One
Ako nga pala si Emma Santiago, bente-sais anyos mula dito sa Cavite,.
Pangalawa sa apat na magkakapatid, dalawa kaming babae nung bunso tapos dalawa ding lalaki iyong panganay at yung pangatlo.
Sina nanay at tatay ay parehong mangagawa sa isang factory dito sa aming lugar, mahirap lamang ang aming buhay pero mainam na din at kahit papaano ay nakakain naman ng tatlong beses sa isang araw,.
Sa kasalukuyan ay nagta-trabaho na ako sa isang Department Store sa isang malaking mall dito sa amin, isa akong cashier,.
Minimum lang ang sahod ko pero pwede na ding pagtyagaan.
Sa kasalukuyan ay mayroon akong boyfriend si Arthur, halos magkasing edad lang kami nun.
Nakilala ko siya dati sa una kong pinasukang trabaho sa isang restaurant bilang service crew.
Nanligaw siya sa akin through text at dahil isa din ako sa tinatawag na babaeng marupok lalo sa pambobola nito at sa matatamis nitong salita ay isang buwan pa lamang siyang nagpapalipad hangin ay sinagot ko na siya.
Dalawang taon na kaming magkasintahan ni Arthur at sa loob ng dalawang taong yun ay kung ilang beses ko siyang nahuling nambabae, tama ang nasa isip nyo, ang boyfriend ko ay isang fuckboy kung tawagin dahil kahit poste ata basta nakapalda ay papatusin nito.
Minsan nakakasawa na dahil sa paulit ulit nitong panloloko sa akin ay gusto ko na siyang hiwalayan pero sa huli bumibigay pa rin ako sa karisma niya.
Katulad ngayong gabi magkikita kami sa apartment niya dahil tinawagan niya ako at pinapapunta doon. At alam ko na kung bakit,.
Pagdating ko doon ay di man lang niya tinanong kung kumain na ako. Bagkus...
"Ininom mo ba yung pills mo bago ka pumunta dito mahal? Bungad na tanong ni Arthur.
Napaismid ako ng marinig iyon, sabi ko na nga ba. Sa isip ko.
"Oo, araw araw ko yung iniinom dahil alam kong iwas na iwas kang mabuntis ako. Saad ko habang nagtatanggal ng damit.
Hindi na nito kailangang sabihin ang gagawin ko dahil alam ko na. Sex, yun ang rason ng pag iimbita nito sa akin.
Dapat nga ngayon nag-asawa na kami, subalit ayaw pa daw nito dahil hindi pa daw ito handa.
Hayop na lalaki, pinagsawaan na at lahat ang katawan ko ay sasabihing hindi pa handa. Minsan naiisip kong parausan lang naman ang silbi ko sa kanya kaya niya ako kailangan. Dahil kung mahal ako ng mokong na ito ay hindi nito magagawang saktan ng paulit ulit ang damdamin ko.
"Ano na? Halika na. Tugon kong may pagkabagot sa tinig habang nakamasid sa kanya.
"Para ka namang napipilitan Emma eh." Saad nito sa boses na parang naiinis.
"Jusko naman, Arthur para kang bago ng bago, di ba eto lang naman ang gusto mo? Kaya mo ako tinatawagan o tinetext dahil gusto mo ng sex. So eto ibinibigay ko lang sayo." Saad ko ditong may halong sarkasmo sa tinig.
"Ano naman bang problema mo Emma?" Tanong ni Arthur.
"Wala! Ikaw baka meron." Singhal ko dito.
"Bakit ganyan ang inaakto mo. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin!" Pasigaw na ding saad nito, mukhang pikon na.
"Oh e di uuwi na lang ako!" Turan ko dito sabay suot sa damit.
Nagsasawa na ako sa away namin. Itong si Arthur hindi marunong manuyo ako lagi ang sumusuyo dito at napapagod na ako sa ugali niya.
Nagmamadali ko nang isinuot ulit ang damit ko tsaka kinuha ang bag.
"Tang ina! Sana hindi ka na pumunta dito.!" Narinig kong pahayag nito.
