Chapter 10
"Bakit basa kayo?" bungad ni Mama nang makauwi ako ng bahay. Kasama ko pa rin pala si Ruruh at hinatid pa talaga niya ako hanggang pinto kahit hindi naman kailangan.
Palipat-lipat ang tingin ni mama sa aming dalawa at para bang mga batang pinapagalitan niya.
"Naligo kami sa ilog," sagot ni Ruruh. Which is, 'yon naman talaga ang nangyari.
"Nang gabi?" kunot-noo'ng tanong ni Faye saka tumingin din kay Ruruh.
"Napagtripan lang namin," sagot ko. Gusto kong matawa kaso baka mas lalo kaming pagalitan ni Mama.
"Ano kayo mga bata? Pumasok ka na nga sa loob, Desire," utos ni mama sa akin. Mababakas ang pagkairita sa tono ng boses niya pero pagdating naman kay Ruruh, biglang naging malumanay ito. "Ikaw naman, Ruruh. Umuwi ka na't baka magkasakit ka pa. Baka sipunin ka. Inom ka kaagad ng gamot, ha?"
Ngumiti naman si Ruh. "Sige po, Tita. Goodnight po," sabi nito bago tuluyang umalis.
"Ako, Ma?"
"Naku, Desire! Kasalanan mo kapag nagkasakit ka!" sermon niya sa akin. Pinigilan pa niya ang sarili niyang kutusan ako nang makapasok ako sa bahay habang si Faye naman ay natatawa na lang. "Bilisan mo't magpalit ka na ng damit! Kayo talaga, hanap niyo talaga ay sakit!"
Agad akong umakyat sa kwarto ko para makawala sa sermon ni Mama. Kumuha muna ako ng damit pamalit saka dumiretso sa banyo para maligo. Pagbalik ko sa kwarto ay nakita ko roon si Faye. Nakahiga sa kama ko habang nagc-cellphone.
"Ginagawa mo rito sa kwarto ko?" takang tanong ko nang maisara ko ng tuluyan ang pinto. Umupo pa ako sa may upuan malapit sa study table ko dati habang nagpapatuyo ng buhok.
"May itatanong sana ako kaso tagal mo naman maligo," saad niya saka nilipat ang atensyon sa akin.
Aba, sino bang may sabi na maghintay siya? Saka matagal talaga ako maligo lalo pa’t malamig ang tubig, nakakatamad magbuhos sa katawan.
"Ano ba itatanong mo?"
"Sabihin mo nga Ate, anong namamagitan sa inyo ni Kuya Ruruh?" Halos magdikit na ang kilay ko sa biglaang tanong niya. Hindi agad ako nakasagot. Ang weird kasi.
"Huh? Pinagsasabi mo?!"
Umayos pa siya ng upo habang ang lawak ng ngiti sa labi. "Kayo ba ni Kuya Ruruh... may something ba sa inyo dati?"
"Huh?! Faye! Wala, ah!" sagot ko.
Ano naman kaya naisip nito at natanong niya 'yon? I can't imagine. Me and Ruruh? Nah... Ang weird isipin dahil mula pagkabata, kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Ruruh. "Kami ni Ruruh, walang namamagitan sa amin dalawa."
Mapanghusg naman niya akong tinitigan at hindi naniniwala sa sinabi ko. "Sure ka? Kasi bakit parang meroon?" naiintrigang saad n'ya. "Tapos akala ko ba magkaaway kayo?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi kami magkaaway," sabi ko saka kinuha ang phone sa may drawer. Wala naman kasi akong ineexpect na tawag or message mula sa kahit na sino kaya tinago ko lang dito ang phone ko.
"Sabi mo ayaw ka na niyang maging kaibigan?" tanong niya ulit.
Nagbuntong-hininga naman ako. "Ayaw na niya akong maging kaibigan pero hindi ibig sabihin no'n magkaaway kami."
"Huh?!"
