Capitulum 008

This chapter is dedicated to @Mary Claire Empuesto

----  

Nemesis, Naythan, and Damien followed Mr. Malvar until they reached the boundary of the forest.

Base sa mga mapang pinag-aralan nila noon, hindi nalalayo rito ang lugar kung saan nahanap ang bangkay ni Professor Kenneth Malvar. And that's one disadvantage when you’re living in Eastwood. Napapalibutan ng gubat ang buong bayan, kaya magkakarugtong ang bawat parte nito.

‘Which means, it’ll be easier for the creature to locate his next victim,’ Nemesis thought and tried to keep up with Damien’s pace.

Nangunguna na ito sa paglalakad. Hindi pa rin sila pinapansin nito nang ideklara niyang sasama sila sa kanyang imbestigasyon. It’s fine, though. Ang mahalaga ay hindi pa sila tinataboy ulit ng rich kid na ito.

Sa kanyang tabi, naramdaman niya ang pagkalabit ni Naythan. Bumulong pa ito  sa kanya.

“Umm… Nem, sigurado ka ba rito? Wala na talagang artrasan ‘to? Final decision?”

There was a nervous smile on his face.

Napabuntong-hininga na lang siya. “Alam mo, Naythan… kung natatakot ka talaga, pwede ka namang magpaiwan. Balikan ka na lang namin mamaya.”

“S-Sinong takot? Ako? Ha! Don’t be silly, Nem… I-Ikaw talaga yung inaalala ko. Syempre bilang mabutinng kaibigan, ayoko namang p-pagsisihan mo ‘to lalo na kung bigla na lang tayong atakihin at patayin ng isang halimaw dito sa madilim at masukal na gubat. K-Kaya kung takot ka, umamin ka lang, Nem…please?”

“Nah. Danger is a part of the package. May nabasa ka na bang mystery novel na hindi nanganganib ang buhay ‘nong bida?”

“Hay! Ayan na naman tayo sa pagiging adik mo, eh. If we ever survive this, hindi na talaga kita reregaluhan ng libro sa Pasko!” He frowned, even though he was already looking pale.

She wanted laugh at how pathetic Naythan sounded as he tried to act brave. Napapitlag pa ito nang may narinig siyang nabaling mga sanga.

She really appreciates his support.

Naging prinsipyo na talaga ni Naythan sa buhay ang ‘wag makialam sa mga problema ng iba. Hangga’t maaari, ayaw talaga niyang nakikigulo. Kaya noong una, sinubukan pa siyang pagsabihan at pigilan nito. But of course, being the reckless mystery lover that she is, Nemesis made it clear that she’ll push through and follow Damien’s investigations.

Sa huli, wala nang nagawa si Naythan at sumunod na lang din sa kanya.

Yes, it was his decision to follow her here.

‘Sometimes, it’s nice to have someone who is willing to stick by your side no matter how crazy the situation gets,' she thought.

Nang huminto sa paglalakad si Mr. Malvar, agad silang nagtago sa likod ng isang puno, ilang metro ang layo mula rito. Mahinang napamura si Damien, nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanilang “target”.

“Damn! What the fuck is he doing?! Isang malaking katangahan ang ginagawa niya!”

Nemesis couldn’t agree more. Bakit naman ito biglang pupunta sa gitna ng gubat kung kailan pwede siyang atakihin ng halimaw na gustong pumatay sa kanya? It’s like he was offering himself as a sacrifice! It doesn’t make sense.

“Alam naman niyang nanganganib ang buhay niya, ‘di ba? Baka naman gusto na niyang magpakamatay? You know, I have a brilliant idea! Let’s not disturb the poor dude’s suicide. Hayaan na natin siya! Hehe. Can we go back now?” Naythan lamely attempted.

Sinamaan naman siya ng tingin nina Nemesis at Damien.

“Fine, fine! Sheesh.” Naythan sighed in defeat and acted like he was zipping his mouth shut.

Binalingan naman ni Nemesis ang bilyunaryo, “Shouldn’t we tell his daughter about this? Tawagan mo na lang. You have her number, right?”

Umirap naman si Damien sa suhestiyon. “Tsk! She gave me the wrong number. I already had my butler verify it yesterday. Mukhang ayaw akong pagkatiwalaan ng babaeng ‘yon.”

‘Kahit sino naman siguro hindi pagkakatiwalaan ang lalaking nag-abot sa’yo ng one thousand pesos imbes na tissue.’ Nemesis wanted to voice out but she decided against it.

Maya-maya pa, muling binalutan ng tensyon ang kagubatan nang umalingasaw ang amoy ng naaagnas na laman. Mr. Malvar became even more nervous when he heard the sound of shuffling, as if someone---or something—was making its way towards him. Napansin ni Nemesis ang pagbunot ng baril ni Damien mula sa kanyang bulsa. His eyes were narrowed as he focused his attention to the direction of the noise.

“Damn vampire. If I get another bruise out of this, I’m gonna shove a truck of garlic down its throat.”

“So, you think this creature is a vampire?” she asked out of curiosity.

Damien didn’t even glance at her. “Yeah. It drains blood, remember? Kaya nga pinakadena ko ang kabaong nung propesor kay Sorren. One vampire is a pain in the ass already, so I don’t want to deal with another one .”

But something still disturbs her. Napalunok sa kaba si Nemesis. Nararamdaman niya ang pamilyar na presensiya sa paligid. It was the same feeling she felt when she was being chased back to the campus. Alam naman niyang wala siyang karapatang  kwestiyunin ang mga desisyon ni Damien, lalo pa’t naki-“tag along” lang naman sila ni Naythan, pero bakit ba parang hindi pa rin siya mapalagay?

“Sigurado ka ba? I mean, wala pa namang nare-report na patayan sa labas ng gubat, ‘di ba? Then, this means Professor Malvar didn’t become a vampire…”

Natigilan si Damien sa kanyang sinabi. Para bang ngayon niya lang naisip ang bagay na ‘yon.

He was about to speak when Mr. Malvar’s heavy breathing called their attention.

Nemesis’ heart raced inside her chest. Nanindig ang kanyang balahibo sa tanawin. Sa di-kalayuan, naaninag nila ang paglabas ng isang nilalang sa mga anino. Lumakas ang amoy ng naaagnas na laman at kapansin-pansin ang kakaiba nitong hitsura. The creature looked like a human---no, he looked like a walking corpse! Maputla at nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kanyang biktima. A trail of blood still dripped down his chin. Nakasuot ito ng kupas na mga damit pamburol. Pero ang nakaagaw sa kanilang atensyon ay ang paraan nito ng paglalakad.

“Bakit parang…?”

She was quickly interrupted when the paranormal creature grinned like a devil and started shuffling faster towards Mr. Malvar. Sa takot ng kanilang target, wala na itong nagawa nang mabilis siyang nilundagan ng halimaw. Sa isang iglap halos baliin na nito ang kanyang mga braso, kasabay ng paglabas ng garalgal na tunog sa bibig nito.

“Shit!”

Damien quickly got up and rushed to his aid. Walang pagdadalawang-isip na sumunod sa kanya si Nemesis. Nang balingan niya ang kanyang bestfriend, Naythan laughed nervously. “A-Ah.. Alam mo biglang sumakit ‘yong tiyan ko. Tawag ng kalikasan. Hehe! Kaya niyo na---”

“NAYTHAN!”

“Opo, heto na po!”

They saw Mr. Malvar already struggling with the creature. Lalo silang naalarma nang bigla nitong binuksan ang kanyang bibig, akmang sasakmalin na sana ang susunod niyang biktima. Maya-maya pa, napanganga na lang si Nemesis nang makitang may kinuha rin itong isang baril sa kanyang bulsa. Pati si Damien ay natuod sa kanyang kinatatayuan.

“What the hell is he doing with a gun?!”

BANG!

The first bullet went straight into its skull. Nag-iwan ito ng butas sa noo ng bampira. Hinihingal na lumayo si Mr. Malvar. Nanginginig niyang tinitigan ang halimaw.

Mukhang lalo lang itong nagalit.

Walang epekto ang ginawa niya rito.

“Fuck this!”

