104
📗 journal ni raprap 📗
Page 05
To my dearest, Julliana
20 years is short. Let's make it longer?
Happy birthday, my love. Natanggap mo ba 'yong flowers? Sana natanggap mo, bebe. Sana nag-e-enjoy ka ngayong birthday mo. Sana walang birthday blues. Sana hindi nila tini-take for granted itong kaarawan mo. Kung sa paanong paraan mo man cinelebrate 'tong birthday mo, sana masaya ka, sana nag-enjoy ka, at sana marami ikaw nakain.
Ang sabi mo sa akin no'n, kapag birthday mo, ilalaan mo 'yon sa mga foundation tsaka sa mga bahay-ampunan. Bibili ka ng mga laruan at pagkain para sa kanila. Sabi mo rin magdo-donate ka sa mga eskwelahan na hindi masyadong nabibigyang-pansin ng gobyerno. Alam mo simula no'ng sinabi mo sa akin 'yong plano mo, walang ibang pumasok sa isip ko kung hindi sobrang buti mong tao. Hindi mo ginagamit 'yang pribilehiyong natatamasa mo sa makasariling paraan. Ano ulit sabi mo no'n, baby? Mula sa inyo, para sa kanila. Balik sa kabataan 'yong suporta na binibigay sa 'yo ng lahat kasi naniniwala ka na kapag hindi sila binigyang-halaga, hindi aahon sa hirap ang Pilipinas.
I'm very very proud of you, Juls. Ang yabang ko na naman niyan. Iyong Miss Universe ko ba naman na future lawyer, walang ibang ginawa kun 'di ang magmahal nang walang pag-aalinlanagan, tumutulong nang walang hinihintay na kapalit, hindi makasarili, na-i-inspire ang iba na maging mabuting tao, sobrang ganda pa - lahat-lahat na. Ang yabang ko. Ang sarap mo ipagyabang.
Sana rin hindi ka masyadong kinakain ng senior year mo, preparation mo sa Binibining Pilipinas, at sa law school. Magpahinga, okay? Huwag matigas ang ulo. Kapag may practice, huwag mo kalimutang ilagay sa duffle bag mo ang band-aid, tubig, panyo, tsinelas, at extra shirt. Huwag mo sagarin 'yong katawan mo na mag-practice nang mag-practice.
Again, happy birthday. Mahal na mahal kita, Julliana. Baby pa rin kita kahit 21 ka na.
- Raprap
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top