"Ang magkaaway ay galit sa isa't isa. Ang kaso naman namin ni Ruh, galit siya sa akin pero hindi ako galit sa kaniya," paliwanag ko.
"Gano'n na rin 'yon, Ate! Para kang timang!" sabi niya saka umayos ulit ng upo sa kama ko. Napairap na lang ako. "Boring naman. Wala ba talaga?" tanong ulit niya, halatang nanghihinayang pa.
I nodded.
"Ano na lang naisip niyo't nasa ilog kayo? Dis-oras ng gabi pa at kayong dalawa lang, ah," aniya. Wala naman talaga akong balak tumalon sa ilog kung hindi lang ako inasar ni Ruruh. "At i-add mo pa na hindi pa kayo bati n'yan, ah!"
"Hinanap kasi namin 'yung time capsule na ginawa namin, ten years ago," sagot ko. Ipinakita ko pa sa kan'ya 'yung papel na ipinatong ko kanina sa table.
"Weh? Ten years na 'yan?" hindi makapaniwalang tanong n'ya.
Year 2019 pa namin ito tinago at 29 years old na kami ngayon. Kaya ten years. Tapos nine years na hindi ako umuuwi simula noong medyo humihirap na ang buhay kolehiyo ko sa Manila.
Pero kahit papaano naka-survive naman ako at nakagraduate ng Cum Laude sa kursong Fine Arts.
"Angas! Pabasa nga." Akmang kukunin sana n'ya ang papel pero agad kong nailayo ito.
"Hindi p'wede. Private 'to," saad ko.
Napanguso naman siya. "Damot. Sinong nakaisip n'yan?"
"Si Alice," tipid na sagot ko habang pinagmamasdan ang papel.
"Ah, kung sabagay, gawain nga 'yan ni Ate Alice," saad niya habang tumatango-tango pa. "Ang dami ko ngang nakitang letter na gawa niya sa kwarto ni Kuya—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bumukas ang pinto. Sabay kaming napalingon dito at nakita namin si Casper.
"Bakit?" tanong ko rito. Ilang segundo yata s'yang nakatayo ro'n bago ako sinagot.
"Wala," tugon n'ya at bigla na lang umalis. Naiwan naman kami ritong nagtataka.
"Hanggang kailan si Casper dito?" takang tanong ko. Ang alam ko kasi ay may trabaho rin ito sa Manila at kasama n'ya dapat ngayon si Earl na nag-aaral sa Ateneo.
Nagkibit-balikat naman si Faye. "Ang alam ko may tinanggap siyang project pagkauwi niya galing Siargao. D'yan lang sa may Paseo de San Pablo tapos after no'n babalik na rin siya sa Manila."
"Galing siyang Siargao?" kunot-noo'ng tanong ko ulit.
Tumango naman si Faye. "Hindi mo alam? Sabi ni Kuya Casper may tinanggap muna siyang project sa Siargao. Bagong resort yata 'yon at siya ang kinuhang Architect."
"Talaga?" hindi makapaniwalang saad ko, "Anyway, ano namang project ang kinuha niya ngayon d'yan sa may Paseo?"
"Kay Joanne Ferrer," sagot ni Faye saka makahulugang tiningnan ako. Noong una ay nagtaka pa ako pero bigla kong naalala kung sino ito.
"What the fvck?" bulalas ko. Sa pagkakaalam ko, iyon 'yung ex ni Casper dati na halos muntik na siyang hindi makapagtapos after nilang magbreak.
Tumango lang si Faye habang nakangiwi. "How ironic, right? Anyway, pero sabi ni Kuya Casper trabaho lang daw talaga 'yon kaya niya tinanggap, walang malisya," dugtong pa niya, "Magtatayo kasi ito ng business sa Paseo. Isang restaurant, The Haven yata ang name. Kaso si Kuya Casper lang ang kilala niyang architect pati rin si Kuya Ruruh na isang civil engineering."
