9
My hands were shaking after knowing that someone has discovered my secret. Ang hirap gumawa ng panibagong kuwento, ang hirap maging bagong tao sa mundo kung saan iniluwa na ako nito nang tuluyan. I really hated the thought of being found again after months of hiding.
It's an accident. It was not my fault.
What happened in my previous school is an accident. It's not a murder of passion. Hindi ko sinasadyang mabaril siya sa ulo.
My classmate was going to shoot himself at the first place. Gusto ko lang siyang pigilan. But what happened next is not what I think would happen. It's not what I planned to do.
Habang kinakausap ko kasi si Kevin, ang suicidal kong kaklase, may mga nakatingin pala sa amin. Ang grupo ng mga siga sa campus, yung mayayaman naming kaklase na laging nakakapasa dahil sa impluwensiya ng kanilang pamilya.
They recorded the situation. Hindi ko alam na sa oras na lapitan ko si Kevin, he'll immediately try to shoot his head. Nagawa kong agawin ang baril ngunit huli na nang maitutok ko ito nang hindi sinasadya sa ulo niya gawa ng panic at kaagad na mahila ang gatilyo.
Isang malakas na putok ang siyang umalingawngaw sa buong paligid, hindi ko na nga nagawang takpan ang tenga ko dahil nagulantang ako sa aking natunghayan.
Nakita ko kung paano sumabog ang ulo ni Kevin at ang bawat detalye ng dugong tumalsik mula sa butas ng ulo niya patungo sa sahig. Kasunod nito ang pagsalampak ni Kevin sa aking paanan, halos hindi na makilala ang mukha niyang nakatuon ang direksiyon sa akin.
Hindi ako makagalaw habang hawak-hawak ko pa rin ang baril na kani-kanina lamang ay tangan-tangan ni Kevin mula sa nanginginig nitong mga kamay.
After what happened, I heard some sounds of running footsteps. Agad akong tumakbo para tignan kung kanino nanggagaling ang mga yabag na iyon. At doon ko na lamang nakita ang mga kaklase kong lalaki na may dala-dalang video camera.
One ot them looked back into my direction. I felt my veins tightened as I realized that my bestfriend is going with them. Adam continued running along with those rich guys, leaving me on a possible worst case scenario of my highschool life...
Hanggang sa malaman ko na lang na kumalat na ang balita. Pinaghahanap ako ng mga pulis. I surrendered myself and told them what happened details by details. Sa umpisa, medyo nagdududa pa sila kung gumagawa ako ng kuwento.
Pero sa huli, nagawa ko naman silang kumbinsihin sa nangyari. Akala ko magiging ayos na ang lahat hanggang sa bigla na lang kumalat ang isang video clip. Ang video na nakuhanan ng mga kaklase ko.
Worst is... it was modified already. Pinutol nila ang ilang parte nito at itinira lang ang footage kung saan pumutok ang baril mula sa kamay ko na siyang nakatutok sa ulo ni Kevin.
Instead of looking at it in a perspective of saving Kevin and accidentally shooting him on the head, it looked like Kevin's fighting with me and I shot him point-blank afterwards.
That's what everyone thought after seeing that video footage and I was convicted as guilty.
Sinubukan ko ang lahat para kumbinsihin si Adam na tulungan ako. He's one of the witness of what really happened that day. But all of my efforts were in put in vain...
Adam turned his back at me. Scared that our classmates would assault him if he do.
Because of that, I tried my best to escape. Tinulungan ako ng mama ko. She helped me with all she can do. To the point that she contacted an old friend of her who could forge some papers to create a new identity for me.
From Lucas Reinhart, they named me Kent Harada. They even told me to think about a new story of my life. That I really came from an old town, a province. They even told me to say that my father left me when I was a child.
But all of it was a lie. A very big lie to save me from an unfortunate situation.
I was an innocent that was convicted guilty by the court. And I'm trying my best to save myself from a lifetime imprisonment behind the cold bars of jail.
Then here I am with the realization that someone just found out about my past.
Everything about my deep dark secret.
Hindi ko hahayaang mangyari to. Marami na akong nagawang pagbabago. Ako na si Kent Harada, I am not Lucas Reinhart anymore.
Lucas Reinhart was dead already...
~~~
Nag-iwan ng note si Cris sa likod ng papel kung saan nakalagay ang mga newspaper clippings na kaniyang inimprenta mula sa internet. He told me to call him and meet him somewhere that the two of us can talk privately.
