96
Julliana Dwayne Lauren
10:00 AM
Raphael
baby, home na
pahinga ka po, okay? iniwan ko sa table mo 'yong macapuno atsaka 'yong adobong atay. please please kumain ka po
hindi na tayo masyadong nakapag-usap kanina. alam ko ayaw mo akong umalis. nakikita at nararamdaman ko 'yong unti-unti mong pagbitaw sa akin
alam ko by now, na-cut off mo na 'ko. baka naka-block na ako sa lahat ng socmeds mo. baka nag-iba ka na ng number o kahit ano na makakapagpaalis ng traces ko sa buhay mo
i'm sorry, baby. pasensya ka na hindi ko magawang mahalin ka sa paraan na gusto mo. pasensya ka na at kailangan ko umalis, iwan ka ng apat na taon
ito lang kasi 'yong nakikita kong paraan para maibigay ko na lahat sayo. para hindi mo na tignan na lason ang magmahal
sinabi mo sa akin na hindi naman kita kailangang mahalin nang mahal. sinabi mo na hindi ko kailangang ibigay lahat sayo
pero, juls, ayoko non. simula pa lang na nakita ko kung gaano ka kapurisigido mabago ang mundo, roon pa lang ginusto ko na ibigay lahat sayo
tinuruan mo ako, juls, eh. tinuruan mo akong mangarap nang mataas. mas nagkaroon ako ng dahilan na matupad 'yong mga pangarap ko kasi alam kong hindi lang ako ang makikinabang doon
mas nagkaroon ako ng will na i-pursue 'to kasi alam ko na nandyan ka sa pag-uwi ko. alam ko na kahit mahirap 'yong pagdadaanan ko sa loob, okay lang kasi uuwian naman kita, eh. alam ko sasalubungin mo 'ko ng yakap. alam ko na magiging proud ka sakin, alam ko na isa ka sa tatapik sa balikat ko kasi nakayanan ko, na-endure ko
baby, kinakaya kong iwan lahat dahil doon. alam mo bang sa tuwing nakatingin ako sa mga mata mo, para akong nanlulumo. nanghihina ako sa tuwing iniisip ko na maiiwan kita
kasi ayokong iwan ka
ayoko na mag-isa mo na naman haharapin lahat
fuck this
i'm sorry, baby. i'm really really sorry
mahal na mahal kita, julliana. sobrang mahal kita. mahal ko 'yang ambisyon mo. ayokong makita mo 'tong pagmamahal ko na sakit o lason
matatanggap ko na ayaw mo akong kausapin, ayaw mo pumunta sa reception rites, family visit, o kahit kapag na-recognize na 'ko as 4th class cadet
okay lang, baby. iindahin ko 'yon
pero hindi ako titigil. i will make you proud.
itaga mo sa bato, juls. isa ka sa papalakpak sa akin. gagawin ko lahat mangyari lang 'yan
Sent
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top