8
"No," ang simpleng sagot ni Kesha sa akin.
But I doubt she's telling the truth. That look in her eyes, she really know something I don't know. "Promise, wala akong alam kung sino ang salarin. Pero alam ko kung bakit siya nakakapasok sa unit ninyo."
"Bakit?"
Tumingin si Kesha sa paligid, wala namang nakapaligid sa amin bukod sa mga estudyante na padaan-daan, may nagmamadali, may tila naglalakad lang sa parke.
"Ninakaw ang spare key namin. I don't have an idea where it is. Kahit si Kyle hindi niya rin alam kung nasaan ang spare keys. Hanggang sa lapitan kami nina Martin, they asked us to find the responsible one who stole their undergarments," she shrugged. "At dahil hindi kami magkapalagayan ng loob, si Kyle ang umasikaso sa kanila. And she told them that we don't have any idea how to catch that thief."
"Wala ba talagang paraan?"
Nagsimulang maglakad si Kesha. "Wala. The owner of Dormisteryo didn't like the idea of installing CCTV cameras as it might invade the dormer's privacy."
We passed on a huge building with some big double doors, directing into the adminstration offices. Maraming estudyante ang labas-masok sa pintuan at karamihan sa kanila ay nagmamadali.
"Any other way? Like staying in Dormisteryo?"
Tiningnan niya ako na tila nagsasabing 'nagpapatawa ka ba?'. Kulang na lang at itaas niya ang mga palad niya at magsalita sa sarkastikong pamamaraan.
"We're not allowed to stay in an all male dormitory. Nandoon lang kami para magtrabaho," aniya. "Kapag natapos ang shift ko, dumidiretso na ako sa bahay namin. Bawal mag-stay kahit ang mga bisita sa Dormisteryo."
Whoah, I haven't heard of that rule. Mukhang istrikto ang Dormisteryo sa pamamalakad nito ng mga sarili niyang patakaran. I wonder why I can still feel the liberty of doing anything I wanted to do despite of living under a strict law-abiding dormitory.
"Hindi ko alam na strikto pala sa Dormisteryo. Ang akala ko iba siya sa mga dormitoryo na napuntahan ko. Like curfew?" Natatawa kong sambit.
"Ano ka ba siyempre kailangan din magbigay ng rules. Ang dami na ngang amenities ng mga dormer don compared sa ibang dormitory. Galante kasi yung may-ari." She smiled. "Anyway, hindi sa natutuwa ako sa nangyayari sa inyo, but I just can't help it. Sina Kurt kasi ang nabiktima. Baka kasi isipin mong natutuwa ako sa ganitong mga bagay."
I shook my head. "Naiintindihan ko naman. Pero gusto ko talagang malaman kung sino yung nagnanakaw."
Tumigil kami sa paglalakad sa gitna ng isang malaking bilog kung saan matatagpuan ang isang malaking fountain na may statue ng isang lalaki sa gitna nito. I looked at it with an amazed expression.
"Why don't buy more locks?" Kesha asked me.
"Oo nga... Puwede nga yan." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil tama naman si Kesha. If the thief has the spare keys which means he could open every other door in Dormisteryo, then we should install another lock that he couldn't give access to.
"See? You just need to think about it. Nakapagtataka nga at hindi nila naisip yon," napabuntong-hininga siya. "Considering na matatalino naman silang estudyante. Kilala sa ilang larangan, they can do everything they wanted to do."
"Thanks for that recommendation. Bibili ako ng pad lock mamaya," sabi ko.
"Anyway, IT ka rin? What's your block?" tanong niya sa akin.
I looked at my Identification card. "Block 9-"
"So magkaklase pala tayo? What a coincidence." She clapped her hands slowly. "It's my pleasure to meet you, Kent."
She lend me her hand for a handshake.
I took it. "Same to you."
"Anyway, thanks in advance for caring about my sister. It really means a lot to me. Mula nang mawala si ate, I only live alone in our house, trying to survive the following days." She looked around, we've seen a group of basketball players walking.
