Capitulum 005
This chapter is dedicated to @Reigh Inchiostro.
----
When Damien Alcott said they were going to continue the conversation in a "secluded" place, hindi naman nila inaasahang dadalhin sila nito sa kanyang limousine.
'Well, this is ridiculously convenient.' Nemesis thought and tried to make herself comfortable on the expensive seat.
Sa kanyang tabi mukhang hindi naman nahirapang mag-adjust si Naythan sa lugar. Kumportable pa nga itong nakasandal habang nakapatong ang mga paa sa maliit na glass table na mukhang lagayan ng champagne at mga prutas. Oo, tinanggal pa talaga niya ang sapatos niya, revealing his Minecraft printed socks.
"So, ang sinasabi mo..." Kumagat ulit sa mansanas ang binata, bumaling sa babaeng kanina pa nila ini-interview, at saka nagpatuloy, "Kapatid ng tito mo si Professor Malvar. Bale tito mo rin si Professor Malvar na kapatid ng tito mo na kapatid rin ng tatay mo na kapatid ng namatay mong tito?"
Nemesis sighed. Parang pinagsisisihan na niyang isinama niya rito si Naythan.
Meanwhile, Damien glared at Naythan's feet. Parang gusto na rin nitong tawagin ang kanyang body guards at ipakaladkad palabas ng limo si Naythan.
"Oo. Pero matagal na silang hindi nag-uusap-usap. Hindi ko matandaan kung ano ang pinag-awayan nila noon, pero mula nang maging propesor ng ECU si Uncle Kenneth, hindi na niya kinausap ang mga kuya niya..." Cristy finished, her fingers still trembling in fear. Nemesis can't blame her. Kahit sino naman sigurong mamatayan ng kamag-anak, hindi kayang magkwento nang hindi ginugulo ng mga imahe ng pagkamatay nito.
'This means Professor Kenneth Malvar is the youngest among them. Pero bakit naman siya papatayin?'
Base sa pagkakakilala ni Nemesis sa kanilang propesor, wala itong nagiging kaaway. In fact, isa nga siya sa mga paboritong propesor ng mga estudyante sa ECU! Partly because he wasn't strict with requirement deadlines, of course. Wala rin siyang nakikitang posibleng rason para magkaroon siya ng astraso sa mga lamang-lupa o maligno.
'Ugh. I can't believe I'm even considering the paranormal!'
Pero minsan talaga, kailangan mong maghanap ng ibang anggulo para mabigyan ng sagot ang isang misteryo.
Finally, Damien took out his phone, tapped on the screen, and presented it to Cristy. Magsasalita na sana ang binata nang bigla namang nag-react si Naythan.
"Hoy! Kanina pera, ngayon naman binibigyan mo na siya ng iPhone?! Aba! Aba! Sabi ko na nga ba may mali sa'yo... ISA KANG SUGAR DADDY! Porma pa lang, halata na!"
Damien glared at him. "What the fuck are you talking about?! Kukunin ko lang ang contact number niya!"
"Ay. Hehe! Akala ko naman kung ano... sure kang hindi ka sugar daddy? Reto ko sana si Nem para may porsyento a---ARAY!"
Napahimas na lang sa kanyang ulo si Naythan matapos siyang sapukin ng kanyang katabi. He started mumbling like a kid who had just been scolded by his mother. Huminga nang malalim si Nemesis before she apologetically turned to the other occupants of the limo, "Don't mind him. Minsan hindi ko rin alam kung paano ko siya naging kaibigan."
Nagkibit naman ng balikat si Damien at muling bumaling kay Cristy, "I need to get your contact number. Given the situation, nasa panganib ang pamilya ninyo."
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"For some reason, this creature knows who to kill. It's an obvious pattern. Ang tatay mo na ang susunod na biktima."
Napasinghap sa gulat si Cristy, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "B-Bakit naman? Walang ginagawang masama si papa!"
"That's what they always say moments before something dramatic happens," Damien nonchalantly responded. "Ngayon, kung ayaw mong tulungan kita, I'll just sponsor the funeral."
Sa huli, wala nang nagawa ang dalaga kung hindi yumuko at i-type ang kanyang numero.
