Chapter V
Five years later..
Skyler POV
After five years, narito na ulit kami sa Pilipinas. It's nice to be back.
Palabas na kami ng airport. Kasama ko ang ka-kambal kong si Hera at ang kaibigan niyang si Phoenix Laurel—na nakasama din namin sa bahay namin sa US.
Graduate na ako sa US, dahil nauna akong maka-graduate kay Hera, nag-train muna ako sa company namin sa US na business partner ni Dad ang namamahala don, para pagbalik ko dito sa Pilipinas, pwede na akong isalang sa company namin. Hindi biro ang maging Shinwoo lalo na pagdating sa business. Si Dad ang youngest multi-millionaire dito sa Pilipinas at nasa top one ang Shinwoo Corporation. Gano'n ka-galing humawak ng business si Dad kaya hanga ako sa kanya.
Paglabas namin ay sinalubong na kami ng pamilya namin. Sina Mom and Dad, ang triplets at si Shanice—bestfriend ni Hera.
"Mom." Yumakap ako kay Mom at humalik sa pisngi niya.
"Ang Skyler ko, ang gwapo gwapo! Binata na talaga. Mas matangkad ka pa sa 'kin anak."
Tumawa lang ako. "I missed you, Mom."
"I miss you too, anak."
Yumakap ulit ako saka lumapit namin kay Dad. "Dad."
Niyakap niya ako ng bahagya at tinapik sa balikat. "I am proud of you, son."
Ngumiti ako. "Thanks, Dad."
"Kuya!"
"Kuya!"
"Kuya!"
The triplets. "Yow, boys!" Sabi ko at isa-isang nakipag-high-five sa kanila.
"Look, Kuya. Magkakasing-tangkad na tayo." Sabi ni Enzo.
Natawa ako. "Yeah, right. Ang ta-tangkad niyo na. Naging good boy ba kayo?"
"Oo naman, Kuya. Kami pa?" Sabi ni Renzo.
Nag-alisan na sa harap ko ang triplets dahil pinuntahan na nila si Hera.
"Sky."
Shanice. Ang babaeng tinuturing kong partner ko. Five years ago, si Shanice ang lagi kong nakikita sa bar na pinupuntahan ko. We are close, we always make out sa bar. She loves me. Inamin niya sa 'kin five years ago. Magaling lang talaga siya magtago ng feelings kaya hindi nahahalata ni Hera. Lagi silang magkasama pero walang alam si Hera tungkol sa nararamdaman ni Shanice para sa akin.
Three years ago, nagkita kami sa US. Hindi rin alam ni Hera. I like her, yes. But not love. Dahil may ibang laman ang puso ko. Aware do'n si Shanice. Okay na sa kanya ang set-up namin na tatawagan ko siya 'pag kailangan niya ako. At aminin ko man o hindi, sometimes I need her, too. I am a man. I have my needs. Three years ago, nang may mangyari sa 'min sa US. I don't know how it happened. Basta ang alam ko, nagme-make-out kami and there... hindi ko na napigilan.
Pagkatapos ng nangyari na 'yon sa amin, nagkikita kami every one or two months sa US. At hindi ko itatangging ilang beses ng may mangyari sa 'min. Pumupunta siya sa US. Shanice came from a wealthy family. She's a chinese. Kayang-kaya niyang gumastos papuntang US anytime na gustuhin niya.
She's nice. I like her company. Walang arte sa katawan. She's gorgeous and hot. Hindi siya tulad ng ibang babae na demanding. Alam niya at tanggap niya kung hanggang saan lang siya pagdating sa 'kin. Siya ang may gustong maglihim nito kay Hera five years ago. Baka daw mailang na siya sa ka-kambal ko kapag nalaman nito ang kabaliwan niya sa 'kin.
"How's your flight?" Tanong niya.
Ngumiti ako. "It was fine." Sagot ko. Tinititigan ko lang siya.
"Hay naku, Sky. Huwag mo akong titigan ng ganyan. Inaakit mo ako." tumawa siya.
Natawa ako sa sinabi niya. One thing I like about her is she's funny. Ang gaan lang ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya.
"You have your car?" Tanong ko.
"Yes. I brought my car. Why?"
"Sa 'yo ako sasabay. I told you, h'wag ka nang mag-drive ulit." Sabi ko.
Last year, nalaman ko kay Hera na na-aksidente si Shanice. Car accident. Nag-drive ng nakainom. Pero hindi naman malala. Wala man lang siyang balak sabihin sa 'kin no'n.
"It was an accident, Sky. Saka naka-inom ako that time. But I'm good at driving." Nakangusong sabi niya.
Sumimangot lang ako.
"Sky, don't give me that look. I can drive, okay? Saka h'wag kang masyadong mag-alala sa 'kin. Lalo akong nai-inlove sayo, e."
"Oh, let's go to your fucking car."
