• s t a r t •
PAANO nga ba nagsimula ang lahat?
Saan?
At bakit nasali ako?
Hindi ko alam.
Pero iisa lang ang nasa isip ko sa mga oras na iyon---that I should be his end game. Na matapos ang laro, sa akin pa rin siya babagsak.
Sa akin lang.
Pero nagkamali ako.
Malakas ang pag-ihip ng hangin nang gabing iyon. Halos ayaw din tumila ang malakas na ulan. Medyo madilim man ang buong paligid at tanging ang mga streetlight lang ang liwanag sa kalsada, malinaw ko pa ring naaninaw sa nag-aalala niyang mukha kung gaano siya nag-aalala para sa babaeng iyon.
Nang gabi rin na iyon ay alam ko na, dama ko na. Pero mas pinili kong manatili pa rin at ipinangako sa sarili na hindi siya iiwanan anuman ang mangyari, gaya ng ipinangako ko noong nasa Iloilo pa kami.
Dahil mahal ko siya.
Mahal na mahal.
Kahit ang tagal na niyang hindi napapansin iyon.
"Mic! Mic!" natataranta niyang sigaw sa labas ng bahay na inuupahan namin at puno ng pag-aalala iyon.
Nasa may pintuan ako at nakaabang na. Matapos kasi ng tawag niya, kinutuban ako. Lubusan akong nag-alala at hindi mapakaling naghintay sa pagdating niya. Akala ko kung may nangyaring masama na sa kaniya, pero mali pala ang kutob ko.
Umuulan man, mabilis akong kumaripas palabas ng gate para salubungin siya ng payong. He was totally okay. Walang galos o kahit ano pa man. Pero iyong babaeng nasa loob ng front seat, halos maligo na sa sariling dugo nito.
Natigilan ako at nanlaki ang mga matang nabitiwan ko ang payong. "S-Sino iyan?"
Base sa hitsura ng babae, alam kong sa puntong iyon ay nag-aagaw-buhay siya. Halata iyon sa mabagal na pagtaas-baba ng kaniyang dibdib para habulin ang sariling hininga. Ang puting T-shirt ay punong-puno ng putik at sariling dugo nito.
"Help me, Mic. Please, help me..."
Nawala ang atensyon ko sa babae at nag-angat ng tingin kay Marl. "Anong ginawa mo sa kaniya?!"
"Help me! Dalhin natin siya sa ospital!" pagsusumamo niya na nagpabalik sa akin sa sariling wisyo.
Suot ang puting bistidang pantulog, mabilis akong kumaripas para kuhanin ang susi ng bahay sa loob at i-lock ang pinto. Hindi ko na inalintana kung basang-basa na ako ng ulan.
Gamit ang puting BMW ni Marl, dinala namin ang babae sa malapit na ospital na kaagad namang inasikaso ng mga staff. Nanginginig akong napaupo sa bleacher sa labas ng ER, halos himatayin na. Malakas ang kaba sa aking dibdib dahil sa dami ng mga naiisip.
Bakit kailangan niya pa kasi akong tawagan para humingi ng tulong?
Kung may sariling kotse naman siya at puwedeng dalhin na sa ospital ang babae?
Pero mas pinili niyang puntahan ako at magpasama.
Ano bang nangyari at duguan ang babaeng iyon?
Anong kinalaman niya roon?
Oo, naiintindihan ko na baka nataranta lamang siya. Pero kilala ko si Marl. Isa siya sa mga taong unang ginagamit ang isip bago gumawa ng hakbang. Bago gumawa ng kung anong bagay. At alam kong hindi siya humihingi ng tulong sa iba. Hindi niya kailangan iyon. Kahit maging ako man iyon.
Sa naniningkit na mga mata, napatingin ako sa lalaking nakahilig sa pader at nakatungo. Kabado at tila problemado si Marl. Gaya ko, basang-basa rin siya.