While she was doing this, tahimik na pinagmasdan ni Nemesis ang "transferee". Hindi nakaligtas sa pandinig niya kanina ang kawalan ng emosyon sa boses nito. For some odd reason, Damien's composure didn't even waver. He acted professional and spoke as if this was something he deals with on a regular basis.
'Sino ba talaga ang lalaking ito?'
Nemesis decided she'll do her own investigation on him.
Two can play at that game.
Nang matapos ibigay ni Cristy ang kanyang mobile number, tumango si Damien at binilinan ito, "I'll send you a text later. Save my number. Kapag may napansin kang kakaiba, call me right away."
"O-Of course."
Kasabay nito, binuksan ng isang body guard ang pinto ng limousine. Hudyat na tapos na ang kanilang pag-uusap. Nang tuluyan nang makaalis si Cristy, agad namang tinanong ni Nemesis ang kanina pa gumugulo sa kanyang isip. Her eyes narrowed at Damien who just leisurely drank a glass of red wine. Kung saan naman niya ito kinuha, wala na siyang balak pang alamin.
They have far more important matters to deal with.
"Sino ka ba?"
Damien sarcastically replied, "Damien Alcott. Hindi ka ba nakinig kanina sa klase?"
Mahinang natawa si Naythan, pero agad rin nitong itinikom ang kanyang bibig nang sinamaan siya ng tingin ni Nemesis.
"Sarcasm won't work on me, rich kid. Ngayon kung ayaw mong sagutin ang tanong na 'yon, then fine. Wala akong ganang pilitin ka. But can you, at least, tell me why you stalked me here?"
With that, the transferee paused and opened a compartment beside him. Kinuha nito ang kanyang cheque book at isang Montblanc fountain pen bago muling ibalik ni Damien ang atensyon sa kanya.
"Since we have a crucial situation at hand, I'll just cut to the chase," he started. "Hindi mo ako dapat nakita kahapon. Frankly, you shouldn't even be inside my limo. I prefer to work in secrecy, kaya isang malaking issue sa akin ang may aksidenteng makadiskubre ng mga ginagawa ko."
Mukhang alam na ni Nemesis kung saan ang hantong ng usapang ito.
"Kaya babayaran mo akong manahimik?"
Damien slow clapped. Isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi.
"Exactly. How much?"
"You must be kidding me..."
"Gusto mo ba in cash na lang?"
Naikuyom ng dalaga ang kanyang mga kamao. Para bang nagpantig ang kanyang mga tainga sa sinabi nito. Mukhang nararamdaman na rin ni Naythan ang pagkulo ng kanyang dugo, kaya agad siya nitong binulungan, "N-Nem... easy ka lang. Wag kang---"
"YOU MONEY SHITTING BASTARD!"
Naythan sighed. Well, he was already expecting this reaction from her. Nemesis might be a little too reckless and adventurous, pero hindi siya madaling magalit. Pwera na lang kung pakiramdam niya "tinatapakan" ng iba ang kanyang pagkatao. Even when they were kids, she always hated people underestimating her worth.
Anyway...
"KUNG INAAKALA MONG MADADAAN MO AKO SA PERA, THEN YOU MUST IN DESPERATE NEED OF A PSYCHIATRIST!"
Nemesis didn't even bother lowering her voice. Sa labas ng sasakyan, napapitlag ang mga body guard sa pagsigaw nito. Samantala, kalmado namang napabuntong-hininga si Damien at itinabi ang kanyang cheque book.
"Suit yourself. Just don't get in my way."
He raised the wineglass to his lips, signaling the end of their conversation...
Maya-maya pa, namalayan na lang nina Nemesis at Naythan na humaharurot na papalayo sa kanila ang itim na limo. Nang tuluyan nang mawala sa kanilang paningin ang magarbong sasakyan, bumaling si Naythan sa kanya. He cleared his throat, testing the waters. Delikado na at baka sa kanya pa mabaling ang galit nito.
"Err... Sa tingin mo ba babalik pa si Damien dito sa ECU?"
"Bakit, na-miss mo agad? Tsk."
"Nah! Mukhang magiging busy na siya, eh. It's too bad we only got to know him for a short time, though. He seems like a generous person!"
