Chapter XIII

Riana POV

It's been one week mula nang mapagdesisyunan naming mag-cool-off ni Dave. Aaminin ko, masakit. Nasasaktan ako dahil sa lumipas na isang linggo, hindi man lang ako pinansin ni Dave. He never tried to look at me or talk to me. Talagang iniwasan niya ako. Pakiramdam ko ay mag-isa na naman ako. Wala naman kasi akong bestfriend sa school. Si Dave ang dati kong bestfriend pero dahil naging boyfriend ko siya, baka masira iyong dati naming pagkakaibigan.

"Riana, ikaw nalang ang bahalang magpapirma nito sa President of the school, ah? Kilala mo naman iyon. Nahihiya kasi ako."

Ngumiti ako kay Kate—class president namin siya at ako ang vice president. May kailangan kasi kaming papirmahang letter para sa foundation week. And aware naman sila na kilala ko personally ang president ng SWU. S'yempre, bestfriend ng nanay ko.

Inabot niya sa akin ang letter at kinuha ko iyon. "Sige, ako na ang bahala."

"Thanks! Kunin ko nalang bukas, ha?" Aniya saka tumalikod na.

Paalis na rin sana ako kaso napansin kong tinawag niya si Dave. Ngumiti si Dave at sabay silang lumabas ng room. Bakit ganoon, bakit may something dito sa dibdib ko na masakit? Naiintindihan ko na close sila kasi isa rin sa class officers si Dave pero ang makita siyang ngumingiti sa ibang babae, iyon ang masakit. Sa akin kasi, hindi man lang niya magawang ngumiti o tapunan ako ng tingin.

Ganoon ba talaga ang cool off?

Huminga ako ng malalim saka inayos na ang mga gamit ko. Half day lang kami kaya may oras pa ako para dumaan kay Tita Chelsea para mapapirmahan itong letter.

Tunayo na ako saka lumabas ng classroom. Saktong paglabas ko, may tumamang bola sa akin.

"Aww..."

Mabilis na lumapit sa akin iyong varsity ng volleyball team. "Naku, Ate! Sorry. Hindi ko sinasadya."

Pinilit kong ngumiti sa kaniya. Medyo nasaktan ako, pero mas masakit pa rin iyong dito sa puso ko.

"Ayos lang." Sagot ko.

"Sorry po talaga!"

Tinanguan ko lamang siya. Napansin ko si Dave sa di-kalayuan. Nakatingin siya sa akin pero walang reaksyon ang mukha niya. Kasama pa din niya si Kate. Kapag cool off pala, wala ka na ring pakialam.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko kasi maiiyak ako. Bakit kasi napaka-iyakin ko. Pakiramdam ko napaka kawawa ko samantalang ako naman ang may kasalanan ng lahat. Hindi ko naman masisisi si Dave kung ganoon ang pakikitungo niya sa akin.

Napansin kong may maliit na scratch sa braso ko. Tumama kasi sa may pinto no'ng tamaan ako ng bola. Wala 'to. Band aid lang ang katapat nito. Kung sana pwede ding tapalan nalang ng band aid ang puso ko para hindi ako nasasaktan.

Pero bakit nga ba ako nasasaktan? Dahil din sa akin mismo. Ako ang may kasalanan. Nasa akin ang mali.

Lumakad na ako papunta sa Office of the President. Kumatok ako sa pinto saka pumasok. Sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Tita Chelsea.

"Oh, Riana?"

"Hi, Tita. May ipapapirma lang po sana ako for foundation week." Sabi ko saka naupo sa harap ng table niya.

"That's it? May I see?"

Ipinatong ko sa table niya ang letter. Saglit niya iyong binasa saka pinirmahan. "How's your mother? Hindi na kami masyado nagkakabonding."

Ngumiti ako. "She's fine, Tita. Busy din po siya sa pag aalaga kay Jaxia. Gusto kasi po niyang maging hands-on sa pag-aalaga sa kapatid ko. And, kayo rin po busy palagi. Kinukumusta nga din po kayo ni Mom."

"Really? Hay, minsan nga makapunta sa bahay niyo." Aniya. "Here."

Kinuha ko ang letter na napirmahan na niya. "Thank you po, Tita."

"You're welcome, Riana." Nakangiting sabi niya. "Anyway, may dinner kami mamaya sa bahay. Do you want to join us?"

Bigla akong kinabahan. Syempre dinner iyon. Expected ko nang naroon si Skyler. Mula nang mag-cool-off kami ni Dave, hindi pa kami nagkakausap or nagkikita ni Skyler. Hindi din naman niya ako kinontak. Yes, umaasa ako na tatawagan niya ako or itetext man lang kaso wala, e. Siguro sobrang busy siya sa company nila.