"Anong nangyari, Marl? Anong nangyari sa babaeng iyon? Si Miss Lee iyon, 'di ba?"
Napasulyap siya sa akin at pairap na tumungo ulit. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at bumuntonghininga.
Sa nagdaang mga taon, mas madilim ngayon ang kaniyang mukha. Hindi ko alam na may ikakalungkot pa pala siya bukod sa mga araw na nagkasama kami sa Iloilo.
"T-Tungkol na naman ba ito sa mom mo?" Tumaas ang kilay ko, nag-iinit ang dugo sa hinuha.
Naparami ang pagpapakawala niya ng malalalim na buntonghininga. 'Ayun, tama nga ako. Tungkol na naman ito sa walang hiya niyang ina. Ibang klase rin talaga ang babaeng iyon. Alam kong may pinagawa na naman siya sa kay Marl. Ramdam kong siya ang dahilan ng lahat ng ito.
Unang kita ko pa lang sa babaeng iyon, alam kong sarili niya lang ang mahalaga para sa kaniya. Saksi ako kung paano sapilitang kinuha niya si Marl kina Tito Ronnie. Kahit alam niya naman na naghihirap ang pamilya at ang nakababatang anak ay may sakit pa.
Pareho lang sila ni Mama. Iniwan ang pamilya at mas piniling mamuhay nang marangya sa piling ng iba. Makasarili sila. Simula ng araw na iyon, ipinangako ko sa sarili na hindi ako magiging kagaya nila. I will not choose money over family. Kapag nagkapamilya ako, hinding-hindi ko iiwan sila para sa pansariling kaligayahan at kaginhawaan.
Hinding-hindi.
"Bakit hindi natin siya isumbong sa awtoridad?" suhestyon ko.
"Hindi maaari iyon, Mic," matigas niyang sagot sabay iling.
"Bakit hindi?!"
Napatingin siya sa akin. Kunot ang noo niyang tinitigan ako nang mariin, tila may nasabi akong masama.
Napalunok ako nang magtagal ang madidilim niyang mga mata sa akin habang nagsasalubong ang kaniyang mga kilay. Ngayon ko lang nakita ang mga mata niyang nag-aalab. Oo, sanay akong walang emosiyon ang mga mata niya, pero ngayon na mayroon na, hindi ko yata nagustuhan iyon.
"Damn! She's my mother, Michaela!" Marl said through his gritted teeth. "I love her! So why will I do that? Mas lalo lang mapalalayo ang loob niya sa akin!"
Mapait akong napahalakhak, hindi makapaniwala sa narinig. "Oo, mahal mo nga siya. Ang tanong... mahal ka rin ba niya? Itinuturing ka ba niyang anak? Hindi, 'di ba?"
Pumikit siya at huminga nang malalim. Naiiling na lang akong nag-iwas ng tingin, hindi kayang tingnan ang hitsura niyang tila pinagsukluban ng langit at lupa.
"You know what? Kahit anong gawin mo, hindi ka mamahalin ng babaeng iyon, Marl. Sarili niya lang ang mahalaga sa kaniya---"
Isang malakas na pagkalabog ang nagpatigil sa akin. Natatakot akong bumaling ulit sa kaniya. Lumakas ang pagpintig ng puso ko nang makita ang pagguhit ng dugo sa puting pader mula sa kamao niyang nanginginig na nakatukod doon.
"M-Marl!" Mabilis akong tumayo at dinaluhan siya, nag-aalala.
"Kaibigan kita, Michaela..."
Pero natigilan ako sa paglapit sa kaniya dahil sa lamig ng boses nang sabihin niya iyon. "Marl..."
Umigting ang kaniyang panga.
I stepped back. Natatakot sa hindi maipinta niyang mukha.
"Pero sa oras na marinig ko ulit ang sinabi mong iyan tungkol sa mom ko... kakalimutan kong kaibigan kita," mariin niyang sinabi sa nag-aalab niyang mga mata.
