Chapter 39 - Fallen deeper
Chapter 39 - Fallen deeper
Agad kong nilagay sa back seat lahat ng bitbit kong pagkain. 'Yung mga binili ko kanina sa convenient store. Buti na lang talaga at nakapagbayad na ako, kung 'di baka hindi ko na naabutan si Yana at nakasakay na siya ng jeep.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya sa akin habang nagseseat belt. Katabi ko siya.
"Secret," tangi kong tugon bago paganahin ang makina ng kotse ko at magsimulang magmaneho. It's been a while since I last visited that place. At paniguradong magugustuhan niya roon tulad ng pagkagusto ko sa lugar na 'yon.
Tahimik naming binaybay ang daan patungo sa kung saan ko siya dadalhin. It's 7 pm sharp pero marami pa ring kotse. Sabagay, maaga pa naman.
Napatingin ako kay Yana pero saglit lang dahil nagmamaneho ako. Nakita ko siyang walang emos'yon na nakatingin sa dinadaanan namin at nakasandal ang ulong bahagi sa bintana ng kotse. Gusto ko siyang tanungin kung ayos na ba siya, pero obvious naman ang magiging sagot niya. Isa pa, gusto kong madala ko muna siya sa lugar na 'yon bago ko siya tanungin. Baka dito pa siya sa kotse umiyak.
May 30 minutes din kaming bumabyahe at nakatulog na si Yana. Pasulyap-sulyap ako sa kaniya habang natutulog siya. Sobrang sarap niya lalong pagmasdan kapag natutulog. Sobrang peaceful. Mas lalong umangat ang ganda niya. Parang wala siyang problema. Sana nga gano'n na lang.
Huminto kami sa harap mismo ng lugar kung saan ko siya gustong dalhin. Ayoko muna siyang gising dahil mukhang wala pa siyang tulog. Malamlam ang mga mata niya kanina nang makita ko siya sa tapat ng convenient store. Halatang tuyo't na ang iyak na niluluha niya at napuyat kaka-iyak. Kung sana kaya ko lang maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Wait. Yes, I can endure it. Through loving her deeper. And letting her know that I'm here to listen and to love her.
But will she accept the way I will endure the pain?
Lumapit ako sa kaniya para mas lalong makita ang mukha niya. Nilagay ko sa likuran ng tainga niya ang kumawalang hibla ng buhok sa ipit niya. And there, I saw how beauty Yana is. My heart beats faster. Dinig na dinig ko ito habang nakatingin ako kay Yana.
Bakit ba ganito ang dulot mo sa'kin?
Napa-usog kaagad ako nang bigla siyang dumilat at mapa-ayos ng upo. Napatingin siya sa akin at sa labas ng bintana. "Nandito na ba tayo?" Tanong niya sa akin habang kinukusot niya ang kaliwang mata niya.
Tumango ako. "O-oo."
Bumaba ako ng kotse para pagbuksan siya ng pintuan. I know this isn't me dahil hindi naman talaga ako gentleman. Pero siguro dahil mahal ko ang isang 'to, nag-iba ako.
"What is this place?" Tanong sa akin ni Yana habang nakatingin sa kabuuan ng lugar.
"H-hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ko sa kaniya pero lumingon siya sa akin. Doon ko nakitang lumuluha na pala siya kaya nag-alala ako na baka nga hindi niya nagustuhan ang lugar na pinagdalhan ko sa kaniya. "I'm s-sorry kung hindi mo nagustuhan. Gusto mo ba na sa iba na lang? M-may iba pa akong ibang alam n-na lugar," utal kong saad.
"N-no," sabi niya habang lumuluha. Napa-upo siya sa sahig. "Th-this is the most perfect place to cry out loud Juo. T-thank you," sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.
Tumabi ako sa kaniya at umupo sa sahig. "Akala ko hindi mo nagustuhan," mahina kong saad bago tumingin sa lugar na pinagdalhan ko sa kaniya.
Nasa pinakamataas na bahagi kami ng Baguio, kung saan kita ang lahat ng gusali. Ang ganda nitong pagmasdan lalo't gabi na at ang mga ilaw sa bawat kabahayan ang nagbibigay liwanag sa buong lugar. Dagdag pa ang lamig ng Baguio, at ang malamig na ihip ng hangin.
