Chapter 21

"Come in."

Anya was startled when she heard Jakob's voice. She wanted to run but couldn't and didn't. This could be her chance and knew that she couldn't blow this off. Wala na siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang kausapin si Jakob nang masinsinan.

Nakahawak si Anya sa doorknob at paulit-ulit pa ring iniisip kung papasok ba siya. One deep breath, Anya turned the knob slowly.

Lampshade galing sa bedside table ang una niyang nakita. Sapat ang liwanag niyon para sa buong kuwarto. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng pinto, nakatingin kay Jakob na nakatayo kabilang dulo ng kuwarto hawak ang vinyl.

"Anong meron?" Ibinaba ni Jakob ang vinyl sa lamesang puro papel. "It's three."

"K-Kararating mo lang daw sabi ni Kuya Rio," sagot ni Anya dahil hindi niya magawang sagutin ang tanong ni Jakob.

Jakob squinted and subtly tilted his head while looking at her. "Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko."

Anya nodded and took one step forward. The moment she entered Jakob's room, she felt the coldness of the room, and it made her shiver. She was unsure if it was because of the room's temperature or nervousness; she didn't know.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Anya?" Naupo si Jakob sa pang-isahang sofa habang nakatingin sa kaniya. "May kailangan ka?"

Tumango si Anya at hindi inaalis ang tingin kay Jakob. "M-Makikiusap sana ako."

"We can talk about that later. Hindi ako aalis mamaya. Nandito lang ako sa Escarra," sagot ni Jakob sa mababang boses. "Bukas na. Bumalik ka na sa residence. Pagod ako, Anya. Mamayang hapon na lang, pumunta ka rito."

"This can't wait." Anya tried so hard to stay strong, so her voice wouldn't quiver. "Ano ba talaga ang kailangan mo? Mahirap ibigay ang gusto mo."

Walang naging sagot si Jakob. Nakapatong ang dalawang siko nito sa makabilang armrest ng pang-isahang sofa at komportableng nakaupo na para bang wala lang ang sinasabi ni Anya.

"Hindi naman secret ang tungkol sa 'min ni Nicholas. Everyone inside Escarra knew about us. Hindi naman kami nagtago. Ilang beses mo na kaming nakitang magkasama, pinakilala niya ako sa 'yo." Mabigat ang dibdib ni Anya habang sinasabi iyon. "Pero bakit?"

Jakob's response was just a blink.

"B-Bakit ako?" Anya said in a low voice. "Bakit ako pa?"

Again, Jakob remained unmoving and was just staring at her.

"Boss, please," she begged. "Kung pinaglalaruan mo lang ako o kung gusto mong maglaro, 'wag naman ganito. I'll give you anything you want, just not this one. Please. Mahal ko si Kuya Austin and I don't want him to die. M-Mahal ko si Nicholas."

"And you'll do anything for him?" Jakob asked. "You'll do anything for Nicholas, right? Because you love him?"

Anya nodded without hesitation. "Yes."

"I will, too. I will do anything, everything . . . ."

"Pero selfish love ang gusto mo," Anya said without stuttering. "Selfish ka. What you want is toxic and selfish."

Jakob inhaled and exhaled hard. "Alam ko at wala akong pakialam."

Sa sinabi ni Jakob, nagmalabis ang luha ni Anya. Nanatili itong nakatitig sa kaniya, walang pakialam kung umiiyak ba siya o ano. Mukhang wala itong planong makinig sa pakiusap niya. Ni walang reaksyon ang mukha, nakatitig lang sa kaniya.

Anya looked down and shut her eyes. She saw a lot. From the very first time everything happened, how she met Nicholas, how they ran and hide, everything. Nakita rin niya ang sitwasyon nila noon na kung saan-saan sila nagpupunta, kung ano-ano ang kinakain nila. Sina Patrick at Faith. Si Austin.

Malalim siyang huminga at nanginginig ang kamay na inangat papunta sa unang butones ng dress na suot niya. She unbuttoned the first one and looked up. Jakob frowned when their eyes met.

Another button and a lone tear rolled down her left eye.

"Ano'ng ginagawa mo?" Mababa ang boses ni Jakob.

Third button. Anya didn't say a word.

"Anya, stop."

Fourth button, and it showed her cleavage. Again, she didn't say a word.