"Wait, kasama si Ruruh?" kunot-noo'ng tanong ko.
Tumango naman siya. "Oo. Kaya nga umuwi rin siya last month. Alam mo ba na lumipat na sa Baguio si Kuya Ruruh? Hindi na siya nakatira dito."
Aaminin ko, medyo nabigla ako sa sinabi n'ya. Magkakilala pala sila ni Joanne. Hindi ko alam ang bagay na 'yon. Pero sobrang tagal nga naman ng nine years at marami na ang nangyari na hindi ko alam.
Wala nga rin akong alam na nakatira na pala sa Baguio si Ruruh.
"Gan'yan siguro kapag in love... nagiging weird," komento pa niya kaya mas lalo akong nagtaka. Itatanong ko sana kung bakit kaso bigla naman itong tumayo at nagpaalam na umalis.
Napailing na lang ako't hinayaan sila. Kahit naman kasi magtanong ako kay Casper, hindi naman ako sasagutin ng matino no'n. Mamamatay na lang ako sa sobrang curious dito.
Napatingin ulit ako sa letter na ginawa ko. Naalala ko na naman ang huling sentences na nakasulat dito. "Alagaan ang sarili?" Napangiti ako ng mapait. "What if, huli na talaga ang lahat para sa akin?"
Hindi ko na kayang abutin lahat ng pangarap ko noon.
***
"Ma naman?" Napakunot-noo ako pagbaba ko ng hagdan. Sa sala pa lang ay rinig na rinig ko na ang boses ni Casper na parang nagrereklamo kay Mama sa kusina. "Ni ayaw nga n'ya magsalita kung ano talagang nangyari?"
"Kapatid ka niya, baka sa 'yo s'ya magsalita," rinig kong sagot ni Mama. Nasa may sala lang ako't nanatiling nakikinig sa usapan nila.
Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Casper. Akala mo talaga'y problemado. "Maling anak ang pinakikiusapan n'yo, Ma. Hindi s'ya magsasabi sa akin," tugon nito. Ako ba ang pinag-uusapan nila?
"Pero—"
"Ganito na lang, Ma. Bakit hindi na lang natin s'ya hayaan? Kung ayaw niyang magsalita sa nangyari, e 'di 'wag..." he said. Nakatayo lang ako sa labas ng kusina kaya hindi ko alam kung anong reaksyon ng mga mukha nila pero sa tono ng boses ni Mama, halatang nag-aalala siya. "Kita ko sa mga mata niya na pagod talaga s'ya. Why not let us give her some space? Let her rest? Hindi ba maganda na narito na s'ya?"
Si mama naman ang nagpakawala ng malalim ng hininga. Hindi ko inaasahan ang mga words na 'yon kay Casper, parang hindi siya 'yung taong nagsasalita. Sobrang lambing ng boses nito.
"Tama ka, at least narito na ang kapatid..." Pagsang-ayon ni Mama. So, hindi na ba galit sa akin si Mama?
"Tita Brenda! Tao po!"
Bahagya pa akong napapitlag nang may marinig akong tumatawag sa labas. Dali-dali tuloy akong nagtungo sa may pinto para buksan ito dahil baka mahuli pa ako nina Casper na nakikinig sa kanila. Mabuti na lang na sa may pinto na 'ko nang lumabas ito mula sa kusina.
"Gising na ang bisita. Sinong nasa labas?" mayabang na sambit nito kaya napairap ako. Talagang tinawag pa akong bisita para mang-asar.
"Bubuksan ko pa lang ang pinto, Sir!" iritableng tugon ko. Akala mo naman... Hindi talaga ako naniniwala na si Casper ang nagsasalita kanina. Imposible!
Pagbukas ko ng pinto, nagsalubong agad ang kilay ko nang makita sina Tristan at Alice sa labas. Napatingin pa ako sa orasan sa pader. Seven pa lang ng umaga, ang aga naman nilang bumisita tapos sa pagkakaalam ko pa ay malayo ang bahay nitong si Alice. Sa kabilang Barangay pa s'ya.
