87
I won't starve my heart just so yours could crave me more
Hi, ganda.
Alam ko na hindi ka aabot sa point na babasahin mo 'to kung wala pa 'kong nasasabi sa 'yo sa personal. Alam ko rin sa sarili ko na kulang ang mga salitang masasabi ko kaya gusto kong nakasulat din sa papel 'to kung ano pa 'yong mga bagay na puwedeng hindi 'ko nasabi sa 'yo.
I wrote this after I found out that I was included in the final quota of those who were going to take the oath for cadetship. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko noong gabing 'yon. Para akong bata na excited sa first day of school pero kapag naiisip ko lahat ng maiiwan ko, para naman akong may cancer na may taning na ang buhay.
Julliana, ayaw kitang iwan.
Pero masyado kitang mahal para mag-stay ako. Gusto kong ibigay lahat sa 'yo, Juls, pero hindi 'ko maibibigay lahat kung hindi ako aalis.
Alam mo, ako lang yata ang problema rito kasi sa totoo lang, naiintindihan mo naman ang rason ko. Matalino ka, eh. Magiging abogada ka nga. Alam ko na hindi ka magagalit sa akin kung sakaling pipiliin ko 'yong opportunity na 'yon. Baka mas magalit ka pa kung palalampasin ko.
Pero hindi pala talaga madali. Akala ko kaya ko, akala ko mabilis lang ang apat na taon. Ang yabang ko, eh. Akala ko kaya ko i-endure lahat pero hindi. Iyong pisikal na sakit na matatanggap ko roon makakakaya ko pero 'yong wala ka sa tabi ko o 'yong wala ako sa tabi mo kapag kailangan mo? Iyon ang hindi ko kaya. Para akong sinasaksak kapag iniisip ko na haharapin mo mag-isa lahat.
Alam ko naman na kaya mo. Malakas ka, independent, kaya mo lahat, baby, pero hindi ko kaya na palagi kang magiging malakas. Hindi ko kaya na ikaw lang mismo ang tatapik sa balikat mo kapag bigat na bigat ka ng pasanin lahat.
Kasalanan mo 'to, eh. Ang dali mo kasing mahalin. Hindi ko masisisi ang buong Quezon City kung bakit mahal na mahal ka nila. Hindi ko masisisi ang mga bata kung bakit ikaw ang takbuhan nila.
Mahal kita, Juls. Ako ang talo sa usapan natin.
Sinubukan ko namang pigilan. Sinubukan kong hindi haluan ng puso. Pumayag ako sa sistema mo kasi baka sa ganoong paraan, manatili ka. Mas kakayanin ko kasi na may pirasong ikaw kaysa wala. Pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang mahalin ka nang patago. Hindi ko na kaya na walang puso.
I love you, Julliana, but I won't love you any less just to keep you or make you love me more. Ayokong gutumin ang puso ko para lang hanap-hanapin mo ako. I won't starve my heart just so yours could crave me more. Hindi pagmamahal sa 'kin 'yon.
Ayokong mahalin ka nang kaunti, nang tipid, at nang gipit. Gagawin ko lahat para hindi mo na tignan ang pagmamahal na sakit, lason, o hindi kapaki-pakinabang.
Mamahalin kita hanggang sa hindi ka na matakot magmahal.
- Raprap
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top