"Tanya, stop," Jakob commanded.

The fifth button and the dress were already loose, fully showing her bra. Before she could unbutton the sixth, Jakob stood up and walked towards her, making her stop.

"I said stop." Jakob held her right hand tightly.

Anya shook her head and continued unbuttoning the sixth. She looked up and saw Jakob's eyes staring at her. Gone were the authoritative, feisty, and angry eyes. Jakob's eyes were dropped, and his brows were furrowed.

"Ito na lang," mahinang sabi ni Anya habang nakatingin kay Jakob. "Ibibigay ko 'to sa 'yo. Ito ang kaya kong ibigay sa 'yo. Gamitin mo ako kahit kailan mo gusto. Use me whenever you want to, anytime . . . just please . . . 'wag mong pababayaan sina Nicholas at Austin."

Jakob shook his head.

"Please." Anya unbuttoned the seventh. "Kahit kailan mo gusto."

Humigpit ang hawak ni Jakob sa kamay niya at basta na lang iyon ibinaba. Hindi na siya nagulat nang hawakan ni Jakob ang damit niya. She was ready. She already thought about it the entire time she was awake, and she would give her body, no second thoughts. It was just her body; it was nothing to her.

Ipinikit ni Anya ang mga mata nang maramdaman ang kamay ni Jakob papunta sa butones ng damit niya. Hindi niya magawang dumilat hanggang sa maramdamang sumisikip ang damit niya, kabaliktaran sa inaasahan niya.

Dumilat ang mga mata niya at mas lumapit ang katawan ni Jakob sa kaniya.

To her shock, Jakob rested his forehead on her forehead and shut his eyes. Anya could feel the warm air coming from his nostrils. His chest was moving heavily as he fixed the buttons of her dress up until the very top.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Jakob sa damit niya, halos nakakuyom ang kamay nito.

"Bakit?" Humikbi si Anya. "A-Ayos lang. I—" Akmang aalisin niya ang butones nang umiling si Jakob. Nakadikit pa rin ang noo nito sa kaniya. "Boss."

"Ayaw ko," ani Jakob at umiling. "I don't want this. I don't need this."

Anya sobbed silently. Her chest moved as she tried to breathe hard. "Ano ba'ng gusto mo? Y-You can use me."

"That's not what I want," Jakob muttered, pulling away from Anya. "Three days, Anya. You have three days to decide."

"Ibinibigay ko na sa 'yo ang gusto mo. Please, boss," pagmamakaawa ni Anya.

"Sex?" Jakob scoffed. "You think that's what I want from you?"

"Ano ba ang gusto mo?" Anya inhaled and bit her lower lip.

Jakob breathed and turned his back on her. Dumiretso ito sa lamesa. Muling kinuha ang vinyl player at ibinalik kahong nasa upuan.

"Sinabi ko na sa 'yo kung ano ang gusto ko. At 'wag mong uulitin 'yang ginawa mo. I'm not interested in having sex with you, Anya." Humarap si Jakob sa kaniya. "Three days."

Nanatiling nakatitig si Anya kay Jakob na nakatalikod. Marami siyang gustong sabihin, pero hindi niya magawang ibuka ang bibig niya. Humakbang siya paatras, mabagal . . . hanggang sa maramdaman na niya ang pinto sa likuran niya.

"Boss?"

Jakob faced her with a dull expression. No words.

"Wala na bang ibang choice?" Nanginig ang baba ni Anya habang sinasabi iyon. "Wala ba akong ibang choice?"

Umiling si Jakob. "You or nothing."

And Anya knew it. She really had no choice.

She left Jakob's house. She acted normal in front of the rangers who also smiled at her. She was in deep thought and found herself in front of the infirmary. Nakabukas naman iyon palagi. Ikinagulat pa ng nakabantay na pumasok siya. Agad nitong tinanong kung ayos lang ba siya. Sinabi niyang gusto lang niyang puntahan si Austin.

Sinalubong siya ng malamig at maliwanag na kuwarto. Tumutunog ang heart monitor na nakakabit kay Austin. Sa unang pagkakataon, wala nang maiiyak si Anya. Pakiramdam niya, para siyang kandilang naupos. Bigla niyang naramdaman ang pagod at pagkahapo.

