EPISODE SIX

"TUNAY NA KULAY"

ANG NAKARAAN :

Muntik ng malagay sa panganib si Atty Almie. Habang si Argelie naman ay matagumpay niyang naisagawa ang kanyang mga plano sa unang anak ni Ignacio.

ANG KARUGTUNG :

Sa tahanan ng mga madre..

"Sister Salome gising na sya!" Sabi ni sister Agnes.

"Ganun ba? Samahan moko!" Sabi ni Sister Salome at nagmamadali silang nagtungo sa silid kung saan nila pinagpahinga Ito.

Habang sa Emerald Castle...
Nagpatawag si Argelie ng isang pagpupulong.

"May sulat ako galing sainyong nakakatandang kapatid." Sabi ni Argelie habang may hawak syang isang liham. At sa harapan naman nya ay ang tatlong magkakapatid.

"Mahal kung mga kapatid, nais kung malaman ninyo na pinag-isipan ko to nang mabuti. Ayuko mang iwan kayong tatlo. pero kelangan ko ding maging masaya. Magsasama na kami ni ng aking nobyo. Hindi nyo sya kilala dahil magkababata kami noon saaming lugar. Ngunit wag kayong mag aalala. May ibinilin akong isang kasulatan kay Tita Argelie at sya na ang magpapaliwanag sainyo Kung ano yun! Mahal na Mahal ko kayo. Mag iingat kayo palagi." Basa ni Argelie sa liham.

"Ano naman ang kasulatang iyon?" Tanong ni Davilinda.

At agad namang kinuha ni Argelie sa kanyang lalagyan ang Isa pang liham.

"Nakasaad dito na... Sandali bubuksan ko lang!" Sabi ni Argelie at dahan dahan niyang binuklat ang nakayuping papel sabay basa.

"Ako si Marlyn Vistal Emerald, at iiwan ko ang lahat ng pag-aari ng aking yumaong ama sa aking tiyahin na si Argelie. Siya ang mamahala sa Emerald company..." Magbabasa pa sana si Argelie ng biglang kinuha ni Mia ang papel nyang hawak.

"Totoo ba ang mga to?" Sabi ni Mia at kinuha pa nya ang isang liham na hawak kanina ni Argelie.

"Kahit basahin mo pa yan ng isang taon. Sa kapatid ninyo yan. At may pirma pa ni Marlyn ang kasulatan na yan." Sabi ni Argelie at lumapit na din si Marife upang tingnan liham.

"Argelie? Kilala ko si Marlyn! Hinding-hindi sya aalis ng walang paalam o kausapin man lang kami sa plano nya. Now asan ang ate Marlyn?" Sabi ni Davilinda.

Lumapit ng kaunti si Argelie sabay sabing.

"Iniwan na nya kayo.. Hindi mo ba Yun naiintindihan? At ibig sabihin din ng kasulatan na yan. Ang lahat ng meron kayo ay saakin na. Ako na ang nag mamay-ari ng kastilyong ito. Pati na ang kompanya!" Sabi ni Argelie.

"Talaga lang? Hindi ito sulat kamay ni Ate Marlyn.." Sabi ni Mia.

"What? Nagpapatawa ba talaga kayo? Wala akong pakialam kung hindi yan sulat kamay ni Marlyn. Eh yang pirma?" Sabi ni Argelie.

"Kay Ate nga ito.." Sabi ni Marife.

"See? And since hindi na ang ate ninyo ang nagmamay-ari ng emerald castle. Pinaayus ko na ang mga gamit ninyo saaking assistant!" Sabi ni Argelie at pumasok naman sa loob ng silid si Jeanrio dala dala ang tatlong maleta.

"Anong ibig sabihin nito miss Argelie.." Gulat na Sabi ni Ruel ng Makita niyang buhat ni Jeanrio ang mga gamit ng kanyang mga alaga.

"Umalis na kayo. Dahil hindi ko naman kayo ka-ano ano? At Wala akong obligasyon sainyo." Sabi ni Argelie sabay sipa ng mga maleta.

"Miss Argelie.. Wala na ho silang mapupuntahan. Nasa bahay ampunan lang po sila nung pinasundo na ni Senior Ignacio ang mga anak nya. Kaya maawa na po kayo. At Sabi ni Atty Almie pag dating ng ika labing walo nilang kaarawan ay makukuha na nila ang kanilang Mana. Nasaan ba si Marlyn?" Sabi ni Ruel.

"Lumayas na at sumama sa nobyo. Wala akong paki kung nasa bahay ampunan sila dati. Kung gusto mo.ibalik mo sila doon. At wag Kang makikialam Ruel Kung ayaw mong mawalan ng trabaho!" Sigaw ni Argelie sakanya.

"Magbabayad ka Argelie.. oras na malaman Kung may ginawa kang masama sa kapatid ko. Hindi ako magdadalawang isip na tanggalan ka ng hininga!" Sabi ni Davilinda at binuhat nilang tatlo ang kanilang maleta.

"Hindi ako natatakot sayo.. lumayas na kayo!" Sigaw ni Argelie sakanila.

Samantala sa kumbento..

"Nasaan ako?" Tanong ng dalaga habang nakatingin kina Sister Salome at Agnes.

"Ako si Sister Salome, siya naman si Sister Agnes nakita ka namin sa gubat ng walang malay. May Tama ka saiyong magkabilang balikat anong bang nangyari sayo? May naalala kaba? O ano ang iyong ngalan?" Tanong ni Sister Salome sa dalaga.

Huminga ng malalim saglit ang dalaga at nagsalita ito.

"Ako? Hindi ko alam? Sino ba ako?" Umiiyak na Sabi ng Dalaga.

"Sandali may ID ka pala nakita namin sa mga gamit mo. Heto!" Sabi ni Sister Agnes sabay abot sakanya.
Nang mahawakan na nya Ito ay agad niyang binasa ang naka sulat.

"Marlyn Vistal Emerald? At ako Ito sa larawan." Sabi ni Marlyn habang naguguluhan.

"Oo ikaw yan. Pero may naalala kapa ba sa nangyari sayo bago ka mapapad sa gubat?" Tanong ulit ni Sister salome.

"Wala hindi nga ako sigurado na Marlyn ang aking pangalan. " Umiiyak na Sabi ni Marlyn.

"Nagka amnesia siya Salome. Anong gagawin natin. Kelangan syang matingnan ng doctor." Sabi ni Sister Agnes.

"Kung hindi ako nagkakamali Agnes. May nagtangka sa kanyang buhay. At hindi magandang idea ang iluwas sya ng syudad. Baka mahanap sya. O Kung meron man. Sa ngayon kelangan nating kausap ang mother superior tungkol sa kanya." Sabi ni Sister Salome.

"Mabuti pa nga Salome at akoy kukuha na ng kanyang pagkain."Sabi ni Sister Agnes.

"Ah Marlyn maiwan na muna kita dito kukuha lang kami ng iyong pagkain at iyong kasuotan para makapag bihis ka din." Sabi ni Sister Salome na agad naman silang lumabas ng kwarto.

Nang maiwan si Marlyn sa kwarto..

Biglang bumuhos ang kanyang luha.

"Hindi ko Alam Kung bakit ako umiiyak. Pero Sino ba ako?" Sabi ni Marlyn....

Itutuloy.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top