Ito 'yung napuntahan kong lugar noong umalis sila Jen sa Pilipinas at hindi ko matanggap. Dito ako nagsisi noon dahil hindi ko nasabi kay Yana na gusto ko siya. Pero kita mo nga naman, madadala ko pala siya dito sa lugar na 'to.
Umiyak ng umiyak si Yana. Hinintay ko siyang magsalita at maging maayos. Ito ang tamang oras para ubusin niya ang luha niya para kay Jimmy. Hindi ko siya pinatatahan. Kapag pinatahan ko siya, may maiiwan lang na luha at sakit sa kaniya kaya mas magandang ibuhos na niya lahat ngayon ang sakit na nararamdaman niya.
"Ubusin mo 'yan ha. 'Wag kang magtitira," paalala ko pa sa kaniya.
Tumango-tango siya bago umiyak ng umiyak. Para ngang hindi nauubos ang luha niya e. "Gusto mo bang magk'wento sa akin? I feel useless here," kunwari'y nagbibiro kong saad.
Hinintay ko siyang magk'wento. Hanggang sa huminga siya ng malalim, at kinalma ang sarili niya.
"Hindi ko pa rin tanggap," pagsisimula niya habang pinipigilan ang bawat paghikbi niya. "Nabalewala 'yung 1 and a half year na pagsasama namin dahil wala lang. Hindi niya pinaliwanag sa akin kung bakit ayaw na niya. Kung bakit sumuko siya. Kung bakit nakipagbreak siya sa akin. Walang dahilan. Basta ayaw na niya," pagtutuloy niya. Pagkatapos, sunud-sunod na pag-iyak na lang ang narinig ko.
Buti na lang at hindi puntahin ng tao ang parteng ito ng bagyo. Bukod kasi sa mataas, malayo na ang mga kabahayan dito. Mukha ngang ako lang ang nakaka-alam sa lugar na 'to e.
"Ju-Juo. A-ang s-sakit-sakit."
Ako din Yana. Nasasaktang nakikita kang umiiyak. Ang sakit-sakit na makita kang umiiyak.
"Ma-mahal ko 'yun si J-Jimmy e," sabi niya sa gitna ng mga hikbi niya. "H-hindi ko kayang tanggapin," dagdag pa niya kaya mas lalong sinaksak ang puso ko ng mga salita niya. Gano'n niya kamahal si Jimmy. Mahal na mahal na hindi niya kayang iwan.
"Pero kailangan Yana," wika ko. "You must move forward. Siya ang umayaw Yana, it's his fault," to lose someone like you.
"Pa-paano kung nagkamali lang siya? Pa-paano kung napagod lang siya p-pero after niyang magpahinga ba-babalik din siya sa'kin? Pa-paano kung ma-mahal pa rin niya ako? Pa-paano kung ma-mali lang ako ng d-dinig sa sinabi niya?" Umiiyak niyang tanong.
"I doubt about it Yana," hindi na babalik 'yun dahil hindi ka naman niya mahal. "Umiiyak ka ngayon because you heard it right. Ikaw ang nagsabi sa akin noon 'di ba, na marami pang babae sa paligid ko. Same to you, marami pang lalaki sa paligid mo," 'yung tunay na nagmamahal sa'yo nasa tabi mo lang.
"Pero wala na akong mahahanap na k-katulad niya," wala na nga, pero nandito naman ako. Hinihintay lang na mapansin mo.
"What if, hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa? Pinagtagpo lang kayo pero hindi kayo tinadhana. Paano kung nasa paligid mo lang 'yung taong para sa'yo? 'Yung taong magmamahal sa'yo ng sobra-sobra? Paano kung all this time may taong nagmamahal sa'yo ng palihim at hindi mo alam? Paano kung kaya wala ka ng mahahanap na tulad ni Jimmy ay dahil hindi naman tulad ni Jimmy ang para sa'yo?" Sunud-sunod na tanong ko sa kaniya.
Paano kung ako ang para sa'yo?
"H-hindi ko kayang ta-tanggapin."
"Tanggapin mo Yana. Hangga't hindi mo kayang tanggapin na wala ng kayo, sasaktan mo lang ang sarili mo. Hangga't hindi ka maglelet go from him, mas hindi mo makakayanang tanggapin. Hindi mo ba naisip na baka kaya siya nakipagbreak sa'yo ay dahil wala naman talaga siyang nararamdaman para sa'yo?"