Kinuha niya ang bangko at naupo sa tabi ng kama ni Austin. Inalala niya ang unang beses na pagkikita nila. They weren't meant to meet, but they did. Pinagdudahan niya pa ito noong una, pero isa iyon sa malaking pagkakamali niya.

Austin sacrificed a lot for her, too. He even gave his slot for her without thinking twice. Simula noon, tinuring na nilang dalawa ang isa't isa bilang magkapatid. Bukod kay Nicholas, si Austin ang dahilan kung bakit nandito pa siya.

. . . at hindi puwedeng siya rin ang maging dahilan para mawala ito sa kaniya.

NICHOLAS woke up without Anya. Maliwanag na at mukhang maaga nga itong nagising. Nag-ayos na rin siya para pumasok sa trabaho. Nanibago lang siya ngayon umaga dahil usually, ginigising siya ni Anya dahil sabay rin silang kakain ng almusal.

"Morning!" bati ng isang ranger kay Nicholas nang makababa siya.

"Morning. Nakita mo ba si Anya?" tanong niya.

Umiling ito. "Hindi, e."

"Sige, salamat!" Tinanguan niya ang lalaki.

Nagpunta si Nicholas sa laundry para tingnan kung bukas na iyon, pero sarado pa. Pumunta rin siya sa pantry, pero wala roon si Anya. Sunod niyang pinuntahan ang infirmary at pagbukas pa lang ng pinto, nakita kaagad niya si Mary na mukhang galing hallway ng private rooms.

"Nandito si Anya?" tanong niya.

Tumango si Mary. "Oo. Sabi ng kasama ko, kaninang four pa raw. Nakatulog na nga, e."

Nagpasalamat si Nicholas kay Mary at nagpunta sa kuwarto kung nasaan si Austin. Naabutan niya si Anya na nakaupo sa bangko habang nakahiga ang ulo nito sa kama at ginawang unan ang sariling braso.

Nicholas looked at Austin. Lahat sila naghihintay sa paggising nito, lalo na si Anya na araw-araw bumibisita. Lumapit siya kay Anya at hinaplos ang buhok nito ngunit napabalikwas ng bangon at mukhang nagulat sa ginawa niya.

"Hala, kanina ka pa ba?" Anya scratched her eyes and yawned. "S-Sorry, hindi na ako nakabalik."

"Wala 'yun. Bakit ang aga mo rito? Hindi ka ba makatulog?" Hinalikan ni Nicholas ang tuktok ng ulo ni Anya.

Tumayo si Anya at yumakap sa kaniya. Nakasubsob ang mukha nito sa dibdib niya habang nakapalibot sa katawan niya ang dalawang braso nito. Wala siyang sinabi. Nakakuha naman siya ng pagkakataon para haplusin ang likuran nito at yakapin na rin pabalik.

"Kain na tayo?" Humiwalay si Nicholas at hinalikan ang noo ni Anya. "Nagugutom na 'ko. Ikaw, kumain ka ba kanina?"

Umiling si Anya at hindi na nagsalita. Tinalikuran siya nito at inayos ang kumot ni Austin. Hinalikan nito ang noo ni Austin bago siya inayang lumabas.

Nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ni Anya, nakita ni Austin kung paano ito huminto sa gitna at pumikit. Nicholas automatically smiled while staring at how beautiful Anya was.

. . . but something was different, too.

The eyes. Anya's eyes weren't the same as before. It was dull and even when smiling, Anya's eyes wouldn't.

Tatlong araw nang nagigising si Nicholas nang wala si Anya sa tabi niya. Matutulog siyang katabi ito, pero sa umaga . . . wala na. Palagi niya itong naaabutan sa infirmary at sinasabi ni Mary na madaling-araw palang, naroon na para maglinis o kaya ay bisitahin si Austin.

Nicholas also felt that Anya was a little distant.

Katulad ngayon, kumakain sila ng almusal, pero nakayuko lang si Anya habang hinahalo ang sopas. Nagkausap naman sila kaninang umaga, pero tungkol lang kay Austin.

"Mahal, bakit pala ang aga mong nagigising?" basag ni Nicholas sa katahimikan.

Sandaling tumingin sa kaniya si Anya. Nangangalumata ito at mukhang inaantok. "Ha?"

"Nagigising kasi ako palagi nitong mga nakaraan, wala ka. May nangyari ba? May nararamdaman ka ba?" tanong niya. "Gusto mo bang mag-absent na lang muna ngayon? Kung hindi ka papasok, hindi na rin muna ako papasok."