Tinawagan ko siya at nagkita kami sa pinakamalapit na cafe rito sa Runic Arcana university. Minabuti naming wag magkita sa diner kung saan nagtatrabaho si Martin dahil baka mabulilyaso pa kami. Considering na ito ang pinakamalapit na puwede naming pagkitaan.
I skipped my afternoon classes just to meetup with Cris. Medyo mainit pa dahil tirik ang araw sa itaas habang nakatayo ako sa tapat ng Deborah cafe.
Pumasok ako sa loob at binati ako nang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa air-con na makikita sa pader sa loob nito. There are ten tables and five of them was already occupied, three from a local customer, and two from a college student. One of them is him.
Tumingin siya sa akin habang may kapeng nakapatong sa mesa sa kaniyang harapan. He fixed his reading glasses on the bridge of his nose and he looked at me with a chilling gaze.
Dahan-dahang akong naglakad papunta sa kaniya at saka ako umupo sa bakanteng upuan sa kaniyang harapan. "Pa'no mo nalaman ang tungkol sa nakaraan ko?"
Ngumiti siya. "Easy easy, Kent... or let's say, Lucas?" Kinuha niya ang tasa at sumimsim mula rito. "Dadating din tayo sa puntong yan. Um-order ka muna, don't worry, treat ko."
Hindi ako nagsalita at pinanuod ko lang siyang tumayo para lumapit sa counter. He ordered a coffee for me without even waiting for my own preference. Inisip niya yatang hindi ako o-order dahil wala akong ganang gawin ito.
Habang abala ang crew sa paghahanda ng order niya, tumingin naman siya sa akin habang may nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.
Iniwas ko na lang ang tingin ko at humarap ako sa mesa. Wala siyang dalang anumang gamit. At mukhang siya lang ang mag-isang nakipagkita sa akin.
A few minutes later, Cris came back while holding a cup of coffee. "Hindi man gano'n kaganda ang customer service nila rito, I can assure you that their coffee here is one of the best coffee you would ever taste," umupo siya sa puwesto niya bago niya inilapag sa harapan ko ang binili niyang kape para sa akin.
"Pa'no mo nalaman ang tungkol sa nakaraan ko?" Pag-uulit ko sa tanong ko.
Wala siyang ginawa kung di ang ngumiti. "Hindi ka pala mahilig magpaligoy-ligoy ano? O sige, total gusto mo ng prangkahan, sasagutin ko ang tanong mo," inayos niyang muli ang pagkakalapat ng salamin niya sa kaniyang mga mata. "May mga contact ako at sila ang gumagawa ng ilan sa mga bagay na hindi ko magawa. Isa na ro'n ang hacking. Mga advance computer related stuff na hindi sakop ng pinag-aaralan ko. To simplify it, one of my contacts is a computer genius. I asked him to dig some information from your past. Magugulat ka na lang sa inilaki ng improvement ng technology. Sa isang simpleng litrato ng mukha mo, nagawa niyang makakuha ng cross-reference nito sa internet. And guess what? Yung mga natanggap mo sa akin ang lumabas na resulta. Nakakagulat ang itinatago mong sikreto Lucas-"
"Wag mo akong tatawagin sa pangalang yan... please." I politely pleaded.
Bahagya siyang natawa. "Sige sige, hindi kita tatawagin sa tunay mong pangalan. Anyway, is that really what happened from your past? Kent?" Ngumiti si Cris na tila sinusubukan niya ang pasensiya ko.
"Oo, totoo na nangyari yon... pero hindi ko yun ginawa dahil ginusto ko. Isa yong aksidente." Mahina lamang ang boses ko habang nagpapaliwanag ako sa kaniya.
"If that's an accident, bakit nagtatago ka? Kung inosente ka, bakit nagpalit ka ng pangalan at bumuo ng gawa-gawang istorya tungkol sa buhay mo? Nagsasabi ka ba talaga ng totoo?" He fixed his reading glasses again. "Guilty people would certainly do that."
"Nagsasabi nga ako ng totoo. I will explain it to you."
I began telling him about what happened before. Details by details, I supplied enough information for him to grasp it whole. Wala akong iniwang impormasyon mula sa lahat ng naaalala ko. I want him to understand what really had happened.
Na hindi ako guilty sa nangyari.
