Chapter 27: Dangerous Journey
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Someone's POV"
Ayos din yung grupong yun ah. Perpekto ang pagkakaayos ng kanilang mga stats at class. Dalawang shielders, isang dual swordsman, isang blade master, tatlong mystic class (Summoner, wizard, at Elementalis), meron din silang warlock na force user at ang pinakamalakas sa lahat. Ang isang Demon Class na may erregularities sa stats. IMBA talaga ang grupong ito.
Nakakatuwa silang panoorin, hindi naman siguro sila makakasagabal sa plano ko.
"Hoy, ikaw! Kamuntik mo na akong pinahamak." sabi ni Amaymon.
"Niligtas kita kaya magpasalamat ka na lang." sagot ko dito. "Sinusubukan ko lang naman sila eh. Ikaw ang nagpabaya, hindi ako."
"Lapastangang nilalang!" umakto siyang sasalakayin sana ako. Kaso ginamit ko ang isang game command para patigilin siya.
"Baka nakakalimutan mo kung ano ka? Utusan lang kita, tuta, alipin. Isa ka lang sa mga manika ko sa mundong ito." pinaalala ko sa kanya na isa lang siyang game/physical data.
"Hawak kita sa leeg Amaymon at isang kumpas ko lang mabubura ka sa larong ito." at umalis na ako para sundan ang grupo ni Zaphro.
Narinig ko pa siyang bumulong..
"Pesteng GM!"
"Narinig ko yun!" sigaw ko sa malayo. Pinalampas ko na lang, sa ngayon... haha..
Bagpatuloy ako sa pagsunod sa kanila gamit ng player tracker ko. Para itong game GPS map na ginagamit naming mga GM's para i-monitor ang lahat ng mga players. Hindi ko kayang itago ang sarili ko ng matagal sa kanila, lalo na sa demon class na yun. Malakas ang sensibility niya at mas malawak ang sakop nito.
Anong naisip nila at dito pa sa east sector nila napiling magtungo? Madali lang na-PK ni Amaymon ang mga nauna sa kanila kaya hindi na nakausad pa ang mga ito. Patungo sila sa area na iyon, paano kung makita yun nila?
Hindi naman siguro. Pero naninigurado ako kaya sinusundan ko sila ngayon.
.
"Zaphro's POV"
Mas maingat na kami ngayon lalo na ako. Nilawakan ko pa ang sensibility ko para madetect ang kung sino mang parating. Hindi ko mabilang ang dami ng mobs sa paligid kaso umiiwas lang kami. Tapos na kami sa pagpapalevel, pag-explore muna sa buong map ang dapat gawin. Preparation narin ito para di na mahirapan ang mga bagong papasok para hindi sila mangapa sa dilim.
"Tignan niyo ang map, medyo lumiliwanag na. Mukhang mabilis ang pag-explore nila Andromeda sa north sector. Hindi kataka-taka, rank 1 siya eh. Kasama pa niya ang nasa rank 2." sabi ni Verillion.
"Ano? rank 1 sya?" gulat kong tanong.
"Bakit di mo alam? Di ka ba nagbabasa ng ranking list?" napailing-iling nalang si Shion.
"Sa ngayon rank 20 ka dahil natalo mo si Shion. Bumaba sya ng rank 21, ako naman ay sa rank 13." sabi ni Verillion. "Lahat na tayo ngayon ay pasok na sa top 100 players. Bunga yun ng pagha-hunt at pagpapalevel natin. Isali mo narin ang PVP dun sa outpost." dagdag nito.
"IMBA na tayo dude!" sabi ni Jin na sinakyan naman ni Slicer.
"Oo nga, tiyak maraming chiks na hahabol sa atin dito!" sabi ni Slicer.
"Magsitahimik nga kayo dyan! Feeling gwapo ang mga to. PK gusto niyo?" sigaw ni Ayana.
"Opo nay!" ganting pang-aasar nilang dalawa ni Slicer kay Ayana.
"To naman, mainit ang ulo. Babae ka ba talaga ha?" sa sinabi ni Slicer mas lalong nagdilim ang mukha ni Ayana. Mukhang papatay na ng tao anumang oras.
"Chill lang Ayana. Sa village na yan. Palampasin mo muna." sabi ni Erik kay ayana.
"Bilisan na natin! Nasaan na ba kasi yang letcheng village na yan!?" nainis na sabi ni Ayana.
Malayo na ang nalipad namin at ngayon ay parang nasa isang bulubunduking parte na kami ng mapa. Mali yata kami ng pinuntahan, mukhang wala naman dito ang village eh. Panganib lang yata ang meron dito.