"Ang aga niyo namang mangapit-bahay," sabi ko saka sila pinapasok sa loob, maliban kay Tristan na nanatili lang sa labas ng bahay namin. "Oy, Tristan? Hindi ka ba papasok?"
Umiling ito. "Dito na lang ako."
Bigla namang umirap si Alice saka pinulupot ang kamay sa braso ng lalaki. "Ang arte! Tara na sa loob!" yaya nito saka hinila ito papasok ng bahay namin. Kaso ayaw talaga ni Tristan pumasok kaya ang ginawa ko ay tinulak ko ang likuran niya. Dahil do'n wala na talaga siyang nagawa kundi ang makapasok na ng tuluyan sa bahay namin.
"Gagi," sambit n'ya.
"Nga pala, hindi ba sa San Miguel ka pa, Alice? Ang aga mo namang pumunta rito sa San Bartolome," sabi ko.
"Nakitulog ako kina Tristan," sagot n'ya, na para bang sanay na siyang nakikitulog sa mga ito.
Tumango na lang ako. "Kumain na kayo?"
"Hindi pa nga, e!" mabilis na tugon ni Tristan. "Itong si Alice bigla na lang nagyaya rito," dagdag pa niya habang nakabusangot ang mukha kay Alice.
"Tamang-tama kakagising ko lang. Sabay-sabay na tayong mag-almusal," sabi ko. Bigla namang may gumuhit na ngiti sa labi ni Tristan at agad na lumapit sa akin.
"Anong almusal n'yo?" tanong pa niya, dahilan kaya natawa ako.
Hinampas naman siya ng bahagya ni Alice sa braso. "Wow. Parang kanina lang, ayaw mong pumasok ah!" sambit ng babae.
Napailing na lang ako sa pagtatalo no'ng dalawa nang magtungo kami sa may Kusina. Bumungad naman sa amin si Mama na nakasuot ng pink floral daster niya habang nagpiprito ng bacon at hotdog. Nakaupo naman sa may lamesa si Casper habang umiinom ng kape. Maayos ang itsura niya 'di tulad kahapon.
Nakasuklay na ng maayos ang buhok niya at nakasuot siya ngayon ng malinis na blue polo shirt with long sleeves at black pants. Halatang may pupuntahan. Trabaho siguro.
"Oh, Alice? Tristan? Ang aga niyo naman magpunta rito? Kumain na ba kayo?" tanong ni Mama sa mga ito.
"Hindi pa nga po, e." He pouted, at agad na lumapit kay Mama para tingnan ang niluluto nito.
"Ay tamang-tama nagluto ako ng pritong bacon at hotdog dito, may pandesal din. Kumain na kayo," alok niya. S'yempre, tuwang-tuwa naman si Tristan at mas nauna pang kumuha ng pandesal sa amin.
"Yown! Kaya ikaw paborito kong player sa bingo-han Tita Brenda, e!" sabi ni Tristan, dahilan kaya natawa kami nina Mama. "Kapag wala ka ng pamato Tita, tawagan mo lang ako at bibigyan kita!"
Labis namang natuwa si Mama. S'yempre, tungkol sa pagbibingo n'ya, e. "Yan, gan'yan ang gusto ko!" ani Mama.
Napailing na lang ako't tumabi kay Casper. Tahimik namang tumabi sa akin si Alice habang tinutulungan naman ni Tristan si Mama na nagluluto.
Sipsip kasi ang isang 'to.
"Kape?" alok ko kay Alice na katabi ko lang. Tumango naman siya kaya agad akong kumuha ng dalawang tasa at nagsimulang magtimpla. Saka ko lang naalala na kasama nga pala namin si Tristan. "Ikaw Tristan? Kape?"