"Marl, nagsasabi lang ako ng totoo---"
"Get lost!" He cut my sentence again.
Napalundag ako sa kinatatayuan ko dahil sa tigas at diin ng boses niya nang isigaw iyon. Iyon ang unang pagkakataon na sininghalan niya ako. Umawang ang aking labi at hindi makapaniwalang napaatras habang umiiling at humahangos.
Kumalabog nang husto ang puso ko dahil sa ginawa niya. Umiwas siya ng tingin. Humilig siya sa pader at muling tumungo. Tears rolled down my cheeks. Nanlalabo ang mga matang tinalikuran ko siya at tumakbo na.
Oo, nasaktan ako, pero nangakong mananatili pa rin kahit anuman ang mangyari.
Pinangako ko iyon sa sarili, pero kailangan ko muna ng hangin, kailangan ko munang huminga. Dahil nakasasakal ang galit ni Marl at nakababahala. Na kapag nanatili pa ako nang ilang minuto sa silid na iyon, maaaring masaktan na niya ako ng pisikal.
"Marl?" tawag ko sa kaniya kinabukasan nang dumalaw ulit sa ospital.
Hindi siya umimik, kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita matapos maisara ang pinto.
"Magpahinga ka na muna. Ako na muna ang magbabantay dito kay Miss Lee."
Hindi pa rin nagigising si Miss Lee at halata sa magulong kulay kapeng buhok ni Marl na wala pa siyang tulog o kahit pahinga man lamang. Siguro ay dahil sa sobra talaga siyang nag-aalala para sa babae.
"Ayos lang ako, Mic," tipid niyang sagot, hindi man lang siya nag-angat ng tingin sa akin mula sa pagkakaupo sa gilid ng hospital bed ni Miss Lee.
Napalunok ako. Ramdam kong galit pa rin siya sa nangyari kagabi. Aminado naman akong sumobra ako sa mga nasabi ko. Hindi ko lang talaga mapigilan ang hindi mainis sa babaeng iyon.
Siya ang dahilan kung bakit naghihirap si Marl at apektado ako roon.
"I'm really sorry..." halos pabulong kong sinabi.
This time, nakuha ko na ang atensiyon niya. Mapungay ang mga matang nag-angat siya ng tingin sa akin. My heart skipped a beat. Mabilis akong nag-iwas at tinanaw na lang ang babaeng mahimbing ang tulog sa hospital bed.
Hindi ko kasi kayang labanan ang intensidad sa abong mga mata ni Marl. Dahil ang daming naglalarong emosiyon sa mga matang iyon.
Hindi ako sanay.
Hindi ako sanay na ganoon ang nakikita ko. Mas gusto ko iyong dati. Wala mang emosiyon, hindi naman nakatatakot.
He cleared his throat as the small smiles crept onto his pinkish lips. "Ako dapat ang humingi ng tawad, Michaela. Sumobra ako. I'm sorry. Gulong-gulo lang talaga ang isip ko kagabi."
"Naiintindihan kita. Sumobra rin talaga kasi ako. Mama mo siya. Dapat hindi ako nagsalita ng masama laban sa kaniya," sinsero kong sinabi.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Marl sa kinauupuan. Bawat hakbang niya papalapit sa akin, nagbigay rin ng matinding intensidad sa pagkalabog ng puso ko. Bawat hakbang niya, tumitigil din ang paghinga ko.
"I-I'm sorry," nanginig ang boses ko.
Napapikit ako agad nang yakapin ako ni Marl nang sobrang higpit. God! Paano na lang kung marinig niya ang lakas ng tibok ng puso ko? I-relax mo lang ang sarili mo, Michaela!
"It's okay. I already forgiven you. Sana patawarin mo rin ako, Mic."
"W-Wala iyon. Ano ka ba! Naiintindihan ko," nasabi ko na lang, pilit minulat ang mga mata.
