[17] Bugbog Sarado
Chapter 17
Brent's POV
"Who among you is Jason Hale?!" -me.
Mukhang nagulat silang lahat nung tumingin sakin. Pero nung nakita nila kami ay napangisi na lang sila. Tsk, kung pede ko lang sanang sunugin ang mga to, nagawa ko na. Pero di ko pede gamitin ang Power ko sa labas ng Academy. Dalikado.
"Ako. Bakit? May kailangan ka ba?" -sigaw ng isa sa kanila.
Napa-smirk naman ako nung nakita ko siya. Oo, malaki ang katawan niya pero mukhang mahina.. Tsk, yabang lang ang kayang ipagmalaki ng isang ito..
"Oo, gusto ko lang kasing mambugbog ng isang basurang katulad mo!" -ako.
"Aba't loko to ah!" -Jason.
Sinamaan lang nila ko ng tingin bago sumugod patungo sa amin. Teka lang, sakin lang pala kase umatras ng bahagya si Terran.
"Kaya mo na yan, Brent." -Terran. ^__^
"Haist, kabuti mong kaibigan!" -Ako. Note my sarcasm.
"Ako pa. At saka, ayokong mabangasan ang gwapo kong mukha.. Next time na lang.." -Terran. ^_____^
(A/N: Ang hangin naman dito... Wwhhoooaah! Ang presko!)
Napa-smirk naman ako sa sinabi ni Author-san..
Well, back to the situation in hand. Sumugod sila. Sa tansya ko ay nasa 7 silang lahat.
Yung isa ay sumugod sa akin na akmang susuntukin ako. Umilag ako at sinikmuraan siya. Dahil sa lakas nun ay nahimatay ito. Tsk, walang kwenta.
Yung isa naman ay susuntukin sana ako sa mukha pero nagawa kong salagin yun gamit ang isang kamay. Pinihit ko yung kamay niya, na naging dahilan para mapasigaw siya sa sakit, at inilagay ito sa likod niya. Tapos, inilagay ko yung tuhod ko sa likod niya. Naglagay ako ng malaking pwersa doon at tinulak ko siya hanggang sa matumba siya sa sahig. Agad naman siyang dumaing sa sakit.
"Aba't marunong ka pa lang lumaban ha?!" -Jason.
Sumugod siya sakin at nasuntok niya ko sa pisngi. Nagdugo ng bahagya ang labi ko pero di ko yun ininda. I spit out then gave him a cold stare.
Sisikmuraan naman niya sana ako ng harangan ko ito gamit ang isang kamay ko.
"Yan ba ang ginawa mo kay Fuente?" -ako.
Sinamaam ko siya ng tingin at malamig na boses ang ginamit ko.
"S-Sinong F-Fuente?" -nanginig naman siya sa takot. Tsk, ang hina naman pala ng isang ito. Nagawa pa kong suntukin sa mukha pero kahina niya naman pala.
"Wag kang magt*nga-t*ngahan!" -ako.
"Yung babaeng Freak ba ang tinutukoy mo?" -Jason.
Kinuwelyuhan ko siya. Dahil sa mas matangkad ako, naangat ko siya ng bahagya.
"Anong tinawag mo sa kanya?" Madiin kong sabi.
"S-Si Mizuki Fuente ba?" -Jason.
"Oo, gusto kong humingi ka ng tawad sa kanya." -ako.
"At bakit ko naman yun gagawin? Kaano-ano mo naman ang basurang yon?" -Jason.
That hit a nerve. Sinuntok ko na lang siya sa mukha ng malakas na naging dahilan para tumalsik siya palayo.
"Humingi ka ng tawag kung hindi, babalikan kita." -mariin kong sambit.
Nanginig siyang tumango. Napa-smirk na lang ako dahil doon. Tumingin naman ako sa apat na kasama niya na hindi pa rin sumusugod o nawawalan ng malay.
"Kayo? Gusto niyo bang magaya sa kanila?!" -ako.
Umiling naman sila at nagsikuripas ng takbo.. Tsk, mga duwag..
Napailing na lang ako at naglakad palayo. Sumunod naman si Terran na malapad ang ngiti.. Ano naman ang nangyari sa baliw na to?
"Teka lang, sino ka ba? At bakit mo to ginagawa? Sino ka ba sa buhay ni Mizuki Fuente?" -Jason.
Napalingon naman ako sa kanya at nag-smirk.
"Ako? Wala naman. Just a friend." -ako.
At tumuloy na kami sa paglalakad. Pumasok na kami sa kotse ko at pinaandar ko na ito.
"Hmm, friend pala ha." -Terran.
"Just keep your mouth shut or else you'll have the same state as them." -ako.
"Okay, depensive masyado." -Terran.
Pagkatapos nun ay mahabang katahimikan...
After an hour or so of silence, nakabalik na rin kami sa academy. 6 pm na at wala pa ko sa mood na bumalik sa dorm. Wala naman akong dorm mate dahil sa request ko kaya ok lang..
Nagpunta ako sa gubat na katabi ng academy. Naglakad ako hanggang sa nakarating ako sa isang clearing kung saan matatagpuan ang isang lawa.
Nag sigh ako bago umakyat sa isa mga puno.
Ilang minuto na ang lumipas ng nakaramdam ako ng ibang presensiya.
"B-Brent...?"
***
I'm back once again. A bunch of UD with me.. ;)
Please Follow me,
read,
comment or PM
and vote..
Love lots,
☆JeRein_14
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top