Chapter 6 (Black Shadow and Blue Lightning)
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
Narration:
Nabigla ang magkaibigan sa biglaang paglitaw ng Epic Boss sa malaking lawa. Isang dambuhalang alon ang marahas na nagpatumba ng mga punong kahoy sa paligid ng lawa. Mabuti na lamang at nakalayo agad sila Zaphro at Slicer. Isang Serena ang boss na lumanas doble ang laki nito sa tao. Ang Mermedion ay isang long range type na boss. Mayhawak itong bow na yari sa ginto. Isa itong maganda at maamong babae. Mahaba ang buhok at maganda ang hubog ng katawan. Puno nga lang ito ng kaliskis. Teritorial ito at oras na himakbang ka sa teritoryo nito ay susugurin ka.
"Buti nakalayo agad tayo." sabi ni Slicer.
"Oo nga, tiyak basa tayo." tugon naman ni Zaphro.
"Yun lang ang ikinabahala mo? Eh kung tinira tayo nun?" sagot ni Slicer.
"Eh di labanan natin. Simple lang diba?" nakangiting sagot ni Zaphro.
"Baliw ka ba? Boss category yan, di natin kaya yan!" paliwanag nito.
"Bakit nasubukan naba natin? Hindi pa naman diba?" Tanong ni Zaphro.
"Diba gusto mong magpalevel? Eto na yun." paliwanag ni Zaphro sa kaibigan.
"Pero subok lang ah, kapag di natin kaya takbuhan nalang natin." pagsang-ayon nito sa kanya.
"Pero teka...? sinong tatangke? Defensive type ang secondary sub-class ko pero baka di ako tumagal jan." dagdag ni Slicer.
"Susubukan ko. Ako munang mauuna para pag-aralan ang bawat galw ng boss. Melee lang din ako at kailangan kong makalapit para maka-hit ako ng skill." sagot ni Zaphro.
"Sige reresbak ako kapag nakakita ako ng opening." sabi naman ni Slicer.
Mabilis na hinugot ni Zaphro ang kanyang Ancient Reaper at nag forward step sa range ng Mermedion. Agad siyang nakita nito kaya nagsimula itong sumugod. Nagpakawala ito ng water arrows kay Zaphro. Madali namang naiilagan ng binata ang bawat palaso na galing sa kalabang boss. Paikot siyang tumatakbo sa gilid ng lawa. Pinag-aaralang mabuti ang galaw ng boss. Nagpaulit-ulit ang paghi-hit ng boss sa kanya ng mga palaso at nakuha na ni Zaphro ang time delay ng casting ng mga ito. Kaya muli niyang hinintay ang pagtira nito upang gumawa ng counter attack. Nang bitawan ng boss ang huling palaso ay hindi nagpatumpik-tumpik pa si Zaphro na sumugod. Sa bilis ng kanyang movement speed ay kaya na niyang tumakbo sa tubig kaya dire-diretso siya sa gitna ng lawa kung nasaan ang Boss. Agad itong nagbitaw ng AOE skill.
"Frost Field!" Nagyelo ang buong lawa sa ginawang tira ni Zaphro. Dahil dun ay nagawa niyang mapagyelo ang kalahati ng katawan ng boss. Level 3 narin ang skill niyang iyon kaya mayroon na itong mas malakas na at may additional effect na freeze. Dahil dito ay hindi makakagalaw ang sinumang mobs Boss man ito o normal mobs lang. Pero nagtaka rin si Zaphro dahil bumagal ang kanyang movement speed. Nakita niyang may negative buff siya na nagdudulot niyon. May passive skill ang Mermedion na nakaka-slow ng mga players kapag nalalapit dito.
Habang sa kabilang dako naman ay hindi makapaniwala si Slicer sa mga nakita. Sa lakas na na pinamalas ni Zaphro at ang paglalakad nito sa tubig gamit lamang ng pambihirang movement speed. Bumalik lamang ang kanyang focus ng makita si Zaphro na nag thumbs up tanda na pwede na siyang makisali. Agad niyang pinadalhan ng party invitation si Zaphro dahil nakalimutan yata iyon nito. Agad itong tinanggap ng kaibigan. Siya naman ngayon ang tumakbo pasulong upang gamitan ng skill ang boss. Nasa 90% ang HP nito at patuloy pang bumababa dahit parang hinihigop ng field ang HP nito. Mabagal lang ang pagbaba nito dahil nilalabanan ng regeneration skill ng boss ang effect ng Frost Field.
