EOPH2 Chapter 35: Punishments

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

AN: As promise heto na po ang update ko...

Featured Stories:

Madrigal World Online
By: Mercykilling_213

Trinity World Online
By: RinOkumura34

King of Swords Online
By: MharlonPena

Do read their stories too!

***************

Flashback....

"Dan's POV"

Umalis sina Zaphro at yung isa pang dark angel type palayo habang naiwan sa amin ang ibang mga nagkakarabulang players. Iniwanan din namin sina ar0012 at Erenir na kaharap ang isa sa mga hero successor na si Astarte_toki. Kakaiba ang armor nito, kulay puti with sky blue. May marka din ng pakpak ang chest armor niya at ang mga pakpak nito ay sobrang laki at puti. Bulky at nasa tatlong pares ito. Hybrid din ang weapon niya, tingin ko rito ay swordbow. At nakakainis lang kasi kating-kati na akong lumaban sa mga successors! Sana lang ay totoong may iba pa gaya ng sabi ni Accel.

.

"How about Verillion and Aryus?" pagtatanong ni Shion.

"Ako nang bahala sa kanila. Kayo na jan sa iba." nagsalita si Accel. "Tara, kuya resbak tayo dun kina kuya Verillion."

"Sige ba!" sagot ni Xavier. "O pa'no dito muna kami guys!" paalam nito sa iba bago tumulak papunta kina Aryus.

Kami naman ay nagtuloy na sa main island kung saan may mga sumasalubong sa aming mga skills mula sa mga mage type players at archers. Pero dahil nasa bandang unahan sina GM Kaizen at Sander ay hindi kami tinatamaan ng mga ito. Hinahawi kasi ni Sander ng kanyang Mystic Manipulation ang mga parating na skills kaya lumilihis ang mga ito. Erik and Kai are casting counter attack to them. Nagbabagsak ba naman mg meteor si Kai ng paisa-isa habang si Erik ay nagpapakawala ng water dragons that has slowing effect.

.

Nang mapalapit kami ay nakita ko kaagad ang ilan sa mga successors. Tatlo kaagad ang nahagip ng aking paningin. Jackpot! May mukhang black dragon at ang dalawa ay mukhang heroes. This is it mga dre! Masusubukan ko na ang lakas ko!

Binilisan ko pa ang lipad kaya nagawa kong unahan sina GM Kaizen at Sander. Pinagliyab ko kaagad ang buo kong katawan ng aking flame aura.

"Dark Impact!" after saying the trigger word ay nadoble ang speed ko kaya walang preno akong bumulusok sa kinaroroonan nilang tatlo. At dahil sa isa itong skill ay lumikha ako ng isang malawakang pagsabog pagkatama ko sa lupa. Nagiba ang lupang kinatatayuan ng mahigit dalawampung players kasabay ng isang nakakasunog na fire waves.

.

"Burning Tail of the Dark Flame Dragon!" agad kong narinig ang beast successor na nagpakawala ng skill..

Hinagupit ako ng dambuhala nitong buntot na nagliliyab ng itim na apoy. Ang IGN niya ay Son_of_Lucifer at mukhang siya rin ang GL ng Dark guild na Metalophobia. Hindi na ako nakailag pa sa atakeng iyon at natamaan ako. Naglabas lang ako ng flame wall at guardian barrier para protektahan ang aking sarili. Pero lintik lang! Malakas din talaga ang skill na yon kaya tumilapon ako ng mga 100 meters. 30k kaagad ang HP damage na naibawas sa akin o nasa 30%.

"Blade Eruption!” gumanti ako ng atake kasabay ng pagbaon ko ng talim ng aking espada sa lupa. Basic skill ko ito pero sa tulong ng aking hero status ay upgraded na ito. Hindi lang mga simpleng blades ang umangat mula sa lupa. Nagliliyab narin ito ng dark purple flames ant it's multi-directional.

Mabilis na umilag yung tatlo sa pamamagitan ng pag-angat sa ere using flight. Ganon din ang ginawa ng mga kasapi nila, hindi nga lang kasing bilis. Timamaan ko yung ibang mababagal kaya napahandusay ang mga ito sa lupa.

.

"Slayer Fatal Stab!" nagulat pa ako ng makita si Lance na sumalakay din sa akin. Pangalawang beses pa lang namin itong pagkikita. Noong una ay sa frontier pa, pero kakampi siya nun. Iba naman to ngayon, isa itong digmaan at kami ang magkaaway!

.

Halos hyper dash ang ginawa niya kaya napaatras ako gamit ng evade skill ko. Nang tumapak na siya sa lupa ay nagpaekis-ekis ang galaw niya at biglang nawala sa harapan ko. Namalayan ko nalang na nasa likod ko na siya and he's very ready to stab me. Wala na akong maisip na galaw nun para makailag mga dre kaya hinarap ko siya pakaliwa sabay tabig ng talim ng kanyang espada gamit ng kaliwang palad ko.

