Chapter 30 - Weaknesses
Chapter 30 - Weaknesses
"Oh anong nangyari pagkatapos? Hindi mo pa rin ba nasabi sa kaniya?" Tanong ni Jen sa akin mula sa kabilang linya. Buti na lang at dala ko ang earpods ko, hindi abala ang phone sa akin habang nagmamaneho.
"Jen, hindi ko naman p'wedeng sabihin sa kaniya kanina. Kasama kaya niya 'yung boyfriend niya," sagot ko sa kaniya. Naikwento ko kasi sa kaniya 'yung nangyari kanina sa bar. Lahat ng nangyari. I trust Jen all these years. Marunong naman siyang magtago ng sikreto. Besides, kailangan ko ng taong mapagkukwentuhan.
Mula sa kabilang linya, narinig ko siyang pumalatik. "Owemji Juo. Hindi mo pa rin pala nasabi. Gusto mo ba pakidnap natin 'yang si Yana para masabi mo na sa kaniya? O baka gusto mo pasibat ko 'yang si Jimmy para happily ever after na kayo ni Yana?"
"Hayuf. 'Wag ganiyan. Ang sama naman ng mga suggestions mo," sabi ko bago huminto dahil nagred light ang traffic light sa kalsadang dinadaanan ko.
"Oh eh anong plano mo ngayon?" Kalmadong sabi ni Jen kaya natahimik ako ng ilang minuto, nakatulala sa numerong kulay pula na nagcocount down sa red light. "Juo? Hoy buhay ka pa ba diyan?"
"O-oo," tangi kong saad.
"Juo, kung ako sa'yo, sabihin mo na hangga't hindi pa huli ang lahat. Hangga't maaga pa," suhest'yon ni Jen.
"I'm late. Huli na ako Jen. May boyfriend na si Yana 'di ba?" Pagpapa-alala ko sa kaniya. Nagpatuloy ako sa pagbagtas ng kalsada when the traffic light turned green.
"Bobo!" Napangiwi ako sa biglaan niyang pagsigaw. Eh earpods pa ang gamit ko, sobrang lapit sa tainga ko. "Boyfriend pa lang. Boy...friend... hindi pa niya asawa tanga! 'Di pa huli ang lahat!" Aniya kaya napatikhim ako.
Tama si Jen.
Bakit ngayon ko lang naisip?
"But still, do'n din mauuwi 'yun. Yana loves Jimmy that her eyes sparks everytime she see Jimmy. Iba 'yung ngiti ni Yana kapag kasama niya si Jimmy. Parang wala siyang problema. Hindi niya kayang mawala si Jimmy sa buhay niya," wika ko habang inaalala 'yung mga mata ni Yana kanina na nakatingin kay Jimmy.
She took a deep breath. "Ikaw ang bahala Juo. It's your feelings. Not mine. Ikaw ang bahala kung anong gusto mong gawin. Basta paalala ko lang sa'yo, mas masakit 'yan kapag pinatagal mo pa. Mas masakit 'yan kapag totally late na ang lahat."
Huminga ako ng malalim bago magpark sa isang convenient store.
"Sige na Jen. Pauwi na ako. Matulog ka na," I said. Ibababa ko na sana 'yung telepono nang bigla pa siyang magsalita.
"Bukas nga pala, pupunta kaming Enchanted Kingdom. Nando'n kaming lahat. Yara and Bixby, ako at si Alas, si Francheska, Kuya Denden and ofcourse, Yana---"
"Kasama si Jimmy," I cut her off.
"S'yempre. Boyfriend e. Niyayaya sana kita. Baka lang naman gusto mo dahil may excess ticket ako. Dapat kasi kasama si Mama kaso may appointment siya tomorrow kaya she declined to come. So ano, sama ka ba?" She stated.
"Yeah, sure," tangi ko na lamang saad. Nagpa-alam na siya sa akin at sinabing isesend na lang niya ang mga details kung saan at anong oras kami maghihintayan. Binaba ko na rin ang tawag niya bago pumasok sa convenient store.
Bumili ako ng isang litro ng ice cream, cookies and cream dahil ito ang paborito ni Bea. I'm sure kahit lagpas 8 pm na, gising pa rin siya. Mas'yadong adik sa pag-aaral 'yun e. Isa pa, matagal na nang huli ko siyang bigyan ng pasalubong. Gusto ko nga ring magmovie marathon ngayong gabi. Kalalabas pa lang naman ng bagong Marvel Movie na Spider-Man far from home.
Nagbayad agad ako sa cashier bago lumabas at magdrive pauwi sa bahay.
When I came home, I got the message from Jen. Binigay ko sa kaniya ang number ko noong papunta kami sa ospital kung nasaan si Yana. No'ng nasa jeep kami at nakikinig siya ng musics ng BTS.
From : Jentot
Maghintayan na lang tayo sa main gate ng Enchanted Kingdom. 9 am sharp.
Sent 8:37 pm.
I kept my phone to my pocket at pumunta na sa loob ng bahay after kong ipark sa loob ng garahe 'yung kotse ko. And as expected, nasa sala sila Mama at Papa, naka-upo sa sofa at nanunuod ng mga panggabing teleserye sa TV. Si Bea naman, for sure nasa k'warto niya. Kung hindi nag-aaral, malamang naglalaro ng iPad.
"I'm home," I said bago nagmano kila Mama at Papa. Umakyat na ako sa k'warto ni Bea. Nakabukas ang pintuan niya kaya kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.
"Kuya?" Nakadapa si Bea sa kama niya at naglalaro ng kung ano sa iPad niya. Hindi siya nakatingin sa akin. One of her ability is to know who enters her room. That's kinda cool for me.
