him for a few seconds before returning my look to the yacht. It left me speechless... again. Mas nailang pa ako lalo na't buhat-buhat niya lang ako.
Mas lumapit pa siya sa yate. Alam kong balak niyang umakyat kami kaya sinabi kong ibaba niya na ako. Nag-alinlangan pa siya pero pinilit ko pa rin siya kaya wala na siyang nagawa. Sinubukan kong kunin sa kanya ang high heels ko pero hindi niya hinayaan dahil baka lumala pa ang sprain ko. Nakapaa na lang tuloy ako.
Umihip ng malakas ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Napansin niya iyon kaya agad niyang isinuot sa akin ang coat niya.
"Thanks."
"Let's go inside. I'm sure you're gonna love it." He gave me a quick smile. Inilahad niya ang kamay niya sa akin pero tinignan ko lang iyon.
"How can you do this, Rad?" Natigil ako sandali para tumingin sa mukha niya. "How can you pretend like nothing happened?"
Napaayos siya ng tindig, inserting both of his hand in the pockets of his trousers. He licked his lips then bit his bottom lip. Hindi siya nagpatinag sa titig ko.
"Paano mo nagagawa ang mga ito, Rad?" ulit ko. "I told you already... I love Van. Pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa 'yo."
"Ako hindi." He turned his back on me. "Let's talk inside. It's cold here."
I sighed tiredly. Sumunod na lang ako sa kanya habang papilay-pilay sa paglakad. Habang tumatagal ay mas sumasakit ang kabuuan ng paa kong na-sprained pero kaya ko pa namang tiisin. It's also another way to transfer the pain in my heart.
Nahirapan akong umakyat sa hagdan ng yate. Namilog ang mga mata ko nang mamali ako ng tapak gamit ang sprained ankle ko. Napabitaw ako sa pagkakahawak, dahilan ng pagkawala ng balanse ko.
"Aislinn!" Rad tried to reach his hand for me but it was too late.
Nakatama ang baba ko sa isang baitang ng metal na hagdan at naramdaman ko agad ang pag-agos ng dugo mula sa bibig ko. Damn! I accidentally bit my tongue. Ang sakit!
Bago pa man ako tuluyang bumagsak sa dagat ay naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa daungang kahoy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top