"Ughhh!..." tinamaan ako ng skill sa tagiliran pero daplis lang. Kaya isang hagupit ng espada ko ang aking ginawa. Pinuntirya ko ang kanyang dibdib kaso naiharang niya ang isa pa niyang espada.

Mabilis kong hinablot ang kanang kamay nito upang pigilan ang muling pagbibitaw ng atake sabay labas ng isang fire skill.

"Dark Burning!" pinagliyab ko ng malakas ang aking flaming aura para matupok siya nito ng malapitan. At dahil sa hawak ko siya ay hindi ito nakapalag.

.

"Aqua Blade Dual Slash!" dinig kong sigaw ng vice leader ni Lance na si Eurpodioux. Hindi ko makita kung kanino niya ito ipapatama dahil sa balot pa kami ng apoy ni Lance. I lost almost half of my HP while Lance still got 75% HP.

"Lotus Barrier!" narinig ko ang boses ni Ayana. Malamang hinarang nito ang skill ni Eurpodioux.

"Libra, ngayon na!" utos nito sa summon niya.

"Focal Point!" kasabay ng skill na iyon ni Libra ay nasipa ako ni Lance sa dibdib kaya naipaglayo niya kaming dalawa.

.

Nagwala naman ang kapaligiran dahil sa skill ng summon ni Ayana. Nahigop ang ilan sa mga kaaway sa itaas pati narin si Eurpodioux at iniipit ng mga rock debries at lupa.

"Comet Drop!" sigaw ni Great_Kai sabay bato ng skill niya. Isang massive magic circle ang gumuhit sa itaas ng mga kalaban. Lumabas mula dito ang malaking tipak ng space rock at tila babagsakan ang mga ito.

.

"Keep your distance on that skill!" utos ni GM Kaizen sa amin nila Ayana, Shion at Jin. Malapit kasi kami sa AOE nito. Nagmadali naman kami, medyo bumagal ako dahil sa natamo kong pinsala kaya hinatak ako palayo ni Shion while Ayana and Jin stayed in front to block any incoming attack.

.

Tuluyang bumagsak sa lupa ang skill kaya nagkaroon ng isa na namang pagsabog. Sobrang lakas dahil nawasak nito ang halos 1/4 ng isla. Ultimate pala iyon ni Kai kaya hindi basta-basta ang naging resultang pinsala.

.

"Eat that f*ckers!" sigaw pa niya.

.

The skill's effect was massive pero hindi sapat para ma-pk ang tatlong mga successors. They still manage to survive, iba rin talaga ang mga to. May maibabatbat talaga ang mga status nila. Sila Sander at Kaizen naman ay tila pinababayaan lang kaming harapin ang tatlo. Hindi sila gumawa ng anumang hakbang. That is also good for us para masukat ang aming mga lakas.

.

"Anim na lang ang natitira. Lahat puro successors." sabi ni Erik sa amin.

Halos tatlong oras narin kaming naglalaban dito sa area na ito. At mukhang may hindi magandang mangyayari. Iba ang nararamdaman ko ngayon. Masamang kutob, at sa tingin ko ay pansin narin ito ng mga GM.

"Stay put muna kayo. Something is happening!" malakas na pagkakasabi ni Kaizen.

Ilang saglit lang nito ay kumulimlim ang kalangitan at tila namumuo ang isang bagyo o sama ng panahon. Isa-isa narin na dumating ang iba sa mga GMs. Aero, Rowan, and Akil. Lahat ay puro nakagayak pandigma. Full armors and aura.

.

"Are we just on time?" tanong ni Aero kina Kaizen.

"You're late! Kanina pa dapat natin na-neutralize ang buong map na ito." sagot ni GM Kaizen.

"May problema din kasi sa HQ kaya natagalan kami. This area is now very unstable, nagmalfunction ang mga nilagay na AI data and monsters dito pero may umaasikaso na dun. The big issue here are the none-data creatures. I'm talking about the original settlers of these islands.!" salaysay ni Aero.

"Goddamn it! Bakit ganito na kalala ang nangyayari? Ano na bang sabi ng mga game creators regarding the problem?" si GM Kaizen.

"Ilang araw na silang hindi nagrerespond sa atin. Hindi maganda ang kutob ko." si GM Akil ang sumagot sa kanya..


"Narration...."