Komportableng sumandal si Anya sa upuan at umiling. Hindi ito nakatingin sa kaniya. "Hindi, ayos lang. Wala naman akong gagawin sa kuwarto. Mas nakakatamad. Medyo marami rin kaming labahin mamaya."

Mula sa ilalim ng mesa, hinawakan ni Nicholas ang kamay ni Anya at ipinagsaklop iyon. Patagilid na tumingin sa kaniya si Anya at nagsalubong ang kilay.

"May problema."

"Wala."

"Anya, kilala kita." Hinaplos ni Nicholas ang kamay ni Anya gamit ang hinlalaki. "Pag-usapan natin?"

Nicholas expected that Anya would say something but didn't. Instead, she withdrew her hand from him and continued eating. No words until they both finished their breakfast.

Sabay na naglakad sina Anya at Nicholas papunta sa laundry dahil iyon naman ang routine nila pagkatapos kumain ng almusal. Ang kaibahan lang, tahimik si Anya buong panahong naglalakad sila. Ibang-iba sa nakasanayan na lahat babatiin.

"O, Anya!" bati ng isang katrabaho nito sa laundry. "Akala ko hindi ka papasok. Maayos ka na ba?"

Hindi sumagot si Anya, pero nagtaka si Nicholas kung ano ang ibig sabihin ng may-edad na babae. Walang sinabi si Anya tungkol sa nararamdaman nito o sa kahit na ano.

"Mahal, anong meron?" bulong niya kay Anya para hindi marinig ng kasama nila. "Nagkasakit ka ba?"

Bago pa man makasagot si Anya, muling nagsalita ang may-edad na babae. Hinawakan nito ang kamay ni Anya.

"Hindi na masakit ang sikmura mo?" tanong nito kay Anya. "Nicholas, nagsuka pa ba ulit si Anya kagabi?"

"Hindi na po." Si Anya ang sumagot. "Ayos na po ako."

Nagpaalam sa kanila ang may-edad na babae nang mabuksan ang laundry. Naiwan si Anya sa tabi niya. Nakatingin siya rito nang magtama ang tingin nila.

"Mahal, bakit hindi mo sinabi? Nagsusuka ka ba kahapon? Ano'ng nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo? May pagkain ka bang nakain?" sunod-sunod na tanong ni Nicholas.

Hindi naman alam ni Anya kung paano sasagutin ang mga tanong ni Nicholas. Maayos naman ang pakiramdam niya, hindi lang talaga siya makakain nang maayos nitong mga nakaraan. Her emotional stress was manifesting on her physical health, too. She couldn't eat and sleep.

"Ayos lang ako," pagsisinungaling ni Anya. "Sige na, pumasok ka na. Medyo marami rin akong gagawin ngayon. Sabay ba tayong mag-lunch? Sana meron silang fried chicken mamaya." Ngumiti siya. Pinilit niya ang sariling ngumiti kahit nahihirapan siya.

"Sunduin na lang kita." Hinalikan ni Nicholas ang pisngi niya papunta sa tungki ng ilong. "Kapag may problema, sabihin mo sa 'kin, please? Akala ko ba wala tayong lihiman?" Pinisil ni Nicholas ang ilong niya. "Ikaw talaga. Alis na muna ako."

Mahinang natawa si Anya at nakatingin sa likod ni Nicholas. Papalayo na ito sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan nito. Kaagad namang lumingon si Nicholas na nagtaka kung bakit.

"Bakit?"

Ngumiti si Anya at umiling. "Wala naman. Mahal kita. Sobra."

Nagsalubong ang kilay ni Nicholas ngunit nakangiti. "Mahal kita. Sobra," sagot nito habang naglalakad patalikod pero nakaharap pa rin sa kaniya. "Lunch tayo mamaya, ha?"

Tumango si Anya dahilan para tumulo ang luha niya. Mabuti na lang din at nakalayo na si Nicholas sa kaniya. Sumikip ang dibdib niya at habang papalayo ito, mas lalong bumigat ang lahat.

Tumingala siya sa langit at suminghot. Pumasok siya sa loob ng laundry para magpaalam sandali sa mga kasama niya. Mayroon lang siyang pupuntahan.