Napalingon siya sa akin, kaya kitang-kita kong pulang-pula na ang nga mata niya. "A-anong ibig mong sa-sabihin?" Tanong niya.
"Paano kung simula pa lang, hindi ka na niya mahal? Paano kung simula pa lang, wala talaga siyang feelings sa'yo? Baka ikaw lang ang nagmahal Yana. Kaya gano'n kadali sa kaniya na makipagbreak sa'yo," which is the truth.
"H-hindi 'yon gano'n. Mi-minahal n-niya ako. Ma-mahal niya ako," madiin niyang sabi.
"Are you sure?" Tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Then bakit ka umiiyak ngayon dahil nakipagbreak siya sa'yo?"
Natahimik siya. Umiyak ng umiyak.
"You know how to release all that pain?" Tanong ko sa kaniya. "Think me as him. Sabihin mo sa akin lahat ng nararamdaman mo ngayon. Kunwari ako siya. Kunwari ako si Jimmy. Sabihin mo sa'kin lahat ng gusto mong sabihin sa kaniya."
Humarap ako sa kaniya. Akala ko hindi niya gagawin ang suggestion ko. Pero namalayan ko na lang na sinusuntok na niya ako. Wala lang sa'kin 'yon as long as gumaan ang nararamdaman ni Yana. Gaano man kalakas at kasakit ang suntok niya, tinanggap ko lahat ng 'yon. Because I love this girl. I'm willing to get all the pain she's feeling.
"J-Jimmy, ba-bakit naman kailangan m-mong makipagb-break sa-sa'kin? Mahal na mahal kita e. Ma-mahal na mahal," sana para sa'kin na lang 'yang mahal na mahal Yana. "Alam m-mo bang wasak na wa-wasak ako ngayon? A-alam mo ba-bang hi-hindi ko kayang tanggapin? H-ha Jimmy?" Sabi niya bago napayuko at tumigil sa pagsuntok. "Nakakainis ka Jimmy. S-sobra!" Sigaw pa niya.
Wala akong ibang nagawa kung 'di ang yakapin siya. At iparamdam na nandito ako at iiyak lang niya ang lahat sa akin.
"Siguro nga tama ka Juo," diretso niyang saad habang umiiyak at yakap-yakap ko siya. "Baka nga hindi niya ako minahal simula pa lang," matapang niyang saad. Humiwalay ako sa kaniya. Tumitig sa mga mata niya at gano'n din ang ginawa niya. "Maybe you're right. I should move forward. Masakit pero dapat kong tanggapin. Wala na e. Nakipagbreak na siya," pinunasan niya ang mga luha niya.
"What will you do?" Tanong ko sa kaniya.
"After this, no more Jimmy. And the first thing I need to do is..." nilabas niya ang cellphone niya at binura ang lahat ng laman na pictures no'n. "...delete all memories with him," pagtutuloy niya.
"I'm happy for you," sabi ko sa kaniya. "Hindi ka pa man totally moved on, at least alam kong sooner, you will."
"Thank you Juo. You came and listen to me. Salamat sa pagdadala sa akin dito. Salamat dahil nandito ka para makinig sa akin. Siguro kung hindi mo ako dinala dito at hindi ko nasabi sa'yo lahat ng hinanakit ko, hindi ko alam kung ano na nangyari sa'kin," nakangiti niyang saad. Umiyak siya bigla.
"Oh, bakit? Hindi ka pa rin ba okay?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya.
Umiling naman siya at pinunasan ang luha niya. "O-okay na ako. Naisip ko lang na kung matuturuan lang ang puso ko na magmahal ng tamang tao. Siguro tinuruan ko na 'to na mahalin ka."
From that moment, I froze.
"Na-naisip mong mahalin ako?" Gulat na tanong ko sa kaniya.
"S'yempre naman! You're too kind para hindi mahalin. Kahit hindi ka gentleman, maaalalahanin ka naman. Sino bang babae ang hindi mabibihag sa kagwapuhan ni Juo Salev?" Ikaw.
"Ibig sabihin minahal mo ako?"
"Crush lang. No'ng grade 12 hihi," aniya kaya natawa ako. That's enough for me tho. "Payakap nga!" Sabi niya bago lumapit sa akin at yumakap.
And with that.
I've fallen deeper again that I couldn't come up again.
--
An : longest chapter as of now hehe. Vote and comment? Pleaseee?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top