Habang abala sa pag-uusap ang mga GM ay mas lalong lumala ang mga pangyayari. Nagsilabasan ang mga kakaibang uri ng monsters. Distorted ang mga anyo nito at medyo transparent. O sa madaling salita, mga spirit type creatures... Unknown ang makikita sa itaas ng mga ulo nito at walang level. Hindi sila kalakihan, mga humanoid size lang ang mga ito at nagtitipon-tipon sila sa itaas ng kalangitan. Galing sila sa ibaba, sa isla at maging sa ilalim ng karagatan. Umaabot na yata sa libo ang kanilang dami kaya halos mangitim na ang kalangitan. Natigil ang lahat ng mga paglalaban sa pagitan ng mga guild vs GMs team. Nabaling ang kanilang atensiyon sa nagaganap sa himpapawid.

.

"Ano ba ang mga yan GM Kaizen?" nagtanong si Leanne.

.

"Hindi ko rin alam Leanne. Ang alam ko lang, hindi ito parte ng laro. Wala ito sa game system." sagot ni Kaizen.

Ito lang ang sinagot ni Kaizen sa kanya pero may iba pang naiisip ang GM na maaaring dahilan nito. Iyon ay ang idea na 'May sumasabotahe ng laro'. Matagal ng nagpapaimbestiga si GM Kaizen at Aero at nalaman nila ang existance ng mga green towers all around the first and second map. Ang mga towers ay nakatayo sa mga liblib na parte ng mga maps and almost undetectable ng mga sensors. Ilan lang sa mga players ang nakapagreport nito sa kanila. They kept it secret to the other GM's dahil malaki ang posibilidad na inside job ang paglitaw ng mga kakaibang tore sa laro. Ito rin marahil ang dahilan ng pagiging unstable ng mga dimensions, paglabas ng mga new monsters and cause of anomaly.

.

"Look, they're somehow merging!" pukaw ni GM Akil sa kanila.

"Everybody, stay behind us! And I mean all!" sabi ni Kaizen sa lahat. That includes the six enemy successors na kalaban nila kanina.

"Masama ang nararamdaman ko sa mga ito GM. Pure negative energy ang ini-emit nila at palakas ito ng palakas." wika ni Zaphro ng dumating ito kasama ni Gwydox.

.

"They are the unknown spirits that resides deep within this new area. Nabulabog sila ng matinding negative energy ng naganap na labanan kanina. They feed on it, it makes them more powerful. And to their numbers ay tiyak na isang malakas na halimaw ang isisilang." paliwanag ni Gwydox.

"How did you know that information?" tanong ni GM Rowan sa animus ni Zaphro.

"I have the ability to tap into the maps data structure and connect to it. Doon ko nakalap ang mga sinabi ko kanina sa inyo. Parte sila ng mundong ito and not to Enigma PH system. The unknowns are the most dark and dangerous life forms here. They give birth or create dark and unstopable terror monsters." sagot naman ni Gwydox.

"Talaga? Then in that case you might be as well an anomaly. Wala din sa mga anima na gaya mo na may ganyang skill ang nilikha namin dito sa game." nagsalita naman si Sander.

.

"It's posible. But I have no intention to do bad. I'm on your side." sabi ni Gwydox sabay upo sa kanang balikat ng kanyang master.

.

"Enough with this conversation. Lumayo na muna tayo dito dahil dumadami na sila." sabi ni Zaphro.

Dumistansiya nga silang lahat kasama nila Lance, Eurpodioux, Son_of_Lucifer, DarkZero, DeathXKairin at Astarte_toki. Kitang-kita nila ang unti-unting pagkabuo ng isang higanteng pigura sa himpapawid. Hugis tao ito na may mapupulang mga mata. Hindi pa perpekto ang anyo nito at kalahati pa ang nabubuo ng mga unknown spirits sa katawan ng halimaw. Pero ramdam na nila ang lakas nito.

.

"All GM's attack on my command! Ibuhos niyo ang lahat to destroy this dark creature. Zaphro and Accel standby for support attack. Yung mga may barrier skills prepare too! Mapapalaban tayo!" sabi ni GM Kaizen sa kanilang lahat.

.

"I-set aside na muna natin ang issue regarding the guild riot, we have a much larger issue to take care to. This is for the sake of the game! And for survival!" dagdag na mga salita ni GM Kaizen.

Lumipad patungo sa harap nilang lahat si Kaizen. Nakaharap ito sa direksiyon ng halimaw at naka fighting stance na.

Lumingon ito sa kanila at inusal ang mga salitang:

"FOR ENIGMA!" kasabay ng paglakas ng aura nito sa katawan.

"FOR ENIGMA!" sabay ring sigaw ng iba pang GM's bago sila tumulak patungo sa higanteng kaaway!.

.

End of Chapter...

AN: five chapters to go! Kaya pa ba?

Natagalan ang update ko kasi nagka aberya ang WP account ko eh.. Then may mga nang-aaway sa akin sa fb na mga bashers.. Inasikaso ko muna yun.

Next time na ako babawi ng dalawang chapter ha..
Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top