Susubukan niya ngayon ang kanyang bagong skill. May kakayanan itong magpalabas ng maraming heganteng patalim mula sa lupa.
"Blade Erruption" sigaw niya ng makalapit sa Mermedion. Direct Hit agad ito at mabilis na bumaba ang HP to 85% at mahigit 4000 din ang nabawas ng skill na iyon.
Pagkatapos nito ay nag buff ito ng 'Hardened Body' para mas pataasin ang defense nilang dalawa ni Zaphro. Isa iyong party buff o isang buff na maaaring mai-share sa mga kasamahan. Bumanat pa siya ng isa pang deadly skill niya. "Guardian Push!"
Ibinaba ni Slicer ang kanang kamay na may hawak ng kanyang weapon at pumusisyon na naka-side view sa boss. Ginalaw niya ang kanyang kaliwang kamay at ibinuka ang mga palad at isang malakas na push ang ginawa nito sa hangin. Kasabay nito ay isang liwanag na hugis palad ang lumabas mula sa palad niya. Lubhang napakalaki nito kaya nagkaroon ng malakas na pagsabog ng tamaan ang boss. Agad namang nakalayo ang dalawa gamit ng bilis nila.
Dahil doon sa atake ni Slicer ay nabasag ang yelo na bumabalot sa boss at malaya na itong nakagagalaw ngayon. Nasira ang gamit nitong bow at nakarinig sila ng nakakabinging sigaw mula sa kalaban. "Whiiicccckckk" ang tinis nito at masakit sa tenga..
Maya-maya ay biglang may warning sa kanilang mga VS. Isang AOE skill ang ika-cast ng Mermedion. Biglang may nabuong alon sa paligid nito at mukhang may charging time ito bago i-cast. Hindi nila alam kung anong klaseng skill ito o anong kaya nitong gawin kaya napatulala na lang sila sa di kalayuan. Natapos ng maghanda ang Meridion at pinakawalan ang "Hydro Pump" isa itong skill kung saan nakaka 1-Hit ng players gaano paman ito kalakas. Mabilis na bumulusok ang alon sa lahat ng dekreksiyon at pati sa kinaroroonan nila Zaphro. Si Slicer naman ay nag-cast ng "Seismic Barrier" para i-block ang alon. Si Zaphro naman ay no-Choice na kundi gumamit ng "Flight".
"Pero teka, alam ko tong skill na ito. Nabasa ko sa manual.... Naloko na..!" sabi ni Zaphro sa kanyang isipan. Agad niyang hinatak si Slicer pataas bago pa man tamaan ng AOE skill ng boss.
"Kamuntik na tol! One-hit skill yun ng boss." matipid niyang sabi rito.
" Ano? pa'no mong alam.?" tanong pa ni Slicer sa kanya.
"Mahilig akong magbasa-basa ng mga information sa game, nabasa ko lang." sagot niya.
Nasa himpapawid sila at wala na ang weapon ng Boss kaya hindi nito magawang umatake. Sa halip ay may ginawa ito. Nag summon ito ng mga kakaibang nilalang na yari sa tubig. Mga long range monsters ito 'Level 60 Water Spirits'
Water bullets naman ang kaya nitong skill at walang special skills.
Napilitan na bumaba silang dalawa, puno na ulit ang HP bar ng boss at ngayon ay lantad na kay Slicer ang armor set ni Zaphro at ang wing item na gamit niya. Napa-wow ito sa nakita.
"O pa'no banatan na natin ito. Advantage na natin to dahil paniguradong cooldown pa ang skill ng boss na nakaka one HIT." suggestion ni Zaphro sa kanya.
"Game!" pagkasabi nun ni Slicer ay sinugod na nila ang mga summoned mobs.
Malambot lang ang mga ito at nakakakuha sila ng XP. Madali lang nila itong naubos pero respawn lang ito ng respawn. Dapat ay ang pagtuunan nila ng pansin ay ang Boss. Kalmot at tail whip na lang ang kaya nitong gawin.