Kasama nila si Kurt at nakita kong nakatingin siya sa akin. Sandali lang kaming nagkatinginan dahil mabilis silang naglakad papunta sa direksiyon ng gate ng school premises. Mukhang hindi siya napansin ni Kesha dahil wala akong nakitang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya.
"Wait, mag-isa ka lang? Pa'no mo nagagawa yon? I mean, may mga bayarin sa bahay gaya ng tubig at ilaw-"
"Wag kang mag-alala. Mataas naman ang sahod ko sa Dormisteryo. Besides, living alone in a small house doesn't seems so expensive. Kaya kong mabuhay kahit mag-isa lang ako. Well at least hindi ako nagbabayad ng renta," she shrugged. "The thirteenth house in Rose St. belongs to my family."
Nakahinga naman ako nang maluwag. "Nasan na ba yung mga magulang mo?"
"They're gone."
"Gone? As in... dead?"
Tumango siya. "My father died in a tragic trainwreck. It was really devastating. Mabait na tao si papa at hindi niya deserved ang nangyari sa kaniya."
"Yung mama mo?"
Tinitigan ako ni Kesha nang ilang segundo. "She hanged herself in the attic. Nagpakamatay siya..."
Tila biglang nagdilim ang paligid dahil sa sinabi ni Kesha. Nakakalungkot isipin na maraming nangyari sa buhay nila, sa pamilya niya.
Namatay ang tatay niya sa isang aksidente, nagpakamatay naman ang nanay niya, at ngayon? Nawawala naman ang kapatid niya at hindi pa siya sigurado kung buhay o patay na rin ito...
"I'm sorry."
"No, ayos lang ako. Natutunan ko nang tanggapin ang lahat ng nangyari. What goes around comes around. Sa ngayon, sinusubukan ko pa rin ang lahat para mahanap ko ang ate ko. She's still there, somewhere. Hindi ako mawawalan nang pag-asang mahanap siya." She turned around and began walking again.
I followed suit. "Kesha..."
Lumingon siya sa akin.
"Seryoso ako sa sinabi ko sa'yo kanina. Tutulungan kita. Hahanapin natin ang ate mo."
Tumango siya at dahan-dahang sumilay sa kaniyang labi ang isang matamis na ngiti. "Thanks, Kent..."
Then we walked together on our way to our first class...
~~~
"Anong sabi niya sa'yo?" tanong sa akin ni Martin nang magkita kami sa school cafeteria. "May sinabi ba siya tungkol sa amin?"
Iilang estudyante lang ang makikita sa paligid. Considering that everyone has their own schedules, the cafeteria would still have a handful amount of teenagers and adolescents inside their premises.
Humigop ako sa straw ng inuming binili ko sa counter. "Meron, pero hindi naman masama. I mean, she's still angry of you. At sa iba pa nating kasama sa unit 16."
Sumandal si Martin sa likuran ng upuan niya. "Mukhang alam mo na ang tungkol kay Casey... hindi ba?"
Dahan-dahang akong tumango. "Technically. Nalaman ko lang to kaninang umaga at naging interesado lang ako sa kasong to. Ito ba yung dahilan kung bakit ayaw ninyong kausapin si Kesha?"
He nodded as soon as I dropped my question. "Oo, dahil kami ang pinaghihinalaan niyang dahilan ng pagkawala ng ate niya. Pero seryoso ako, wala kaming kinalaman sa pagkawala niya. Inosente sina Kurt, Clyde, at Reinald. Nagkataon lang na kami ang huling pinuntahan ni Casey nang araw na mawala siya."
"Tungkol nga pala diyan, sabi ni Kesha sa akin, nagpunta si Casey para kausapin ka. At nabanggit niya rin na magkatrabaho pala kayo sa diner na pinapasukan mo?" Sunod ko namang tinikman ang binili kong hotdog sandwich.