Napalingon naman si Tristan sa akin at agad na umiling. "Acidic ako babe," pabirong sagot n'ya. Pero bahagya akong napakunot ng noo. Hindi dahil sa huling sinabi niya kundi sa Acidic pala siya? Kailan pa?
After kong magtimpla, inabot ko na kay Alice ang kape. "Ginagawa niyo pala rito?" tanong ko nang makaupo ulit sa tabi niya.
"Nabitin kasi ako kahapon kaya pumunta kami rito," sagot n'ya. Napadako naman ang tingin ko kay Casper nang bigla itong tumayo. Hindi pa ubos ang kape n'ya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko rito.
"Sa trabaho," he said in sarcastic tone, "Hindi mo alam 'yon kasi wala ka no'n," dagdag pa niya. Napakapasmado talaga ng bibig nito. Sarap sabunin!
Bago pa ako makapagsalita ay nakaalis na siya. Kaya naiwan tuloy akong iritable rito. Humanda talaga siya sa akin pag-uwi niya mamaya!
"Saan siya nagtatrabaho?" curious na tanong ni Alice.
Humigop muna ako ng kape bago siya sinagot. "Sa may Paseo. May tinatayo raw silang restaurant do'n," sagot ko.
"'Yung kay Joanne Ferrer?" biglang singit naman ni Tristan nang makaupo sa katapat naming upuan. Nagtataka naman akong napabaling ng tingin dito.
Kilala n'ya ang babaeng 'yon?
"Pinag-uusapan kasi siya ng mga kapatid ko saka sa paradahan sa TODA. Sikat raw kasi ang restaurant niya na itatayo mismo sa Paseo," dugtong pa niya bago kami makapagtanong. "At isa pa, maingay ang pangalan niya ngayon... kahit noong College pa."
Pabulong na niyang sinambit ang mga huling salita n'ya, pero maliit lang itong kusina namin kaya narinig ko pa rin.
"What do you mean?" takang tanong ko.
"Palibhasa kasi hindi ka rito nag College kaya hindi mo alam," singit naman ni Alice. "Sikat noong College si Joanne at umabot pa hanggang SPC ang pangalan niya kaya kilala ko rin s'ya."
"So, bakit siya sikat?"
Nang itanong ko 'yon, bigla namang nag-iwas ng tingin 'yung dalawa sa akin. Na para bang wala silang narinig kaya mas lalo tuloy akong na curious. "Hoy, ano nga?" pilit ko.
Huminga naman ng malalim si Alice. "She commit suicide. Sinubukan niyang tumalon sa isang building sa school. Hindi ko alam kung anong tunay na nangyari pero 'yon ang kumalat na balita noon. Hindi ako sure kung totoo ngang sinubukan niyang tumalon," sagot niya.
Bigla ko tuloy naisip si Casper. Pero base sa mga kwento ni Faye sa akin noon, wala naman siyang nabanggit sa akin na ganitong insidente.
"Si Tristan, baka alam niya since same school lang naman sila noong College," sabi pa ni Alice.
"Aba malay ko! Narinig ko lang din naman 'yon saka hindi naman ako nagtagal sa College," sabi naman ni Tristan.
Humigop na lang ako sa kape ko habang nakikinig sa kanila. Basta ang alam ko lang ay noong nagbreak sila Joanne, hindi raw lumalabas ng bahay si Casper. As in! He's totally a mess! Sabi ni Faye, nahirapan pa raw silang dalawa ni Earl na suyuin ito na mag-aral ulit.
"Hindi ba weird na kasama niya sa trabaho ang Ex n'ya?" tanong ni Tristan. Hindi ko s'ya masagot dahil hindi ko maimagine ang sarili ko sa sitwasyon ni Casper, though, may Ex naman ako. Kaso hindi ko talaga kayang isipin.
Siguro nakamove on na si Casper kaya tinanggap n'ya ang project?