Naisip naman iyong ng dalawa kaya ginamitan na ito ng skill ni Slicer. "Vanishing Strike". Agad itong naglaho sa kinatatayuan at lumitaw sa likuran ng Mermedion at walang habas na pinagtataga ang likod nito at biglang nawala ulit at lumabas naman ito sa harapan ng boss. Isang malakas na pagwasiwas ng kangyang espada ang ginawa niya. Tumama ito sa tiyan ng boss at bumaon. Agad namang gumanti ang Mermedion at kinalmot si Slicer na dahilan ng pagtilapon nito sa malayo. 75% agad ang HP nito sa lakas ng normal hit ng boss samantalang ang HP ng boss ay nasa 70% parin at tumataas pa ulit. Nakita naman niyang sumusugod ang kaibigang si Zaphro sa boss tila lumalakas ang bughaw na liwanag ng kanyang gamit na sandata. Biglang bumilis pa lalo ang paggalaw nito at narating agad ang paanan ng Boss.
"Engulfing Flame" sigaw nito
Agad nitong itinarak ang talim ng espada sa buntot ng boss at biglaan na lamang na binalot ng kulay blue na apoy ang buong katawan ng Meridion. Nagkikisay ito sa sakit na nararamdaman dahil hindi parin mamatay-matay ang apoy kahit na lumublob pa ito sa tubig. Kitang-kita naman na mabilis ang pagbaba ng HP nito mula 70% ang ngayon naging 45% na lang. Lumipad naman uli si Zaphro sa taas at hini-hit lang ang boss ng normal kahit may mga asungot ng mga level 60 mobs na tinitira siya ng skill. Maayos parin niyang napapatamaan ang meridion sa ibat-ibang parte nito.
Kumilos narin si Slicer at naki-hit narin. Normal hit lang pero malalaki ang bawas nito sa HP ng kalaban. nawalan na ito ng armor defense dahil sa apoy na tumutupok sa kanya. Gumamit nari siya ng skill. "Savage Slash!" "Spinning Malice" magkasunod iyon na skill mula kay Slicer. Sapul ito sa katawan ng dalawang skill na iyon samantalang si Zaphro naman ay may inihahandang finishing blow.
"Tabi Tol!" sabi nito sa kaibigan.
"Angelic Wrath!" sigaw niya nang dumistansiya ang kaibigan.
"Angelic Wrath: isa itong Demonaire sub-class infinite Skill kung saan ay babalutin ng liwanag ang buong katawan ng caster. Pure energy ito at nangangail;angan ng full MP(mana points) sa katawan ni Zaphro ay binalot siya ng bughaw na liwanag pati ang pakpak nito ay nagkaganon din. Mabilisan siyang bumulusok baibaba na nakatapat ang espada sa harapan. "Tapos na to!"
Tinamaan sa ulo ang Meridion at tumagos pa ito sa buong katawan nito. Sa madaling salita ay nawasak ang physical appearance ng boss. Agad itong nabasag at umahon naman si Zaphro sa tubig ng lawa na nakangiti.
"Ayos diba?" tanong pa niya.
Ngitin-ngiti rin si Slicer sa kaibigan. "Ayos talaga! Ang galing ng tandem natin pre!" sabay nag-appear ang dalawa.
Maya-maya ay nag appear sa kanilang VS ang mga notice. Isa na dito ang pag level up ni Slicer ng Level 65 at kay Zaphro naman ay Level 68.
Malaki din ang mga nakuha nilang gold (50,000,000g) each. At sandamakmak na rare to epic items.
Armor of the Death God (1 set black color Epic)
Armlet of Imortal (4pcs Epic)
Ring of Imortal (4pcs)
Black Flame Sword (Legendary)
Amethyst Crystal (40pcs)
Jade Crystal (40pcs)
Ruby Crystal(40pcs)
Diamond Crystal (20pcs)
Emerald Crystal(40pcs)
Announcement: Epic Boss Mermidion Level 100 has been slain by party. Event has been opened (Pit Boss Marathon). Rare to epic items are to be rewarded to those who can slay 1 pit boss.
Till next update po ah..
Vote and comment naman kay jan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top