Capitulum 017
Kung mayroon man pampalubag-loob sa sitwasyon nila ngayon, iyon ay ang katotohanang hindi ugaling gamitin ni Damien ang kanyang limo tuwing emergencies.
At the very least, it spares them from the discomfort of sitting on expensive leather and inhaling the scent of equally expensive air fresheners.
Ang downside?
Well...
"ALCOTT, LAGPAS NA YATA TAYO SA SPEED LIMIT!"
Mula sa driver's seat, tinapunan siya ng masamang tingin ng binata. "Walang 'speed limit' kung magugunaw na ang mundo, Silverio. Not that those human laws matter, anyway," he plainly stated before stepping on the accelerator. Naging dahilan ito para halos maging pancake na sa backseat sina Naythan (na mukhang malapit nang isuka ang laman ng tiyan niya) at Nemesis.
"N-Nem, may dala ka bang plastic d-diyan?"
"Ugh! Naythan, saan naman ako kukuha ng plastic?!"
Meanwhile, the pale Caelum was still gripping onto the passenger's seat for dear life.
'Damn! Baka mauna pa kaming mapahamak,' Nemesis thought and clutched the medallion on her neck. Kung alam lang sana niya na parang sinasapian si Damien tuwing nagmamaneho, hindi na lang sana siya pumayag na sumakay sa kotse nito.
'This bastard drives like the speed of light!'
Kaya nang makarating sila sa may lawa, hindi na siya nagtaka nang hilong-hilo silang lahat pagkababa ng sasakyan. Meanwhile, Damien didn't seem bothered by this and even grabbed several bows and arrows from the trunk. Nang maka-recover na si Naythan, umiral na naman ang kadaldalan nito.
"Pre, wala kang scuba diving equipment pero meron kang pang-archery? COOL! Hehe. Can I---?"
"No."
"Pretty please?"
"No."
"Eh?! But we're a team!"
"Tsk."
"Huhu! Nem, oh! Ayaw akong pahiramin!"
Napairap na lang si Nemesis at nauna na sa paglalakad. She doesn't have time to deal with her bestfriend's whining, not when someone is potentially in danger right now. Mabilis naman siyang naabutan ng kanyang clubmates. They all wore the protective medallions Caelum lent them a while ago. Sa kasamaang-palad, hindi nila na-contact agad si Rio kaya susunod na lang daw siya rito.
"Sana naman hindi pa huli ang lahat," Nemesis muttered when the finally reached the lake.
Doon nila napansin ang mga sigawan na tinatangay ng malakas na ihip ng hanging nagmumula sa direksyon ng lawa. She quickly scanned the area and spotted several fishermen running away from the shores.
"Over there!" Caelum pointed to a specific direction.
Nang sundan nila ito, nanlaki ang kanilang mga mata nang maaninag ang itim na bultong nakalubog sa ilalim ng tubig. Nemesis felt the atmosphere grow heavier sa she stared at the shadow.
As if the creature was just standing underwater, waiting for the next kill.
"Whatever you do, stay out of the waters," Damien instructed. "Kilala ang mga kataw sa paglunod sa kanilang mga biktima. Don't get yourselves killed, that's an order."
Napalunok naman si Naythan na ngayon ay nagtatago na sa likod ni Nemesis.
"K-Kahit marunong akong lumangoy?"
Caelum nodded. "Walang-awa ang mga nilalang na 'to. Our best bet is to NOT fight them in their territory."
Dahil dito, sinimulan nang i-evacuate nina Nemesis at Naythan ang mga naiwang bata sa gilid ng lawa. They need to get them as far away as possible from the lake. Kung pagbabasehan nila ang nangyari kina Julia at Julian, hindi malayong may kapangyarihan ding manghalina ng mga tao ang mga paranormal creature na 'to tulad ng mga sirena.
"Anong plano natin?" Naythan asked her when he ushered the last kid to his mother.
Sandaling sumulyap sa lawa si Nemesis kung saan naiwan ang ilang mga bangka, lambat, at balde ng mga isda. It was too risky to get today's catch and Nemesis doubts that anyone would be stupid enough to prioritize this over their own safety. Sa di-kalayuan, nakita niyang nag-uusap sina Damien at Caelum.
'Kakayanin kaya naming huliin ang kataw?'
"The plan is stay alive," she finally answered. "Wala tayong ideya kung gaano kalakas ang kapangyarihan ang nilalang na 'to, Naythan. Let's just standby unless Damien and Caelum needs us."
As much as she wanted to join the action, alam ni Nemesis na malaki ang kanilang disadvantage. How can you fight a monster who can even control the tides and the weather over the waters?
"CLOUIE!"
Natigilan sina Nemesis nang marinig 'yon.
"Nem, t-tingnan mo!"
Just in time, they spotted the girl walking towards the waters. Naalala ni Nemesis na ito ang babaeng nagpakita sa kanila ng picture ni Julian kahapon. Ngayon, may dala-dala itong lambat at itak habang pilit tinatawag ang atensyon ng kataw.
"Shit! Ano bang ginagawa niya?!"
Hindi nagtagal, napansin nila ang paggalaw sa lawa.
Lumakas ang mga alon...
Tumaas ang tubig.
"It's manipulating the waters!" Caelum yelled while Damien started shooting arrows at the underwater shadow.
Maya-maya pa, tuluyan nang huminto ang pintig ng puso nilang apat nang mapansin ang nakaambang tsunami.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top