Chapter 7 - Sprite
Chapter 7 - Sprite
"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong sa akin ni Jen. Muli, tumango ako. "Sure ka? Kanina ka pa kasi talaga tulala. Ano bang iniisip mo?" Tanong pa niyang muli.
"Kanina pa nga 'yan si Juo. Ang bagal-bagal maglakad kanina sa hallway dahil sa lalim ng iniisip. Bumara na nga siya sa hallway, nagcause pa ng traffic dahil lang sa iniisip niya," dagdag pa ni Yana.
Naningkit ang mga mata nilang tatlo na para bang sinusuri ako.
"May secret ka siguro ano? May crush ka na? Natitipuhan? Baka naman may nililigawan ka tapos nasstress ka kung paano manligaw ano?" Tuloy-tuloy na sabi ni Jen.
Palapit ng palit ang mukha nilang tatlo sa akin habang naniningkit pa rin ang mga mata nila. Before they reach a single inch of my face, I stood quickly.
"Guys. I'm fine," walang gana kong sagot.
"Juo, you're not," sagot ni Yara pagkatapos ay sabay-sabay silang tumayo na tatlo.
"Kung iniisip mo na nagalit talaga kami sa'yo kagabi, well, uulitin ulit namin sa'yo, we're not. Nagtampo s'yempre dahil picture ng mga lovelife namin 'yun e. Pero s'yempre naisip namin na it's a deal. Kami ang nag-utos sa'yo na gawin mo 'yon--"
"Ikaw lang Jen," pagputol ni Yana kay Jen. Inirapan lang siya ni Jen kaya natawa siya.
Umiling ako at binalik sa science notebook ang tingin ko. Hindi na nila ako ginulo after that. Ito ang gusto ko sa kanila, kapag ayoko magshare, they will never let me to. Hindi nila ako pipilitin, hahayaan nila na ako ang mag-open sa kanila.
Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin nawawala sa isip ko 'yung bangungot ko kagabi. It felt so real. Parang nangyari talaga. Usually, kapag nagkakaroon ako ng panaginip, I end up forgetting all of it when I woke up.
Pero this time iba.
Hindi ko tuloy mafocus 'yung sarili ko sa pagrereview. Hayop kasi na science 'to. Parang araw-araw may quiz. Ang motto kasi ng teacher namin sa subject na 'to, kahit daw isa na lang ang estudyante niya, magtuturo pa rin daw siya. Ang nakakagulat pa, patapos na kami sa libro namin kahit December pa lang. Ang bilis niya magturo. May 360+ pages ang libro namin sa science, at nasa 300 na kami.
Araw-araw dalawang lesson. 'Di man lang pinagpahinga utak namin.
"Juo," pagtawag sa akin ni Jen na tumabi sa akin ngayon.
"Hmm?" Tangi ko na lamang tanong sa kaniya. Nakita kong may kakaibang ngiti sa labi niya na isa lang ang ibig sabihin.
"Pupunta ka ba mamaya sa bahay nila Michael?" Tanong niya.
"Anong meron?"
"Birthday niya. 'Di mo ba nabasa sa group chat?" Umiling ako. "Punta ka," pag-aaya niya.
"Kasama ba sila Yana at Yara?" I asked.
"Hindi. Alam mo naman mama nila. Protective kahit na ang lapit lang ng bahay nila Michael sa kanila, ayaw silang payagan," katwiran niya. "So ano? Sama ka mamaya?" Muli niyang tanong.
"I'll go home by 5pm. Isang oras lang okay?" Ani ko kaya mas lumawak ang ngiti niya.
"'Yan!"
***
"Kuha mo 'ko ng carbonara. Damihan mo ah," utos sa akin ni Jen.
Puro na lang ako palatik. Kainis.
Kapag talaga may birthday party, hindi kaya ni Jen mag-isa. I mean, yes she can be alone pero hindi siya makakakain mag-isa. Pagkuha lang ng pagkain niya inuutos pa niya sa akin. Gusto ko nga sana ibato 'tong paper plate na hawak ko sa kaniya kaso may mga kaklase kaming kasama ngayon, nakakahiya.
Wala akong nagawa kundi tambakan ng carbonara si Jen. Bukod sa carbonara, pinakuha pa niya ako ng coffee jelly niya at juice.
Kaya niya ako sinama, para may tagakuha siya ng mga pagkain niya.
Binigay ko sa kaniya 'yung carbonara, coffee jelly at juice niya. Her smile widened as if it will reach her ears.
"Saranghae!" Aniya bago nilantakan 'yung pagkain.
Ngumiti lang ako sa kaniya bago ako kumuha ng sarili kong pagkain. After I got my own foods, umupo ako sa tabi ni Jen which is sa gitna mismo ng pintuan ng bahay nila Michael. Kaya naman sa tuwing may papasok, tatayo ako tapos papadaanin muna 'yung papasok bago maka-upo.
May times na sunod-sunod na may papasok kaya naman I end up standing sa labas ng bahay nila Michael para hindi ko na pahirapan pa 'yung sarili ko.
Marami rin kaming kaklase na nandito. Kapag kasi birthday ng isa sa mga magkakakaklase, we need to be there bilang tradition. Gano'n kaclose ang section namin. Kaya nga sobrang nakakalungkot na dahil Grade 12 na kami, maglilipatan na kami ng mga school which means magsspread out na kami at magkakahiwa-hiwalay.
Pero December pa lang naman, we still have 3 months to get together.
"Happy birthday Michael," bati ko kay Michael nang madaanan niya ako papasok ng bahay.