"I have something for you," malambing kong sabi bago lumapit sa higaan niya.
"What? Iwan mo na lang diyan sa table. Nagmomobile legends pa ako kuya," she said that made my jaw drop. "OMO! Kuya nakasavage ako!" Tumayo siya sa kama at nagtatatalon sa malabot niyang higaan. She didn't bother to look at me.
"Sige... ako na lang ang kakain nitong Cookies and cream na ice cream. 1 liter pa naman 'to. Sayang, ayaw ni Bea," I said kaya naman binagsak niya sa kama ang iPad niya. Kinabahan ako sa ginawa niyang 'yon. But after that, naramdaman ko na lang na nakayakap siya sa akin at pilit na inaagaw sa akin ang ice cream.
Got your weakness.
***
7 am, sharp.
Nagising ako dahil may nag-iingay sa kabilang k'warto. And that's Bea. Tili siya ng tili kaya ako nagising kahit gusto ko pang matulog.
Pagpunta ko sa k'warto niya, kinukusot-kusot ko pa ang mga mata ko. "Ano bang meron? Ang aga-aga tili ka nang tili," tanong ko kay Bea na nasa itaas ng kama niya at talon ng talon. Umiiyak din siya at may hawak na walis tambo.
"Kuyaaaa! May ipis sa ilalim ng kama ko!" She cried harder. Hindi ko tuloy alam kung tatawa ako o hindi dahil sa itsura niya. Namumula na siya sa kaka-iyak niya kaya naman I grab the slippers of hers na nasa bandang pintuan ng k'warto niya. Aangal pa sana siya na 'yun ang gagamitin kong crime weapon para patayin ang ipis pero natakot siya na iwan ko siya na may ipis sa ilalim ng kama niya.
"Nasaan naman?" Tanong ko habang nakasilip sa ilalim ng kama niya. Wala akong makita dahil mas'yadong madilim. "Wala naman e," I said, still trying to find any trace of cockroach. Pero wala talaga akong makita.
"KUYAAAA!" Tumalon si Bea at lumanding siya sa akin mismo. I gasp when she did that dahil pakiramdam ko nabali ang spinal cord ko. Niyakap niya kaagad ako at tinuro ang pader kung saan nakadikit ang mismong kama niya. "KILL IT OR I'LL KILL YOU KUYA!" She demanded.
Mabilis kong pinalo ng tsinelas 'yung ipis na agad bumagsak sa sahig. Winalis kaagad ni Bea 'yun palabas ng k'warto niya papunta sa trash bin. Diring-diri pa siya sa ginawa niya.
"So ano na?" Tanong ko sa kaniya. "Ipis lang takot na takot ka," pabulong kong saad habang naglalakad palabas ng k'warto niya at humihikab.
"Ipis, lang!? Kuya ang daming germs ng ipis. Hindi ka kasi nag-aaral kaya hindi mo alam kung gaano sila nakakadiri," giit niya.
"Whatever Bea. I'm going back to bed na lang. So can you please be quite as you can? Baka mamaya sila Mama at Papa pa ang magising mo," I said before leaving her room. Pero naglakad ako pabalik sa pintuan ng k'warto niya bago sabihing, "and next time, maglagay ka ng bygon sa k'warto mo. Para mas maging madali ang lahat para sayo."
Pumasok ako sa k'warto ko. I tried to continue sleeping pero hindi na ako makatulog. Bumaba na lang ako sa kusina at tumingin sa ref kung anong p'wede kong almusal.
"Cereal?"
Napalingon ako sa likuran ko. Nando'n si Bea at kumakain ng cereal na nasa mangkok at may gatas. Binabasa niya pa ang likuran ng box ng cereal, para bang mahalaga ang nakasulat doon dahil nakakunot pa ang noo niya na nagbabasa.
"No thanks. That's for kids," ani ko bago maghanap ng ibang kakainin sa ref. That's when I found this box of pizza kaya naman nilagay ko sa oven 'yun para initin.
"For kids?" Nakangangang sabi ni Bea bago napatingin sa kinakain niya. "Edi hindi na ako dapat kumain nito?"
"P'wede naman. Bata ka pa naman ah," sabi ko sa kaniya habang nakacross arms at nakasandal sa tapat ng oven. Nakatingin ako sa kaniya habang kumakain siya. Nagkibit balikat na lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Nang okay na 'yung pizza ko, nagtimpla ako ng coffee at kumain ng agahan.
My phone vibrated.
From : Jentot
Rise and shine Juo! It's 8 am. 1 hour to go before you see Yana. Yieee.
Sent 8:01 am.
Bigla akong napangiti sa nabasa. Ganito ang epekto sa akin ni Yana. Nababasa, naaalala o naririnig ko lang ang pangalan niya, sobra na akong natutuwa. Tumitibok na agad ang puso ko. Napakababaw.
"Kuya ayos ka lang? Para kang asong ulol?"
"Hoy! Ang bibig," giit ko sa kaniya. She giggled before ignoring me and continuing eating.
Hindi na mawala ang ngiti ko sa labi dahil sa text na 'yun. Alam na alam talaga ni Jen ang kiliti ko. Alam niya kung paano ako uutuin. 'Eto naman ako, nakangiti ngayon at utong-uto.
Nagvibrate muli ang cellphone ko at galing ulit ito kay Jen.
From : Jentot
'Wag masyadong ngumiti. Makikita mo si Yana... na kasama ang boyfriend niya :P
Sent 8:05 am.
At alam na alam din ni Jen ang ikabub'wiset ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top