"Papa, may parating. Marami..." sabi ni Gwydox. Naramdaman ko din yun, marami nga ito at mga nasa trenta. Flying type ang mga monsters.
"Bilis magtago tayo!" utos ko.
Mabilis kaming bumaba at lumapag sa mabatong parte ng bundok.
"Dito bilis!" sabi ni Ayana na nakakita ng maliit na yungib.
Nagmadali kaming nagtungo doon at nagkubli. Sumilip ako sa itaas at nakita ko ang grupo ng mga flying type monsters. Hell Gargoyles na may level 160. Dinaanan lang nito ang kinaroroonan namin ngayon. Bago kami lumabas ay sinigurado muna naming wala ng mga monsters sa paligid. May mangilan-ngilan kasing dumadaan eh.
"Clear na!" mahina kong sabi.
Palabas na kami ng may biglang humila sa mga paa namin pabalik sa loob. Mga galamay na parang sa octopus.
"Shit ano to?" gulat na hiyaw ni Ayana.
Bago pa kami nakagawa ng paraan para putulin ang mga ito ay may kung anong pwersa na ang tumama sa amin AOE.
Tumalsik kaming lahat sa magkakaibang direksiyon. Tumama kami sa mga batuhan at dahil sa 60% pain ng game na ito ay masakit talaga yun. Feeling ko nagkalasog-lasog ang katawan ko sa bawat pagtama ko sa mga bato na agad din namang nawawasak pagkatama ko dito.
Hindi ako makagalaw, at ang HP ko 55% na agad. Shit! Ano na naman ba yun?
"Papa, may Boss dito!" sabi ni Gwydox na kakabangon lang din mula sa batuhan. May 5% damage siyang natamo. Ibig sabihin malakas talaga ang boss dahil hindi umubra ang mataas na dodge rate ng aking animus.
"Nakita mo ba?" tanong ko.
"Hindi Papa, hindi ko rin ito maramdaman. Naka-hide yata ito. Patawad!" sabi nito sa akin.
"Ayos lang yun! Uubra ba ang clairviyance buff dito?" muli kong tanong.
"Hindi ko alam. Hindi ko pa malalaman hanggat di ko pa nakikita ang boss." sagot ni Gwydox.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hinahanap ko sila Verillion. Kaso wala sila kahit saan. Bigla akong kinabahan, kaya dali-dali kong tinignan ang VS ko at tumingin sa party info.
"Anong.....?" sabi ko ng makita kong grey na ang kulay ng mga pangalan nila Erik, Erenir, Jin at Ayana. Ibig sabihin ay na-PK na sila
Nasa first map na ulit sila sa kanilang main village. Putek, ano ba talagang nangyari? Nasaan ba ang boss?
"Ahhgg.." may isang impit na sigaw at nasundan ng pagsabog malapit sa akin. Pagtingin ko sa VS grey narin kay Aryus at si Shion 15% HP na lang.
Naiinis ako dahil nahihirapan akong tumayo. Nahihilo ako ng sobra.
"Akong bahala PApa!" umikot sa akin si Gwydox at umilaw ng puti.
Napansin ko kaagad na bumubuti ang lagay ko at tumataas lahat ng stats ko mula SP, MP, HP.
"Salamat Gwydox!"
Agad akong kumilos at lumipad dahil mas madali ko silang mahahanap.
Nakita ko si Shion at Slicer na magkasama. Malubha narin ang lagay ni Slicer. Humuhingal na ito at halos di makatayo. Binilisan ko ang paglapit sa kanila kasi may kung anong anino akong nakita sa makapal na usok. Papunta sa kanila.
"Slicer! Dapa!" sigaw ko.
"Ice Wall!" sigaw ko ng makalapag.
"Zaphro!" sabi nila ng makita ako.
"Ayos lang kayo?" tanong ko.
May kung anong tumama sa ice wall ko kaya bahagyang yumanig. Kaya lumundag ako pataas at muling nagbitaw ng skill.
"Engulfing Flame!" binato ko ito sa harap. Bakasakaling tira na iyon at may tinamaan nga ako.
Mga galamay, nasusunog ito kaya nagliwanag ang paligid.
Dun ko na nakita kung saan galing ang galamay. Nakita ko ang isang Chimera monster. Combined octopus tentacles with dragon head and lizard-like body. Meron din itong buto-butong pakpak.
"Level 200 Baal (Boss)"
Yun ang lumabas sa may uluhan niya.
.
.
End of chapter...
Minamalas talaga ang mga bida natin diba?
At tyaka sino ang GM na sumusunod sa kanila.?
Mukhang may hidden agenda pa yata ito.
Well...
Abangan na lang mga dude and dudets!
Till next update!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top