Hanggang sa matapos akong magkuwento at tahimik lang siyang nakikinig. "I see. Your situation is quite problematic. Pero hindi nito mababago ang desisyon ko. Gagamitin ko pa rin to para sa simpleng negosasyon nating dalawa."
"Bakit ba kailangan akong madamay sa problema ninyo? Why don't you just leave me alone? Aalis ako ng Dormisteryo kung yun lang ang paraan para tigilan ni'yo ako."
"My, my. Prangka ka talaga kung magsalita. Pero hindi mo yan maaaring gawin sa akin. Hawak ko ang reputasyon mo. Hawak ko ang kalayaan mo, Kent. Simple lang naman ang gagawin mo, magiging espiya ka lang namin-"
I laughed. "Spy? Why do you need a spy? Nag-imbestiga na raw ang mga pulis sa Dormisteryo at wala silang nakitang anumang foul play sa nangyari kay Casey. Nasabi pa nga sa kin to ng mismong kapatid niya-"
"Yan nga ang rason kung bakit kailangan ka namin. Hindi kami nagtitiwala kina Kurt at sa mga kasama niya. Alam namin ang sukdulan ng mga kakayahan nila at ako na ang nagsasabi sa'yo, Kent. Hindi mo sila dapat pagkatiwalaan." His reading glasses slid down on his nose. Nagawa niya naman itong ibalik sa dati nitong posisyon at saka niya ako tinitigan nang mata sa mata.
"Pero bakit nga hindi ko sila kailangang pagkatiwalaan? Ngayon lang kita nakilala. Oo, hindi pa gano'n katagal nang makilala ko rin sina Martin pero mahirap namang maniwala sa taong ngayon ko lang nakausap," seryoso kong sambit sa kaniya.
Napasandal na lamang siya sa kaniyang upuan. "Hindi mo talaga ako maintindihan. Hindi ko sasabihin sa'yo ang lahat ng detalye dahil baka kung ano pa ang masabi nila sa iyo na mas lalo ka lang malilito. Simple lang naman ang kailangan ko, magiging spy ka ba namin... o malalaman ng lahat na isa kang alien na may murder crime na tinakasan sa nakaraan."
I looked around, no one seemed to care about our conversation. "Pa'no ko naman masisiguro na hindi mo ipagsasabi ang tungkol sa sikreto ko?"
Dahan-dahan niyang inilapit ang katawan niya sa mesa. "You just need to take my word. I'm not a liar. Wala sa dugo namin ang mga sinungaling."
I waited for him to talk more.
"Now, what's your answer?"
Agad kong inalala ang lahat ng maaari kong itaya rito. I might put my co-dormers' trust at stake and I might become a rogue in their eyes. Ang hirap maging double agent sa isang bagay na hindi mo naman talaga inaasahang kokontrol sa sitwasyon.
I just volunteer to help Kesha. I didn't sign up for this.
"Ano na, Kent?"
I gulped. "Sige. Payag na ako."
"Good, good." He smiled with his teeth showing like he's already a triumphant. "Tama ang naging desisyon mo."
He lend his hand for a handshake. Wala na akong nagawa kung di ang tanggapin ito.
"Madali ka naman palang kausap e," he looked at my coffee. "Inumin mo na yang kape mo habang hindi pa tuluyang lumalamig. Anyway, kailangan ko nang bumalik sa school, may klase pa akong dapat siputin."
He stood up. "Ngapala, aasahan kong may isang salita ka rin, Kent. Wala sa dugo namin ang mga sinungaling. Siguro naman alam mo kung anong ginagawa namin sa mga taong nagsisinungaling...?" Bigla siyang tumawa at saka ako tinapik sa aking balikat. "Nagbibiro lang ako. Alam ko namang may isang salita ka. Hihintayin ko ang unang report mo."
Then off he go, leaving me alone in front of my cold coffee...
What's happening on my life? Do I really need to jump to the rabbit hole?
~~~
Habang naglalakad ako pabalik sa school, may nadaanan akong tindahan na nagbebenta ng iba't-ibang klase ng pintuan at mga bintana. Nahagip ng paningin ko ang mga padlock na nakasabit sa isang tabi habang naka-display sa paligid nito ang iba't-ibang uri ng susi.
Naisipan kong bumili ng padlock kanina. Lalapit na sana ako para bumili ng isa pero nagdesisyon ko na lamang na lampasan ito...
That sealed the deal on whose side I would choose. I have never had a choice to begin with...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top