"By the way Sky, I'm ready."
She's ready. She's ready about the thing we've talked about last week over the phone. Sasabihin na niya ang lahat lahat kay Hera. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng ka-kambal ko. They are like sisters. Close na close sila at hindi ko alam kung matatanggap ni Hera ang ginagawa ko kay Shanice.
"Okay. Tell her." Sabi ko.
Tumango siya. "I will."
"Sky! 'lika na! Shanice." Tawag ni Hera.
Kay Mom ako tumingin. "Mom, kay Shanice na ako sasakay." Paalam ko.
"Okay, anak!"
Nagkanya kanya na kami sa paglabas ng airport para pumunta sa parking lot. Sumakay na ako sa kotse ni Shanice nang makita namin iyon.
"Ako ang magda-drive."
"Sky."
"Shanice h'wag nang matigas ang ulo."
She rolled her eyes. "Kahit kailan ka talaga. Mamaya iisipin ko ng mahal mo na ako."
"Crazy." Komento ko.
"Yes. Crazy in love with you, Sky." Biro niya.
Nagpalit na kami ng pwesto. Ako na magda-drive. Pinaandar ko na ang makina ng kotse pero bago ko pa man mapatakbo ang kotse, nahalikan na ako ni Shanice.
"I missed your lips, Sky. Sige na drive ka na."
Natawa nalang ako habang umiiling. It's natural for us. We kiss, we hug, we make out... para na kaming couple, yes. But that's it. I only do this because I am single. May babae akong binalikan dito at excited na akong makita siya. Gusto kong malaman kung hinintay niya ba ako at tinupad niya 'yung promise niya.
"Sky."
"Yes?"
"May welcome party kayo mamaya, pupunta si Riana?" Tanong niya.
"Of course." Sagot ko.
"Hm, okay. So hindi muna ako lalapit sa 'yo mamaya."
"Yeah. Pero susunduin kita sa inyo."
"Sky naman! Kaya kong mag-drive. Nakapunta nga akong airport kanina mag-isa, e."
"Kahit na."
"Hay, Skyler Knox."
Nag-aalala lang ako. And besides, kahit partner in romance ko lang siya, I want to take care of her. Hindi siya tulad ng ibang babae na ginagamit lang. Ang tulad ni Shanice, inaalagaan din. Isa pa, mapapatay ako ni Hera 'pag nasaktan si Shanice nang dahil sa 'kin. She loves her bestfriend so much. She treats Shanice like her real sister. Palibhasa, nag-iisang babae si Hera sa pamilya namin.
Nakarating kami sa mansion. Hindi na bumaba si Shanice. Magpe-prepare pa raw siya para sa party mamaya so I let her. Malapit na naman sa subdivision namin ang subdivision nila.
Pumasok ako sa mansion. Sinalubong agad ako ni butler.
"I'll take a rest. Kindly tell to Mom and Dad." Utos ko saka umakyat na sa taas.
Dumiretso ako sa kwarto ko. Napangiti ako. Walang pinagbago. Five years pero ganitong-ganito pa rin. Manly, may malaking book shelf, maraming laruan. Display nalang ngayon dahil binata na ako. Alaga sa linis ang kwarto ko kahit hindi nagagamit.
Fuck! I'm so tired. Humiga ako sa kama ko at pumikit muna. I didn't tell Riana that I am coming home. Hindi kami amdalas nag-uusap habang nasa US ako. Naging busy rin naman ako and when I have time, kinukumusta ko pa rin siya.
Riana POV
"Anak, mag-ready ka na. Pupunta tayo kina Tita Chelsea mo."
Ang sakit ng katawan ko. Kasi naman kasali ako sa cheering squad sa school. Nag-practice kami maghapon kahapon.
"Bakit Mom?"
"Welcome party for the Shinwoo twins, baby."
Namilog ang mga mata ko. Shinwoo twins. They're back?! Wala akong alam. Hindi sinabi ni Sky na babalik an sila!
"Umuwi na sila?"
"Kakasabi ko lang anak."
Si Mom talaga. Pero bakit gan'on, iyong puso ko kumakabog. Ready na ba akong makita ulit si Skyler? Ilang beses kasing nagpa-flash sa utak ko 'yong usapan namin five years ago. Iyong promise ko sa kanya.
Seryoso ba siya do'n sa sinabi niya? Na babalikan niya ako? Na dapat hintayin ko siya? Na dapat single pa din ako pagbalik niya? Dapat ko bang tuparin 'yon? Ngayon palang nakokonsensya na ako. Kinakabahan na rin ako.
Paano ko kakausapin si Skyler about do'n? Paano ko io-open-up sa kanya ang status ko ngayon? Paano ko ipapaliwanag? Paano ko sasabihin sa kanya?
Paano 'yan...
I'm not single anymore. And I really love him—my boyfriend.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top