"Hindi naman siguro," sabi ni Alice kaya napadako ang tingin namin sa kan'ya. "Maturity tawag do'n. Kasi bakit mo naman iiwasan 'yung taong minsang nagpasaya sa 'yo?"
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Bigla na lang sumeryoso si Alice at kahit si Mama ay napatingin dito. "Ang lalim no'n Alice, ah," kantyaw ni Tristan.
"Oo nga," pagsang-ayon ko saka uminom ng kape. "May pinanghuhugutan ka ba?" biro ko pa. Hindi kasi ako sanay na ganito kaseryoso sa love life si Alice.
"Luh? Hindi ah! I mean— s-siguro n-nakamove on na si Tristan?" halos mabulol na ito habang nagsasalita pero napakunot-noo kami.
"Ako?" takang tanong ni Tristan.
"Ay si ano pala— Casper!" Napahampas ito sa noo. "Sorry, nalilito na 'ko kung sino 'yung nakamove on," sabi nito. Nahuli ko pang tinapunan siya ng masamang tingin ni Tristan.
Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin no'n pero hinayaan ko na lang sila at kumain na lang ng almusal.
"Anyway, nakita pala namin kagabi ni Ruruh 'yung time capsule," sabi ko sa kanila at pinakita sa kanila ang letter.
"Ay weh? Nagpunta kayo sa ilog?" tanong ni Alice.
"Kagabi?" dugtong naman ni Tristan.
"Oo!" si Mama ang sumagot kina Alice. "Alam niyo ba, umuwi 'yung dalawang 'yan dis-oras na ng gabi mga basa. Naligo raw sa ilog."
Makahulugang tiningnan ako nina Alice at unti-unting may gumuhit na ngiti sa kanilang mga labi. "Kayo ah, ang naughty," pang-aasar ni Alice.
My face twisted into a grimace while drinking a coffee. "Naughty? Naligo lang kami sa Ilog," depensa ko. Bakit ang big deal para sa kanila ang bagay na 'yon?
"Kayong dalawa lang, hindi n'yo man lang kami isinama?" he mischievously smiled at me. I don't know what's that mean but I just ignore it. "Nasaan pala 'yung time capsule?"
"Na kay Ruruh," sagot ko kay Tristan.
"Tara kina Ruruh," biglang yaya ni Alice.
Pero ang hindi ko inaasahan ay bigla nilang hinawakan ang magkabilang braso ko't walang pasabing itinayo ako. Ni hindi na nga ako nakaangal nang mahila nila ako palabas ng bahay. Hindi man lang muna nila ako hinayaang tapusin ang pagkain ko or makapaghilamos ng mukha.
Si Mama naman hinayaan lang 'yung dalawa. Nagpahabol pa siya sa amin ng 'ingat'.
"Hindi ko pa tapos inumin ang kape ko," reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa bahay nina Ruruh. Pero wala naman silang pakialam, basta ang gusto nilang dalawa ang masusunod.
"Okay lang 'yan. Masama rin sa katawan ang kape," saad ni Alice.
"Sumunod ka sa sinasabi ng Nurse," pagsang-ayon naman ni Tristan. Oo nga pala. Nurse na nga pala si Alice ngayon.
"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko.
"Meroon. Mamaya pang 10 ang duty ko sa Malamig Hospital," sagot n'ya. Ang kaso nga lang, hindi naman sa ayaw kong magpunta sa bahay nina Ruruh kaso nga lang after ng pag-uusap naming dalawa kagabi... Nilinaw na niya sa akin na ayaw na niyang maging kaibigan ako kaya bakit pa ako pupunta sa kanila?
Pagdating namin, tamang-tama namang lumabas si Tita Cheska kaya hindi na kami nagtawag ng tao. "Tita? Si Ruruh po?"
"Oh, kayo pala 'yan Alice. Nasa loob kumakain kasama ang Papa n'ya," ani Tita Cheska saka agad na pinagbuksan kami ng gate. "Mabuti na lang marami akong nilutong bacon, kain kayo sa loob."
