Chapter 1
Isang bookworm si Charity, halos lahat ng libro ay nabasa na niya. Inis na inis na nga ang mga kaibigan niya sakanya sapagkat puro siya kwento tungkol sa mga nababasa niya na hindi naman maka-relate ang mga taong nasa paligid niya. Minsan hinihiling niya na lang na sana kahit isang beses lang ay makapasok siya sa mga librong mga nababasa niya kaso alam naman niyang imposible iyon eh.
Ngunit isang araw, may nakilala siyang isang matanda sa eskwelahan nila. Madumi ito at parang wala sa katinuan kaya takot na takot siya na lapitan kaso pilit siyang sinusundan kahit saan siya magpunta kaya wala na siyang nagawa kundi kausapin ito at itanong kung ano ang kailangan ng matanda.
"Ale, ano po bang kailangan niyo? Wala po akong pera, kulang naman po itong baon ko. Wala po akong maibibigay na kahit ano sa inyo kaya kung pwede lang po ay umalis na kayo dito." sabi ni Charity doon sa matanda
"Hija, hindi ko naman kailangan ng limos mo. Gusto lang kitang tulungan, nababasa ko kasi ang isip mo." sabi naman ng matanda kay Charity
Doon ay kumaripas ng takbo si Charity pero pagdating niya sa dulo ay nakita niya ulit ang matanda kaya lalo siyang natakot. Kinusot-kusot pa niya ang mata niya pero nasa harapan pa rin niya ang matanda na nakatingin at nakangiti sakanya.
"Hindi ko po kayo maintindihan, hayaan niyo na po ako. Hindi ko po kailangan ng tulong niyo. Layuan niyo po ako." sabi ni Charity sabay sisIgaw na dapat siya subalit may binigay na bote ang matanda sakanya
"Inumin mo ang gamot na ito upang makarating ka sa loob ng mga librong binabasa mo. Gusto mo silang makasama sa loob ng libro hindi ba? Ito na ang sagot sa mga kahilingan mo." sabi ng matanda sabay bigay ng bote kay Charity
Gulat na gulat si Charity na alam ng matanda kung ano ang gusto niyang mangyari. Namangha siya pero nangunguna pa rin ang takot sa puso at isip niya kaya hindi niya pinansin ang sinabi ng matanda bagkus nilagay niya lang sa bag ang bote na may laman na gamot.
"Paalala lang, oras na maubos iyan ay hindi ka na makakabalik pa sa kabilang mundo." sabi nung matanda
Sasagot pa sana si Charity sa matanda ngunit ito ay naglaho na. Kinilabutan siya at nagpasya na umuwi na lang sa bahay nila. Inisip na lang niya na guni-guni ang lahat, siguro kakabasa niya ito ng libro kaya siya nakakapag-isip ng mga bagay na wala naman.
Pag-uwi ni Charity ay kumain muna siya, pagod siya sa eskwelahan dahil lagi siyang number one sa klase. Kaya naman kada-grading ay may pagkakataon siyang bumili ng kahit anong libro na gusto niya bilang reward sa sarili. Spoiled din siya sa parents niya dahil name-maintain niya ang kanyang grades.
Pagpasok sa kwarto ay nilapag muna niya ang bag at umupo sakanyang kama. Pagod na nga sa eskwelahan pagkatapos ay hindi pa siya pinansin ng crush niya. Buti pa sa mga librong binabasa niya, kapag natilapid lang ang babae ay magugustuhan na siya ng crush niya. Samantalang yung crush niya na si Denver, kahit yata ilang beses na matilapid si Charity sa harapan nito ay hindi siya tutulungan.
Inayos niya ang gamit dahil iba na ang subjects niya para bukas. Habang nag-aayos ay nagulat siya dahil nakita niyang nandoon pa rin ang bote na binigay ng matanda sakanya. Ibigsabihin lang noon ay hindi guni-guni ang nangyari kanina sa eskwelahan. Totoo yung matanda! Totoong nagbigay ito ng bote sakanya na kapag ininom raw niya ay makakapunta siya sa loob ng librong binabasa niya.
Dahil hindi naniniwala si Charity at takot lang naman ang namumuo sakanya ay tinapon na lang niya ang bote sa basurahan. Baka kung anong lason pa ang dala nung gamot na iyon sakanya, baka ikamatay pa niya oras na maniwala siya doon sa matanda eh mukha namang baliw iyon.
Para mawala ang takot ay tinawagan na lang niya ang kaibigan na si Alyson, si Alyson ay isa sa mga hindi maka-relate kay Charity tuwing nagkekwento ito sa mga nababasa niya pero sa oras ng pag-aaral at kapag tungkol sa crush nila ay nagkakaisa sila.
"Alyson, I have kwento! Do you know na may matandang lumapit sa akin awhile ago? She looks like a pulubi. I don't like her! Nakakatakot siya, I swear! Hindi na ako dadaan doon kapag I'll go home na." sabi ni Charity kay Alyson
"Don't you dare talk to that pulubi na. Baka kung ano lang ang gawin sa'yo noon, baka mawala ka pa sa school. You know, some kidnappers are in disguise para hindi sila mahuli agad. I know that." sagot naman ni Alyson sa kaibigan
"I freaked out pa nga eh, she told me na kapag ininom ko na ang bote na binigay niya sa akin, eh I can go sa fictional world. She's crazy! Is that even possible? Gosh!" sagot naman ni Charity kay Alyson
"Naku, she gave you a bottle na ganun daw ang effect? Oh, baka poison iyon tapos kapag nainom mo na mawawalan ka ng malay. The next thing you know nasa bodega ka na and pinapabayaran ka na sa family mo kasi you are kidnapped." sagot naman ni Alyson kay Charity
"Saka paano naman ako makakapunta sa fictional world ano? I know, pangarap ko iyon pero alam ko na hindi na mangyayari pa iyon dahil hindi naman sila totoo." sagot naman ni Charity kay Alyson
"I know your sad na hindi ka makakatapak sa fictional world pero hindi mo naman siguro iinumin ang bottle na iyon just to see kung totoo iyon hindi ba? Hindi ka naman ganun ka-desperate siguro." sabi ni Alyson kay Charity
"Of course, sino naman ang maniniwala doon sa pulubi na iyon? Tinapon ko na nga sa trash can, sige na tutulog muna ako at magpapahinga. Icha-chat na lang kita kapag nagising na ako." sagot ni Charity kay Alyson
"Don't worry about that pulubi na, maybe you just need sleep. Tama na kasi ang pagiging bookworm. Iyan tuloy kung anu-ano na ang nangyayari sa'yo." sabi ni Alyson kay Charity
Alam naman ni Charity na kahit anong gawin niya ay hindi niya mapipigilan ang sarili na bumili at magbasa ng mga libro. Ito na lang kasi ang nagiging escape niya sa stress sa totoong buhay. Kung pwede nga lang yung sinasabi ng matanda kanina, hindi na siya magdadalawang isip pa na inumin ang gamot na iyon na magdadala sakanya sa fictional world pero alam naman niyang imposible iyon. Sobrang imposible.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top