"Sinasabi mo lang 'yan dahil alam mong mauutangan mo agad siya kapag nagipit ka ulit." Nemesis countered.
"Maybe. HAHAHAHA!"
Napailing na lang si Nemesis. Pero totoo nga ang sinabi ng kanyang kaibigan. Mukhang malabo na ngang bumalik dito si Damien. Now that she made it clear that no amount of money will buy her freedom of expression, wala na itong rason para ipagpatuloy ang pagpapanggap bilang isang transferee sa ECU.
At ayaw nang isipin ni Nemesis ang mga posible nitong gawin para lang siguraduhing hindi siya magsusumbong sa mga pulis. A man with a tremendous amount of wealth is just as dangerous as a man with a gun.
'A man with a tremendous amount of wealth, huh?'
Of course! Bakit ba ngayon niya lang ito naisip?
Napangisi na lang si Nemesis sabay baling sa kanyang bestfriend. "May klase ka ba ngayon?"
"Umm... wala yata? Alam mo namang 'di ko pa rin kabisado sched ko, eh. Hahaha! Bakit?"
She shrugged and started walking towards the nearest café.
"We have our own mystery to solve."
*
Cristy slumped down on her seat.
Napapitlag pa ang katabi niyang abala sa pagpipinta ng kanyang mga kuko gamit ang correction fluid. Kamuntikan pang natapon ang maliit na bote kung hindi niya lang ito agad nasalo.
"Oh! Muntik na 'yon."
"S-Sorry, Rio."
"It's fine~!" She sang. "Hey, I have a question... Kung papaliguan kaya natin ng correction fluid ang isang tao, maitatama na kaya niya ang mga pagkakamali niya sa buhay?" Rionach enthusiastically asked and adjusted her thick rimmed eyeglasses before turning to her expectantly.
Agad naman niyang napansing mukhang wala sa mood makipag-usap ni Cristy. Para bang may malalim itong iniisip.
Rionach frowned and poked her arm, "Hey, Cristy! Why the long face? Well, figuratively, of course, dahil hindi naman talaga mahaba ang mukha mo..."
Napabalik naman sa kasalukuyan ang dalaga.
"I-I'm fine, Rio. Medyo stressed lang sa scores ko sa quizzes natin."
Pinilit niyang ngumiti at ibinaling na lang ang atensyon sa pagkuha ng notepad. Katulad ng nakasanayan, Cristy would probably be taking notes of their lecture again. Pero hindi katulad ng dati, para bang distracted ito.
Hindi ito nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Rionach.
"Friend, alam naman nating pareho na nagsisinungaling ka lang," Rionach spoke and adjusted her eyeglasses. Sumusunod sa bawat galaw niya ang mga hikaw niyang hugis pusa. "Oh! At nararamdaman ko ring may gusto kang sabihin sa'kin, tama ba? What is it?" She asked too eagerly.
Napahinto si Cristy at gulat na lumingon sa kanyang kaklase.
"Paano mo...?"
"Secret!"
Minsan talaga hindi niya alam kung paano nalalaman ni Rio ang mga bagay na hindi naman dapat malaman ng ordinaryong tao. That's the weirdest thing about this girl---well, that and her other quirky habits. Pero sa kabila nito, alam rin ni Cristy na isang maaasahang kaibigan si Rio.
At siya lang ang makakatulong sa problemang dinadala niya ngayon.
Kaya bago pa man makapagdalawang-isip si Cristy, agad na niyang inamin ang totoo.
"Nasa panganib ang pamilya namin."
Upon hearing those words, agad na nagbago ang ekpresyon ni Rionach. Sumeryoso ang kanyang mukha. Base sa pag-init ng mutya ng bulalakaw sa kanyang leeg, at ang pagtindig ng kanyang balahibo sa batok, alam na niyang hindi pang-karaniwan ang panganib na ito.
'May paranormal activities na naman sa Eastwood? This should be exciting,' Rionach thought before speaking, "Details! Kailangan mong ikwento sa'kin ang mga detalye, Cristy. Hindi kita matutulungan kung wala akong ideya kung anong nilalang ang nanggagambala sa inyo."
So, Cristy willingly told her everything she knows.
Things that she didn't even tell Damien.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top