EOPH2 Chapter 9: Guild Clash! (TOURNAMENT)

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

"Zeke's POV"

        Isang linggo ang nagdaan mula nung huli akong nag online. Busy na kasi sa mga school activities at syempre sa graduation namin. Magarbo ang naging graduation namin na pinondohan talaga ng school. Dumalo din ang mga mahahalagang tao sa bansa pati na ang tumatayong Prime Minister ng bansa at mga iba pang may matataas na tungkuling politikal.

.

Most important is ang mga parents namin ay nandoon. Bihira ko na lang kasi silang makasama dahil nga nakabukod ako sa kanila. I have a younger brother named Levi. Four years older ako sa kanya, and guess what? Dito din siya mag-aaral sa susunod na pasukan bilang first year student.

.

They stayed at my place for a day after my graduation at umalis din kaagad. Hindi kasi pwedeng iwan ni Dad ang trabaho niya sa District 1. Isa siya sa humahawak sa isang minahan ng Zeus Stone doon. Nagpaiwan na si Levi dito sa unit ko dahil dito narin siya mamamalagi sa Central City.

.

"Kuya, diba naglalaro ko ng EOPH?" bigla nitong pagpukaw sa atensyon ko.

.

"Oo, bakit?"

"Wala naman." sagot niya.

.

"Gusto mo bang maglaro dun?" tanong ko.

.

"Actually balak kong ipaconvert ang account ko."

.

"Talaga, that's good bro! Magkakasama tayo sa isang laro. Masaya yun!" nakangiti kong sabi.

.

"Sabi ni kuya Kaito legend ka na raw dun sa game!" mas close sila ni Kaito dahil sa isip bata yung pinsan naming iyon. hahaha...

.

"Sobra naman yun. Wag kang magpapaniwala dun sa pinsan natin.. Any way just let me know kung napa-convert na ang account mo. I'll personaly be your game guide..." sabi ko.

.

We talked for about an hour or more. Nasabi ko sa kanya na may asawa ako sa game at guild leader ako ng isang guild. I also told him about job offer ng isang companya sa akin... I'm planing to take the offer dahil malaki ang sahod at gusto ko ang magiging trabaho ko dun. Secret muna for now!

.

"O pa'no, maya na lang ulit bro! Log in muna ako." nagpaalam muna ako sa kapatid ko bago tuluyang mag log in.

In Game »»»

"Zaphro's POV"

        Nang makarating ako sa loob ng game ay nakita kong mukhang may pinagkakaguluhan ang mga players sa town center. And due to curiousity ay naki-osyoso narin ako...

.

"Hey, anong meron?" kinalabit ko ang isang male player na nasa malapit.

.

"Ay, ikaw pala Master Z!" ngumiti ito at hinarap ako. Wag na kayong magtaka sa tawag niya sa akin. Yun na kasi ang nakaugalian nilang itawag sa akin dito sa village.

.

"Magkakaroon ng Tournament two weeks from now!" medyo di na ako nagulat sa sinabi nito.

.

"Talaga?" sabi ko.

"Oo, tignan mo." sagot nito sabay turo sa isang malaking announcement screen na nakapwesto sa gitna ng town. Binasa ko ang mga nakasaad dito.

.

The game will start by the third friday of the month at magiging by district ang labanan. By guild nga ang magiging laban, and since ako ang Guild Master ay ang Central City ang ire-represent ng aming guild.

.

Preliminary Battle: It will be per distric. All of the Sectors/Area will be assigned an arena in a village.

Frontier- Ronova Sector
Etherion- Nexus Sector
Village of Light- Sierra Sector

.

All guilds registered to each sector will battle each other and only 5 guilds will advance to the next round.

Sierra  only have 10 districts and the main city. So it means may 11 guilds ang maglalaban-laban. But kung may guilds na registered sa parehong district well they have to fight for it. The victorious guild will become the district representative. Districts 1-10 and central city will battle each other using random matches or elimination rounds.

.

Yun din ang mangyayari sa ibang sectors hanggang sa makapili ng limang representatives ang bawat sectors. 15 guilds will battle each other and only one guild will be declared as winner! At mananalo ng malaking halaga... 50 Million pesos will be the price money that is 50 Billion Game golds to be exact. And a first class guild house sa loob ng game.

.

Grabe nakakakaba naman to. Ang laki ng pot money sa guild na mananalo. I'm sure hindi magiging biro ang labanan...

.

"Sasali ba ang guild mo Master Z?" tanong nito sa akin..

"Of course, magiging masaya kaya yun! Excited nga ako eh... Sasali rin ang alliance guild namin na Emperial Armada." sagot ko.

.

"Talaga po? Naku tiyak kayo na mananalo nyan." paniniyak pa niya.

.

"Naku hindi yun tiyak. Marami nang malalakas na players ang nagsisulputan this past week. Mga converted players karamihan dun."

.

"Sa bagay... pero basta para sa akin kayo ang malakas... Manonood lang ako dahil mukhang mas masaya yun!" sabi pa ulit nito.

.

      Hindi na ako nagtagal pa at nagpaalam narin dahil magkikita pa kami ng mga miyembro ko. We still have some things to talk about..

Sa Hyonos Temple ang napagkasunduan naming area upang magkita-kita. Matatagpuan ito sa gitna ng Death Woods. Dito ko rin nakatagpo ang mga GMs before. Isa itong mini-arena na ewan ko kung bakit nandoon nakatayo....

.

.

2 pm ng makarating ang lahat ng mga guild members ng MaXimUs. At pati narin ng Empirial Armada na guild ni Great_kai.

.

Nag-umpisa kaagad kaming magplano ng mga hakbang na gagawin para sa nalalapit na Guild Clash Tournament. Ginugol namin ang oras na magplano dahil hindi magiging madali ang mga mangyayari sa laban......

.

End of Chapter......

Eto pa isang pahabol na chapter....
Excited na ba kayo sa Guild Clash?

Sinu-sino ang mga makakalabang guild nila Zaphro?

.

At nga pala yung ibang mga binigay nyong characters.... lalabas yun lahat sa mga future chapters so better watch out guys!....

.

Enjoy the rest of the day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top