"Yown! Kaya ikaw paborito ko Tita Cheska, eh!" sipsip na sabi ni Tristan. Pero parang narinig ko na 'yon kanina. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Natawa naman si Alice. "Napaboombastik side-eye si Desire sa 'yo," sabi nito saka tumingin kay Tita Cheska. "Scammer 'to Tita! Nasabi na n'ya 'yan kay Tita Brenda kanina!"
"Oo nga, Tita! Plastik 'to!" dagdag ko pa. Sinubukan naman kaming akbayan ni Tristan para patahimikin pero nagmadali lang kaming naglakad ni Alice papunta sa kusina para hindi niya maabutan.
"Kayo talaga, para kayong mga bata," natatawang komento ni Tita. Pagdating namin sa kusina, naabutan namin doon sina Ruruh at kasama n'ya ngayon si Tito Romel.
Kita sa mukha ni Ruruh ang pagkalito nang makita kami.
"Kain kayo," alok ni Tito Romel sa amin. Parang wala rin siyang pinagbago, maliban lang sa mga puting buhok n'ya sa ulo. Napadako naman ang tingin ko sa binatang katabi niya. Nang magtama ang mga mata namin, bigla siyang nag-iwas ng tingin.
"Naku salamat po, Tito. Pero narito po kami para kay Ruruh," sabi ni Alice. Bigla namang may gumuhit na ngiti sa labi nito at tiningnan ang kan'yang anak.
"Mga babae pa talaga ang bumibisita sa 'yo," sabi nito. Nagtaka naman ako. Kasi wala namang masama kung bumisita ang isang babae, lalo na kami lang naman ito. "Tulad ng mga sinasabi ng mga kabataan ngayon... weak."
Bigla namang nasamid si Ruruh sa iniinom n'yang kape. Pero mas lalo lang akong walang naintindihan sa nangyayari. I look at them puzzled. Habang sina Tita, Alice at Tristan naman ay natawa lang.
Anong nakakatawa?
"Tito, agree ako!" Tuwang-tuwa naman si Alice at napathump-up pa.
"Wala p're, weak ka pala," sabi naman ni Tristan, pero tinapunan lang siya nito ng masamang tingin.
"Naku, may pinagmanahan kasi," singit naman ni Tita, wari ko ay biro 'yon kay Tito dahil mas lalo silang tumawa. Kami lang yata ni Ruruh ang hindi pero 'di tulad ko, siya naman ay mukhang naiirita.
'Di ko gets 'yung humor.
Tumigil lang sila nang tumikhim si Ruruh. "A-Anong kailangan niyo? Bakit kayo narito?" tanong n'ya sa baritonong boses. Ang seryoso no'n at para bang pinagtatabuyan kami.
"Ay shala, ang sungit," sambit ni Alice, "Kukunin sana namin 'yung time capsule. Nabanggit ni Desire na nakuha n'yo raw... kagabi."
Tinaasan naman niya kami ng kilay. "'Yon lang?" tanong nito, halatang iritable na.
Tumango naman kami. "Sige, hintayin n'yo ako," sabi nito. Bigla naman siyang nagbuntong-hininga't mukhang napipilitan pang tumayo.
Nang makaalis siya ay inalok naman kami nina Tita na kumain. Tumanggi kami ni Alice maliban kay Tristan. Basta pagkain, susunggab 'to. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin si Tito Romel dahil papasok pa siya sa trabaho, kaya kaming apat na lang ang naiwan sa may kusina habang hinihintay si Ruh.
"Sandali Tita, hindi ba papasok si Ruruh?" tanong ko, "Kanina pang nakaalis si Casper, e."
"Ah, sabi n'ya mamaya pa raw siya," sagot naman nito.
"Anong connect niya kay Casper?" Kunot-noo'ng tiningnan ako ni Alice.