"Yup, we're workmates. Si Casey ang laging umaasikaso sa mga customer habang ako naman ang nagha-handle sa pagkain bilang assistant ni uncle Bob. Dahil do'n ay nagkakilala kami," Martin smiled. "Casey worked with me for almost two months. Naikuwento niya sa akin ang kapatid niya, si Kesha, na naghahanap ng trabaho para makatulong sa gastusin nilang magkapatid. Nagkataong bakante ang second shift ng receptionist sa Dormisteryo kaya ni-recommend ko sa kaniyang ipasok ang kapatid niya ro'n. As you can see, Kesha got the job. She's working there for so long habang kami ng ate niya ay masayang nagtatrabaho rin sa diner ni uncle Bob. Hanggang sa mangyari nga ang hindi namin inaasahang mangyari..." natahimik si Martin.
"I'm sorry," bulong ko at saka ko siya tinapik sa kaliwang balikat niya.
"Espesyal sa akin si Casey. We're almost there. That's why... I couldn't accept the fact that she's missing." Humigpit ang hawak niya sa baso ng malamig na tubig na nasa tabi ng plato niya.
Sabay namang may pumasok na mga kalalakihan sa loob ng cafeteria, they're all wearing the same varsity jacket. They're not basketball players at sa tingin ko ay mga soccer player sila.
Ibinaling kong muli ang atensiyon ko kay Martin. "Noong pinuntahan ka niya sa unit ninyo... ano bang napag-usapan ni'yo?"
Hindi sumagot si Martin bagkus ay tinitigan niya lamang ako. "It's something personal. Hindi ko puwedeng sabihin sa'yo."
"Pero-"
"Wag mong ipilit Kent. Kung iniisip mong may koneksiyon iyon sa pagkawala niya," tumayo si Martin. "Ako na ang nagsasabi sayong wala yong kinalaman sa nangyari."
Martin walked away, leaving me alone in this table. Mukhang na-trigger ko siya, bakit lagi na lang akong nakaka-trigger ng emosyon ng iba? Noong una, si Kesha, tapos ngayon, si Martin?
Napailing na lang tuloy ako.
Tatayo na sana ako para umalis ng cafeteria at maghanda sa susunod kong subject nang may umupo sa harapan ko.
He's taller than me and way much bigger compared to my size. "Ikaw si Kent Harada di ba?" His voice sounded deeper than Kurt's.
Hindi ko naituloy ang plano kong lisanin ang cafeteria. "Oo, bakit?"
He crossed his arms after putting his reading glasses on his eyes. "I'm Cris Colin. Boyfriend ako ni Casey at may gusto akong sabihin sa'yo. Sabihin na nating... narito ako para sa isang negosasyon."
Tumingin ako sa paligid, wala namang taong kahina-hinala rito. Kahit itong lalaki sa harap ko ay nakasuot lang din ng regular uniform. He's a criminology student and that gives me an impression that he's good on many things.
"Anong klase ng negosasyon?"
"Gusto kitang maging mata sa loob ng unit 16 kung saan nawala ang girlfriend ko. Hindi ako naniniwalang nagsasabi sila sa'yo ng totoo. They told you they're innocent but behind those words, they wanted you to believe the lies they formulated. Observe them, gather information from them, and report it to me immediately." Seryoso ang kaniyang pananalita, senyales na hindi siya lumapit sa akin para magbiro.
"Pero-"
"Ayaw mong makipag-cooperate? O sige, I'll tell you the consequences if you'll say no to me," May hinugot siya mula sa kaniyang bulsa at iniabot niya ito sa akin. "This papers may change your mind. Seryoso ako sa gusto kong gawin mo. Treat them like a suspect. Not a friend... not as innocent."
Tumayo si Cris at saka siya naglakad palabas ng cafeteria na tila walang nangyari.
Naiwan naman akong kaharap ang papeles na ibinigay niya sa akin. Binuklat ko ito at nagulat ako sa laman nito.
It contains things about my past. About the reason why I transferred here. It contains a lot of newspaper clippings talking about the boy who shot his classmate's head because of a simple misunderstanding.
It made my hands feel cold. Instantly, the whole place went humid to my senses. Bumagal ang takbo ng oras habang ang mga mata ko ay nakatitig sa litrato ko sa tabi ng isang artikulo...
At sa ilalim ng litrato ko ay nakaimprenta ang tunay kong pangalan:
Lucas Reinhart.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top