Chapter 1


6:39PM | October 24, 2015

*buzz! buzz!buzz!*

Tumunog ang phone ni Tinay..

"Hi, I'm Hezekiah. Naaalala mo pa ako? Ako yung kachat mo sa Omegle kanina."

Hindi makapaniwala si Tinay ng mabasa niya ang text na iyon mula kay Hezekiah. Akala niya kasi nagloloko lang ang binata na itetext siya nito, dahil hindi naman lahat ng tao ay totoo ang mga pinagsasabi sa Omegle, ang iba ay talkshit lang talaga, kaya gulat na gulat si Tinay nang mabasa niya ang text ni Hezekiah.

"Ah, oo naman! Ikaw yung nakachat ko ng tatlong beses unexpectedly sa Omegle eh, malamang hindi talaga kita makakalimutan ano po?" sagot niya

Alam ni Tinay na hindi pangmatagalan ang palitan ng text messages nila ni Hezekiah. Dahil ganun naman ang iba niyang nakakausap sa Omegle, mga lulubog at lilitaw. At makailang usap lang ang mawawala na.

"Amazing ba? Hindi ko nga din alam bakit lagi akong napapatapat sa'yo. Haha. Pero kakaiba ha, tatlong beses yon. Siguro may ibigsabihin yon ano?"

Siguro nga may meaning yon. Siguro nga may dahilan kung bakit parating si Hezekiah ang napapatapat sakanya sa Omegle.

"Hindi ko din alam eh, baka? Hahaha. Siguro nga may purpose kung bakit kita nakilala, kasi naniniwala naman ako na hindi mo naman makikilala ang isang tao dahil sa wala lang."

Pero ang totoo para kay Tinay, katulad din si Hezekiah sa iba pang nakakachat niya sa Omegle, mga uri ng taong lulubog lilitaw, mga taong eventually mang iiwan din at makakalimot sakanya. Kaya hindi niya ito masyadong binibigyan ng oras para makilala.

"Siguro nga meron, tingnan na lang siguro natin sa mga susunod na araw kung consistent ba tayo na kausap ang isa't isa o magsasawa ba tayong magkausap." sagot nito sa dalaga

"Naniniwala ka ba doon? Kapag nakilala mo ang isang tao, may purpose yun at hindi yun basta basta lang na ganun?"

"Hindi ko nga po alam Miss Tinay, malalaman po natin yan sa mga susunod na araw."

"Alam mo ako naniniwala don, to think na tatlong beses mo pa ako nakachat! Hahaha."

"Well, it's for us to find out Tinay."

"Sige po Hezekiah, kakain muna po ako ha?"

"Ang haba naman po ng Hezekiah, call me Zeke na lang."

"Sige na nga, Zeke na lang. Mahirap din itype yung Hezekiah eh."

"Sige na po, eat well miss Tinay ha? Kakain na din po ako ng dinner ko.".

8:09PM | October 24, 2015

"Tapos na ako kumain! Ikaw ba, Zeke tapos ka na?"

"Opo, may tinatapos lang po na assignments. Mabuti po akong studyante. Hahahaha."

"Weh? Totoo ba talaga yan? Baka aral aral lang yan, para hindi ka mahuli ng parents mo ha?"

"Syempre totoo to ano po? Pala aral po talaga ako ate Tinay."

"Maka ate ka naman sa akin ano po? Parang mas matanda ako kesa sayo ah, ilang taon ka na ba?"

"17 po, ikaw ate Tinay? Ilan taon ka na po ba?"

"18. Nako nako, mukhang mas matanda nga ako kesa sayo.."

"Hahahahaha, sabi ko na sayo eh, mas matanda ka sa akin! Hahahaha."

"Makatawa ka ha? Ang saya saya eh."

"Syempre, napatunayan ko na mas matanda ka sa akin ate Tinay eh."

9:00PM| October 24, 2015

"Ate Tinay? Bakit hindi ka na nagrereply? Wala ka na ba load?"

"Ate Tinay, yohooo! May ginagawa ka ba? Sige pakireplyan na lang ako kapag okay na ha."

"Ate Tinay, may katext ka bang iba? :( May ibang lalaki ka bang katext?"

"Ah, pasensya ka na. Inaaliw ko nanaman ang sarili ko sa Omegle eh, di ko na napansin na nagtext ka na pala Zeke."

"Hmm, ano ba yan! May kausap ka ngang iba! Sige na, matutulog na lang ako."

"Ay, ano ka? Nagseselos ka ba? Hahahaha."

"Ewan ko, basta hindi ko alam eh, basta ito nararamdaman ko. Goodnight!"

"Sige ka hindi ka makakatulog niyan kasi alam mong may tampo ka sa isang tao. Hindi masarap tulog mo nyan, pero sige po goodnight. Sorry po kung late ako nagreply sayo."

Hindi alam ni Tinay na sa simula ng gabing yon ay mababago na ni Zeke ang buong buhay at pagkatao niya..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top