"Sabi ni Faye, inalok din daw siya ng trabaho n'ung Joanne," sagot ko pero nagulat naman ako sa naging reaksyon no'ng dalawa. Bigla na lang silang tumawa. "Bakit?"
Wala akong ideya sa mga nangyayari. Kanina pa akong clueless dito.
"Hindi mo rin ba alam?" ani Tristan. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" balik na tanong ko, may halong pagtataray na.
"'Yung Joanne kasi, Ex din ni Ruruh." Gulat akong napalingon sa sinabi ni Tita Cheska. Si Ruruh, may ex?! Hindi ko nabalitaan ang isang 'yon, ah!
Pero ang mas nakakagulat ay parehong Ex nila ni Casper 'yung babae, tapos pareho silang inalok ng trabaho nito. Ang mas nakakaloka pa, pareho rin nilang tinanggap!
Tingin ko, ito na 'yung masasabi kong weird. "Hindi ba awkward 'yon?" tanong ko. Halos magdikit na ang kilay ko.
"Malay ko," natatawang saad ni Alice. "Pero natatawa talaga ako kasi pa-weird ng pa-weird ang sitwasyon."
"Uh-huh," pagsang-ayon naman ni Tristan. Ilang sandali pa, bumaba na si Ruruh. Dala-dala nito 'yung time capsule.
"Ito na, oh," sabi ni Ruruh saka inabot kina Alice ang lalagyan.
"Ang cute naman, gumawa kayo ng gan'yan ten years ago," komento ni Tita Cheska.
"Yes Tita. It's pretty cute if you have something to look back from the past," sagot ni Alice.
Taray. English talaga.
Kumunot ang noo nito nang makitang isa lang ang laman no'n. "Akin 'tong isa. Nasaan 'yung kay Tristan?" takang tanong nito. So, 'yung kay Tristan pala 'yung nawawala. Maliban na lang kung mas nauna talaga itong kunin ang letter niya kaysa sa amin.
Nagkibit-balikat naman kami ni Ruruh. "Nakita namin ni Desire na tatlo lang ang laman n'yan," aniya.
Dahilan kaya napatingin kami kay Tristan. Bigla naman siyang napaiwas ng tingin sa amin. Kahit hindi niya sabihin, alam kong may mali rito.
"Tristan? Kinuha mo na 'yung sa 'yo, 'no?" may pang-aakusang saad ko.
Nagsimula siyang magtap ng daliri sa lamesa at iniiwasan na makipag eye contact sa amin. "Siguro?" Kumunot ang noo nʼya. Akala moʼy may inaaalala na kung ano. "'Di ko maalala. Pero siguro... oo?"
"Ang daya mo! Tristan!" sabay na saad namin ni Alice. Obvious naman na kinuha na niya 'yung kaniya wala pang ten years.
"Sandali lang! Bakit naman kasi ako maghihintay ng ten years kung p'wede ko naman basahin agad?" sabi naman ni Tristan.
Tsk.
"Ewan ko sa 'yo," ani Alice saka umirap. "Bulok mo. 'Yon nga ang purpose kaya tayo gumawa nito."
"Kung nakuha mo na 'yung sa 'yo bago pa mag ten years, hindi mo naman siguro nabasa 'yung sa 'min?" I asked. Pakielamero pa naman ang isang 'to. For sure nabasa nito!
Pero okay lang. Wala namang nakakahiya sa letter ko. Ewan ko lang kina Alice at Ruruh. Kung nakakamatay lang ang pagtingin, kanina pang deds itong si Tristan. Sobrang talim ng mga tingin nila rito habang naghihintay ng sagot.
Madiin naman itong umiling. "S-S'yempre hindi!" tanggi niya, "Promise!"
"Siguraduhin mo lang," pagbabanta ni Alice.
"Dahil kung hindi, yare ka," dagdag naman ni Ruruh. Kahit ako ay medyo kinabahan para kay Tristan pero kasalanan naman niya eh.
Deserve.
______________________________________________________________________
To be continue...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top