Chapter 36 - Wait
Chapter 36 - Wait
First practice today.
May dalawang araw lang kami para magpractice ng ipeperform sa student's day. But there's no sign of productivity since we started practicing. May kaniya-kaniya kaming ginagawa sa loob ng club headquarters na binigay sa amin ng SSC at school.
At ang dahilan kung bakit hindi kami makapagsimula?
Yana is not yet here.
She's almost 1 hour late at mukhang wala na siyang balak na umattend pa ng practice. Bigla tuloy akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ako mapalagay kahit noon pa niya ugali ang malate. Hindi naman kasi siya nag-abiso na hindi siya pupunta, kaya we're expecting na natraffic lang siya.
But, her sister is here. Hindi sila sabay ni Yana dahil may iba pa raw itong lakad bago sa practice namin. 'Yun ang pinanghahawakan namin kaya wala pa siya ngayon dito.
"Hanggang anong oras natin hihintayin si Yana rito?" Bored na tanong ni Bal habang nakahiga sa hita ni Jen.
"Kung hanggang anong oras tayo p'wede mamalagi sa school campus," sagot ni Jen habang sinusuklay ang buhok ni Bal gamit ang sarili niyang mga daliri. Sa p'westo nila, para silang highschool students. Bored na bored sila sa mga buhay nila.
"Eh hanggang anong oras ba bukas ang school?" Tanong ni Yara.
"Sabi ng SSC, 8 pm nagsasara ang school. 7:30 nagchecheck na sila manong guard ng bawat rooms," sagot ni Jen bago napatingin sa cellphone niya at napangiti. Nagtype ito sa cellphone niya, pagkatapos ay pinatay ito at pinagpatuloy ang ginagawa sa buhok ni Bal.
"It's already 5 pm. Meron na lang tayong halos tatlong oras. Nasaan na ba si Yana?" Sabi ni Yara. Kanina pa niya tinetext si Yana. Sinusubukan din niyang tawagan pero walang reply at hindi rin sinasagot ang mga tawag niya. "Nag-aalala na ako ha," dagdag pa niya. "Hindi naman ganito 'yang si Yana. Palagi 'yang nagrereply sa akin kahit isang letter lang o kahit emoji lang. Pero this time as in wala talaga."
Lahat kami napadako ang tingin sa pintuan nang bigla itong bumukas. Panandaliang lumabas ang malamig na hangin dulot ng aircon pero agad ding sinarado ng pumasok ang pintuan.
"Buti naman at dumating ka...na? Yana? Ayos ka lang?" Bungad ni Jen. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo kaya napatayo rin si Bal na kanina'y nakahiga sa hita ni Jen. Lumapit si Jen kay Yana at sinuri itong mabuti.
"Anong nangyari sa'yo? Bait namamaga ang mga mata mo? Bakit namumula ka? May lagnat ka ba? May masakit ba sa'yo?" Sunud-sunod na tanong sa kaniya ng kapatid niya.
Napatayo ako at tsaka ko tinitigan ang itsura ni Yana. Maga ang mga mata niya na halatang kakatapos lang umiyak dahil namumula pa ang mga ito. Namumula rin ang buong mukha niya at nakakuyom ang mga kamao niya. Magulo ang buhok niya at humihikbi siya.
"What happened?" Tanong ko sa kaniya. Mas lalo akong hindi mapakali nang bigla na lang siyang umiyak at yumakap kay Jen. "Hey, what happened?" Muli kong tanong sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong umiiyak siya.
"J-Jen... wa-wala n-na ka-kami n-ni Ji-Jimmy," pautal-utal na sambit ni Yana sa pagitan ng bawat paghikbi niya. Iyak siya ng iyak at patuloy sa pag-agos ang luha niya sa magkabilang mata. Halos ayaw na nga niyang bitiwan si Jen.
"A-ano!?" Gulat na saad ni Jen bago siya napatingin kay Yara.
"Pa-paano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yara.
"Hi-hindi k-ko a-alam. Ka-kanina bi-bigla ta-tapos a-ayun n-na," wala kaming naintindihan sa mga sinabi ni Yana dahil puro hikbi lang ang naintindihan namin. Kumuha si Yara ng tubig mula sa bag niya at pina-inom muna si Yana.
"Calm yourself first," sabi ni Bal sa kaniya. Pina-upo namin siya sa nag-iisang upuan sa loob ng room habang umiinom siya ng tubig. Iyak pa rin siya ng iyak kaya wala kaming ibang nagawa kundi ang hintayin na kumalma siya. Hindi muna namin siya tinanong, pero alam na namin kung bakit siya umiiyak.
"Ayos ka na ba?" Tanong ni Jen sa kaniya. Marahan namang tumango si Yana, na umiiyak pa rin pero hindi na katulad ng kanina. Humihikbi pa rin siya, pero hindi na rin tulad ng kanina na puro hikbi lang ang naririnig namin sa kaniya. "Anong nangyari?" Diretsong tanong ni Jen. Naging seryoso ang aura naming lahat at naghihintay sa sasabihin niya.
"K-kasi kanina, ba-bago ako pumunta ri-rito nagtext si Ji-Jimmy sa akin na magkita raw ka-kami ka-kaya pinuntahan ko siya. A-akala ko namiss ni-niya ako at gus-gusto niyang makipagkwentuhan lang. Pe-pero..." muling umiyak si Yana. Napakuyom na lang ako ng kamao ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sitwas'yon na 'to.
Ginawa pa rin ni Jimmy ang plano niya.
