Capitulum 016

Nakatulala lang siya sa lawa.

Sa ganda nito, hindi maitatangging itinuturing itong isa sa pinakasikat na tourist attractions sa Eastwood. Naaalala niyang sinasadya pa nila ito noon tuwing tag-init para magtampisaw sa mababaw nitong parte. Today, those memories are nothing more than distorted images on the surface of a cloudy body of water.

Of course, time will slowly make her forget.

Noong mga panahon na 'yon, kasama pa nila si Julia.

Hindi na ulit sila bumalik dito mula noong insidenteng 'yon. She and Julian were too heartbroken to even return to this lake after her death.

At kahit hindi nito aminin sa kanya, alam ni Clouie na hindi tuluyang naka-move on si Julian sa nangyari.

"A-At ngayon, pati ikaw..."

Nabasag ang kanyang boses. Huminga nang malalim si Clouie at pilit pinakalma ang kanyang sarili. No, she doesn't think she can move on from this, too.

Maging ang mga mangigisda ay natatakot nang magpunta rito sa lawa kahit gaano karami pa ang kanilang mahuhuling isda. Mula kahapon, tuluyan nang binuhay ng kataw ang takot sa komunidad nila.

Clouie just hopes that everything will be alright again.

*

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon nina Damien at Caelum. No matter how hard I think about it, I still have no idea... Argh! Nakaka-stress naman 'to."

Sa kanyang tabi, napalingon sa kanya si Naythan sabay tanggal ng earphones nito. Nakakunot pa ang kanyang noo. "Ha? May sinabi ka ba, Nem?"

"Gosh, Naythan! Wala ka bang narinig sa mga sinabi ko?"

"Hehe. Wala...? Teka! 'Wag mong sabihing nag-confess ka na sa'kin?!" Nanlaki pa ang mga mata nito. "Sige, ulitin mo na lang. Hehe!"

Napairap na lang si Nemesis. Umagang-umaga pero mukhang maba-badtrip pa siya sa isang 'to. 'Kung pwede lang magbenta ng bestfriend, matagal ko na sanang ginawa.' Isip-isip ng dalaga at nanguna na sa paglalakad habang dumadaldal pa rin si Naythan.

Nemesis kicked a stone in the middle of the sidewalk and let her thoughts wander off again.

They didn't make much progress yesterday because of Damien's stubbornness and Caelum's silence (not that he's talkative, anyway). Sa huli, naudlot lang ang paghahanap ni Rionach sa mutya ng tubig dahil sa pag-atake ng kataw.

'Mas mapapadali sana ang paglutas naming sa kaso kung matutulungan kami ng EPES.'

Last night, she was actually debating on sending them an email. Magbabaka-sakali na sana siyang makakuha man lang ng ideya para sa panghuhuli nila ng kataw nang maalala niya ang pagtutol dito nina Damien. Nemesis knows they must have their personal reasons, pero kahit anong isip niya, wala pa rin siyang makitang lohikal na dahilan. 

Right now, they have three options: attack without any protection, wait for a month, or call for help and finish this as soon as possible.

Syempre isang suicidal act ang pagpili ng una. Papayag na rin sana si Nemesis sa paghihintay ng isang buwan kung hindi lang siya inuusig ng konsensiya niya sa nangyari kay Julian kahapon. Paano na lang kung may mabiktima ulit ang kataw? Paano kung may mamatay na naman nang dahil lang sa hindi sila kumilos agad? Damn.

With great power comes great responsibility, indeed.

'And not to mention great headaches.'

Kailangan nga nilang kausapin si Rio tungkol dito.

Pero nang lumiko sila sa kanto, agad niyang namukhaan ang binatang nasa loob ng Night Owl's café.

"Caelum?"

He was sitting beside the window, his back turned to them.

"Hey! Si Caelum 'yon, ah. Tara, puntahan natin siya!"

Nemesis quickly pulled him back and hid behind a lamp post. Naningkit ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang kanilang clubmate. Kabubukas pa lang ng café kaya mangilan-ngilan pa lang ang mga taong naroon. Nang tanungin ni Naythan kung bakit sila nagtatago, she quickly gestured to the scene.

"Hindi siya nag-iisa."

True enough, Caelum was sitting across from a man she had never seen before. Kapansin-pansin ang suot nitong itim na damit at ang mga tattoo sa kanyang balat. Meanwhile, Caelum was wearing his ECU school uniform. At sa hindi malamang dahilan mukhang hindi ito masaya sa kung anumang pinag-uusapan nila.

'Ano bang ginagawa ni Caelum dito? That's odd. He doesn't seem like a sociable person to me.' Nemesis thought.

Maya-maya pa, may kinuha ang lalaki sa kanyang bulsa.

He slid a satin pouch on the table in front of Caelum, before gulping down his cup of coffee and leaving the café.

Nang naiwang mag-isa ang binata, sandali itong nanahimik bago kinuha ang pouch. Caelum stared at it for a bit longer than necessary before shoving it into this backpack and gathering his books.

"Hmm... Ano naman kaya ang trip ni Caelum?" Naythan asked while still keeping his eyes on their clubmate.

Napapailing na lang si Nemesis. Kahina-hinala nga ito.

"Hindi ko rin alam, Naythan."

*

Caelum texted them to meet up during lunch.

Bago pa man mag-alas dose, naroon na siya sa Area 13 ang binata at naghihintay sa mesang nasa pinakasulok ng kainan. He already ordered himself a smoothie, pero hindi niya pa rin nagagalaw ito mula pa kanina. He sighed and glanced at the time on his phone.

"Masyado yata akong napaaga."

Sa totoo lang, kanina pa siya hindi mapakali. Mula nang makuha niya ang pouch na ibinigay sa kanya ng kanyang pinsan, para bang mas mabigat itong dalhin kaysa sa inaasahan niya. A burden? Perhaps. Pero ang pabigat na 'to mismo ang dahilan kung bakit niya kailangang makausap ang iba pang miyembro ng EPIC.

Matapos nilang madiskubre ang pag-atake ng kataw kahapon, Caelum already dreaded he'd need to set aside his pride for this.

Gustuhin man niyang panindigan ang kanyang suhestiyong hintayin na lang nila ang mga medalyon next month, the look on Nemesis' disappointed face poked at his conscience. Matapos niyang pag-isipan ito kagabi, tuluyan nang natauhan si Caelum.

He knew what he needed to do.

'This is for the greater good.'

So, when he woke up a little past five, agad na kinuha ni Caelum ang kanyang cellphone at tinawagan ang taong alam niyang makakatulong sa kanilang kaso. At tulad ng kanyang inaasahan, agad nitong sinagot ang kanyang tawag. Caelum wasn't surprised about this.

In fact, he wouldn't even be surprised if his cousin doesn't even sleep at all! Not with all the work they need to do.

"HEY CAELUM!"

Napapitlag na lang si Caelum nang marinig ang boses ni Naythan. Natataranta niyang pinatay ang kanyang cellphone at ibinulsa ito. He sighed in relief. Mabuti na lang at hindi nito nakita ang kanyang homescreen wallpaper. Iniisip pa lang ni Caelum ang kahihiyan kapag nakita nila ito, it makes him want to hide like a clam.

Caelum had to fight the blush creeping up his cheeks upon seeing Nemesis smiling at him.

"H-Hey guys! Glad you're here..."

Bakit ba palagi na lang siyang nauutal?

Real smooth, Caelum.

Nang naupo na sa tapat niya sina Nemesis at Naythan, doon nila napansin ang bulungan ng mga estudyante. Nang lingunin nila ang pinagtitinginan ng mga ito, napagtanto nilang papalapit na pala sa kanila ang kanilang tumatayong pinuno. Kahit na nakasuot lang ng uniporme si Damien, agaw-pansin naman ang makinang nitong Rolex at ang Ray-Ban Original Wayfarer classic sunglasses (which probably costs more than Caelum's phone).

Top it off with an air of arrogance and people would surely mistaken you for a Hollywood star---which is exactly how Damien Alcott presents himself right now.

"Hmph! Show-off." Napairap na lang si Nemesis.

'Mukhang hindi talaga sila nagkakasundo,' Caelum thought and waited until Damien sat down.

Inangat nito ang kanyang sunglasses at napasimangot nang mapansing nakatitig pa rin ang lahat sa kanya. Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga estudyante at bumalik sa kanilang ginagawa.

"Dapat kasi sa restaurant na lang tayo nagkita."

"Yaman talaga!" Naythan grinned.

"Yabang talaga..."

"Tsk! I heard that Silverio."

Caelum cleared his throat. "Well, we're here now. At saka sa Bonifacio Ave. pa ang pinakamalapit na restaurant dito sa ECU. We wouldn't make it in time." Hindi na umimik ang tatlo, realizing this as well.

Hanggang ngayon nangangapa pa rin talaga siyang isiping may mga kaibigan na siya. Being an introvert and a nerd made him feel isolated. But right now, a part of him was also happy to be part of this team.

"Nasaan na nga pala si Rio?" Naythan casually asked and took Caelum's smoothie.

He decided to ignore it.

Maya-maya pa, bigla na lang tumunog ang notification tone ni Caelum. Nang mabasa niya ang text message, napailing na lang siya. "Hindi raw makakarating si Rio. May tinatapos pa raw silang group work."

"Aw. Oh, well! Ano nga palang sasabihin mo, bro?"

Naythan loudly slurped his smoothie.

"I wanted to show you something."

Agad na kinuha ng binata ang satin pouch sa kanyang backpack at ipinakita ito sa kanila. Sa hindi malamang dahilan, biglang natigilan sina Naythan at Nemesis. Para nang may inaalala ang mga ito. Damien remained silent, staring intently at the fabric. His eyes were assessing it like it would explode anytime.

Kabado namang ngumiti si Caelum. "Tama ang sinabi niyo kahapon... The less casualties, the better. At naisip kong mas maiiwasan natin ang pagdami ng mga biktima kung mahuhuli natin agad ang kataw."

Tinanggal ni Caelum ang limang medalyon mula sa pouch at ipinatong ito sa mesa.

"These are protective medallions that can be used for defense against merfolk."

A shocked expression crossed their faces. Isa-isa nilang siniyasat ang mga medalyong dala-dala niya.

Ito ang medalyon ni San Miguel.

A bronze medallion depicting the triumph of St. Michael against the devil. The Archangel himself is known as the commander of the army of God and the protector of the church. Nabanggit sa kanya kahapon ni Rio ang mga haka-haka sa tunay na kapangyarihan ng agimat na ito. Sa pagkakaalam ni Caelum, itinuturing itong kabal, tagalihis, at tagapagbigay ng enerhiyang pandepensa sa masasamang nilalang.

Naguguluhang lumingon si Nemesis sa kanya at binasag ang katahimikan.

"Caelum, kanino mo ba kinuha ang mga 'to?"

There was a hint of uneasiness in her voice that made him quickly explain.

"I-It doesn't matter... Naalala ko lang bigla na may kaibigan pala akong mayroong ganyang medalyon." Nanuyo ang kanyang lalamunan. Damn. Dapat talaga ininom na niya ang smoothie niya kanina.

"Teka nga! Ibig sabihin ba nito manghuhuli na tayo ng kataw?" Naythan shrunk in his seat.

But Damien still looked doubtful. "A lot of fake medallions are circulating in the black market lately..."

"Then let Rio inspect it," Nemesis countered. "Mas marami naman siyang alam sa mga agimat kaysa sa'tin. Ang mahalaga ay may pandepensa na tayo sa kataw. It's a lot better than nothing!"

Damien reached for a medallion and started inspecting it at a closer view. Maya-maya pa, binulabog sila ng tunog ng kanyang cellphone. Nang sagutin ni Damien ang tawag, napansin nilang tatlo ang pagkunot ng noo nito.

"We're on our way..." He finished.

When the billionaire hung up, seryoso itong bumaling sa kanila.

"Sorren called. He detected a strong paranormal activity at the lake. Mukhang umaatake na naman ang kataw."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top