"Nakakahiya po, Tita. Family dinner niyo po iyon and—"

"You're part of our family. Isa pa, it's not just for the family. Naroon din mamaya sina Shanice and her daughter. Even triplet's friends. Huwag ka nang mahiya, Riana. Okay? Aasahan kita mamaya."

Huminga ako ng malalim. So nandoon pala si Shanice at anak niya. E, mas lalong parang nakakahiyang pumunta lalo na 't wala naman akong ka-close sa kanila kung hindi si Skyler. Ang triplets, okay naman sila pero nahihiya pa din ako.

"Kasi, Tita..."

"Basta aasahan kita mamaya. Hindi ka na iba sa amin. Saka sigurado akong matutuwa si Sky na in-invite kita. Napaka-busy na ng anak kong iyon."

Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano ba 'yan.

"S-Sige po." Wala na akong nagawa. Hindi ko na rin magawang tumanggi kasi ipipilit pa din naman ni Tita Chelsea.

"Okay, great. See you tonight, iha."

Tumayo na ako. "Sige po, Tita."

Lumabas na ako ng office niya. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Paano kaya ako mamaya? Nakakahiya namang hindi pumunta. Umoo pa naman ako kay Tita Chelsea. Paano ko pala sila haharapin lahat?

Bigla akong namroblema.

Ano pa bang magagawa ko? Kailangan kong mag-ipon ng lakas ng loob at kapal ng mukha para mamaya. Sana naman hindi ako ma-out-of-place.

-

KATATAPOS lamang ng dinner. Buti nga natapos na. Pakiramdam ko kasi mabibingi ako sa sobrang katahimikan ko. Wala naman kasing kumakausap sa akin bukod kina Tito Kyle at Tita Chelsea. Tapos si Skyler, nagulat nang makita ako. Binati naman niya ako pero naging busy siya sa anak ni Shanice. Ang saya nga nila.

Binibiro pa nga nila si Shanice kay Skyler. Pinilit ko na nga lang ngumiti, e. Kahit masama dito sa loob ko. Kitang-kita ko kay Shanice na mahal niya si Skyler. Kitang kita ko din kay Skyler na mahal niya ang anak ni Shanice. Tama bang makigulo pa ako sa buhay ni Sky?

Isa pa, for sure, kaibigan nalang ang turing sa akin ni Sky dahil alam niyang may boyfriend ako. Wala din siyang idea na cool off kami nagyon ni Dave.

Narito kaming lahat sa garden. May hinanda silang mga snacks saka umiinom sila ng cocktail drinks and beer. May pasok pa nga ako bukas pero parang ayoko pang umuwi hangga't hindi ko nakakausap si Skyler.

"Riana, hindi ka pa uuwi? May pasok ka bukas 'di ba?" Tanong sa akin ni Shanice.

Medyo na-offend ako sa tanong niya. Para kasing gusto niya na akong umalis. 

"Maya maya, uuwi na rin ako." Sagot ko.

Ngumiti lang siya pero iyong ngiting plastik. Galit yata talaga siya sa akin dahil kay Skyler.

"Mama! Sabi ni Papa Sky, dito na tayo tutulog."

Napatingin ako sa gawi ni Skyler na kakalapit lang dito sa may table namin sa garden. Buhat niya 'yong anak ni Shanice. Para nga silang mag-ama e. Super close nila and, halata naman kay Skyler na mahal niya ang bata.

Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman kung may problema ba kasi bukod sa hindi siya nagpaparamdam sa akin, nginitian niya lang ako kanina. Iyon lang. Ang huli kasi naming pag-uusal, sabi niya balik na daw kami sa normal saka wala ng wall between us. Pero bakit pakiramdam ko lumalayo ang loob ni Skyler sa akin? Sinabi naman niyang okay kami. We're in good terms pero mukhang hindi.

Ibinigay ni Skyler kay Shanice ang anak niya. Busy si Chylee sa pakikipagwentuhan kay Shanice. Hindi man lang niya ako pinapansin. Dati ko pa naman iyon napansin sa kaniya. Akala ko nga magiging bestfriend ko siya tulad ng mga Mommy namin kahit mas matanda siya sa akin. Kaso hindi pala. Para siyang laging nakasimangot sa akin.

Nagtatawanan na sila. Samantalang ako, out-of-place dito. Dapat nga pala hindi na ako pumunta. Akala ko rin kasi, at least hindi ako mahihiya kasi andyan si Skyler kaso hindi din pala niya ako gaanong papansinin. May problema kaya siya sa akin?

Tumayo na ako. Mas maganda siguro na umuwi na ako. Kesa matuyuan ako ng laway dito.

"Ah, Skyler, Chylee, uuwi na ako. Pakisabi nalang kina Tita at Tito, thanks sa dinner."