Damien cursed under his breath and pulled him away before it could even grab him again. Mr. Malvar stumbled backwards, his eyes wide in shock. Just in time, nakarinig ng isang boses sina Nemesis mula sa itaas ng isang puno.

“AHA! The silver bullet didn’t work, eh? Well, let’s see if you’re still immune to this!”

Nang mag-angat sila ng tingin, nakita nila ang isang babaeng nakatayo sa sanga ng isang puno. Teka, hindi ba ito ‘yong babaeng kasama kanina ni Cristy sa bahay nila? ‘What the heck is she even doing here?’ Nemesis studied the girl. Her wild hair was pulled into a ponytail. Cat-shaped earrings dangled with her movements. Inayos muna nito ang kanyang salamin at hinalikan ang agimat sa kanyang leeg bago bumuwelo.

Gulat na pinanood ni Nemesis ang pagtalon nito pababa.

Nakakapit siya sa isang baging, at mala-Tarzan na bumulusok papunta sa direksyon ng halimaw. On the top of her lungs, the girl screamed.

“DIE YOU UGLY VAMPIRE! DIIIIIEEEEEE!”

Kasabay nito may kinuha siyang plastic bag at pinaulanan ng mga bawang ang bampira. After zooming past him, the girl jumped from the giant vine and landed in front of the creature.

Ngumisi siya at sunod namang kinuha ang isang…

Lata ng garlic-scented insecticide?

Beside her, Naythan looked like he was trying so hard not to laugh. “Geez. And here I thought you were the crazy one, Nem. That girl actually makes you look like a sane person!”

“Shut up, Naythan.”

Meanwhile, Damien literally face-palmed. “Bakit ba ang dami ninyong nakikialam sa trabaho ko?”

Pero nakatuon lang sa halimaw ang atensyon ng babae. Malakas siyang natawa at sinimulang i-spray sa bampira ang garlic-scented insecticide. Ilang sandali pa, napuno ng amoy ng bawang ang paligid. Paika-ikang humakbang papalayo ang halimaw. Ngumisi ang misteryosong babae at sunod namang sumigaw ng,

“NOW!”

Nemesis saw Cristy jump out of nowhere while holding a wooden stake.

Mabilis siyang tumakbo papalapit sa bampira at sinaksak ito sa dibdib. Kitang-kita pa nila ang pagtagos nito. May itim na dugong lumabas mula sa kanyang namumutlang balat. Matapos niya itong itarak sa puso ng halimaw, agad na lumayo si Cristy at sinamahan ang kaibigan.

Everyone waited.

Sandaling katahimikan ang namayani sa gubat habang kabado silang nakatingin sa nilalang na hindi na kumikilos.

The girl with the eyeglasses proudly smiled and turned to them, “Do not fear, my fellow humans! Tapos na ang laban. Tuluyan na nating natalo ang kampon ng kadiliman!"

Behind her, the monster inched towards them with razor-sharp teeth.

Shit!

Maliksi namang kumilos sina Nemesis at Naythan at hinila papalayo ang dalawa bago pa man sila masakmal ng bampira.

"RUN!" Damien shouted at them.

Agad silang tumakbo papalayo nang sinimulan na silang habulin ng bampira. Sa kanilang likuran, narinig ni Nemesis ang ingay mula sa baril ni Damien. He was trying to buy them enough time to escape. But from the looks of it, mukhang wala rin itong nagawa para pabagalin ang kilos ng halimaw.

The darkness and the silence only fueled their terrifying experience.

Nagmamadali silang tumakbo pabalik sa bahay ng mga Malvar, the vampire still chasing them as it awkwardly jumped and shuffled on its weight.

‘Bakit ba parang walang talab ang mga pangontra sa bampirang ito?’ Nemesis bit the inside of her cheek and tried to recall those lame vampire movies they used to watch on Netflix. Pero kahit anong gawin niya, wala pa rin siyang maisip na solusyon.

‘We need someone to help us… someone smart. Gosh! Pero sino naman ang mapaghihingian namin ng tulog? The police? Firefighters? Detectives? Sherlock Holmes?’

Okay, maybe not Sherlock Holmes.

Sa huli, nauna pang pumasok sa bahay nila si Naythan. Mr. Malvar and Cristy, albeit looking pale with fear, staggered their way inside. Sa kanyang likuran, naririnig niya ang pagsigaw ni Damien, “Lock the doors and windows! Walang lalabas! And please, for the love of humanity, do NOT do anything reckless!”

She can feel his death glare even when she had her back turned against him.

Hinihingal na tumango si Nemesis at sunod na sanang papasok sa loob nang matanaw niya ang isang pamilyar na binata.

Ilang metro ang layo sa kanila. Sa kabilang bahagi ng kalsada, kalmado itong naglalakad habang naka-earphones. May dala-dala pa itong grocery bags.

An imaginary lightbulb popped in her head.

It was worth the shot.

Kaya imbes na pumasok ng bahay, mabilis na tinalon ng dalaga ang kalapit na bakod at tumakbo papunta sa lalaki.

She heard Damien yelling at her from a distance. His frustration was evident.

“SILVERIO! WHERE THE HELL ARE YOU GOING?!”

But his words fell on deaf ears.

Tuloy-tuloy lang siyang tumakbo papalapit sa binatang ni hindi pa siya napapansin. When Nemesis finally reached him and tapped his shoulder to call his attention, bakas ang gulat at pagtataka sa mga mata ng binata nang makita siya nito.

“N-Nemesis?”

She quickly grabbed his arm, a serious look in her eyes.

“Caelum, we need your help.”

*

Naythan has been walking around in circles. Wala na siyang pakialam kung nahihilo na ang mga tao dahil sa kanya. He was worried sick!

“Ilang minuto na, wala pa rin si Nem! H-Hindi kaya inatake na siya ng bampira?! W-What if she became a vampire?!”

Namutla si Naythan sa kanyang iniisip. Mula sa sopa, huminga nang malalim ang babaeng nagpakilalang Rionach, at inayos ang kanyang salamin sa mata. She was still a bit shaken by what happened, pero mas nangingibabaw pa rin ang kanyang pagtataka.

“Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali… That vampire should be dead by now!”

“Well, it isn’t and my best friend is still out there, thinking she’s the protagonist of some stupid mystery novel!” Naythan was beginning to panic. Dapat talaga pinigilan na lang niyang pumunta rito si Nemesis. He knew this was a bad idea!

Umirap naman si Cristy, “Hindi naman kami humingi ng tulong sa inyo, so don’t you dare blame us if your friend dies out there! W-We had everything under control.” Sa kanyang tabi, mukha namang hindi pa rin makapagsalita ang kanyang ama. Nakatulala lang ito at nanginginig pa rin ang mga kamay.

Before Naythan could even respond, Damien interrupted, “Under control? Hah! Don’t make me laugh. Kung nagtiwala ka sana sa’kin noong una pa lang, hindi na sana aabot sa ganito. Tsk!” Inis na kinuha ng bilyunaryo ang kanyang iPhone at akmang tatawagan na sana ang kanyang butler nang biglang tumunog ang door bell.

Naythan’s eyes widened in horror.

Damn.

Hindi kaya nasa labas na ng bahay ang bampira?! Oh, shit.

They need to do something!

"DON'T LET IT IN! DON'T LET IT SEE!"

Haharangan na sana niya ng cabinet ang pinto nang pigilan naman siya ni Damien, “Idiot! Kailan pa nag-doorbell ang mga paranormal creatures bago sila umatake?!”

Eh? Well, that makes sense.

Anyway, when Damien opened the door, nakahinga nang maluwag si Naythan ang makita roon si Nemesis. Nang tuluyan na siyang pumasok, akmang yayakapin na niya sana ang dalaga nang mapansin ang kasama nito. Teka, sino ba ‘tong lalaking kasama ng kanyang bestfriend?

Napasimangot si Naythan.

“Naku, naku! Nem, hinahabol na nga tayo ng bampira, nakuha mo pang maghanap ng jowa---ARAY!”

At piningot pa talaga siya ni Nemesis! Ano bang mali sa sinabi niya?

Umirap naman ang dalaga. Soon, she addressed everyone in the room and introduced the shy boy standing next to her, “This is Caelum. Naikwento ko sa kanya ang sitwasyon natin.”

Agad namang tumalim ang mga mata ni Damien.

“Great! Just great. Dumagdag na naman ang makikigulo sa trabaho ko. Tsk! Next time, why don’t you just broadcast it to the whole world?”

Nemesis rolled her eyes at him. "And why don't you just shut up and listen, rich kid?"

But Caelum casted his eyes downwards and spoke, “I’m… actually here to help.”

“At ano namang maitutulong mo?” Rionach shook her head in dismay. “Tama naman ang ginagawa namin! Alam namin kung paano talunin ang isang bampira, but none of it worked! We tried everything…garlic, wooden stake, silver bullets---!”

“Umm… correction, silver bullets are actually for werewolves."

"H-Huh?"

"Yeah. Silver is an earthly element that symbolizes the ‘moon’. Katulad ng alam ninyo, werewolves usually transform during a full moon, even if it’s against their will. The moon has an effect on them. Using this logic, silver has the same power against werewolves. Dahil representasyon ng pilak ang buwan, pinaniniwalaang ito ang dahilan kung bakit kahinaan nila ang anumang bagay na may silver---like silver bullets. But just like what I said, silver bullets only work on werewolves… Walang talab ‘yan sa mga bampira,” Caelum said as a matter of fact. Maya-maya pa, huminga ito nang malalim at ipinaliwanag, “At hindi rin tatablan ng bawang o ng wooden stakes ang halimaw na tinatakasan ninyo dahil, unang-una sa lahat, hindi naman ito bampira. Well, not exactly that is.”

Damien rose an eyebrow, “What do you mean?”

“Yeah! Tsaka sinisipsip niya ‘yong dugo ng mga biktima niya, ‘di ba? Then it must be a vampire!” Naythan butted in.

Caelum glanced at the girl standing beside him. Nemesis just smiled at him to show her support. He blushed and quickly looked away to continue his little lecture, “Based from my own observations and the descriptions Nemesis told me, ang paranormal creature na kinakalaban ninyo ay isang amalanhig.”

“Amalanhig? Never heard of that,” Rionach admitted.

“That’s not surprising. Ang ‘amalanhig’ o ‘maranhig’ ay isang nilalang mula sa Visayan mythology, usually among the Hiligaynon group. Ang mga amalanhig ay mga aswang na nabigong ipasa ang kanilang kapangyarihan kaya bumangon sila sa kanilang mga hukay para makapaghiganti. Para silang mga naglalakad na mga bangkay---”

“Zombies!” Naythan chimed like a kid.

Caelum nodded, “Yup. Parang ganoon. We can actually distinguish them by their stiff bodies. They may look like humans, but since they came back from the dead, hindi na nila naigagalaw ang ilang parte ng kanilang katawan---katulad ng mga tuhod at siko---at hindi na rin sila nakakayuko. Their rigid bodies causes them to have difficulties in walking. Kaya kung mapapansin ninyo, paika-ika o patalon-talon silang kumilos at umatake.”

“Oh! Kaya pala...” Rionach mumbled to herself, even tough it was loud enough for everything to hear.

“They may seem like ‘zombies’, but their behavior is similar to a vampire’s. Mga aswang pa rin sila kung tutuusin. Pinapatay nila ang kanilang biktima sa pamamagitan ng pagkagat sa kanilang leeg at pagsipsip sa kanilang dugo’t laman-loob gamit ang mahahaba nilang mga dila. Ito siguro ang dahilan kung bakit akala ninyo isa itong bampira. It’s understandable, though. Some paranormal researchers even call these ‘amalanhigs’ as the native equivalent of a vampire in the Philippine myths. Pero syempre, ibang klaseng nilalang pa rin ang mga amalanhig kaya ibang paraan ang ginagamit para patayin sila.”

Everyone fell silent.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Damien ang pag-iwas ng tingin ng mag-ama. Mukhang marami pa nga silang itinatago sa kanila. He'll deal with that later.

Nonetheless, the billionaire sighed and turned to Caelum, “And do have any idea on how to kill it?”

Caelum smiled, “Fortunately, I memorized the entire book about this.”

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top