"Uy, salamat p're," sagot niya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Mga 4:30pm na nang matapos kaming kumain ni Jen. Tuwang-tuwa siya habang sitting pretty at nakikipagkwentuhan kay Mathew, 'yung kaklase namin na ubod ng talino na hindi ko alam kung saan niya nakukuha lahat ng neurons na meron siya. Also, running for valedictorian.
"Jen, hindi pa ba tayo uuwi? Mukhang uulan ng malakas," sabi ko pagkatapos kong tumingin sa sobrang madilim na ulap. Idagdag pa 'yung malakas na hangin kaya naman napamura ako nang mapuwing ako.
"Teka lang. Baka sabihin eat and run tayo," sagot niya. Dahil nga may point siya, hinintay ko na magdecide siya kung uuwi na kami. Palibhasa malapit lang ang bahay niya kila Michael kaya kahit anong oras umuwi ayos lang. Plus the fact na ihahatid ko siya pauwi dahil binilin siya sa akin ni Tita Liza, 'yung mama niya.
Napatingin muli ako sa ulap. Para talagang galit na galit ito. Tingin ko any moment uulan na ng malakas kaya naman nagmadali na kami ni Jen sa paglalakad.
Nang mahatid ko siya, nagthank you siya at nagpaalam na rin kaagad ako dahil maglalakad pa ako ng halos kalahating kilometro pauwi. Wala kasing sakayan simula rito sa school na pinapasukan ko hanggang sa bahay namin. I mean meron, pero dadaan pa kasi ng highway. Mas convenient para sa akin na lakarin 'yung short cut.
I'm also not allowed to use our car during weekdays. Ibig sabihin, hindi ko p'wedeng gamitin 'pag may pasok, kaya no choice ako kundi maglakad.
Hindi pa man ako nakakalayo sa bahay nila Jen, bumuhos na agad 'yung malakas na ulan kaya naman tumakbo kaagad ako sa isang tindahan na malapit sa akin para makasilong. It was no use tho dahil sobrang nabasa 'yung polo ko. Buti na lang 'yung bag na gamit ko ay waterproof, hindi mababasa 'yung mga notebook sa loob.
"Mukhang tatagal pa 'tong lintik na ulan na 'to," bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan 'yung katawan ko gamit 'yung panyo ko. Buti na lang nagdala ako nito.
Med'yo madilim na kahit na 5pm pa lang. Magpapasko na kasi kaya tinotopak na naman ang weather at rotation ng Earth.
"Pabili po."
"Ano 'yon?" Lumabas mula pintuan 'yung tindera.
"Piattos nga po atsaka isang sprite," sabi ko bago maglabas ng pera. Nilagay naman no'ng tindera 'yung sprite sa plastic at nilagyan ito ng straw bago ibigay sa akin.
"Anong flavor no'ng piattos?" Tanong nito.
Napatingin ako sa nakadisplay na piattos. Iisa lang naman ang flavor na nakikita ko which is roasted beef. May topak kaya 'tong tindera na 'to?
"Cheese po," sabi ko.
"Wala e," aniya habang kinakalkal 'yung mga piattos.
"May chocolate po ba?" Tanong ko ulit.
Napakamot sa ulo 'yung tindera. "Wala rin e. P'wede bang iba na lang?"
"'Wag na lang po piattos. Fudgee bar na lang po."
"Anong flavor?" Muli niyang tanong kaya napatingin ako sa salamin kung nasaan 'yung mga biscuit na binebenta niya at kung nasaan 'yung fudgee bar na tanging chocolate lang ang flavor.
"May roasted beef po ba?" Tanong ko kaya napagimme gimme si aleng tindera bago naglumpasay sa sahig.
The next thing I knew, sinugod sa ospital 'yung tindera dahil nabali ata 'yung spinal chord niya dahil sa ginawa niya. Nakita ko rin na umiiyak 'yung mga anak niya kanina.
Kawawa naman.
Basta ako rito, tahimik na umiinom ng sprite na parang walang nangyari.
Hindi pa rin tumitigil 'yung malakas na ulan. Sa totoo lang, mas lumakas pa nga ito kesa kanina kaya naman sobra akong nababad trip.
Wala na ring tricycle na dumadaan at may mangilan-ngilan na lang na kotse ang bumabagtas sa kalsada. Wala na rin halos tao na dumadaan dahil panigurado tatangayin lang ng hangin 'yung mga payong nila.
Naubos ko na lahat-lahat 'yung sprite 'di pa rin tumitila ang ulan.
While waiting for the rain to stop, napansin kong may babae na naglakas loob na sumulong sa ulan. Kapit na kapit pa nga siya sa hawak niyang payong. Kulang na nga lang yakapin na niya ito dahil sa lakas ng hangin. Tingin ko nga rin kahit nakapayong siya, nababasa pa rin siya ng ulan.
Nasa kabilang kalsada siya, kaya hindi niya napapansin na may padaang kotse na kung tama ang kalkulasyon ko mababangga siya kung papanatilihin ang bilis ng kotse at ang bagal niya sa paglalakad.
"MISS TABI!" Malakas na sigaw ko pero hindi ako narinig nito. Wala na akong sinayang na oras at tumakbo kaagad papunta sa babae.
Hindi ko alintana 'yung ulan, makokonsensya lang ako kapag nabangga pa 'yung babae na 'to.
Saktong pagyakap ko sa babae papunta sa gilid ng daan, tsaka naman mabilis na dumaan 'yung kotse sa kalsada kung nasaan 'yung babae kanina.
Basang-basa na ako kaya napatingin ako sa babae na namumutla at halatang gulat na gulat sa nangyari.
"Yana?"
To be continued...
--
Special mention, superjelly. Mag update ka na kasi para manahimik na ako. HAHAHAHA.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top