Marl smells good. Kahit wala pa siyang ligo. I love how he smelled; it was so very manly. Ako na ang unang kumalas sa yakap dahil baka hindi ko na mapigilan ang pagsinghot ko sa kaniya at mabuko pa ako.
Nakakahiya kung mangyari iyon.
"Umuwi ka na at maligo muna. Amoy ka na..." I groaned and pinched my nose to show him how he smells so bad.
Napangiwi si Marl at inamoy-amoy ang sarili. "Grabe ka sa akin, Mic. Hindi pa naman ako amoy---"
I immediately cut him out and then pushed his massive body towards the doorway. Kinailangan ko pang mag-exert ng lakas para maitulak lang siya palabas. "Ako na muna ang bahala rito. Please, maligo ka na at amoy ano ka na---"
"Mic..." mapaglaro niyang sambit.
Tangka niya akong yayakapin, pero kaagad ko na siyang naitulak nang mahina.
"Marl!"
He pursed his lips and sniffed his black shirt. "Amoy Durian na ba talaga ako?"
Napahalakhak ako. "Biro lang. Sige na, kumain ka na rin. Tatawagan na lang kita kung sakaling may mangyaring masama rito."
"Okay, okay. Please, alagaan mo ang prinsesa ko. Ikaw lang ang mapagkatitiwalaan ko rito, Mic. Ikaw lang ang nag-iisang kaibigan ko," seryoso niyang sabi sabay kurot sa tungki ng ilong ko.
"O-Okay... Ako na ang bahala... sa prinsesa mo..."
Naging bahaw ang ngisi ko pero hindi ako nagpahalata. Nanghihinang sinarado ko ang pinto nang makaalis na siya. At matapos ang ilang segundo, agad nang bumuhos ang mga luha ko sa pisngi.
Kaibigan?
Prinsesa?
Alam kong kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin noon pa man. Aware ako roon. Pero ang malaman na ang babaeng kasama ko sa kuwartong iyon, ang siya palang minamahal niya... sobrang sakit.
My heart tore into a million pieces. Kaya pala ganoon na lang ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Kaya pala sa unang pagkakataon, nagkaroon ng iba't ibang emosiyon ang dating patay na mga mata ni Marl. Dahil pala iyon sa babaeng iyon.
Aware ako sa palihim na pagsunod niya sa eskwelahan kay Miss Akemi Lee. Akala ko ay dahil utos lang ng mom niya, ng babaeng iyon. Hindi ko inasahan na... hindi ko inasahan na siya pala ang nagpapatibok sa puso ng lalaking minamahal ko.
Bago pa man makabalik si Marl sa ospital, maayos na ang hitsura ko. Napansin niya ang pamumugto ng mga mata ko kaya nagtanong siya pero agad akong umiling at nginitian siya bilang sagot. Mabuti na lang, hindi na rin siya nangulit pa at tinanggap na lang ang pananahimik ko.
Nakahinga ako nang maluwag nang agad niyang dinaluhan si Miss Lee. Nasaktan man, mas okay na natuon ang atensyon niya sa babaeng iyon. Nang sa ganoon, hindi ako mapapahiya kung sakaling kulitin niya at biglang mapaamin ako sa totoong dahilan ng pagkamugto ng mga mata ko.
Nagising si Miss Lee makalipas ang isang linggo matapos namin siyang isugod sa ospital. Nang araw rin na iyon, nasa loob din ng silid si Miss Aguirre, bumisita.
Pagmulat ng mga mata ni Miss Lee, agad na siyang naghesterikal kaya wala akong nagawa kung hindi ang lumabas at magtawag ng doktor.
Nasa tapat ako ng pintuan sa pagbalik ko nang mapanood ko ang mga reaksiyon niya sa bawat paghampas at pagtataboy sa kaniya ni Miss Lee.
Hindi ko kinaya.
Nasaktan ako sa nakita ko.