Tumango lamang si Chylee. Si Skyler naman ay parang nawala ang ngiti sa labi saka tumingin sa akin.

"Ihahatid na kita." Sabi niya pero bakit gano'n, parang napipilitan lang siya?

Paranoid lang ba ako?

"Sige."

Umalis na kami doon. Nang makalabas kami ng main door ng mansion nila ay nauna na si Skyler sa may garahe nila para kunin ang kotse. Tumigil siya sa harap ko. Sumakay ako saka niya pinaandar iyon palabas ng malaking gate.

Napakatahimik. Bakit parang ang cold niya sa akin? Hindi ganito ang inaasahan ko. Sabi niya kasi okay na kami—as friends.

"Sky."

"Yes?" Sagot niya. Hindi man lang niya ako tiningnan. Naka-focus siya sa daan.

"May problema ba? Ah, kasi, hindi mo ako kinakausap kanina saka—"

"Sorry, I was busy with Zia. Na-miss ko siya. Ngayon ko lang ulit siya nakasama dahil naging busy ako sa trabaho. But between us, walang problema, Riana."

Ah, namiss niya si Zia. Buti pa iyong bata. Pero ano bang karapatan kong magreklamo o mainggit? As if naman girlfriend niya ako e magkaibigan lang kami.

"Okay."

"I didn't know na in-invite ka ni Mom."

"Oo. She invited me kanina noong may pinapirmahan ako sa kaniya sa school."

Bakit pakiramdam ko ay napakapormal namin sa isa't isa? Akala ko ba balik na kami sa normal. Bakit ganito? Am I expecting too much?

"I see."

Gusto ko pa siyang kausap pero ang tipid niyang magsalita.

"Hindi ba maayos ang pakiramdam mo? Ah, may masakit ba sa iyo kaya parang tahimik ka?"

"Me? I'm fine. Why?"

"Kasi, Sky. Parang may wall na naman between us. Ang alam ko kasi noong last time na nag-usap tayo, sinabi mo na ayos na tayo. Na back to normal na. Wala ng cold and—"

"Yeah. I said that. What did you expect? I said, we're back to normal. Magkababata, Riana. You have a boyfriend and I don't want to be the reason para magkagalit kayo. I know my limitations. I can't act sweet towards you. I can't act like what I used to do."

Ibig sabihin...

"I already accepted that you're in a relationship. Hindi ako cold, marunong lang akong lumugar. I respect your boyfriend. And besides, dapat sanayin ko na din ang sarili ko na hindi kita masyadong kinakausap dahil gusto kong maituon sa ibang bagay ang atensyon ko. You know that I love you, but I want to set it aside because you're taken."

Nasaktan ako sa sinabi niya. Iyon pala iyon. Yung sinabi pala niyang back to normal na kami, ang ibig sabihin pala niya ay bilang kababata lang. Akala ko kasi, he would still care for me at ipapakita pa rin niya na mahal niya ako. Kung sabagay, ang kapal naman ng mukha ko para asahan iyon.

Confused pa naman ako. At oo, inaamin kong nasasaktan talaga ako at pinipigilan ko nalang na tumulo ang luha ko.

Nag-assume ako at nag-expect.

"I understand, Sky. At least alam ko na. Sorry."

"It's fine." Sagot niya. "We're here."

Ipinarada niya ang kotse niya sa gilid ng daan. Hindi ko na napansing nakarating na kami sa bahay namin. Masyado akong nahihirapan sa pag-absorb ng mga sinabi niya. I was wrong when I thought that we could go back to how we treat each other. Iyong ipaparamdam pa din niya sa akin na mahal niya ako. Kaso, hindi pala. Normal, as in normal nalang pala. Wala ng special treatment.

"Daan ka muna. I want to talk to you about something." Sabi ko. Kahit malinaw na sa akin ang sinabi niya, gusto ko pa siyang makausap.

Gusto ko sanang i-open-up sa kaniya iyong confusion ko at iyong estado ng relasyon namin ni Dave.

"I can't. I need to go home. Zia is waiting for me. Hindi siya makakatulog sa kwarto ko kapag wala ako."

Natigilan ako sa sinabi niya. Si Zia na naman. Siya yata ang dapat kong kainggitan at hindi si Shanice. Parang napakahalaga ng batang iyon kay Skyler na parang anak niya iyon.

Bumaba na ako ng kotse niya. He didn't bother to open the car's door for me tulad ng lagi niyang ginagawa dahil mukhang nagmamadali siyang makauwi. Ah, normal na nga lang kasi dapat ang pakikitungo namin sa isa't isa.

One word. Masakit.

Mahirap talagang masanay sa isang bagay na kinasanayan mo na. Tapos biglang mawawala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top