Subalit hindi ko iyon pinansin.
Sa labas, sa may kanto doon ako naghintay ng masasakyan pauwi.
Alas nuwebe na iyon ng gabi, matagal ang jeep pag ganoong mga oras kaya naman inabutan na ako ng ulan, malakas bigla ang buhos nito at mag isa ko lang sa waiting shed na iyon at medyo nakaramdam ako ng takot.
Nang hindi mag tagal ay may humintong motorsiklo sa aking harapan at doon nagtatakbo ang lalaking sakay noon patungo sa waiting shed na kinaroroonan ko.
Nagtanggal ito ng helmet at nang masilayan ko ang mukha ay agad na akong nakaramdam ng kakaiba, simpatiko ang mukha nito, gwapo at may nakakaakit na ngiti.
Tama! Ngumiti nga ang lalaki sa akin.
Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya.
"Hi!" Bati ng lalaki. Nagulat ako at biglang nilingon ito.
Ngumiti lang ako sa kanya ngunit hindi sumagot.
Katahimikan sa aming pagitan....
Ang lakas na ng buhos ng ulan at parang may bagyo pa ata dahil may kasamang hangin at pagkulog at pagkidlat.
Namatay ang ilaw ng shed. Nagbrown out pa ata. Ang malas naman. Sa isip ko.
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang kumulog ng malakas, bigla akong napalapit sa kinaroroonan ng lalaking estranghero.
"Natatakot ka ba sa kidlat?" Tanong nito. Ang lalim ng boses parang ang sarap pakinggan. Sa isip ko.
"A-ang dilim". Saad ko sa halip na sagutin ang tanong niya.
"Dito sa Pinas pag malakas ang ulan asahan mo nang magbo-brown out." Tugon nito.
Ang lapit namin sa isa't isa, hindi ako komportable, pero ang bango niya. Sa isip ko.
"Yun ang masaklap dito sa atin, only in the Philippines." Natatawa kong sagot sa kanya.
Natawa din ang lalaki sa sinabi ko.
Katahimikan ulit....
"Paano na kaya ako nito makakauwi, mukhang matatagalan pa itong ulan." Bigla kong sambit.
"Saan ka ba umuuwi miss?" Tanong ng lalaki sa akin.
"Diyan sa Gen.Trias." Sagot ko.
"Malapit din ako diyan, taga trese ako." Tugon ng lalaki.
Sobrang dilim at ang tanging liwanag na nakikita namin ay ang mga sasakyang dumadaan.
"Ako nga pala si Benidict. Ben na lang." Narinig kong pakilala nito sa sarili.
"Ayos ah. Ako si Emma." Pagpapakilala ko din sa kanya.
"Emma. Maganda." Tugon nito, hindi ko maaninag ang mukha niya kaya hindi ko alam kung pinupuri ba ako ng mokong na to o binobola.
Ang totoo niyan isa lamang akong ordinaryong babae, hindi naman masyadong kagandahan pero may itsura naman. Ang pinaka asset ko ay ang aking katawan. Ang sabi ng marami ay sexy daw ako.
Yun ang hindi maiwan ni Arthur sa akin, ang katawan ko. Well hindi na siya lugi sa akin dahil kung performance din lamang ang pag uusapan ay lumalaban din naman ako.
"Alin ang maganda? Yung pangalan ko o ako?" Tawa kong saad dito.
Tumawa din si Ben. Yung machong tawa.
Sheyyt!!! Ang sexy ng tawa ng unggoy na to, sa isip ko.
"Pareho. Dito ka ba sa bandang to nagtatrabaho?" Tanong ulit ni Ben.
"Hindi. Galing ako sa bahay ng boyfriend ko, kaso nag away lang kami kaya umuwi na lang ako. Kesa masira pa ang mood ko dahil sa kanya." Di ko na napigilang paglalahad dito.
Huli na ng maisip kong masyado ata akong feeling close kay Ben.
"Ganun ba? Ikaw pa talaga ang dumadayo sa bahay niya ha. Iba na talaga ang panahon ngayon." Tugon ni Ben.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top