Anya walked to Jakob's house, unsure if he was even home. But the question was immediately answered when she saw his big bike outside. Binati siya ng dalawang ranger.

Hinanap ni Anya si Jakob sa living at dining room, pero wala. Lumabas siya sa garden na tapos na rin pala ang firepit, pero walang tao.

Umakyat siya sa second floor at kumatok sa kuwarto ni Jakob, pero nakakailang katok na siya, walang sumasagot. Last chance ay sa rooftop kung saan minsan itong natutulog o tumatambay.

Huminto sa hagdan si Anya at huminga nang malalim. Dumiretso siya sa rooftop at nakita si Jakob na nakaharap sa kung saan. Nakapasok ang dalawang kamay nito sa suot na gray short.

Sa unang pagkakataon, nakita niyang nakasuot ng sando si Jakob. Itim na sando dahilan para makita niya ang tattoo nito sa likod at braso.

"Puwede ba kitang maistorbo?"

Lumingon sa kaniya si Jakob ngunit kaagad na ibinalik ang tingin sa harapan. "What is it?"

Lumapit si Anya at tumayo hindi kalayuan kay Jakob. Nakita ng peripheral niyang nakatingin ito sa kaniya, pero hindi niya magawang humarap. Pinanood niya ang mga taong naglo-load ng mga solar panel sa isang malaking truck. Mukhang mayroong delivery.

"May delivery sila?" tanong ni Anya. Sinusubukan muna niyang pakalmahin ang sarili niya.

"Bakit ka nandito?"

Patagilid na tiningnan ni Anya si Jakob. Nakatitig ito sa kaniya, naghihintay.

"Hindi kita mahal. Mahal ko si Nicholas at alam kong siya lang ang mamahalin ko. If ever you really want this, know that I wouldn't be able to give you the love that you want because I love someone else," Anya said truthfully. "Mahal na mahal na mahal ko si Nicholas."

Jakob remained stoic.

"You'll be stuck. You can't expect anything from me. Araw-araw mong mararamdamang hindi kita mahal at hindi kita mamahalin. Araw-araw mo akong makikita, pero alam mo sa sarili mong iba ang gusto kong kasama," pagpapatuloy ni Anya, pero nanatiling tahimik si Jakob. "Mahahawakan mo ako, mayayakap, makakausap . . . but are you sure you'll settle with me? Who loves another man?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Jakob. "I don't care." Humarap ito sa kawalan.

"You're selfish." Mahinang natawa si Anya.

Jakob scoffed. "For six years, I didn't care about myself. Wala akong ibang inisip kung hindi ang mga taong nandito. All I wanted is to give these people a normal life."

"Ano'ng kinalaman ng mga tao rito sa gusto mong mangyari?" mahinahong tanong ni Anya dahil gusto niyang malaman. "Why does it involve me?"

"Because this is the first time I wanted something for myself in six years." Jakob looked at her. "And I'll take it."

Umiling si Anya. "Maraming babae, Jakob."

Mahinang natawa si Jakob at yumuko. Patagilid itong nakatingin sa kaniya, nakapamulsa pa rin. Nakita ni Anya kung paanong nag-flex ang muscles nito dahil sa ginawa.

"Ano'ng nakakatawa?" tanong niya. "Walang nakakatawa sa sitwasyong 'to."

"Alam ko. Kung ayaw mo, walang problema sa 'kin, pero magkakaproblema sa parte mo." Huminga nang malalim si Jakob. "Your time is up, Tanya. If it's a no, then it's a no. Hindi na kita pipilitin, but I don't wanna see your face ever again. You'll leave before the sun rises with Austin and Nicholas." Tumalikod ito at papasok na sa loob.

"Nandito ako para sabihin sa 'yong sasama na 'ko sa 'yo," seryosong sabi ni Anya. "Pero masisiguro mo bang magiging maayos sina Nicholas at Austin? Masisiguro mo bang hindi na mauulit kay Austin ang nangyari at hindi masasaktan si Nicholas 'pag nasa labas?"

Humarap si Jakob sa kaniya.

"Hindi kita mahal. Masisikmura mo ba 'yan sa araw-araw?" Anya's tears fell. "Kasama mo ako, pero si Nicholas pa rin."

Jakob bitterly smiled. "You don't have to love me, Tanya," he said before leaving. 





T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys