47
📓 notes app ni julliana ganda 📓
reasons bakit gusto ko maging abogado



thank you sila nang thank you kasi ang sasarap ng food ☹️. sakin pati kay tita rocelle nagpapasalamat sila. hindi rin daw sila nakakakain ng fried chicken kasi wala silang pambili. kung meron man daw, paghahati-hatian nilang pamilya.
sabe ko pano kung 9 or 10 kayo sa pamilya? edi konting part na lang ng manok makukuha mo? ang sakit. ang bigat sa puso.
kaya yung mga magsasabe na kailangan lang sipagan ng mga magulang nila para maging successful, tangina niyo gago wala kayong puso. tingin niyo di sila nagdodoble/triple kayod para may mapakain sa mga anak nila?
kasi ako naniniwala ako na kahit magsipag ang isang tao, kung patuloy tayong inaabuso ng mga nasa itaas, walang mangyayari. kasi gago isipin niyo ha,,, babad yan sa arawan tapos kapalit ng effort nila, mababang halaga.
hindi talaga tayo aasenso kung patuloy tayong ginigipit ng gobyerno.
naiiyak ako kanina kasi ang genuine ng reaction ng mga bata. hinawakan lang ni raph kamay ko. alam niyo yung feeling na hindi ko na need magsalita kasi naiintindihan niya ko? ganun yung hawak niya sa akin kanina.
it was comforting. magaan sa puso.
basta ang wish ko sana maranasan ng mga bata rito kung paano maging bata. mag-aral, maglaro, magliwaliw - ganon dapat. hindi dapat nila iniisip kung meron pa ba silang makakain.
SANA MATUPAD NA BATAS KUNG SAAN DIREKTA TAYO SA MAGSASAKA BIBILI NG BIGAS !!! hindi pwede na grabe ang effort mula pagpupunla hanggang sa pag-aani tapos maliit na halaga lang kapalit??
#parasamagsasaka
#parasamgabata
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top