He's in love with her.
I saw it in his eyes and in his actions.
Nasasaktan man siya, pilit pa rin niyang inaabot ang babae para yakapin. That... that tore my heart up into millions of pieces. Again. Na nagkalat sa tiles na sahig ng ospital---hindi na mapupulot at mabubuo pa.
Luhaan ang mga mata, agad kong tinalikuran ang silid na iyon at kumaripas sa pagtakbo palabas ng ospital. Mabilis akong pumara ng taxi at agad na papasok na sana sa loob nang salubungin ako ng isang matigas na bagay.
A car hits me.
Marahas akong tumilapon sa kalye at unti-unting nawalan ng lakas kaya pagod na nagsara ang aking mga mata.
Nagising na lang ako dahil sa hindi kaaya-ayang amoy ng mga gamot. Puting kisame ang sumalubong sa akin sa pagmulat. Una kong narinig ay ang paghagulgol ng isang batang babae sa tabi ko.
Hinanap ko ang kinaroroonan niya at natagpuan ko ang mahal kong kapatid kasama ang mga nag-aalalang mukha ng mga lalaking mahal ko.
"Kelly... Glen... Axle... 'Pa," tawag ko sa kanila.
"Gising ka na, Ate," humihikbing sabi ni Kelly, ang nakababata kong kapatid.
"Ate, mabuti at ayos ka na," si Glen.
Umakbay si Axle kay Glen at ngumiti. "Nag-alala kami nang sobra, Ate. Kaya nang makarating sa amin ang balita tungkol sa iyo, agad kaming bumiyahe pa-Bicol."
"'P-Pa...” Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Axle nang mahanap ko si Papa sa likod nila. “Anong ginagawa ko po rito?"
"Tawagin lang namin ang doktor, 'Pa. Tara Axle at Kelly," pagpapaalam ni Glen na agad nagsilabasan na.
"'Pa?" baling ko ulit sa ama kong nangingilid na ang luha.
Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kama. Bahagyang yumuko si Papa at hinalikan ako sa aking noo kasabay ng mararahan niyang paghimas sa buhok ko.
"'Pa?" tawag ko ulit.
Umiling si Papa at mapait na ngumiti habang pinapatuyo niya ang sariling mga pisngi.
"'Wag mo nang isipin iyon, Michaela. Importante, ayos na ang kalagayan mo," mataman niyang sinabi.
"'Pa, gusto kong malaman ang lahat. Kung bakit naririto ako. Ang naalala ko lang..."
Natigilan ako nang sumilay sa isipan ko kung ano nga ang totoong nangyari sa akin.
Nasa ospital ako kasama si Marl, Miss Aguirre, at si Miss Lee. Nag-uusap kaming tatlo nang biglang magising si Miss Lee at maghesterikal kaya nagtawag ako ng doktor.
Matapos noon...
My heart skipped a beat. Tila bumabalik ang matinding kirot na naramdaman ko noong mga oras na iyon.
Bumalik ako sa kuwarto ni Miss Lee pagkatapos kong tawagin si Dr. Buenaventura. Pagkatapos, nakita kong pinagtatabuyan ni Miss Lee si Marl. Habang pilit namang niyayakap ni Marl si Miss Lee.
Nasaktan ako nang sobra sa napanood kaya lumabas ako ng ospital.
At---
"Michaela, 'wag ka nang umiyak. Magiging maayos din ang lahat," alu ni Papa habang nakayakap sa akin nang mahigpit.
"I-Ilang araw na po ako rito?"
Hindi umimik si Papa.
"Si Marl? Nasaan po siya, Papa?"
Umiwas ng tingin si Papa, lumunok, at pumikit nang mariin.
"P-Papa?" halos magmakaawa na ako.
Pero hindi na ako kailangang sagutin pa ni Papa dahil sa mga mata niya pa lang, alam ko na ang sagot.
Doon...
Doon gumuho ang mundo ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top