"Bakit daw? Eh wala naman kayong kaproble-problema e. 1 and a half years na kayo. Next week monthsary niyo na 'di ba? Bakit daw? Sawa na siya sa'yo gano'n? May iba ba siya?" Sunud-sunod na tanong ni Yara.
"Yun nga eh. Wa-wala kaming problema. A-ang sa-sabi niya s-sa akin, hi-hindi ni-niya raw talaga ako mahal. Ma-maiintindihan ko rin daw 'yun sa susunod na mga a-araw," halos hindi na matapos ni Yana ang sasabihin niya dahil puro iyak at hikbi siya. Punas luha pagkatapos ay yayakap kay Jen na para bang nanay niya ito at nagsusumbong siya.
"ABA ANG LAKAS NAMAN PALA NIYANG MAKAGAGZ! TANGENEMER ano 'yung 1 year and a half? Nanloloko lang siya gano'n? Ang galing naman niyang umarte. Napaniwala niya tayong lahat na mahal na mahal ka niya. Baka naman kasi may ibang nakita?" Inis na inis na sabi ni Yara pero umiling si Yana.
"Tinanong k-ko rin sa ka-kaniya 'yun. P-pero wala raw s-siyang i-ibang ba-babae," wika ni Yana.
"Eh ano nga 'yun!? Bigla na lang siyang nawalan ng gana gano'n? Walang specific na dahilan? For example, kaya ba ayaw niya ay dahil strict ang parents niya. O baka dahil nabading siya. Wala bang gano'n?" Tanong ni Bal sa kaniya. Tulad ni Yara, inis na inis din ito.
Binalot kami ng mga iyak ni Yana. Hinihintay namin na tumahan siya, pero inabot ng halos isang oras bago siya kumalma. Basang-basa na ang panyo ko na pinagamit ko sa kaniya para punasan ang mga luha niya. Look how deep she love Jimmy. Mas nasasaktan akong nakikita siya na nasasaktan. Kaya hindi ko gusto ang plano ni Jimmy e. Dahil alam kong magiging ganito ang senaryo. Mas malala pa sa inaasahan ko.
"Sorry guys. Pero tingin ko kailangan ko munang mapag-isa. Sana okay lang sa inyo na 'wag akong sumama sa performance ng sunshower sa student's day. H-hindi ko talaga kaya," sabi ni Yana kaya hanggang ngayon hinihimas-himas pa rin ni Jen ang likuran niya.
"Naiintindihan namin. Sayang lang at hindi ka makakasama sa unang tugtog ng banda natin," sabi ni Bal. "Hindi ba natin p'wedeng icancel 'yung tugtog natin?" Tanong pa niya pero umiling si Jen.
"Reserved na ang south stage para sa atin e. Kapag nagcancel tayo, kailangan may kapalit. Eh wala ng ibang banda rito sa school. 'Yung north stage para sa musical play. 'Yung south stage at west stage para sa dalawang banda ng CH. 'Yung east stage naman para sa performance ng dance group ng CH," Jen stated.
Wala kaming ibang nagawa kundi ang pumayag na hindi sumama si Yana sa unang tugtog ng banda. Nagpa-alam siya na aalis at magpapakalayo-layo muna. Gusto raw niyang magpahinga na muna at iiyak lahat ng sakit.
Alam kong hindi ang pag-iyak ang solusyon para maibsan at mawala ang sakit.
Pero isa 'yun sa mga masarap gawin kapag nasasaktan.
Mauubos din ang luha.
Pero hindi agad ang sakit.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Gusto kong makasiguro na magiging safe siya. Para kung may maisip man siyang gawin, alam ko kung saan ko siya pupuntahan.
"Hindi ko alam," walang emos'yon niyang sambit. "Magddrive ako kahit saan. Hindi ko rin alam kung saan ako mapupunta. But I promise I'll be okay, just give me time," aniya bago nagpa-alam sa amin.
Gusto ko sana siyang ihatid, pero naisip ko na mas kailangan niyang mapag-isa ngayon. Ganito ang pakiramdam ng masaktan, mas magaang umiyak mag-isa kaysa may kasama. Kasi ikaw lang naman ang nakakaramdam ng sakit. Ikaw lang naman ang may alam kung sa paanong paraan mo mapapahupa 'yung sakit na nararamdaman mo.
Hindi kami nakapagpractice. Binigay ni Jen ang lahat ng kantang pag-aaralan namin. May dalawang kanta kaming icocover, at tig-iisang kanta na original songs. Pagkatapos ibigay ni Jen 'yung title ng songs na kakantahin namin ng sama-sama, pina-uwi na niya kami. Sa solo performance, kaniya-kaniya na kami.
Habang pauwi, naiisip ko kung gaano nasaktan si Yana sa ginawa ni Jimmy. Mas lalo akong nasaktan dahil sobra ang iyak ni Yana. Gano'n niya kalalim na minahal si Jimmy.
Naguguilty tuloy ako. Kumbaga sa isang krimen, katulong ako ng suspect sa crime niya. 'Yun ang nararamdaman ko. Hindi yata tama na tinuloy ni Jimmy ang plano niyang makipaghiwalay kay Yana.
Napa-isip tuloy ako.
Mukhang kailangan ko nanaman maghintay ng mas matagal pa.
Hihintayin kong gumaling ang sugat sa puso ni Yana.
Hihintayin ko na maging ayos na siya.
Hihintayin ko kung kailan handa na siyang magmahal ulit.
Hihintayin ko 'yung tamang panahon para sabihin sa kaniya na mahal ko siya.
Hihintayin ko 'yung panahon, na tapos na ang paghihintay ko sa lahat.
And I'm sure, waiting is more than worth it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top