68

˗ˏˋ ꒰ ✉︎ ꒱ ˎˊ˗ [ notifications ] ˗ˏˋ ꒰ ✉︎ ꒱ ˎˊ˗

Google Calendar
May 5, 2026 - Birthday ni Mama ko wag kakalimutan !!!!!

ᝰ🚬

j 🔒 @hideoutnijuju

anong scientific explanation na kapag sobra kang masaya, may kapalit agad na lungkot? kailangan ba talaga nating itago kung ano ang nararamdaman natin para hindi agad bawiin ng mundo kapag masaya tayo?

j 🔒 @hideoutnijuju

happy birthday, mama. may tampo pa rin sayo yung batang ako.

j 🔒 @hideoutnijuju

ang hipokrita ko lang din pakinggan na ang laki ng tampo ko sayo pero hindi pa rin natatanggal sa routine ko ang kalkalin ang facebook account mo kasi doon lang nararamdaman ng batang ako na mahal mo ako

ᝰ🚬

Julliet Lauren • Public
March 7 20xx

marunong n maglakad ang julliana namin :)))) hehehehe baka sunod maglakad kana palayo kay mama


Julliet Lauren • Public
September 7 20xx

happy bday sa julliana namin ❤️❤️ mahal na mahal kita anak. ikaw ang kayamanan ko

Julliet Lauren • Public
October 9 20xx

ang dal2 na ng julliana namin. nagtanong p xia sakin kung mahal k b xia kz napalo k xia :((( anak sorry pagod lang c mama

julliana: mama mahal mo po ba aqoh? bakit mo po ako nipapalo. bad po sumigaw at mamalo
ako: sorry anak lab2 ka ni mama

d na po uulitin ni mama :(((

Julliet LaurenPublic
November 12 20xx

nagiskul n c julliana namin !!! #happymother hahahaha,,, anak glingan m s iskul ket d first honor kz proud n proud ang mama sayo i love u anak ❤️❤️

Julliet LaurenPublic
November 25 20xx

pborito nia tlg ang jollibee 😁😁 magkapakpak k kyah kakachicken joy m anak? pero oki lang trabaho kmi ni papa m para ayan ulam m lagi ❤️❤️ i love u anak

Julliet LaurenPublic
December 25 20xx

merry xmas sting lahat!!! slamat s Diyos binigay k nia smen julliana ❤️ ikaw ang dinasal k sa siyam n simbang gabi. i love u anak

Julliet LaurenPublic
January 15 20xx

prinsesa namin c julliana nakuuu wag k lng mabalitaan n nabu2lly k s iskul kakalabanin yan ni mama at papa 😡😡😡

Julliet LaurenPublic
December 31 20xx

hapi new year!!!!!! i love u julliana namin. sana mksama k p nmin ❤️❤️

ᝰ🚬

j 🔒 @hideoutnijuju

galit siguro ang Diyos sa inyo kasi ang dali niyong itapon yung mga binibigay Niya. sabi niyo masama magsayang ng grasya. kaya ba madali lang sa inyo pabayaan ako kasi hindi naman talaga ako biyaya?

j 🔒 @hideoutnijuju

sobra ko bang kulit ko noon kaya mo ako iniwan, mama? mabait ba yung mga bago mong anak kaya okay lang sayong iwan ako sa ibang tao? sobra ko bang ingay, mama, at nabingi ka sa mga iyak ko? pasensya ka na po. naiiyak lang naman ako kasi ibang tao na pinatatahana mo

j 🔒 @hideoutnijuju

hindi rin totoong prinsesa ako ni papa. hindi totoong mas mahal niya ako kaysa sa iba kasi ang totoo, sarili niya ang mahal niya. pareho sila ni mama. sila yung magandang halimbawa ng mga taong hindi handa sa pagiging magulang

j 🔒 @hideoutnijuju

pareho nilang namiss maging dalaga at binata hahahababahahahahah. tapos ngayon na may mga anak na kayo sa kanya-kanya niyong pamilya, handa na kayo maging magulang. mama, papa, galit na galit yung batang ako sa inyo pero siya rin ang pinakamasaya kasi hinubog niya kayo maging mabuting magulang para sa ibang tao.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #gangsta